After We Ended

By heatherasteriaxx

126K 3.3K 1.5K

𝘈 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘣𝘦𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥. They say that love is sweeter the... More

After We Ended
Prologue
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
Epilogue
Special Chapter 1 (Happy 10K!)
Special Chapter 2
Special Chapter 3 (Happy 100K!)

19.

2.4K 69 30
By heatherasteriaxx

Hello! Sorry for not updating. May mga hinabol lang akong projects sa school kaya hindi ko pa naharap. :)

. . .

"Jace, pakopya nga ng assignment sa Math. Shuta, hindi ko nagawa!" umagang-umaga ay 'yun ang bungad ko kay Jace. Sumimangot siya kaya tumawa ako at umupo sa tabi niya.

"Sige na, please?" pinagsiklop ko ang mga palad ko at ngumuso.

"Pangit mo." umirap siya at binuksan ang bag niya. Maiinis na sana ako kasi tinawag niya akong pangit pero mukhang papakopyahin na niya ako kaya mamaya ko nalang siya aawayin.

"Thank you!" I cheered when he handed me his notebook.

Tahimik kong kinokopya ang mga sagot niya at siya naman ay inaantay lang akong matapos.

"Sa susunod aralin mo na. Malapit na ang exam, hindi na kita mapapakopyahan." seryosong sabi niya. Nag-angat ako ng tingin.

"Hindi ko nga kasi maintindihan. Turuan mo nalang ako?" I suggested.

Umirap siya kaya natawa ako pero natigil ako nang tumango siya. "Hindi naman ako busy."

Matagal ko siyang tinitigan at inaantay kong sabihin niyang joke lang 'yon pero mukhang seryoso talaga siya.

"Tapusin mo na 'yan, malapit na mag start ang first period." sabi niya at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya kay Joseph at Zian, mga kaibigan niya.

It's been two months since class started. May mga naging kaibigan na siya at kami naman ay medyo close na. Palagi kasi akong nangongopya sa kanya.

"Nakakairita siya, grabe!" napatingin ako kay Mindy na nagdadabog na umupo sa tabi ko.

"Huh? Sino?" tanong ko habang nagsusulat sa notebook ko.

"Si Zian! Naiirita ako sa kanya, ang pangit niya." pagmumuryot niya.

"Crush mo nga siya 'nung grade 8 eh, pinag-awayan niyo pa ni-"

"Manahimik ka nalang." sita niya at tinakpan ang bunganga ko. Natawa ako at tinanggal ang kamay niya at nag focus nalang sa pangongopya habang siya ay bunganga nang bunganga.

Nang dumating si Ma'am ay bumalik na si Mindy sa upuan niya at tumabi na ulit sa'kin si Jace.

"You done?" he asked. Tumango ako at ngumiti bago binalik ang notebook niya.

"Tuturuan mo ako ha? Sinabi mo na, bawal bawiin."

"Hmm, kailan ba?" tanong niya at inayos sa bag ang notebook.

"Bukas? Saturday naman na." I told him. Tumango siya at pinihit ang upuan ko dahil hindi pala nakapantay sa linya.

"Good morning, class." bati ni Ma'am na kakapasok lang. We greeted her back.

"May announcement muna ako bago tayo mag klase." she informed us while connecting her laptop to the TV in front.

Nang maayos na niya ay tumayo siya at may sinulat sa white board.

"I think you all know by now na malapit na ang Foundation Day ng school natin. It will be in two weeks. Each 10th grade class is tasked to have their own booths as a part of the program. Since kayo ang highest sa Junior High, kayo ang naka-assign dito." aniya at tumabi para makita namin ang nasa board.

'38th Foundation Day'

"There are 36 students in this class so I want you to group yourselves by 6 members para makabuo tayo ng 6 groups. Balanced dapat, hindi puro babae or puro lalaki lang sa isang group." she told us.

Kaagad kaming nagkatinginan ni Mindy at nagtanguan. "Sino pa?" she mouthed. Tumingin ako sa paligid at nang mapatingin kay Jace ay kaagad ko siyang kinalabit.

"Sama ka sa group namin, gusto mo?" I asked him.

"You can stand up to look for your groupmates, I'll give you five minutes." sabi ni Ma'am kaya kaagad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Si Mindy naman ay mabilis na lumapit sa'kin.

"Jace, gusto mo?" tanong niya sa katabi ko.

"Jace, may ka-group ka na?" biglang lumapit si Allanah, 'yung 'kaaway' ni Mindy.

"Oo, kami." si Mindy na ang sumagot. Nangunot bigla ang noo ni Jace.

"I never said yes though." bulong niya sa sarili kaya natawa ako.

"Pumayag na ba siya?" nagtaas ng kilay si Lanah.

"Hindi pa. Pero sure ako na papayag siya kasi ka-group din namin mga kaibigan niya." confident niyang sabi at biglang tinawag si Zian at Joseph na walang alam sa nangyayari.

"'Di ba ka-group namin kayo?" tanong niya at matamis na ngumiti. "Zian, um-oo ka, sisipain talaga kita diyan." mahina niya pang pahabol.

Ngumisi si Zian at pabirong inakbayan si Mindy. "Oo naman, bebe ko."

"Eww!"

Napaiwas ako ng tingin at mahinang natawa.

"Okay, it's settled. Lima na tayo, isa nalang kulang!" ngumiti si Joseph.

"Bitawan mo na ako, please lang." panguna ni Mindy at maarteng tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya ni Zian. Natawa ito at nang-aasar na ginulo ang buhok ni Mindy.

"Sino pa ba ang walang ka-group?" tanong ko at naglibot ng tingin.

"Uhm, ako?" biglang sabi ni Allanah.

"Hmm, sure!" tumango si Zian. "Awch, babe! Bakit ka nangungurot?" ngumiwi siya bigla at lumingon kay Mindy na pekeng ngumiti.

"Sorry, nadala lang ako ng excitement, oo." she smiled widely and leaned to whisper "bakit natin 'yan ka-group?! Ayoko, gaga ba siya?!" inis na bulong niya kaya napailing ako at natawa nalang

"Hayaan mo na."

"Okay, tapos na ba kayo? Magsama kayong magkakagrupo para madali kayong makapag-usap." sabi ni ma'am kaya padabog na umupo si Mindy sa likod ko at kaagad naman siyang tinabihan ni Zian. Sa likod nila ay si Lanah at Joseph.

"P'wede niyong ayusin at gawing pabilog 'yang mga upuan niyo, tapos mag-isip na kayo kung anong booth ang gagawin niyo." she told us kaya kanya-kanyang ayos na kami ng mga upuan.

"I think we should do a marriage booth!" Mindy immediately suggested.

"Tapos tayo unang ikakasal." asar ni Zian at inakbayan na naman siya. Kaagad sumimangot si Mindy at sinapok ang ulo niya.

"How about a mini cafè booth?" I suggested.

"Not bad." tumango si Joseph.

"Magbenta tayo ng mga cookies and cupcakes para may kakainin ang iba habang program." sabi ko pa.

"Gusto ko 'yan! Tapos samahan natin ng mga milkshake!" Dagdag ni Mindy kaya nagsitanguan kami.

"So gano'n nalang? I'm good with it, kayo ba?" tanong ni Joseph.

"Agree ako sa kahit anong sabihin ni bebe-babes ko." nakangising tumango si Zian.

"Okay lang sa'kin." tumango si Lanah.

Jace nodded and raised his hands to inform Ma'am Lena about our booth. Napag-usapan namin na sa bahay nalang nila Jace kami magbe-bake tapos dadalhin nalang namin sa school. Pumayag naman siya.

"Okay, so ngayong may idea na kayo sa mga gagawin niyo, pag-usapan niyo nalang ulit next week. Hindi na tayo magre-regular class 'pag natapos ang exam because it will serve as your preparations." sabi ni Ma'am sa'min.

"And reminder, exam niyo na this Monday and Tuesday kaya mag review kayo. Umaga ang schedule niyo." sabi niya at may dinikit na schedule sa gilid ng white board.

"Turuan mo ako bukas ha?" paalala ko kay Jace na tahimik na tumango.

Tulad ng usapan, nagkita kami ni Jace sa Mall para magreview. Dito niya sinabi, hindi ko tuloy alam kung saan kami magre-review dito.

"Saan tayo magre-review dito?" tanong ko.

"Sa bahay namin? Malapit lang dito, okay lang ba sa'yo?" tanong niya.

"Huh? Okay lang ba kung doon?" tanong ko pabalik.

"Mm-hmm." he nodded.

"Sige, tara." I smiled. Nag trycicle lang kami papunta doon, malapit lang pala talaga. Parang sa kabilang kanto lang.

"My mom and sister's here. Kilala ka yata ni Mama." sabi niya habang binubuksan ang gate nila.

"Ma, dito na po 'ko!" sigaw niya bigla. Humawak siya sa likod ko at pinauna ako papasok ng bahay nila.

"Kuya, pasalubong?" may babaeng biglang lumabas at sinalubong kami.

"Si Jenevive, kapatid ko." pakilala niya sa'kin.

"Hi po!" she greeted.

"Hi, Jenevive. I'm Ate Elise, friend ng kuya mo." pakilala ko.

"Ay, opo, kilala po kita kasi nakikita kita sa school." malawak siyang ngumiti.

"She's an 8th grader." bulong ni Jace kaya napatango ako.

"Si Mama?" tanong ni Jace.

"Nasa loob, pasok kayo." ngumiti si Jenevive at binuksan ang pinto para sa'min.

"Hi po, good morning." magalang na bati ko sa mama niya nang makita niya kami.

"Ay, hello, hija. Ikaw pala 'yung sinasabi ni Jace. Oh, siya, dito nalang kayo sa salas mag review, maghahanda muna ako ng meryenda niyo." nakangiting sabi niya. Tumango si Jace at pinaupo ako sa sofa nila bago nagpaalam na aakyat daw saglit para kuhanin ang ginawa niyang reviewer.

"Hi po!" nag angat ako ng tingin nang marinig ko ang kapatid niya.

"Hello, Jenevive." bati ko at sinenyasan kong umupo sa tabi ko.

"Ay, ate, Jen nalang po. Ang haba ng Jenevive eh." sabi niya sa'kin bago umupo. Tumango naman ako at ngumiti.

"Parang kilala po kita, ate? Namumukhaan po kasi kita." aniya.

"Hnm, kalaro mo ako 'nung elementary ka. Grade six ako noon tapos grade four ka, naglalaro tayo ng tagu-taguan sa school noon. Naaalala mo?" tanong ko. Napaisip siya saglit at maya-maya ay napatango.

"Ay, opo, ikaw pa pala 'yung kasama ko na napagalitan kasi nagtago tayo sa library." sabi niya kaya sabay kaming natawa.

Umalis na din si Jen nang bumalik ang kuya niya, magre-review na din daw siya sa kwarto niya. Kami naman ni Jace ay nagsimula na din mag-aral.

Nag recap muna kami sa lessons namin sa ibang subject. Nagtanungan kami ng mga possible na lumabas sa exam at inuna namin ang mga naka-schedule sa Monday. Sa Tuesday pa kasi ang Math.

"Okay, I think we're done." sabi sa'kin ni Jace at inayos ang iba niyang notebook. "You ready for Math?" tanong niya kaya napanguso ako pero tumango pa'rin. Kumagat muna ako sa tinapay na binigay ng mama niya kanina sa'min bago dinampot ang ballpen ko.

Hindi naman pala gano'n kahirap ang topic namin ngayon sa Math, hindi ko lang talaga maintindihan 'yung way ng pagtuturo ng Math teacher namin. Mas magaling pa mag turo si Jace eh!

"Gets ko na! Pero baka makalimutan ko na 'to sa tuesday." I grimaced. Jace chuckled and messed with my hair.

"We can do a recap after exams on Monday, halfday naman tayo eh. Sabay nalang din tayo mag lunch." sabi niya at inabutan ako ng baso na may juice.

Ininuman ko muna 'yon bago siya tinanong. "Sure ka? Okay lang sa'yo?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango.

Tinuro niya pa ang ibang topic namin sa math at maya-maya'y tinawag kami ng Mama niya para mag tanghalian.

"Elise, hija, 'di ba kaklase ka ni Jace 'nung elementary?" tanong ng mama niya habang nagsasandok ako ng kanin.

"Opo, Ma'am." tumango ako.

"Tita nalang, hija." she smiled at me.

We had conversations while eating, si Tita naman ay madaming kuwento tungkol sa mga kalokohan ni Jace 'nung bata siya kaya tawa kami nang tawa at si Jace ay nakasimangot.

"Thank you, Jace. Kita tayo sa Monday, recap ulit tayo bago mag exam." sabi ko nang pauwi na ako. Tumango naman siya at may inabot na mga index card sa'kin. Makapal 'yon at may binder ring sa gilid.

"Para saan 'to?" tanong ko at tinignan ang mga nakasulat. May mga math formula at mga step by step solutions na may instrusctions pa sa gilid.

"Math reviewer. I made that for you last night."

Continue Reading

You'll Also Like

988K 21.6K 32
Amasia Guarin finds it hard to find work after graduating until more than half a year looking for a job she finally landed one. But that one job that...
612K 12.2K 50
Brielle Liana Bernardo has a big crush on a dancer of their school, Daniel Andrew Mendez. She's trying her best to get his attention. She's doing eve...
753K 15.9K 47
Selah Juliana always wanted to please her father after their brother's death. Batas ang salita ng kanyang ama at para sa kanya ay walang makakaputol...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...