OTOKONOKO [PIP BL COLLABORATI...

By Ic3ythromycin

1K 132 66

Logan was forced to enter the club as a cross-dresser so that he could pay for his sister's surgery. At the s... More

P A N I M U L A
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
NOW PUBLISHED!

KABANATA 2

83 11 4
By Ic3ythromycin

LOGAN

ALAS SAIS na at nag-aayos na ako para pumasok sa trabaho. Nadalaw ko na rin si Yrich kaninang umaga at nagpupumilit na umuwi na lang siya para raw hindi na ako mahirapan. Dahil sa mga pinagsasabi niya ay nagkaroon kami ng tampuhan at hanngang ngayon ay hindi pa rin kami magkakaayos.

Malapit lang naman ang club kaya nilakad ko na lang ito, sayang din kasi sa pamasahe kung magje-jeep pa ako. Pagkarating ko ay wala pang mga costumer, mga staff pa lang ang nandito na naghahanda na para magbukas. Pinuntahan ko si Miss Nikz na nagpasok sa akin dito at inasikaso naman niya ako. Pumasok ulit kami doon sa kwarto na puno ng dami at wig, pinagpahinga niya muna ako bago niya daw ako meme-make-up-han.

“Ready ka na ba?” tanong niya at ibinigay ang salamin. Dahan-dahan ko namang binuksan ang mata ko at nabigla sa nakita. Hindi ko alam kung ako ba ito o ibang tao. Tumingin ako kay Miss Nikz ng hindi makapaniwala.

“Hindi na kita masyadong nilagyan ng kolorete dahil medyo pambabae na rin kasi ang mukha mo simula nung nilagay ko yong wig,” turan niya at humawak sa balikat ko.

“Hindi ko gusto ang nagsusuot ng pambabae, pero para sa kapatid ko ay gagawin ko ito,” Tumingin ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko.

“Ok, be ready dahil maya-maya ay magbubukas na tayo, pero bago yon ay ipapakilala muna kita sa ibang staff.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami lumabas ng kwarto.

“Guys, attention!” sigaw ni miss nikka para makuha ang mga atensyon nila. “He's Logan, but you will call him...uhmm...Cristine, he's our otonotoko at tyak akong lalong dadami ang costumer natin dahil sa kanya,” dagdag ni miss nikz.

Ipinakilala ko ang sarili ko sa kanila at ganun din ang ginawa nila. Ako lang ang nag-iisang crossdresser dito, apat ang waitress, dalawang bartender at dalawang guard. Naging close ako agad kina Jhobelle at Sammy na nagtratrabaho bilang waitress. Masaya sila kausap na tila ba walang problema na iniinda, gaya ko ay may mga problema din sila sa pera kaya pinasok na nila kahit ang pagtratrabaho sa club.

“Ito na ang ID mo,” Inabot sa akin ni Miss Nikz ang ID ko at itinuro ang iba ko pang gagawin. Madali lang ako matuto kaya kaagad kong nakuha kung anu-ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Pagpatak ng Alas dyis ay nagsimula ng dumami ang mga tao. As an Otonoko ay inaaliw ko sila mula sa pa-se-serve, pag-sayaw at minsang pagsama sa table nila. Nakakailang man ay pilit ko na lang na ipinapasok sa utak ko na kailangan ko ng pera.

Iba't-ibang klase ng tao ang nakaka-table ko, at pasalamat naman ako na wala pa akong nakaka-table na bastos.

Ayos naman ang first day ko sa trabaho, sadyang nakakapagod lang, pero kaya ko pa naman. Nang mag-a-out na aya, mas mabilis pa ako sa alas kwatro na lumabas ng club. Kailangan kong pumunta sa hospital at makipag-ayos sa kapatid ko.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa hospital ay hindi ko inaasahan na makita ang mga sugarol na ninakawan ko ng pera. Paalis na sana ako pero hindi ko namalayang meron  din sa likod ko. Kumalipas ako ng takbo paalis sa hospital, ayokong madamay si Yrich dito. Dahil sa malalim na pag-iisip ay napadpad ako sa lugar na wala na akong matatakbuhan pa, kung baga sa chess ay checkmate na.

“Nasaan ang pera namin,” hingal na tanong ng isa sa kanila.

“Wala akong pera na utang sa inyo.” Paatras lang ako nga paatras hanggang sa maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.

“Talagang wala kang inutang, dahil ninakaw mo 'yon,” galit na nakatingin ang sa tingin ko ay boss nila.

“Teka lang naman, mapag-uusapan naman natin 'to.” Itinaas ko ang dalawa kong kamay at mapait na ngumiti. Dapat pala hindi na muna ako nagpalit para hindi nila ako nakilala.

“Wala tayong dapat pag-usapan, dalawa lang naman 'yan. Ibibigay mo sa akin ang pera o...ang buhay ng kapatid mo.” Iniharap sa akin ang isang cellphone na kung saan ay nasa kwarto sila ni Yrich.

“P-Please, 'wag niyo siya sasaktan. Nagawa ko lang naman 'yon para sa kanya, para mabuhay siya,” pagpapaliwanag ko, pero mukhang wala silang ganang makinig sa paliwanag ko.

“Bla bla bla bla, ano? ibibigay mo ba o gigilitan ko na ng leeg ang kapatid mo?” Inilabas niya ang isang kutsilyo sa bulsa niya at pinaglaruan.

“P-Pwede ko bang bayarang paunti-unti?” Lumapit sa akin ang leader nila at mistulang sasaksakin ako ng kutsilyo kaya napayuko ako.

Nagtawanan sila, pinagtatawanan nila ako. Wala silang pinagkaiba sa mga kamag anak ko, sa mga pulis at kay Tito Romel. Lahat sila pinagtatawanan lang ako. Lahat sila pare-pareho ang ugali. Lahat sila masasama.

Nabigla ako sa sarili ko nang bigla kong sugurin ang leader nila at sinuntok sa panga nito na naging nagilan para magdugo ang labi niya.

Teka, naghahamon ba ako ng suntukan?

Pinunasan niya ito gamit ang hinalalaki niya at masamang tumingin sa akin. Binitawan niya ang kutsilyong hawak niya at galit akong sinugod. Nagawa kong makailag kaya napadausdos siya sa lupa. Lalo naman siyang nagalit dahil sa nangyari, tumayo siya at sinugod ako ulit. Sa pangalawang pagsugod niya ay doon niya ako nahuli, pinatumba niya ako at saktong sasapakin sa mukha nang may pumito. Mabuti at may dumating na guard.

“Pasalamat ka at may dumating, tsk” Dinuraan niya ang mukha ko at kumalis sa pagkakapatong sa akin. Kaagad kong pinunasan ang dura niya at inayos ang sarili.

Mabilis silang nakatakbo bago pa makalapit ang guard sa kinatatayuan ko. Chineck niya ako kung ayos lang ba ako at tinanong kung sino ba ang nakaaway ko. Hindi na lang ako sumagot at nagpasalamat lang sa kan'ya. Mabuti na lang tagala at dumating si Manong guard, dahil kung hindi ay hindi ko na rin mapapakinabangan ang mukha ko.

Hindi na ako natuloy sa dalaw kay Yrich kahit na gustong-gusto ko, ayoko kasing makita niya na ganito ang itsura ko. Minarapan ko na lang na umuwi sa bahay at magpahinga.

Kung bakit ko ba kasi naisipang nakawan ang mga kumag na yon.

Nagbitaw ako ng mga sunod-sunod na bunting hininga at inihiga ang sarili sa kama. Nakatutok ang atensyon ko sa kahoy na kisame at iniisip kung paano makakatakas sa mga sugarol na yon.

“Pwede.” Umayos ako ng upo nang may naisip akong idea. Kasabay ng idea-ng naisip ko ay ang mga pwedeng mangyari sa akin.

Binabalak ko kasing hindi muna magpalit at isuot pa rin ang costume ko bilang otonoko o crossdresser at doon na mismo ako sa CR ng hospital ako magbibihis, pero ang problema ay sa tuwing naglalakad ako papunta sa hospital ay may mga tambay at mga lasenggero sa daan, na kahit lalaki ako ay minsan na nila akong binastos. Paano pa kaya kung nagbihis babae na ako? Edi mas lalo nila akong binastos.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyaring pambababoy ni Tito Romel sa akin. Napatakip aki ng taenga at pakiramdam ko ay nandyan lang siya tabi. Pumunta ako sa gilid ng bahay at doon nag-iiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.

“Tito Romel, 'wag po, m-maawa ka po sa akin!” ilang beses kong sigaw. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa tuhod at pilit na pinipigilang umiyak. Ilang katok sa pinto ang nagpabalik ng wisyo ko. Pinilit kong ayusin ang sarili ko at humarap sa humatok na parang walang nangyari. Bumungad sa akin ang isang matandang babaeng kapit-bahay namin. Ang alam ko, kilala siya bilang si Manang Adel. Kasambahay siya sa isang kilalang pamilya at umuuwi lang ng bihira.

“May problema po ba?” tanong ko saka pekeng ngumiti.

“May narinig kasi akong sumisigaw at umiiyak, ayos ka lang ba?” halata sa mata niya ang pag-aalala. Nilibot niya ang mata niya sa loob ng bahay at kaagad din ibinalik ang tingin sa mga mata ko. “Ayos lang ba talaga ang lahat?” Pagtatanong niya ulit.

“Ahh, opo, nanonood po kasi ako ng TV baka po iyon ang narinig niyo,” pagpapalusot ko, sout pa rin ang pekeng ngiti.

“Ganun ba? S'ya sige, nandito lang ako sa kabilang bahay.” Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang hinimas. “Sige, mauuna na ako.” Hinawakan naman niya ang pisngi ko bago tuloyang umalis.

Kaagad kong isinara ang pintol at nagpadaos-dos pababa. Huminga ako ng malalim at yumakap ulit sa mga tuhod ko.

MADALING ARAW nang bumisita ako kay Yrich. Tamang-tama lang dahil wala doon ang mga humahabol sa akin.

“Alam mo ba Kuya...” bahagya siyang huminto at tumingin sa akin. “May bumisita na mga lalaki dito, tapos sabi nila kaibigan mo raw sila,”

Bigla akong nanghina nang sabihin niya iyon, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari kapag di ko nabayaran ang kinuha kong pera sa kanila.

“Bat ka natahimik kuya? may problema ba?” pagtatanong nito at balak sanang bumaba sa higaan niya nang pigilan ko.

“Wala naman, may iniisip lang...nga pala, sinaktan ka ba nila?”

“Hindi po, ang babait nga po nila sa kin, nagkwentuhan pa nga po kami. Tapos bago sila umalis sinabi ni Kuya Brix na ibalik mo na raw po ang kinuha mo. May kinuha ka po ba sa kanila?”

Umiling-iling ako at umapit sa kanya. “Sadyang maloko lang talaga sila,” hindi ko mapigilang umiyak habang yakap si Yrich.

“Umiiyak ka po ba?” hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya at pinilit na patahanin ang sarili sa pag-iyak. Ayokong makita niyang nagkakaganito ako. Ayokong malaman niyang mahina ako.

“I'm sorry, sorry.” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan siya sa noo. “I'm sorry dahil lagi na lang palpak si Kuya,”

“Kuya hindi ka naman palpak, pasalamat nga ako na ikaw naging kuya ko. Isang kuya na mabait, matalino, madiskarte at syempre gwapo, naks naman,” napatawa kami sa mga sinabi niya. Gustong-gusto ko kapag nakangiti at nakatawa siya, nakakawala kasi ng pagod at sobrang nakakahawa ng mga ito.

Hindi ko inakala na inabot na pala ako ng magdamag sa hospital para bantayan si Yrich. Nang makatulog siya ay kaagad din akong umalis at umuwi sa bahay para mag-ayos papuntang trabaho. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin at inaayos ang sarili.

“A blessing will come to me, manifesting,” cross finger kong saad bago tuluyang pumasok sa club.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 97 11
Isang istorya tungkol sa mga gay couples at mga kaganapan sa kanilang buhay na may kinalaman sa bigas. Bawat pamagat ay may kadahilan at matatalinhag...
382K 20K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
112K 1K 8
Muli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pag bubukas ng kanyang aklat ay ang pag...
7.5K 217 29
Paano kung nagka-gusto ka sa kapwa mo lalaki pero wala kang lakas ng loob sabihin ito. Ano ang dapat mong gawin? Itatago na lang ba ito o mag lalakas...