The Mafia's Illegitimate Chil...

By TheWeirdoGotBored

155K 7.2K 1.2K

( O N - G O I N G ) Eri Leticia Callidora Yvaine the daughter of a mafia boss has a 22-year-old mentality... More

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHOR'S NOTE
NOTICE
CHAPTER 7.5
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 9.5
CHAPTER 10
CHAPTER 10.5
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.5

CHAPTER 5

8K 557 146
By TheWeirdoGotBored

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 5

Guests
---------------------------
--------------------------------------

NATATARANTANG pabalik-balik ang tatlong kambal sa walk-in-closet ko at lalapit sa akin para bihisan ako ng kanilang kinuhang bestida at huhubarin sa akin at babalik muli sa loob. Halos mandilim na ang paningin ko sa pagkahilo dahil kanina pa sila pabalik-balik. Paano ba naman bukas na ang Tea Party na sinasabi nila, ni hindi nga ako aware na may a-attend-an pa pala akong party, kanina ko lamang nalaman pero hindi ang buong detalye.

Gaano ba ka-big deal sakanila ang party na iyon? At kailangang bongga ang isusuot ko?

Kung kailan gabi na ay saka pa naisipan mag handa ng isusuot ko para bukas. Baka naman bilisan niyo, hindi ako pwedeng mag puyat, masama iyon sa batang-katawan ko.

Hindi naman banquet ang dadaluhan ko kaya hindi ko na kailangan ng bestidang magara, magtsa-tsaa lang naman kami roon kaya nga 'Tea Party' eh, hindi na nila kailangan mag effort ng malaki.

"This one! This one will suit Fuyumi!" nagniningning ang mga mata na usal ni Twilight habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang bestidang naka-hanger at sa kaliwang kamay niya ay yung pares ng sapatos at iba pang accessories ng bestida.

Parang gusto ko na lamang maging hakdog sa freezer. Anong klaseng bestida iyan!?

Bakit ba hindi nawawala ang mga bulaklaking disenyo na pinasusuot sa akin ng tatlong bonak na ito. Siraulo ba sila? Gagawin pa nila akong paso. Hindi lamang iyon, para akong aattend sa isang kasal kapag sinuot ko ang bestidang iyon.

Kulay puti ang bestida at nababalutan ng bulaklak na disenyo sa dibdib nito gayon din sa pinakadulo nito sa ibabang bahagi ng bestida. May flower crown pa ito, at ang gloves naman ay may disenyo ring bulaklak, gayon din sa sapatos.

Ano ba iyan, nakakairita naman parati na lamang bulaklak, nakakasawa na. Maawa naman kayo sa akin mga hanimal.

"That's pretty! She will look like a fairy in that dress." malawak ang ngiting wika ni Midnight.

"I agree. I want Yumi to wear that too." tangong ani naman Nightfall. Langya, panibago ko na namang nickname. Hindi talaga kayo nauubusan ng ibang pangalan na maitatawag sa akin noh?

"Good! That's final! This one Winty will wear for tomorrow." anunsiyo ni Twilight at sabay na tumango ang dalawang tungaw---este kambal.

Sa wakas ay natapos na rin sila sa pagpili ng aking maisusuot, pwede na akong makapagpahinga. Iniligpit na nila yung mga bestidang na nagkalat sa higaan ko atsaka inilagay sa lagayan ng mga damit ko. Iniayos muna nila yung higaan ko bago nila ako pahigain. Nang makahiga na ako ay akala ko ay si Midnight na ang maiiwan at magpapatulog sa akin. Hindi ko akalain na tatabihan nila akong tatlo at patutulugin. Edi mas lalo akong hindi makakatulog nito.

"Goodnight sweetheart." ani Nightfall sa malambing na boses. Potek, bakit ba ako kinikilig? Bakit kasi nakakaakit yung boses niyo. Hindi lang iyon, iisa pa boses niyong tatlo pero magkakaiba naman yung way ng pananalita nila.

Hinimas ni Nightfall ang noo ko saka nito hinalikan.

"Sleep tight baby." usal naman ni Twilight saka ako hinalikan sa kaliwang pisngi ko.

"Sweetdreams little snowflakes." malambing na ani Midnight saka hinalikan ang kanang pisngi ko.

Hindi ko maiwasang kiligin lalo na't pinaliligiran ako nang naguguwapuhang ama, hindi man nila alam na advanced ang pag iisip ko, atleast malaya akong pagpantasyan sila...Biro lang.

Sino ba naman kasi hindi kikiligin? Tatlong magagandang nilalang ang humalik sa akin. Pakiramdam ko talaga nasa Harem world ako...Chos.

Kinakantahan ako ni Midnight habang hinahaplos nito ang noo ko, hindi ko alam kung anong klaseng kanta iyon basta iyon ang nakapagbigay antok sa akin hanggang sa hindi ko na lamang namalayan ay nakatulog na ako.

KINABUKASAN ay hindi mapakali ang lahat na narito sa bahay, dahil nga aalis na kami maya-maya. Nag-aayos pa lamang kami ng aming mga sarili para sa pupuntahan naming 'Tea Party'. Kaya heto ako ngayon ay binibihisan na ni Nightfall. Oo si Nightfall. Siya ngayon ang nakatoka na mag-aalaga sa akin ngayong araw, parati na lamang kasi si Midnight ang nag-aalaga sa akin kaya si Nightfall na ang nag presinta na siya muna ang mag aasikaso sa akin.

Matapos akong bihisan ni Nightfall ay sinapatusan na niya ako. Sa pagyuko nito sa aking harapan ay amoy na amoy ko ang mabango niyang katawan, anong pabango kaya ang gamit niya? Nakakaadik. Ang guwapo din niya ngayon...kahit na araw-araw ko silang nakikita rito sa bahay, at segu-segundo pa ay hindi ko parin maiwasang humanga sa kanilang angking kagandahang mukha. Sana lahat pinagpala. Kahit na alam kong iisa ang pagmumukha nila ay kakaiba parin kani-kaniyang karisma at awra.

"Done." ngiting sambit niya saka niya ako maingat na kinarga sakaniyang mga bisig.

Mas lalo kong nalanghap ang mabango niyang leeg. Wala sa sarili kong napayakap sakaniyang leeg at isinubsob ang mukha ko. Bigla akong nagitla sa ginawa ko, Putspa!

Napatigil si Nightfall at napatingin sa akin. Pati ako ay nagulat sa aking ginawa at napatingin din sakaniya. Bigla niya akong tinawanan dahilan para mas lalo akong lamunin ng kahihiyan. Gaga ka talaga Rei!

Anong pinaggagawa mo!?

Isinubsob ko na lamang ang aking mukha sakaniyang dibdib dahil ayokong harapin siya dahil sa kahihiyan na kagagahan na ginawa ko.

Buti nalang ay nakasubsob ako sa dibdib ni Nightfall kaya malaya akong langhapin ang mabango niyang amoy. Grabe napakamanyak ko naman sa lagay na ito.

"Oh! Nariyan na pala kayo." napalingon ako kay Twilight na nagsalita na hindi ko namalayan na nakababa na pala kami ni Nightfall. Masyado pala akong abala sa pagsinghot kay Nightfall kaya hindi ko namalayan na nakababa na pala kami.

"Where are the children?" tanong ni Nightfall. Napalibot din ang tingin ko sa paligid nang makita kong wala ang dalawang magkapatid na hapon.

Oo nga, nasaan na kaya sila.

Tanging sina Yujin at Ryuzaki at ang dalawa pang kambal ni Nightfall ang naririto sa sala.

Kilala ko na rin ang dalawang bisita na ito, dahil sa panay tawag ni Twilight sa pangalan ng mga ito nitong mga nagdaang araw.

"Already in the car outside the house." sagot ni Ryuzaki na ama ng dalawang bata. Tumango na lamang si Nightfall bilang tugon at nilingon ang dalawang kambal nito.

"Iisang kotse lang ba gagamitin natin?" tanong ni Nightfall kay Twilight.

Tumango muna si Twilight bago ito sumagot." Yup, and I lent Ryuzaki your car so he wouldn't use his van." ani Twilight saka nginitian ang kambal.

"What!?" nanlalaki ang mga matang nakatingin si Nightfall sa kapatid. "How dare you! You lent without me even knowing?" masamang tingin na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Twilight.

Aalis na nga lang lahat-lahat nagawa pang mag-away.

"Alangan namang gamitin niya yung van niya, eh dadalawa lamang ang anak niyang kasama. Pahiramin mo muna, ngayong araw lang naman eh." anito ka Nightfall na salubong ang mga kilay.

"Pahiram muna, cous. Hindi ko naman sisirain." ngingising wika ni Ryuzaki na hindi ko inaasahang magsasalita siya sa wikang tagalog.

Parati ko kasi siyang naririnig na nagsasalita ng wikang ingles at minsa'y naman sa wikang hapon.

“That's enough of that argument, let's leave before we're late
at the 'Tea Party'." ani Yujin saka sinuot ang shades nito at nauna nang umalis.

Nakangising iiling-iling na lamang si Ryuzaki saka sumunod na ring umalis.

"Let's go." ani Midnight saka sumunod na ring umalis at sumabay na rin kami hanggang sa makalabas na kami ng bahay. Pumasok na kami sa kani-kaniyang sasakyan. Naroon na si Yujin sa abo nitong sasakyan at sa kulay itim na sasakyan nama'y naroroon ang mag-ama.

At syempre narito ako sa malaking kotse ni Twilight kasama rin ang dalawa pa nitong kambal. Nasa unahan sina Twilight at Midnight. Syempre si Twilight ang magiging driver namin ngayon.

Narito naman ako sa dulo kasama si Nightfall. May sarili din akong upuan dito. May belt din upang hindi ako mawalan ng balanse at hindi rin madisgrasya.

"Maayos na ba ang lahat?" ani Twilight saka kami tiningnan gamit ang rear-mirror ng kaniyang sasakyan.

"Yup." - Midnight.

"Ahuh." -Nightfall.

"Owu!" - Ako.

"Good. Now, let's go!" saad ni Twilight saka sinimulang buhayin ang sasakyan at pinaandar.


"THE AKIYAMA Brothers, Yamamoto Family and Mr. Fujima are now entering." anunsiyo ng isang matandang lalaki na nakasuot ng isang uniporme na katulad nang kina Forger at Foros, pero mas maangas parin ang uniporme ng dalawang magkambal na matanda na naninilbihan kay Erden. Binati kami ng matanda nang makarating kami dito sa malawak, maaliwalas at napakagandang puting mansiyon.

"Welcome to De La Rue Palace." bati ng matanda kasabay nang pagbukas ng malaking pinto.

Bakit palace?? Diba mansiyon?? Baka gusto nila yung ibang level ng sosyal kaya ginawang palace yung mansiyon. Hindi ko rin naman maitatangging napakalaki nga nitong bahay kaya tinawag sigurong palace.

Tumambad sa aming harapan ang maluwag at maaliwalas na hallway. Mga naggagandahang paintings, vase at statues na nasisiguro kong napakamahal ang mga nakadisplay sa magkabilang gilid ng hallway na nadaraanan namin.

Akala ko pa naman may mga butlers and maids ang bubungad sa amin pagkapasok namin at babatiin. Ganoon pa naman napapanood ko sa mga movies.

Nag effort pa itong matanda na ianunsiyo na narito na kami, wala naman palang nakaririnig.

"So huge." nakangising ani Yujin habang nililibot ang paningin nito sa buong hallway.

"Tss, Erden’s Castello Palace in Germany is larger and more spacious than this Palace." biglang usal ni Twilight na ikinalingon naming lahat sakaniyang direksiyon.

Hindi ko alam kung bakit biglang nanlaki ang mga mata ng tatlong kambal nang banggitin ni Twilight ang mga salitang iyon. Ang dalawang kalalakihan at ang mga bata ay takhang nakatingin sa tatlong kambal. Ang matandang na nasa harapan namin ay tabingi ang ulong takhang nakatingin kay Twilight.

"No..Nothing Ha--Hahaha." awkward na ani Twilight at nag-iwas nang tingin sa amin.

Ang Weird naman nila.

Bakit ba 'Palace' ang tawag doon? Pero pagkakarinig ko kay Kieran noon , ay mansiyon ang tawag niya sa bahay ni Erden. Baka naman gusto ng demonyo kong ama na mala-sosyaling pangalan ang itawag sa tahanan niya.

Bumalik na kami ulit sa paglalakad at hindi na pinagtuunan ng pansin si Twilight. Nakatutok lamang kami sa matandang nauunang naglalakad sa aming harapan upang gabayan kami sa aming patutunguhan. Ngunit ang dalawang tukmol ay naririnig ko parin kahit hinaan pa nila ang kanilang boses.

"What the hell are you doing!?" dinig kong bulong ni Midnight kay Twilight na nasa likuran namin ni Nightfall na nakasunod lamang sa amin ngunit dinig ko parin ang kanilang bumubulong na boses kahit medyo malayo sila.

Haler! Malakas ata ang pandinig ko.

Hindi ko sila nilingon at hindi nagpahalata na naririnig ko sila. Tinutok ko ang aking paningin sa harapan ko na nakatalikod sa amin na sina Yujin at Ryuzaki pati ang dalawang batang nauuna sa amin.

"I... I'm sorry okay?" dinig kong depensa ni Twilight sa mahinang boses.

"Pinag-usapan natin noon pa na huwag na huwag natin babanggitin ang pangalan ng tatay ni Eri sa harap mismo ng bata, paano kung bigla siyang makaalala?" mariing wika nito at sa tono ng boses ni Midnight ay may bahid nang pagkapraning.

Pero bakit naman? Bakit ayaw niyong banggitin ang pangalan ng demonyo kong ama?

"As if? Bata iyan, hindi kaagad makakaalala sa mga taong nakasama niya noon. Umayos ka nga, ang OA mo." mariing wika ni Twilight sa mahinang boses pero naririnig ko parin.

"Kahit na! Eri was a smart kid, so it was very impossible for her to forget...Ouch! How dare you!" hindi na naituloy ang sumunod na sasabihin ni Midnight nang makarinig ako ng tunog ng paghampas.

Kita mo itong dalawang ito, nagawa pang humarot sa ibang bahay. Nakakahiya. Iisa pa pagmumukha...atleast hindi nakakasawa.

"Masakit iyon ah!" dinig kong angil ni Midnight. Hindi ko na napigilan ang sarili kong iikot ang katawan ko upang harapin sila sa likod.

Sabay na napaigtad ang dalawa nang makita nila akong nakatingin sakanila.

Nakataas ang kilay ko at nakangusong walang ganang tiningnan ang dalawang bugok.

"Abu?" walang gana ang mga mata kong nakatingin sakanila. Kahit na mahina lamang ang boses nila ay hindi ko alam sa aking sarili kung bakit naiingayan parin ako.

"Ah..Uhmm---Ehem! Ha..Hahaha, Hello baby." wala sa sariling ani Twilight na hindi malaman kung ano ang nais sabihin nito sa akin.

"Winty Baby." tawag sa akin ni Midnight saka niya ako kinindatan.

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sakaniya dahil sakaniyang ginawa. Para akong tangang umiwas ng tingin at itinutok ang atensiyon ko sa harap. Magtigil ka Midnight, hindi tayo pwede.

Pero pinag-iisapan ko parin na kung bakit ba kayo mukhang kinakabahan?

Eh ano naman kung banggitin niyo ang pangalan ng isang iyon? Wala naman na akong pakialam sakaniya. Hindi parin ako nakakamove on sa pinaggagawa niya sa akin.

"Here we are." anunsiyo ng matanda nang makarating kami sa pinakadulo ng hallway. Nasa harapan namin ngayon ang isang malaking pinto na gawa sa salamin.

Sinenyasan ng matanda ang dalawang bantay na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto at saka sabay na binuksan ang malaking pinto.

Bumungad sa amin ang mga kalalakihan na mukhang kaedaran ng magkambal at nina Ryuzaki at Yujin na nagtitipon-tipon at masayang nag-uusap. Napunta sa amin ang atensiyon nang makalabas kami galing sa loob. Oo sa labas mismo. Narito kami ngayon sa isang napakalawak, napakaganda at malinis na hardin.

May mga iilang bilog na table at upuan sa magkabilang gilid. Ang napaggigitnaan naman nito ay ang mga pagkain na nakahain sa isang mahabang lamesa.

Pero ang nakapagtataka ay bakit puro matatamis na pagkain ang naroroon? Kung puro kalalakihan naman ang naririto at ni isang babae na kaedaran nila ay hindi ko makita o mahagilap ng mga mata ko?

"Oh! The Akiyama Brothers!" bungad ng isang lalaking hindi pamilyar na mukhang kaedaran lamang ni Ryuzaki at ng demonyo kong ama ang lumapit sa amin. Pero hindi ko maitatangging may angking kaguwapuhan rin siyang taglay.

"Callen! It's nice to see you again, man!" nagagalak na wika ni Yujin nang lapitin niya rin ang lalaking nangangalang Callen at nakipagyakapan.

"Yeah! How have you been? Ang huling kita ko saiyo ay noong nasa Spain ka." may kinang sa mga matang nagagalak na wika ng lalaking si Callen at nakipagkamay kay Yujin.

"Tatlong taon ata? Hahahaha." ani Yujin.

Wala na akong naintindihan sa mga pinagsasabi nila at na-out of place na nang tuluyan.

Puchang gala naman, para sa mga kalalakihan lamang pala itong 'Tea Party' ni hindi man lang ako ininform.

Napakaboring naman pala nito kung ganoon?

"Oh! Ryuzaki! C'mon man! Ilang taon na rin tayong hindi nagkita." ani pa nitong si Callen. Nakibati na rin si Ryuzaki at ganoon rin ang tatlong kambal.

Sige lang mag reunion muna kayo diyan, habang ako mukhang tangang pinanonood ang teleserye ninyong magkakaibigan.

Grabe napaggigitnaan niyo ko, sumasakit na naman ang ulo ko sa kaingayan ng mga ito.

"Are these your children Ryuzaki? malalaki na rin pala."

Ayoko nang makinig bahala kayo diyan. Pinatirik ko ang aking mga mata paikot at isinubsob na lamang ang aking mukha sa dibdib ni Nightfall.

"What's the matter, snowflakes? Are you sleepy?" malambing na ani Nightfall sa akin.

Mabuti naman at nagawa mo pa akong pansinin, pero bahala kayo diyan wala akong balak makipagbonding sa inyong magkakaibigan.

"Woah...just woah." dinig kong ani Callen."Who is this child?"

"Oh! That's Frostine Winter yung sinasabi ko saiyo noong nakaraang araw noong nag email ako saiyo." ani Twilight.

Biglang napaarko ang kilay ko nang marinig ko ang pangalang binigay sa akin ng tatlong kambal. Ako ba pinag-uusapan nila? Naiba na kaagad ang topic?

Dahil sa kuryosidad ko ay iniangat ko ang ulo ko at tiningnan muna si Nightfall na nakatingin na rin pala sa akin. Matamis itong nakangiti at marahang hinaplos ang ulo ko. Ano naman ang nasinghot ng isang ito?

Nilingon ko yung taong na nangangalang Callen na nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.

Eh??

"Is..Is this your daughter what you're talking about, Twilight? She is so beautiful, why don't we get our child engaged to each other?" ani ng lalaki na ikinalaglag ng panga ng tatlong kambal at gayon din sina Ryuzaki at Yujin.

Lihim akong napangiwi dahil sa kaniyang sinabi.

Ogag ba siya??

Anong klaseng nilalang ba siya na irereto ang anak nito sa isang sanggol na kaka-isang taon ko pa lamang?

May ubo ba siya sa utak?



*
*
*
*
==================

HAPPY VALENTINE'S DAY!! Sweet gift ko sainyo. Pasensya na super late, ang dami kong ginawa nitong maghapon eh. Ang paasa ko talagang nilalang noh?

Btw, salamas nga pala sa mga bumati kanina! At sa mga nag-abang nang madaling araw, HAHAHAHA.

Please huwag na kayo magpuyat🙂

Continue Reading

You'll Also Like

207K 8K 57
May Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iini...
533 266 32
[ON GOING] Young, Wild & Free. That is how they described Sirene Fey Gutierrez. Born with luxuries, living queenly in wealth. She have everything tha...
270K 7.2K 13
(Pre-Book 2 of MFSBI) He's the eldest of the five brothers. Known as a prodigy in surgical operations, a talented doctor in his present age. Gifted...
538K 16.3K 53
(First book of Majestic Series) Erisha Frost Alvarez, a lady as cold as ice, trying to hide her identity for the execution of her plans. Seeking for...