A Campus Story

By CindyWDelaCruz

4.4K 61 0

They are all freshman with fresh dreams, but along the way, they will encounter different struggles, new kind... More

Prologue - First Day Hay!
Chapter One
Chapter Two - Kiss by Kiss
Chapter Three - Acquaintance Party
Chapter Four - Sino ang salarin?
Chapter Five - The Great Escape
Chapter Six - Dahil sa pagiging Tsismosa
Chapter Seven - Sa Loob ng Rest House
Chapter Eight - Hindi Ako Nakasagot, sa Halip ay Tumango
Chapter Nine - Student Council Election
Chapter Ten - It's Worth a Try Anyway
Chapter Eleven - Poprotektahan Kita
Chapter Twelve - Everything at its Right Place
Chapter Thirteen - Balik sa Pagyoyosi
Chapter Fourteen - Noong Nasa Highschool Ako
Chapter Fifteen - Life is Full of Contradictions
Chapter Sixteen - Isang Araw Bago ang Sportsfest
Campus Seventeen - Go Go Go!!!
Chapter Eighteen - Away na itich!
Chapter Nineteen - Chill Muna Saglit

Chapter Twenty - Movie Marathon

134 1 0
By CindyWDelaCruz

We long for escape

Let this memory take shape

For the heroes we often see

I don't know if it's me

Or the movies we've seen

I don't remember

As well as I should- Movie by Sponge Cola

Candy Chan

"Tuloy, tuloy kayo sa bahay namin!" masayang salubong sa amin ni Rainier. Araw ng Sabado at undas, kasama ko si Mart dahil balak mag movie marathon ng tropa. "Kayo na lang ang hinihintay eh."

"Sorry kung late kami ah. May dinaanan pa kasi eh."

"O ano, tapos na ba kayo mag enroll?" tanong niya uli sa amin. Pagkapasok namin sa loob ay nakita kong nakaupo ang buong tropa pwera lang kay Mayel. "Wala si Mayel, di makakapunta. May lakad daw sila ng pamilya niya. Pero dumaan siya dito kanina at nagiwan ng cake, pang food trip natin mamaya." ani Rainier na para bang masyadong obvious na na hinahanap ko nga si Mayel na ikinatango ko lang. Sem break na at hindi pa rin kami naguusap. Sometimes, iniisip ko nga bakit nga ba hindi ko siya kausapin? Kaya lang siguro hindi pa ito ang tamang panahon, kung ako kasi ang tatanungin, ay hindi ko pa kayang makipag ayos sa kanya, only time can tell.

"Nag enroll na kami kahapon, sabay kami Mart." sagot ko naman. 

"Dito na tayo Hon!" ani Mart na pumuwesto sa may carpeted na sahig dahil wala na ding bakanteng mauupuan. Tumabi nga ako kay Mart. Napansin kong magkatabi si Jake at Mia na hindi man lang natinag sa pagdating namin dahil kanina pa naghaharutan ang dalawa. Hmmm, I can smell something fishy here. At si Rainier at Kyle naman ay magkatabi sa may sofa at ngumangata ng popcorn. 

"Umpisahan na natin please nang tumigil na ang katabi ko dito." ani Mia.

Sinet up ni Rio ang ang CD player at saka nag roll ang palabas.

"Horror muna tayo ngayon ah! Halloween naman eh." aniya na mukha ding masaya kahit ba hindi na natuloy ang panliligaw niya kay Mia na mukhang kiinikilig kay Jake.

"Sure, no prob!" tugon naman ni Kyle. "Basta mamaya anime tayo ah!"

"Lahat ata ng category ay mapapanood natin ngayon." sabi naman ni Rio. "Just sit back and relax." Nakasarado ang mga kurtina at tama lang ang ventilation sa sala. Feel na feel ko ang theatre mood sa lugar na ito. Wow, exciting!

At dahil nga horror ang unang pinanood, panay ang yakap ko kay Mart habang siya ay hawak hawak ang dalawa kong namamawis na kamay.

Mayel Domiguez

Hindi na ako sumama sa movie marathon ng tropa. Bukod kasi sa nandoon si Candy ay may lakad kami ni Mama papuntang puntod ni Lola and afterwards ay may date kami ni Gene. Yup, I'm dating Gene now, ilang araw pa lang naman actually. And he's really a great guy, grabe, kasabay ko siyang kumain sa lunch at sabay na din kaming umuuwi pagkatapos ng klase. I can't believe I'm so over Jake and it takes a long time for me to realize it. Ngayon talaga ay masasabi kong I love what I'm in right now. Kahit ba hindi pa din kaming naguusap ni Candy. Dumaan na nga lang ako kanina sa bahay nina Rainier para iabot ang cake, nakakahiya din naman kasi sa tropa. 

Dalawang linggo lang ang sembreak at kung hindi ako nagbabasa ng mga pocket books ay ka text ko naman si Gene. "Ano ba yan anak, bukambibig mo naman palagi si Gene." puna ni Mama na nakakahalata na pala. "Nakakairita na, sa totoo lang. Mag seryoso ka naman. Magsindi ka na nga lang ng kandila diyan." At yun nga ang ginagawa ko. "Ba't di mo kaya sagutin yang Gene na yan? Gusto mo naman siya di ba?"

"Well Mama, gusto kong pahirapan muna siya no."

"Grabe ka naman, ngayon ka lang nagpaligaw ng ganyan katagal ah, iba na talaga yan. Basta huwag ka lang papabuntis!"

"Mama naman, of course no." tugon ko ng natatawa.

"Mamaya tumuloy ka na lang muna sa date mo at ako bibisita doon sa Lolo mo."

"Kamusta na po ba siya Mama?" tanong ko dahil these past few days nga, kahit sembreak ay hindi ko nabibisita si Lolo na matagal na ding naka- confine sa hospital dahil dumadalas ang pagatake nito sa puso. Sana nga lang ay gumaling na si Lolo.

"Ayon, ganoon pa din. Laging nagkwe- kwento tungkol sa Lola mo, alam mo na." Ganoon naman talaga si Lolo na walang ibang bukambibig kundi si Lola at ang kabataan nila. Napangiti ako sa naisip ko, ako kaya pag tumanda ako? Kaninong pangalan ang magiging bukambibig ko?

"Dadaan naman ako doon mamaya, isasama ko si Gene kung okay-"

"Anak okay lang yun no. Huwag kang magalala, basta wala ang Dad mo, alam mo naman yun."

"Opo." Pagkatpos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako kay Mama para pumunta sa meeting place namin ni Gene and to my suprised kahit maaga ako ng five minutes ay nandoon na siya, nakaupo sa isa sa mga benches. Kumaway sya sa akin hanggang sa makalapit na ako sa kanya.

"Sana hinintay mo na lang ako na makatawid."

"Okay lang, ano ka ba? Kaya ko namang tumawid at hindi naman kalayuan."

"So ano, game?"

"Well, sabi mo magiging memorable ang araw na ito para sa atin di ba?"

"May isang pabor lang akong hihingin sana." aniya.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" 

"Uhm, okay lang." nawi- wirduhan kong sagot. Ano naman kaya ang pakulo ng lalakeng to? 

"And our adventure will start here." madrama niyang sinabi.

Rainier Lacosta

Pagkatapos na pagkatapos ng unang movie na pinanood namin ay nagkaroo ng short break, nag toilet ang ilan at kumuha naman ng makakain ang iba. Ang katulad naman ni Mia ay nakikitismis. "So kayo na ba talaga ha Kyle?"

"Pwede ba Mia huwag mo ngang harasin ng ganyan si Kyle." saway ko kay Mia na daig pa ang ilan sa mga showbiz talk show. 

"Pwede ba Rainier, di naman ikaw ang tinatanong ko ah." sakto namang bumalik na ang ilan sa kanya kanyang inuupuan at hinihintay na lamang ang pagsagot ni Kyle. 

"Okay, nakakapagod na itong pagtatago namin kung halata naman di ba?" simula ni Kyle, magsasalita na sana ako nang pinigilan ako ni Kyle at sumenyas na siya na ang bahala. "Kami na ni Rain for I think mahigit isang buwan na." Nakita ko kung paano nagulat ang lahat.

"Sorry sa reaction Kyle and Rain ah, kahit kasi halata kayo ay iba pa din pag inaamin niyo, you know?" sabat naman ni Candy na ka-holding hands si Mart.

"It's fine." Kyle said calmly at muli siyang nagsalita. "Alam namin na ikapapahamak namin pareho pag nalaman ng school, alam niyo naman na conservative ang school di ba? Di rin pwede malaman ng mga parents namin so sana atin atin na lang. It's just that I wanted to protect Rain, and for the information for all of you, mahal ko na si Rain." Lalakeng lalake magsalita si Kyle, akala mo babae ang pinagtatanggol, ako lang pala. Sobrang na touch ako sa ginawa niya, siya ang unang lalakeng nagpahalaga sa akin, di ko inaakala na may magmamahal sa akin ng ganito. 

"At ano naman ang masasagot mo Rain? Mahal mo din ba si Kyle?"

"Oo naman, mahal din kita Kyle for your information." At nagtawanan at nag cheer ang lahat.

"Sayang ang gwa- gwapo niyo pa naman!" sabat naman ni Mia.

"Salamat sa ginawa mo kanina ah. Sobrang na touch ako kasi ang sweet mo." bulong ko sa kanya habang nanonood kami ngayon ng romance movie na ipinilit ng mga girls.

"Rain, I mean what I said at sa totoo lang, you are the reason why I''ve been so happy these past few weeks." Talaga? Am I really hearing this? Buti na lang talaga hindi ko dinedma ang lalakeng 'to dahil siya pala ang lalakeng magmamahal sa akin ng ganito. Kahit sa babae kasi ay hindi ko ito nararanasan. Dati, hindi ko hilig ang manood ng mga romance movies pero ngayon, tila nagiba ang pananaw ko sa mga palabas na gaya nito at siguro kahit ulit ulitin ko ang ganitong palabas ay hindi ako magsasawa. 

Mart dela Serna

"You know what I'm really happy na naging boyfriend mo ko." out of the blue na bulong ko kay Candy. Ang romantic movie kasi na napanood namin ay masyadong nakakaapekto sa akin. It's about a man and a woman na nagkainlove- an at pinaglaban ang pagmamahalan nila sa isa't isa kahit pa anong sakuna ang dumaan sa mga buhay nila. Meron nga lang isang instances na muntikan na silang bumitaw pero agad naman nila itong naisalba at na-realize din nila ang mga mali nila sa bandang huli, syempre happy ending. Napatingin sa akin si Candy. "Sorry sa mga short comings ko ah. I really wanted to be with you hanggang sa tumanda tayo, tulad ng nasa movie na yan."

"Alam mo Mart, kahit sobrang nadra- dramahan ako sayo, for your info ay kinikilig ako sa sinasabi mo." sabi niya naman sa akin. 

"Gusto ko sana ikaw na din ang babaeng mapapakasalan ko at makasama habambuhay." Napatingin siya sa akin, taking her eyes from the tv screen wari'y hinihintay ang susunod ko pang sasabihin. "You always makes me happy and I don't know where I am right now kung di man nag krus ang landas natin." Napangiti siya at hinagkan ako sa tainga saka bumulong.

"I love you Mart." ang tanging nasabi niya sa akin at pagkatapos ay tumayo at saka ako hinila. "Samahan mo ko mag CR." Nagtaka man ako sa mga sumunod niyang ginawa ay di na ako nagsalita. Di naman alintana ng tropa na mawawala kami ni Candy. Tumungo kami sa may kusina at saka ako isinandal ni Candy sa may pader. Nagsimula siyang halikan ako sa aking pisngi, sa ilong at saka sa aking labi. Maya maya lang ay lumalalim ang mga halik niya na gumigising sa iba't ibang sensasyon sa aking katawan. 

""What are you doing Candy?"

"Ayaw mo ba?" aniya na nagpatuloy pa din sa paghalik sa akin. Her tongue dancing with mine. Nanlalamig ang buo kong katawan sa mga ginagawa niya pero later on my instinct soon guided me. My right hand started to touch her hair and then her neck with my left from her shoulder to her breast na ikinasinghap naman niya.

"I love you Candy." I whisphered to her. She started kissing me in my neck while her hand is touching my hardness. At dahil hindi na ako makatiis pa ay niyaya ko siyang pumunta sa kwarto ng maid nina Rainier na day off ngayong araw na ito kaya wala sa bahay. "May I?" asking her permission para magpatuloy sa ginagawa kong pagtanggal ng damit niya.

"Yes Mart, you may. I'm ready" tugon niya and we started kissing again while I undress her hanggang sa nakita ko ang kabuuan niya. "Huwag mo lang ako iiwan Mart, okay?"

"Di kita iiwan I promise." Tinulungan niya akong hubarin ang suot ko and later on, we are both naked caressing each other's body. 

Rio del Grande

"Nakita niyo ba sina Mart, kanina pa yun ah sa banyo ah?" tanong ko to no one in particular.

"Huwag mo ng hanapin ang dalawang iyon. Nandyan lang sila sa tabi tabi." sabi naman ni Rainier na tutok na tutok na ngayon kay Kyle matapos ang isang romantic film na pinanood namin.

"Oo nga pala Rio, ano na nangyari doon sa niligawan mong prof?" tanong ni Mia na natigil sa pakikipag harutan kay Jake. "Di ba bawal ang makipag relasyon ang isang Prof sa estudyante niya?" Di ko inaasahan ang tanong na iyon galing kay Mia. Kibit balikat akong sumagot.

"Natanggap siya sa bago niyang ina- aplayan sa Makati bilang Artist Assistant, matagal na kasi niyang gustong magaral pa lalo ng Art kaya ayun, sa awa ng Diyos di ko na siya Prof ngayon." masaya kong pagsasalaysay. Nadesignated tuloy siya sa Makati at kasalukyan na siyang nakatira sa isang apartment boarding house doon. Nakakalungkot man isipin dahil nililigawan ko pa lang siya ay long distance na kaya lang ay wala akong magagawa dahil doon siya masaya. Siya kasi ang tipo ng babae na sinusunod ang lahat para lang masunod ang pangarap niya, at ang pangarap niya ay maging isang artist. Ilang linggo na din naman kaming nagde- date at kahit papaano ay mas nakilala ko siya ng husto. At sa ilang linggo na iyon ay nalaman ko na nasa probinsya ang mga magulang niya na may ari ng ilang hektarya ng lupain. Ginusto ng mga magulang niya na mag doktor siya na siya namang sinuway niya dahil mas gusto niya talagang magpatuloy sa larangan ng sining. Hindi siya sinuportahan ng mga magulang niya dito kung kaya't siya lang ang nagpaaral sa sarili at nang pumunta siya sa Maynila at nakipagsapalaran ay dito sa Cavite siya napadpad kinalaunan na sobrang ipinagpapasalamat ko talaga. 

"Sigurado ka ba talaga na tutuloy ka? Okay ka naman dito sa Campus ah, tsaka lilipat naman ako ng school kung ako lang ba ang problema mo dito." sabi ko sa kanya sa araw na bago siya umalis, pinahintulutan niya pa nga akong tulungan siyang mag impake ng mga damit niya.

"Rio, you know that that is not the problem. I really wanted to do this at ang maging assistant ang isang iniidolo kong artist is like a dream to me!" tugon niya sa akin.

"Alam ko hindi mo pa ako sinasagot pero pwede ba akong dumalaw sa apartment mo paminsan minsan?"

"Oo naman, bakit hindi. Binigay ko naman sayo ang address di ba?" Hinatid ko siya sa sakayan ng fx at nagkayakap kaming dalawa. "Napakabuti mo bilang kaibigan Rio, magiingat ka palagi ah."

"Ikaw ang magingat doon, Maynila pa naman yun basta dadalaw ako sa Sabado ah."

"O sige, text text na lang."

"Uy Rio, bawal ang tulala, mag cake ka muna o." yaya sa akin ni Jake na napansin pala na nagninilay nilay na ako dito. Inabot ko ang ibinigay niyang strawberry cake at saka sumubo na sakto namang paglitaw nina Candy at Mart na tila ba kagigising lang. Walang nagsalita at ang lahat ay tila walang nakita.

"Okay pagpatuloy na natin ang panonood!" anunsyo ko at saka isinaksak ang susunod na CD. Comedy film naman ngayon.

Miabelle Basco

Bwahahahahahahah! Di ko mapigilan ang pagtawa sa pinapanood naming palabas ngayon. 

"Mia, ano ba? Parang di ka babae ah!" saway naman ni Jake.

"Paki mo ba ha!" masungit kong tugon kay Jake. "Eh sa nakakatawa eh." At sumige pa uli ako sa kakatawa dahil sa isang scene sa palabas. Di ko namalayan na kanina pa pala nakatitig sa akin si Jake, tumaas ang kilay ko sa kanya na ang ibig sabihin ay bakit. Napailing lang siya kaya nagpatuloy ako sa panonood ng movie. Pagkatapos ng movie at nagsimula na naman ang kwentuhan, syempre break for a while. This time nagpa- order na si Rainier ng pizza at softdrinks at habang naghihintay ay lumabas si Rio para manigarilyo at ganoon din ang iba pa para magpahangin sandali.

"Nakakapagod din pala mag movie marathon, ilang movie pa nga lang ay ngawit na ngawit na ang pwet ko sa kakaupo." si Jake at ako lamang ang naiwan sa loob ng sala. Pareho kaming nakatayo ngayon at naglalakad lakad sa malawak na sala nina Rainier. Kahit wala ang Ina nito ay napapanatili pa din nilang malinis ang pamamahay. 

"Kamusta na nga pala yung inaaplayan mo?" tanong ko kay Jake na halatang walang tulog. May pinapasukan siyang computer shop ngayon at dahil nga holliday ngayon kung kaya't nakasama pa siya sa amin. Maliit lang ang sahod niya dito na pinagtya- tyagaan niya habang naghihintay pa siya sa resulta ng application niya sa isa sa mga sikat na fast food chain. 

"Ayon, tumawag na sila sa akin, maguumpisa na nga daw ako bukas. Kanina lang sila tumawag." sabi niya sa akin na hanggang ngayon ay nagi- stretch pa din. 

"Ah ganoon? Eh di magiging busy ka na naman."

"Lagi namang ganoon eh, pero alam mo yun kaya ko pa naman. Ayoko din kasing matigil sa pagaaral. The soon na maka graduate ako mas mabuti. Mas makakatulong ako sa amin ng Dad ko." Dahil madalas ko na ngang nakakasama si Jake ay naii- kwento na niya sa akin ang tungkol sa problema nila ng pamilya niya. "Si Mama nga pala tumawag kahapon." pagsisimula niya.

"O kamusta na daw?"

"Ayun, di ko na masyadong kinausap. Binaba ko din agad, sabi ko kasi busy ako pero sa totoo lang ayoko na muna siyang makausap talaga."

"May hinanakit ka pa din?"

"Di mo naman yun maiiwas Mia, pero ayoko ng magpakalungkot masaya na ako na ganito. Kasama ang tropa tapos magaaral tapos magta-trabaho. Somehow, I feel satisfied. Masaya na ako sa ganito although I know that this will not last forever. After four years, maghihiwalay na din tayo and who knows kung next sem ba ganito pa din tayo kaclose. Di mo din kasi masasabi ang panahon. People come and go as they say, at sa totoo lang, kayong mga kaibigan ko ang tanging nalalapitan ko. I treasure what you and I have, I treasure what we all have. Minsan lang ako makahanap ng ganitong mga kaibigan lalo ka na, these past few weeks you've been great to me." mahabang litanya niya. 

"Kahit ako ang tatanungin mo Jake, I treasure our friendship too, mahirap makahanap ng ganitong mga kaibigan. And you know what Jake, ako naman ay laging nandito eh. Kung may problema ko, text mo lang ako, I'll always be there."

Jake Constal

"Heto na ang pizzaaaa!" proklama ni Rio na hawak hawak ang dalawang kahon ng pizza. Sumunod naman na pumasok ang ilan pa naming kaibigan na nasa labas. Ang lahat ay pumalibot sa mesa habang pinapanood si Rio na tanggalin ang pagkakatali ng pizza.

"Anong flavor nito?" tanong ni Candy.

"Ano pa, eh di meat lovers." sagot naman ni Rainier na mukhang di makapaghintay sa pagkain. "Oo nga pala guys, may nakakalimutan ba kayo?" sabay sabay silang nagtinginan na para bang may kahulugan na sila lamang ang nakakaintindi. Sabay sabay silang tumingin sa akin na siyang nakakapagtaka.

"A- anong meron?" Ilang segundo ata silang tumahimik at pagkatapos ay sabay sabay na kumanta ng Happy Birthday song. Nagulat ako sa nakita ko at naririnig. Hindi ako makapaniwala. "Happy birthday to youuuu!!!" pagtatapos nila sabay nagpalakpakan. Halos maluha ako matapos iyon, "Paano niyo nalaman?" ang tanging natanong ko dahil wala naman akong naaalala na sinabi ko sa kanila ang detalyeng iyon.

"Actually malaking tulong ang friendster reminder!" sagot ni Mia na nakaakbay sa akin. "Kanina lang namin nalaman, buti na lang nag check ng friendster itong si Kyle."

"Guys, salamat talaga. Sa totoo lang kahit ako, nawala sa isip ko na birthday ko pala. I really appreciate this." which is true. I have never experienced this before. "Wala pang nakapag surprise sa akin ng ganito."

"We're happy that you're surprised Jake at hindi diyan nagtatapos ang lahat!" sabi ni Candy na sinenyasan si Mart na kunin ang paper bag na medyo fancy ang pagkakabalot.

"This is for you 'tol!" si Mart na iniabot sa akin ang paper bag na siya namang binuksan ko. And when I opened it, I found a small black notebook. Isang organizer.

"Yes we know na common ang regalong yan pero alam naman namin na magiging busy ka for the coming years kaya yan ang naisipan naming ibigay. At eto ha, special yan dahil personalized yan!" pagmamalaki ni Rainier at saka ipinakita ang picture ng bawat ka tropa namin na nakadikit sa unang pahina ng organizer. 

"Para lagi mo kaming maalala." dagdag ni Mia. 

"Thank you guys!" at nag group hug kaming lahat na siya namang saktong ikinatunog ng cellphone ko. Pagtingin ko ay si Mayel. 

"Happy 18th birthday Jake! Many birthdays to come, enjoy mo lang ah! Nagustuhan mo ba ang regalo namin? Luv yah Jake, I'm always here!" aniya. Di na ako nakapag text dahil wala na akong load.

"Alright guys, tama na ang drama, lets eat na!" yaya ni Candy.

"Let's all have a cheers for Jake and to our friendship na nawa'y tumagal pa hanggang sa tayo ay magsitanda at hanggang sa magsiputi ang ating mga buhok." Rainier toasted. 

"Cheers!!!" nasambit namin sabay isang lagok sa coke na nasa baso namin.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...