Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 4

3.9K 82 2
By zxantlyx


Chapter 4

Meet Again

NAPAPIKIT na lamang ako nang mariin habang hinihintay ang aking sariling mahulog sa sahig. Tuluyan nang nanigas ang aking katawan, hinahanda ang aking katawan sa pagbagsak.

Ngunit hindi ko na naramdaman pa ang pagtama ng aking katawan sa lupa. Imbis na sumalampak ako sa baba ay nakaramdam pa ako ng bisig na pumalibot sa aking katawan.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at tinignan kung sino bang anghel ang sumalo sa akin. Agad nanlaki ang aking mga mata nang bumungad ang pamilyar na mukha sa akin.

"Be careful, Miss," pagpapa-alala nito sa akin.

Napatigil ako sa aking kinauupuan at hindi napigilan ang aking sariling tumitig sa kaniya. Ang pogi niya, pucha!

Dahil sa sobrang lapit ng kaniyang katawan sa akin ay kitang-kita ko mula dito ang kaniyang itsura. I can clearly see every features of his face! Ang mukha niyang mukhang mas makinis pa kaysa sa aking legs. Parang wala siyang ka-pores-pores! Tapos ang puti niya... Halos magkasingputi na siguro sila ni Nica.

Ang kaniyang mga kamay ay nakaalalay sa aking baywang, habang ang kaniyang matitipuno namang dibdib ay nakasuporta sa aking likuran. Amoy na amoy ko rin ang kaniyang mabangong hininga na tumatama sa aking mukha. His breath was a mixture of mint and alcohol.

He was looking down on me, while I was looking up on him. Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. He probably ran over to me when he saw that I was about to fall, kaya hingal na hingal siya.

"Miss?" Tuluyan niyang nakuha ang aking atensyon na muling nagpabalik sa aking huwisyo.

Umiling ako at muling ipinikit-pikit ang aking mga mata. Naramdaman kong gumalaw ang kaniyang kamay na nakalapat sa aking baywang na unti-unti akong tinataas. Ang aking mga kamay naman ay kusang gumalaw nang kaniya at humawak sa marmol na counter na nasa aking harapan.

Tinulungan niya akong makaupo nang ayos sa upuan bago ko naramdaman na tuluyan nang nawala ang init ng kaniyang mga palad sa aking katawan. Unti-unti na ring nawawala ang sobrang lapit na presensya ng kaniyang katawan sa aking likuran.

Nang makaupo ako nang ayos ay agad kong inayos ang aking paningin. I kept on blinking to make my vision less blurry. Ngunit wala iyong epekto at mas lalo lamang akong nahilo, lalo na't halos bumaliktad pa ang aking ulo kanina.

"Tangina..." bulong ko sa aking sarili. Napahawak na lamang ako sa aking sentido at hinilot-hilot iyon.

"Ah, sir, kakilala niyo po ba siya?" rinig kong tanong ng bartender na nagpakunot sa aking noo. Napatingin ako sa gawi nito at nakitang kausap niya pala ang lalaking nakatayo pa rin sa aking likuran.

Nanlaki ang aking mga mata at agad napatingin sa aking likuran. Nadatnan ko ang lalaking halata ang gulat sa kaniyang mga mata. Nakaawang nang kaunti ang kaniyang mapupulang labi at unti-unting napatingin sa akin nang may nagtatanong na mga mata.

"Hindi pa po kasi nakakapagbayad si Maam. Mukhang wala rin pong balak magbayad..." bulong ng bartender.

Mas lalo lamang nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Matalim kong tinignan pabalik ang bartender at balak ko pa sanang tumayo para lamang sigawan siya ngunit mas naunahan pa ako ng aking hilo. Hindi ko na lamang iyon tinuloy at kumapit na lamang sa dulo ng counter at saka inilapit ang aking mukha sa bartender.

"H-Hoy, Kuya, magbabayad ako 'no! T-Tignan mo lang! May pera ako dito!" singhal ko rito.

Ang aking mga kamay ay agad napunta sa aking shorts at kinuha sa loob ang aking natitirang pera. Agad bumagsak ang aking mga balikat nang makita ang nag-iisang papel na bente pesos. Putangina, bente na nga lang pala ang meron ako.

Napatungo na lamang ako, pilit na tinatago ang aking mukha mula sa dalawang lalaki. Napapikit ako nang mariin kasabay ng paghinga ko nang malalim.

Sobrang nakakahiya! Gusto ko nalang maglaho, please!

"It's okay. I know her. Jade, right?" tanong ng lalaking nasa aking likuran.

Kumunot ang aking noo kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hoy, shuta, ano 'to, stalker ko? Akala ko, ako lang ang nakakaalam na parang pamilyar siya sa akin?!

So, ibig sabihin ba noon ay nagkita na talaga kami dati? Na nagkakilala na kami dati? Gago, saan? Hindi ko maalala!

"I'll pay for her drinks. How much was it again?" tanong pa niya at lumapit sa aking tabi.

Sinabi ng bartender ang aking bill at agad naman niyang inabot ang kaniyang credit card. Halos lumuwa na ang aking mga mata nang makakita ng kulay itim na credit card. Hala, yayamanin ata 'to!

"Thank you," he politely replied and took his credit card back from the bartender. Ngumiti naman ang bartender dito at saka ito tinanguan. Umalis din ito sa aming harapan at hinayaan na kaming dalawa.

Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makitang maglakad ito palayo at papunta sa ibang customer. Napakagat na lamang ako sa aking labi at sinubukang sumulyap ng tingin sa aking katabing lalaki. I can still feel his presence behind me!

Nang masulyapan ito ay agad din akong napaiwas nang magtama ang aming tingin. Agad kumabog nang sobrang lakas ang aking puso sa sobrang kaba.

Itinaas ko ang aking kamay at iniharang iyon sa gilid ng aking mukha. "S-Salamat..." mahina kong bulong.

Hiyang-hiya na ako! Una, muntikan pa akong mahulog sa sahig pero dahil sa kaniya, hindi ako napahiya nang tuluyan. Tapos, makikita pa niyang bente pesos nalang pala ang dala-dala kong pera. Tapos, ngayon, siya pa ang nagbayad sa aking bill.

Wala pa kaming isang oras na nagkakakilala ay ang dami ko na agad atraso sa kaniya!

Pasimple akong umuusog palayo sa kaniya. Itinapak ko ang aking kaliwang paa sa sahig at dahan-dahang bumaba mula sa stool bar.

Sana hindi niya ako mapansin. Please, please, Lord, kahit ito nalang! Hayaan mo na akong makatakas sa kahihiyan na nagawa ko ngayong gabi!

Akala ko ay magiging matagumpay na ako sa pagtakas mula sa kaniya. Pasimple akong tumingin sa kaniyang gawi at nakita itong nakatingin lamang sa akin. Nakakrus ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang dibdib habang prenteng-prente na nakatayo sa aking gilid.

Agad akong nataranta at para bang ang initial reaction ko na lamang ay ang bilisan ang aking kilos.

Ngunit dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ay hindi ko pa pala naibababa nang ayos ang aking kanang paa. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paghulog ng aking puso nang sumabit ang aking paa sa ibabang bahagi ng bar stool.

Agad akong sumalampak sa baba, ang aking kaninang nakapusod na buhok ay mabilis na bumagsak sa aking mukha. Naramdaman ko ang sakit sa aking siko at kamay na naipangtuod ko sa sahig.

"Aray!" sigaw ko at agad din namang tinignan ang aking siko. Kahit na madilim ang lugar ay nakita ko pa rin ang gasgas doon. Buti na lamang at hindi iyon nagsugat at nagdugo.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa aking paligid nang makarinig ng biglaang pagbagsak. Napapikit na lamang ako nang mariin. I can feel all of their stares boring into me!

Wala na! Walang-wala na yung dignidad ko! Inubos na ng gabing ito!

Naramdaman ko na lamang ang kamay ng isang tao sa aking likod at agad hinawi ang aking mahabang buhok na nakaharang sa aking mukha.

Agad kong pinigilan ang kaniyang kamay para hindi na niya mahawi pa ang aking buhok. I held his wrist with my right hand as I shook my head to the side. "'W-Wag mong hawiin, please. Nakakahiya..." maliit ang boses kong bulong.

"Okay," maiksi nitong sagot. "Are you okay?" nag-aalala nitong tanong.

Tumango-tango ako, nanatili pa ring nakatungo ang ulo. "Nakatingin pa rin ba sila?" tanong ko.

"No. They're not looking anymore. You can get up now," sagot nito.

Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang inangat ang aking ulo. Sumilip muna ako sa maliliit na butas ng hibla ng aking mga buhok at pinagmasdan ang mga tao. They're really not looking at me anymore.

I blew out a large amount of air through my mouth that made all of my hair fly away out of my face. Mabilisan akong tumayo at agad tumungo. Bumagsak ang aking tingin sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.

He slowly looked up at me and I immediately gave him a small and awkward smile. I let out a soft chuckle as I bid my goodbye at him. "T-Thank you ulit..." bulong ko at agad pumanhik palayo sa kaniya.

Nagmamadali akong lumabas ng bar. Kahit hilong-hilo na ako dahil sa sobrang ingay sa loob at sa dami na rin ng aking nainom ay pilit ko pa ring ipinagsiksikan ang aking sarili sa mga tao para lamang makalabas.

Hingal na hingal kong hinabol ang aking hininga nang tuluyan nang makalabas ng mainit na lugar na iyon.

Humawak pa ako sa aking tuhod habang pilit na hinahabol ang aking hininga. "Tangina. Mukhang maglalakad pa ata ako pauwi..." bulong ko sa sarili ko.

Wala na 'kong pamasahe pa eh. Malayo-layo rin ang aking condo mula dito. Medyo malayo rin kasi ang apartment ni Jake mula sa condo ko. Eh itong bar na 'to ang pinakamalapit sa apartment niya.

Bakit pa kasi ako pumunta sa kaniya?! Tanga tanga mo talaga, Jade! Walang katapusang katangahan na ata 'yan!

Iniikot ko ang aking tingin sa buong paligid. Naghanap ako ng lugar kung saan pwede muna akong magpahinga. Napagdesisyunan kong umupo sa isa sa mga bumps ng pinagpaparkan ng mga kotse.

Walang makakaabala sa akin ngayon dito dahil halos lahat ay nasa loob. It is the time for people to be busy dancing and partying inside.

Naglabas ako ng malakas na buntong-hininga at saka hinilot-hilot ang aking sentido. Grabe, nawala na ata ang pagkalasing ko dahil sa dami ng kahihiyan na natanggap ko kanina.

Araw ko na ata 'to para ipahiya nang sobra-sobra ang sarili ko. Quotang-quota na 'ko 'ah! Tama na 'yon. 'Wag na nating dagdagan pa.

Ipinatong ko ang aking ulo sa aking tuhod at ipinikit ang aking mga mata. Mag-iisip muna ako kung paano ba ako makakauwi nito. Tatawag ba ako ng kakilala ko? Ay, wala nga pala akong dalang cellphone.

O baka naman pwedeng tumawag ako ng taxi at papasok muna ako sa loob ng condo para makakuha ng pambayad? Kaso, maraming hindi nagtitiwala sa ganoon eh! Baka masabihan pa 'kong mandaraya ulit.

Hindi ko na lamang napigilan ang mapahilamos ang aking mga palad sa aking mukha. I let out a frustrated groan as I started to kick my feet.

"Excuse me, Miss? You're kicking on my car's wheel..." rinig kong bulong ng isang boses.

Agad akong napatigil at tumingin sa gawi kung saan nanggaling ang boses na iyon. "Hala, sorry po... Hindi ko po alam na kotse na po pala ang nasisipa ko..." hiyang-hiya kong bulong.

Halos hindi na ako makatingin nang ayos sa may-ari ng kotse. Sabing tama na ang pagpapahiya sa sarili mo Jade eh!

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki dahilan para kumunot ang aking noo. "Aba, may nakakatawa ba?" inis kong tanong.

Hindi ko nga sinasadya eh! Kailangan bang pagtawanan pa?

"No, no... It's you again, huh? We've met so many times already, Jade," sagot nito, halata pa rin sa kaniyang boses ang pagtawa.

Pinikit ko nang ilang beses ang aking mga mata at umiling-iling pa. Pinangliitan ko ito ng mata at agad napasinghap nang makita kung sino ito.

"Ikaw na naman!" sigaw ko at napaturo pa sa kaniya. "P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?!" Iyon agad ang aking naisip na tanong kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili magsalita.

Aba, ilang beses nang nagkukrus ang landas naming dalawa ngayong araw 'ah!

"I'm Hugh. I'm a friend of your friend, Nica?" sagot nito at inilahad pa ang kaniyang kamay sa aking harapan.

Gulong-gulo akong tumitig dito kasabay ng pagbaba ng aking tingin sa kaniyang palad. "N-Nica? Paano mo na nakilala si Nica?" tanong ko pa.

As far as I know, lahat ng kaibigan ni Nica ay kilala ko. Ako at si Maia. Kami lang naman ang mga kaibigan niya eh! Kung iyon nga, hindi na nakikipaglandian, paano pa kaya ang pakikipagkaibigan?

Sigurado ba 'kong hindi stalker 'tong 'Hugh' na ito? Baka mamaya... obsessed pala siya sa akin at inalam pa lahat ng taong nasa paligid ko.

"I met Nica and Imo at the bar yesterday. We... also met. I guess you don't remember much, huh?" he asked with a small smile painted on his face.

Mas lalo lamang kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Napatampal na lamang ako sa aking noo nang mapagtantuan ang iniisip ko kanina.

'Yan, assumera pa. Anong obsessed sa 'yo?! Tanga! Yung dalawa mong kaibigan ang kakilala, hindi ikaw! Kaka-K Drama mo 'yan eh.

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Lasing lang talaga ako! Pamilyar na siya sa akin kanina eh. Bakit nalimutan ko na naman ngayon?

"A-Ah! Naaalala na ata kita? Ikaw yung nasabihan ko noong nakakahiyang bagay na 'yon, hindi ba?" tanong ko, naninigurado lang.

Siya ata yung nasabihan kong manahimik sa isang bar. Siya lang naman kasi ang nakausap ko sa kanilang magbabarkada, so siya lang ang halos tumatak sa aking isipan.

"Yeah, yeah, that was me," sagot nito at tumawa pa nang mahina.

"Ah, p-pasensya na 'ah? Ang dami ko na atang nakakahiyang nagawa sa 'yo..." saad ko.

He shook his head to the side. "No, it's normal," sagot niya. "Anyway, do you need any help? It looks like you need some..." nahihiya nitong tanong. Napakamot pa ito sa kaniyang batok kasabay ng kaniyang pagtikhim.

Agad akong umiling at napatikhim din. "H-Hindi na. Okay lang ako..." sagot ko.

Tumango ito at muli akong binigyan ng maliit na ngiti. I gave him a small and awkward smile too. He faced his back on me as he got his keys inside the pockets of his pants.

Napabuntong-hining na lamang ako at muling tumungo at isinandal ang aking noo sa aking tuhod. Narinig ko ang pabukas-sara ng kotse niya at pati na rin ang pagbukas niya ng makina.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang namayani hangga't sa marinig ko ang pagtigil ng ingay ng kotse sa aking unahan. Narinig ko ang pagbukas noon dahilan para mapatingin ako sa harapan. I was taken aback when I saw him looking down on me with a nervous expression visible on his face.

"Do you... want to go for a walk?" he shyly asked.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

379K 19.8K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
67.9K 1.6K 57
"You will always be my best girl, my favorite and my everything." *** Phaedra Ramirez is a kind, intelligent and multi -talented person. At a young a...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...