That Time I Got Reincarnated...

Galing kay Messy_Pixie

246K 14.9K 1.4K

Matapos mamatay ni Nina ay hindi niya inaasahan na bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng Diyosa na mabu... Higit pa

Prolouge
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
NO PLEASE DON'T. 😭😭
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
THAT TIME I GOT REINCARNATED AS A FOX (S1)

21

5.2K 394 70
Galing kay Messy_Pixie


Pagmulat ko ng mata ay hindi na ako nagulat ng makita si Tania sa harap ko. Ang boses n'ya talaga ang huling narinig ko bago ako mawalan ng buhay. Patay na ako 'di ba? 'Yun lang naman ang pwedeng dahilan kaya ako nandito.

"Laki ng ngiti ah," sabi ko ng makita ang ngiting nakapaskil sa mukha n'ya.

"Why not? You're in your human for now."

"Oh Goddess! I'm so thankful that I became human and died again for no reason," sabi ko at humawak pa sa dibdib ko.

"Silly, you're not dead. You're just unconscious. The power you used just drained all your mana so I decide to talk to you while you're unconscious," natatawang sabi niya.

Napangiwi naman ako.

"Ano namang kailangan mo sa 'kin?" tanong ko.

"Here." Hinawakan n'ya ang kamay ko at inilagay ro'n ang puting bilog na bagay. "Eat it."

"Ha?! Ang laki nito, tingin mo ba kakasya 'to sa lalamunan ko?" gulat na tanong ko sa kanya.

Mukha pa namang mahirap kagatin ang bilog na 'yon.

"Trust me, eat that. It will help you a lot," sabi n'ya pa.

Napasimangot ako. Kasing laki ng golen ang hawak ko. Hindi kaya ako mabulunan dito? Huminga na lang ako ng malalim bago pwersahang nilunok ang bilog.

"G-gah!" Napahawak ako sa dibdib ko ng malakas na tumambol 'yon.

Bigla ring lumalabo ang paningin ko at sobra akong nahihilo na para akong masusuka. Teka, ano ang ibinigay n'ya saakin, lason?!

"T-Tania," tawag ko sa kanya pero nakangiti lang siya sa 'kin.

"Have a nice life, my masterpiece."

Master piece mo mukha mo punyeta ka ang sakit!

"Report: You mana as increased into 999999. . ."

"AH!" sigaw ko at marahas na napabangon.

Mabilis akong napatingin sa katawan ko at kinapa iyon. Buhay pa ako!

"Fiera? Are you okay?" Hinihingal akong napatingin kay Lana at napahawak ng ulo.

Punyeta, kung sakaling papuntahin ulit ako ro'n ay hindi ko na tatanggapin ang kung ano mang ibibigay n'ya sa 'kin! Pakiramdam ko namatay ako ulit!

"Okay lang." Inilibot ko ang paningin ko at napansin na nasa clinic pala ako.

"We're worried about you, may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Lana.

Inilagay n'ya ang dalawang kamay n'ya sa pisngi ko at bahagyang pinisil pisil 'yon.

"You're not hot naman. Or maybe your mana drained so much, huwag mo kasing ipilit ang sarili mo." Napasimangot ako at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko.

"Para kang Nanay ko, Lana." Natawa naman siya.

"Aba, kung may anak ako na ganito kaganda, hindi na ako tatanggi pa." Napatawa na lang din ako sa sinabi niya at napailing.

"Teka, nasaan ang iba?" tanong ko.

"Nasa training room, ngayon kasi gaganapin ang pag-summon ng familiar," sabi n'ya.

Familiar? Ayon ba 'yung parang magiging side kick nila?

"Eh ikaw? Bakit na nandito?"

"Malayo pa kasi kami tsaka sinabihan din ako ni Kreyos na i-check ka, sakto naman na gising ka na." Napatango ako at tumayo.

Ayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi sumasakit ang ulo ko o ano pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang pinakain saakin ni Tania. Naramdamaan ko ro'n ang ikalawang kamatayan.

"Let's go, pumunta na tayo sa kanila," sabi ko.

Hinawakan ni Lana ang kamay ko hinila ako paalis sa clinic. Nakapaa lang ako dahil wala talaga akong sapin sa paa kahit noong pumunta kami sa central city ay nakapaa lang din ako.

Ewan ko kung bakit hindi ko pinansin at hindi nila napansin na wala akong sapin sa paa. Eh kasi naman, ang komportable kaya.

Nang makarating kami sa Training room ay napaawang ang labi ko sa dami ng estudyante.

"New student?"

"Siya 'yung usap usapan na demi-human 'di ba?"

"She's beautiful."

Napa-face palm ako ng mapansin na halos lahat ng estudyante ay napapalingon saamin. Gano'n na ba ako kaganda? Alam kong maganda ako noong past life ko pero sobrang ganda ko ba ngayon? I mean, hindi naman sa pagmamayabang pero hindi ba talaga mawawala saakin ang pagiging maganda?

Hindi ko pa nakikita sarili ko ngayon pero sa reaksyon nila, mukhang maganda na nga ako.

Ano ba, huwag kayong ganyan. Ehe ehe.

"Fei." Napatingin ako kay Lana ng tawagin n'ya ko.

Umupo ako sa tabi ni Kreyos na seryoso lang ang mukha habang nakatingin sa harap.

"Luh, ang pangit," sabi ko pero hindi niya pa rin ako nilingon. "Pisot."

"Tch," singhal n'ya kaya napangisi ako at itinuon na lang ang pansin sa harap.

Sa sobrang dami ng estudyante ay halos dalawang oras na kaming nakaupo rito. Gusto kong umalis dahil nakaka boring at wala namang maganda sa nakikita ko bukod sa nakakakuha sila ng low rank familiar na tinatawag pero may iba rin na nakakakuha ng high rank.

Sana lang hindi yumabang ang mga 'to.

"It's time for royalties. May I call Prince Lucas Grell," sabi ng Mc.

Tumayo naman si Lucas at pumunta sa gitna. Mayroong isang magic circle ro'n at bibigyan ka ng isang summonung paper na lalagyan mo ng dugo mo at ilalagay mo sa gitna ng magic cirle.

Tumahimik naman ang lahat at inaabangan kung anong familiar ang lalabas kay Luca. Siyempre, Prinsipe 'yan, eh, kaya nagi-expect sila ng malakas na familiar.

Sinimulan ng gawin 'yon ni Luca at ilang segundo ang lumipas ay may lumabas na isang kulay puting Lion. Umungol ito ng malakas na nagbigay ng lamig sa paligid at lumapit kay Luca na namamanghang nakatingin sa familiar n'ya.

Brr, lumamih talaga rito. Buti na lang may buntot ako na pwede kong ipangtakip sa katawan ko.

Sunod naman na tinawag si George. Sa kanya naman ang isang nag-aapoy na lobo. Kay Jack naman ay tinatawag na sea serpents at ang kay Kreyos ay isang ceberus na literal na doble ang laki kaysa sa kanya.

Well, ngayon ko ang napansin na may katangkaran si Kreyos. Nasabi ko na ba na feeling ko, ako ang pinakamaliit sa kanilang lahat? Nevermind. Maganda pa rin naman ako.

Kay Nana naman ay isang rabbit na usa? Ewan ko. Maliit kasi ito at mukhang rabbit pero mayroong sungay ng usa. Nakuha naman ni Lana ang agila at kay Mira ay isang rock golem. Parang 'yung nakita ko na nakabantay sa portal pero mas malaki ang kay Mira.

"Congratulations for your—wait." Huminto ang m.c at nakinig sa binubulong ng isa sa mga professor. "Oh, sorry. Isabela Castillo at Fiera. Please come in front."

Napatigil ako at napakurap. Kasama ako?

Napatingin ako kina Kreyos na parang walang paki kaya napasimangot ako.

"Halika ka na 'te, bagay mo naman." Hinila ako ni Isabella pababa hanggang sa makarating kami sa gitna.

Huminga ako ng malalim. Feeling ko maso-suffocate ako sa dami ng matang nakatingin saakin.

"Whoa, this is the first time we saw a demi-human studying here," nakangiting sabi ng m.c

Napangiwi pa ako ng makita ang unti-unting pagbaba ng dugo sa ilong n'ya.

"Sobrang ganda ko siguro kaya nagdugo ilong n'ya," bulong saakin ni Isabella.

Napairap ako. Assuming.

"Ms. Castillo, you may go first." Kinuha naman ni Isabela ang summoning paper sa m.c at pumasok sa loob ng magic circle.

Sinugatan n'ya ang daliri n'ya at nilagay sa papel pagkatapos ay idikit sa lupa. Umilaw ang magic seal kaya umatras si Isabela hanggang sa lumabas ang dalawang mannequin na kasing laki n'ya lang.

Wow. Ang ganda ng suot pero hindi gumagalaw. Buhay ba 'yan?

"Hindi naman ako mananahi," reklamo ni Isabella at napapadyak pa bago humarap saakin.

Sumama naman ang tingin n'ya ng makita ako na natatawang nakatingin sa kanya. Pumalpak ba ang sa kanya?

"Stop laughing nga, mawalan ka sana ng bunganga," nakasimangot n'yang sabi.

Hahalakhak na sana ako kaso biglang gumalaw ang mga mannequin. Nanlaki ang mata ko ng biglang tumulis ang kuko nito at sumugod palapit saakin.

Mabilis naman akong umiwas.

"The hell, Isabela?! Pahinto mo 'yan!" sigaw ko.

"Hindi ko alam kung paano!"

"Ahh!" Nagpalabas ako ng kapangyarihan at pinatama sa mannequin.

Agad itong natumba pero wala pang dalawang segndo ay agad na itong nakatayo. Mabilis ko naman silang iniwasan.

Shutang ina mamamatay ako nito! Ang bilis nila gumalaw!

Mabilis akong yumuko ng kakalmutin na sana ako mula sa likuran at sinipa ang mannequin.

"Wah! Mamatay si Fei!" tili ni Isabela.

Nagkakagulo na rin ang mga estudyante pati Professors na hindi alam ang gagawin.

Bwisit ka talaga, Isabela!

"Tigil!" Mabilis na huminto ang mannequin at tumayo ng matuwid ng marinig ang sigaw ni Isabella. "Ay, gano'n pala 'yon."

Sinamaan ko ng tingin si Isabela na ikinanguso n'ya.

"Sorry na, love you!" sigaw n'ya at mabilis na tumakbo.

Sumunod naman sa kanya ang familiar n'ya kaya mas lalong sumama ang mukha ko. Pinagod pa ako ng bruha, tsaka bakit parang hindi madaling patayin ang familiar n'ya? May buhay ba 'yon?

"Okay, we have a little misunderstanding there. Now, Miss Fiera." Huminga ako ng malalim at kinuha ang seal sa kamay ng m.c

Dahil matulis naman ang kuko ko ay 'yun ang ginawa kong pang sugat at ng dumugo ay idinikit ko 'yon sa summoning paper. Medyo nag aalinlangan ako.

Guardian ako, posible ba na magkaroon ako ng familiar? Imposible ata 'yon? Huminga ako ng malalim at idinikit ang seal ko sa magic circle.

Hindi na ako aasa pa na magkakaroon ako ng familiar.

Lumiwanag ang magic circle at napaawang ang labi ko ng lumabas ro'n ang mga bata at nang bilangin ko kung ilan sila ay napasapo na lang ako ng noo. Dose,  jusmiyo. Paano ko papalabanin ang mga batang 'to sa labanan?

"Mama? Mama!" Napaatras ako ng isang hakbang ng tumakbo silang lahat papunta saakin at niyakap ang binti ko.

"Mama. Mama," sabi nila habang nakatingala saakin.

Punyemas, kailan pa ako nagkaroon ng mga anak?






Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

67.3K 2.3K 72
Half of our world has a secret world were magic exist it was called Magic demension, the magic demension was divided into three parts. Light were goo...
69.5K 4.5K 23
She can't remember anything.
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
442K 19.5K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...