Six Months Agreement with Mr...

By marya_makata

1.5M 33.4K 3.6K

"Six months isn't enough, I want to spend a lifetime with you." -Hot Hotelier Series 1 *** Hindi madali ang l... More

Warning: SPG (R-18)
Happy 1M Besties!!
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Wakas
Special Chapter
New Book Alert!!

Kabanata 3

21.8K 471 53
By marya_makata

KABANATA 3 :: SPLASH

"Anak, aalis ka ba talaga?"

Tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo.

Ang kulubot na balat ng matandang nagpalaki sa akin ay kababakasan ng lungkot. Kanina pa siya umiiyak at nakikiusap na manatili na lamang ako dahil huhupa din ang galit ni mama pero palagay ko ay mali siya.

Nang iwanan nila akong nakaligmok sa sala ay ipinakandado niya ang aking silid para siguraduhing wala talaga akong madadalang kahit na ano.

Ang damit nga na suot ko ay isang maliit na bestidang bulaklakin ng asawa ni Berto. Pinahiram ako dahil gown at heels pa din ang aking suot.

"Ayos lang ako Nana, sa Maynila po muna ako habang galit pa ang mama."

"Bukas ang bahay namin para sayo, anak. Kumatok ka lamang."

Nginitian ko ng tipid ang matanda ngunit ng kabigin ako para sa isang yakap ay hindi ko mapigilang humagulgol sa kanyang balikat.

Mali ako nung inisip kong walang kapamilyang nagmamahal sa akin dahil simula pagkabata, si Nana ang kakampi ko. Palagi siyang nakahanadang saluhin ako at gumawa ng paraan para hindi ako malungkot.

Wala akong problema na manatili sa kanila dahil sa totoo lamang ay hindi ko alam kung saan pupunta pero masyado iyong maliit para sa pamilya nila. Si Berto at ang asawa nito ay nandoon. Bagaman at walang anak ay may limang bata sa bahay, apo ni Nana Maring sa mga kamag-anak nito.

Sadyang mabait si Nana, kahit nga akong hindi kadugo ay hindi itinuring na iba.

"Tandaan mong may babalikan ka palagi rito sa Baguio ha?"

"Opo Nana, mahal na mahal kita."

"Mahal din kita Vanilla Leticia..."

Sa unang pagkakataon ay napangiti ako nang banggitin iyon.

Vanilla Leticia... Ang pangalan ko. Akin. Hindi kay Mocha. Hindi kay mama. Akin. Ako yun. At matapang si Vanna. Kaya ko ito.

"Nana Maring, sumunod ka sa library," bumaling si mama sa akin gamit ang matang hindi kakikitaan ng amor "Isara mo ang pintuan kung aalis ka na."

Habang papalayo si mama, kasunod si Nana Maring na panay ang lingon sa akin ay pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko.

Ilang minuto pa akong nakatayo sa sala bago nagpasayang umalis tanging bitbit lamang ang aking cellphone at wallet.

"Vanna!"

Napatigil ako sa paghakbang at nilingon si Mocha na umiindayog ang balakang sa bawat halbang papalapit sa akin.

Ang kapatid na noon ay hinahangaan ko dahil sa ganda at talino, ngayon ay nakikita ko bilang isang demonyo.

"Ibabalita ko lang sayo na ako na ang papakasalan ni Atticus dahil sa kahihiyang ginawa mo. Oh well.... Hindi ka naman mahirap palitan, parang mas lamang pa nga ako sayo kahit saang banda tingnan. Ilang mga events lang at makakalimutan nilang lahat na may nag exist na Vanna sa buhay ni Atticus."

Nabuhay na naman ang galit sa aking dibdib pero mas kontrolado ko na sapagkat nandito ako sa pamamahay nila. Siguradong ipapatapon ako palabas ni mama kapag sinaktan ko ang paborito niya.

"Bakit mo ito ginagawa?"

Inisang hakbang niyang distansya namin.

"Simple. Ayoko..." dinuro niya nang madiin ang aking sentido "Sayo."

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking palad. Hindi ko iyon inalis habang papalabas ng bahay kahit pa pakiramdam ko ay magkakasugat na iyon.

Nang may pumarang taxi at pumayag na ihatid ako sa Maynila ay agad akong sumakay. Mahaba ang biyahe at alam kong hindi praktikal ngayong wala na akong pera pero hindi ko alam kung paano sumakay ng bus at kung ano pa ang gagawin para marating ang Maynila.

Kung hindi kase inihahatid ng driver ay nagtataxi ako kapalit ng dobleng pamasahe kaya natatakot akong maligaw.

Habang nasa sasakyan ay pinlano ko na sa aking isip ang gagawin.

Sinubukan kong tawagan ang numero ni Dairene dahil sya lang ang maaari kong tuluyan. Wala akong masyadong malapit na kaibigan, ang mga kamag anak naman nina mama at papa ay hindi maaasahan sa ganitong pagkakataon.

Nakailang subok ako pero palaging out of coverage area kaya tumawag ako sa bahay nila.

"Inday, si Vanna ito. Nandyan ba si Dairene?"

"Naku ma'am Bana, kahapun pa nga nag playt papuntang Grace yata yun!"

"Greece ba, Inday?"

Napahilot ako sa sentido dahil sa matigas niyang bigkas ng mga salita. Kailangan ko pang isiping maigi bago maintindihang mabuti.

"Uu yun nga yata ma'am! May epapasabi pu kayu?"

"Pag tumawag, pasabi kontakin ako agad ah... Salamat."

Laylay ang balikat ko nang maibaba ko ang tawag, ganon pa man ay nagbakasakali pa rin ako at nagpababa sa isang lugar na nadaanan namin. Hindi iyon pamilyar sa akin pero may nakita akong ATM machine.

Google Map ang tanging gabay ko sa lugar kaya nalalaman ko kung nasaan ako.

Pumila ako sa pinakang dulo at naghintay ng halos tatlumpung minuto bago makarating sa unahan.

Hinalughog ko agad ang wallet at sumambulat sa akin ang iba't-ibang debit at credit card. Siguradong pinaputol na iyon ni mama kaya ang mga ATM card ang kinuha ko.

Nakalimang card na ako pero pare-pareho ang lumalabas, talagang pinafreeze na ang mga account.

"Miss ano ba! Kanina ka pa dyan ah! Kung naglalaro ka, wag dito marami pang nag aabang na matapos ka oh!" mataray na pukaw ng isang babae sa akin.

Yumuko ako at humingi ng paumanhin bago umalis. Hindi ko na susubukan pa lahat dahil alam ko nang walang itinira sa akin.

Sa edad na dalawampu't tatlo ay wala pa akong trabaho. Ang dapat kase pagkagraduate ko ng college paplanuhin ang kasal namin ni Atticus at hindi ko na kailangang magtrabaho dahil marami na syang pera para sa aming dalawa. Ang gagawin ko lang ay pagsilbihan sya araw-araw.

Iwinaksi kong pilit ang bagay na iyon sa aking isipan at naghanap ng murang kainan sa paligid.

Sa aking utak ay alam kong hindi kakayanin ng natitirang pera ang pagkaing nakasanayan ko. Kulang iyon kahit isang gabi lamang sa hotel o inn. Hindi rin maaari sa apartment dahil lahat ng nadaanan ko ay humihingi ng advance payment at deposit. Kahit bed space ay napakamahal din.

Hanggang saan ba aabot ang dalawang daang piso?

Napatingin ako sa suot kong gintong relo at halos nakalimutan ko na ang gutom nang mapagtantong puwede ko yung isanla. Uupa ako ng pinakamurang bedspace na mahahanap ko at magpiprint ng resume para maghanap ng trabaho kinabukasan.

Planado na ang lahat ng hakbang para sa bago kong buhay nang maramdaman ko ang matulis na bagay sa tagiliran ko.

Susulyapan ko sana iyon ngunit naalerto ang lalaki sa aking gilid at bahagya iyong idiniin.

"Subukan mong tingnan, babaon ang balisong na ito sa tagiliran mo."

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad kong naramdaman ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko.

"K-Kuya maawa ka naman... Wala po akong pera..."

Sinubukan kong iikot ang paningin sa paligid at huli na nang mapagtanto kong tulay pala ang kinaroroonan namin at halos walang sasakyan at taong dumadaan. Kung may sasakyan man ay pawang nagmamadali sa bilis.

"Hubad ang relo," mariin niyang utos saka idiniin ang patalim.

Nangilid ang luha akonat nanginginig ang aking kamay habang tinatanggal ang relo sa aking braso. Ang tanging pag asa ko...

"Yung pitaka at cellphone pa!"

"Kuya please naman oh..."

"Gusto mong isaksak ko sayo to at itapon kita sa ilog?"

Napaiyak na lamang ako matapos iabot ang bag at cellphone ay tumalilis na siya palayo. Sumigaw ako para humingi ng tulong pero tiningnan lamang ako ng mga tao.

Napaupo ako sa gilid nang tulay habang humahagulgol nang iyak.

Wala na akong pupuntahan! Kung maglalakad ako pauwi sa Baguio at magmamakaawa kay mama, gagana kaya?

"Mama! Happy mother's day!"

Napatigil ako sa masayang pagpasok sa kanyang silid nang marahas siyang lumapit sa akin at hinablot ang maliliit kong mga braso.

"Anong ginagawa mo dito? Taon-taon na lang Vanna? Hindi mo ba maintindihang ayaw ko sa mga bigay mo?"

Namintana ang luha sa aking mga mata pero pinilit ko pa ring ngumiti.

"M-Mama sabi ko kase kay teacher parang galit ka sa akin po. Kaya sabi nya araw ng mga mama ngayon, gumawa daw ako ng k-kard po para hindi ka na magalit sa akin-"

Napaigik na lamang ako ng bigla niya akong itulak palayo na tila napapaso. Ang likod kong tumama sa silya ang una kong ininda kasunod na nanlaki ang mga mata ko sa tunog ng nabasag na vase.

Ibinato niya sa gawi ko pero dahil nakayuko ako ay tumama iyon sa sahig malapit sa akin.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa binti ko dulot bubog pero hindi iyon ang dahilan ng paghagulgol ko kundi ang mga mata ni mama na hindi man lamang nakonsensya sa ginawa. Wala akong nakita kundi galit.

"M-Mama sorry ah kung bad si Vanna... Hindi ko po sinasadya. A-Ako na po ang maglilinis dito sa sala pagkagamot ko sa sugat ko."

Kahit na napapangiwi sa hapdi ng sugat at likod ay pilit pa din akong ngumiti pero agad ding napahikbi nang lumapit si mama at kinuha ang bubog saka itinutok sa tagiliran ko.

"Kung pinatay kita noon, hindi ako maghihirap ng ganito! Kasalanan mo ito!"

Lakas loob akong nagsalita sa garalgal na boses.

"M-Mama, nahihirapan na si Vanna. Patayin mo na lang po ako..."

"Mama sana pinatay mo na lang ako! Bakit kailangan mo pang patagalin ng twenty three years? Sana tinuloy mo na! Ayoko na! Hirap na hirap na ako!"

Nagpatuloy ako sa paghagulgol hanggang sa wala nang natirang luha sa mata ko. Wala na akong nararamdaman at mas nangingibabaw na lang lahat ng ala-alang pilit kong kinakalimutan.

Umakyat ako at tumayo sa ibabaw nang hanggang bewang na pader ng tulay at dinama ang hangin.

Kalayaan. Gusto ko nang lumaya sa sakit. Tama na.

Tiningala ko ang kulay abong langit na tila nakikisama sa aking pagluluksa at wala akong ibang naramdan kundi kapayapaan.

Kontento akong dito matatapos ang lahat. Lumaban ako pero pero hindi lahat ng laban ay kaya nating ipanalo.

Dinungaw ko ang malalim na ilog at nakontento nang makita ang mabilis na ragasa ng tubig.

Inihakbang ko nag paa sa ere at hinayaan ang katawan ko na mahulog sa tubig. Mabilis ang naging paglubog ko pero hindi ako lumaban.

Nakakapagod din pala na buong buhay kang lumalaban para mabuhay.

Handa na ako.

Hinayaan ko ang sarili kong damhin ang sakit dahil sa unti-unting pagkaubos ng hangin.

Ngunit bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman ay narinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa tubig.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 813 62
May liwanag nga ba na magkagusto ang isang antipatiko, babaero at higit sa lahat ang kanyang amo na magkagusto sa kanya? O mas Malabo pa sa Dim light...
93.6K 2.5K 41
JX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula...
10.6K 365 43
UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga problema na mabigat at masasakit. Tiniis niya...