Unplanned (Players Series #3)

By chxselyn

56.4K 836 313

Elyza and Pierre, their friends were wanting for them to fall in love with each other. Elyza thought that it... More

simula
page 01
page 2
page 3
page 4
page 5
page 6
page 7
page 8
page 9
page 10
page 11
page 12
page 13
page 14
page 15
page 16
page 17
page 18
page 19
page 20
page 21
page 22
page 23
page 24
page 25
page 26
page 27
page 28
page 29
page 30
page 31
page 32
page 33
page 34
page 35
page 36
page 37
page 38
page 39
page 40
page 41
page 42
page 43
page 44
page 45
page 46
page 47
page 49
page 50
page 51
page 52
page 53
page 54
page 55
page 56
page 57
page 58
page 59
page 60
page 61
page 62
page 63
page 64
page 65
page 66
page 67
page 68
page 69
page 70
page 71
page 72
page 73
page 74
page 75
page 76
page 77
page 78
page 79
page 80
page 81
page 82
page 83
page 84
page 85
page 86
page 87
page 89
page 90
page 91
page 92
page 93
page 94
page 95
page 96
page 97
wakas
ely's note
special chapter
SURVEY SAGUTIN NIYO!!
SERIES #4

page 48

534 8 8
By chxselyn

Trigger warning: violence

Elyza's POV

Isang linggo na akong hindi pinapalabas dito sa building namin at parang hindi ko na kakayaning tumagal pa. They make me feel like I am in prison for locking me in this room. Gusto ko na umalis dito but they never let me and I'm scared.



This is the first time they did something super bad like this. Hindi ako sinasaktan ng manager ko before but now, she can't even stop herself. Yung ibang staffs, hindi ako matulungan dahil natatakot din sa kanya. I can't stop from blaming myself sa nangyayari ngayon kasi if ever sinunod ko ba ang mga kaibigan ko na umalis kaagad sa entertainment na 'to, hindi naman hahantong sa ganito diba? I am just hardheaded for not listening to them. See where it takes me.



Pagod na pagod na ako dito. My bruises were not healing and sobrang nanghihina ang katawan ko ngayon. I just wanted to be free from all of this. I wanted to see my family, my friends, my freedom. Kamusta na kaya sila? Theo told me they were planning something para mailabas nila ako dito.



Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya agad akong napalingon at kinabahan dahil sa taong papasok. Dala dala ang kanyang cellphone patungo sa akin at ako naman ay hindi na mapakali kakaisip kung ano na naman ang kanyang gagawin. Manager Eira isn't an ordinary women dahil para siyang weightlifter sa katawan na meron siya. Kayang kaya ka niya saktan ng walang pag-aalinlangan.



"Oh Ely, mabuti naman at gising ka na." Kunwaring masayang sabi niya at hinila ang isang upuan malapit sa kanya para doon umupo. Nakatingin siya sa akin ng diretso ngunit hindi ko kayang tumingin sa kanya pabalik.



"May a-attendan ka ulit na show at please lang umayos ka na. Hindi ko nagugustuhan ang inasal mo noon." Madiing sabi ni Manager Eira.



Sa lagay ko ngayon, gusto ko na tumutol sa mga inuutos niya.



"M-manager..." nauutal kong sabi. "H-hindi ko na talaga k-kaya. Please, p-palabasin niyo na ako dito. Hindi ako m-magsusumbong, pangako, palabasin niyo lang a-ako." Nagmamaka-awa kong dagdag habang umiiling at nangingilid na ang luha.



Nagdadasal pa rin ako na baka may kaonting awa pa siyang natitira para sa akin.



Pero mukhang wala na.



Nakita kong tila mas naiinis pa siya dahil sa mga sinabi ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin at mas lalong dumiin ang mga kamao niya.



Mas lalo akong kinabahan nang bigla siyang tumayo at nakaamba na ang kamay sa akin kaya napapikit na kaagad ako.



"Hindi ka na makakaalis dito!" Malakas na sigaw niya kasabay ng pagsampal sa kaliwa kong pisngi.



Napasigaw na lang ako at tuluyan nang humagulgol dahil sa sakit na ibinigay na naman sa akin.



Lord, tulungan niyo na po ako.



Hindi pa man ako nakakabawi mula sa kanyang pagkakasampal ay agad na niya akong sapilitan na itinayo sa pamamagitan ng pagsabunot sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at sobrang sakit kaya patuloy pa rin akong napaiyak.



Kahit kailan ay hindi ako trinato ng ganito ng mga pamilya ko kaya ang maranasan ngayon ito ay sobrang sakit.



"Walang tutulong sayo! Walang makikinig sayo! Walang kwenta ang mga kaibigan mo!" Sigaw na naman niya.



Nagkakamali ka. My friends were all there to listen and help me pero ako lang 'tong ayaw magsabi at humingi ng tulong. Because I thought that I will just be a burden to them. Addilyn is still recovering and it's not good to stress her. Cailles is busy on her work dahil alam kong tambak na siya ng gawain. Maxien is also focusing on her apprenticeship and she is facing family problems as of the moment. Primrose is fixing the problems on their companies. I can't attempt to bother my family too dahil maga-alala lang sila sa akin. They would think na I am still not capable of fixing things alone, na I still depend on them.



The problem is on me.



Hindi pa siya nakuntento at itinulak pa ako sa pader. Likod ko ang tumama at hindi ko na naman maiwasang mapasigaw dahil sa sakit. Hindi pa nagaling ang isa kong sugat doon kaya nakadagdag pa 'yon sa sakit. Nanghina na lang din ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig. Akmang sasaktan niya ulit ako nang biglang tumunog ang cellphone at napatingin siya doon. Agad niyang sinagot ang tawag pero nakatingin pa rin siya sa akin ng masama. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hampasin ng malakas ang lamesa malapit sa kanya.



"Dyan ka lang. May naghahanap sa akin sa ibaba. Hindi pa ako tapos sayo." Galit na sabi niya habang nakaturo sa akin ang isang daliri niya.



Padabog niyang isinarado ang pintuan at doon na ako tuluyang napaiyak ng malakas.



The emotional and physical pain that I am experiencing, I can't bear this anymore. Anytime ay gugustuhin ko na sumuko.



Ginawa ko naman ang lahat ng gusto nila pero bakit nila ako sinasaktan? How can they hurt a person na wala namang kasalanan? Wala akong ginagawang masama. All I want to do is share my music to people pero bakit ganito ang igaganti sa akin? Akala ko I am already achieving my dreams but I was not even on the halfway of it. I didn't know that I am still below the ground not having an idea how to crawl up.



Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag kahit ilang minuto lang ngunit nagulat ako nang biglang pumasok ulit si Manager Eira na mas galit na galit kumpara kanina. Mas lalo akong kinabahan at nag-alala para sa sarili ko.



Hinila niya ang braso ko dahilan upang mapatayo ako at hinawakan ang baba ko gamit lang ang isang kamay niya.



"Bakit may mga pulis sa ibaba?! Ikaw ba ang nagpadala ha?!" Galit na tanong niya sa akin at umiling-iling ako dahil wala akong alam sa sinasabi niya.



Kahit ako ay nagulat nang malaman na may pulis sa ibaba.



"Inutil! Mga kaibigan mo siguro ang nagpadala sa mga 'yon! Walang hiya ka!" Galit na naman na sigaw niya at inuntog ang ulo ko sa pader. Hinampas pa ako sa kanang braso ko ng malakas.



Wala na naman akong magawa kundi ang umiyak dahil kung lalaban ako ay matatalo lang din ako.



"H-hindi ko pa s-sila n-nakakausap." Sinusubukan kong magpaliwanag sa kanya.



Sadyang sarado lang talaga ang mga tainga niya sa akin.



"Sinungaling ka! Akala mo makakaalis ka dito? Hindi! Dahil hindi pa sapat ang perang nabibigay mo dito sa kumpanya!" Sigaw niya.



'Yon lang naman ang tingin nila sa akin, diba? Ako ang nagbibigay sa kanila ng maraming pera dahil sa dami ng sumusuporta sa akin.



"T-tama na p-please. S-sumuko ka na l-lang, M-manager." Naiiyak kong pagmamaka-awa sa kanya.



"Hindi ako susuko sa kanila hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko!" Nanggigigil na sigaw niya sa akin.



Pagkasigaw niya ay malakas na bumukas ang pintuan at nagsipasok ang ilang pulis sa loob ng kwartong ito. Ngunit mabilis pa rin akong nahila ni Eira palapit sa kanya at nilagay ang kanang braso niya sa leeg ko na para bang sinasakal ako.



Napaiyak na lang ako nang makita ko ang iba pang tao na pumasok maliban sa mga pulis. May tatlo pang lalaki na pumasok na tila ba wala silang nararamdaman na takot sa taong haharapin nila. Ang lamig ng pagtingin niya ng diretso kay Eira na para bang nagpapaliwanag na oras na para sumuko.



Pero sa lahat ng taong pumasok sa silid na 'to, sa isang lalaki lang ako napatingin ng matagal.



Castel is here looking at me in the eye with a glimpse of fear and worry.



Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak nang makita ko siya dahil sa wakas, nakakita ako ng taong mapagkakatiwalaan ko ng buhay ko ngayon.



Pagpasok niya kanina ay hindi mo mababasa ang kahit anong emosyon na posibleng nararamdaman niya pero nang mapatingin sa akin ay nagpakita ang pag-aalala at takot.



"Give us the girl right now while I am still patient." Malamig na sabi ng lalaki na nasa gitna.



"Hindi ko siya ibibigay sa inyo!" Madiin na sigaw niya at mas lalo niya din idiniin ang sakal sa leeg ko. Hindi ko napigilan na hindi mapahawak sa braso niya at hinampas hampas ito.



"Give us the girl or you'll be dead." Muling sabi ng lalaking nasa gitna. Walang takot siyang nagbabanta kay Eira. Mukha na rin siyang naiinip dahil hindi pa rin nasusunod ang inuutos niya.



"Ibaba ninyo ang mga baril niyo!" Sigaw ni Eira sa mga pulis na narito ngunit isa sa kanila ay walang sumunod. Nanatiling nakatutok ang mga baril sa kanya.



"I'm only requesting one thing and that is to give us the girl. Do you think you can escape here? No. A lot of policemen are waiting for you downstairs. It's either you'll be dead or be in prison. Hurt the girl once more and one will shot you. You choose." Paliwanag pa rin ng lalaki.



Nakakatakot. Ramdam ko ang takot ni Eira dahil maging siya ay napasunod nito. Naluwagan ng kaonti ang pagkakasakal sa akin pero nanatiling nasa leeg ko pa rin ang braso niya.



"Mga hayop kayo!" Malakas na sigaw ni Eira at hindi ko inaasahan na mas hihigpitan pa niya ang pagkakasakal sa akin na halos hindi na ako makahinga. Hirap na hirap na akong huminga.



Nang dahil sa ginawa niya ay nakarinig na ako ng ilang putok ng baril pero wala doon ang tumama sa akin. Lahat ay tumama kay Eira na nabitawan na ako sa sandaling nabaril na siya ng mga pulis.



"Pierre, get your girl." Narinig kong utos ng isa sa kanila.



Kumukuha pa ako ng sapat na hangin kaya hindi ko pa magawang tumayo ngunit naramdaman kong may lumapit sa akin.



"Hey, Synth. You're coming home now. Don't worry." Napatingin ako sa nagsalita at napaiyak na lang ako dahil finally, naramdaman ko ulit na malaya ako dahil sa kanya.



Napayakap na lang din ako kay Castel dahil sa ilang araw na puro pagod at sakit ang naramdaman ko ay ligtas na ako. Tuluyan na akong humagulgol habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya at ang isang kamay niya ay nakaalalay sa bewang ko.



"Ssshh, it's fine, Synth. I'm already here. You're safe with me." Malambing na sabi niya na nakapagpakalma pa sa akin.




"Pierre, the car's ready. Let's go." Rinig kong sabi ng isang lalaki sa kanya.




"Okay..." Mahinang sabi niya. "Let's go out of here, Synth."



Pagkasabi niya non ay naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at lumabas na ng silid na 'yon. Mabilis kaming nakalabas sa building ngunit napansin ko ang dami ng tao na naghihintay sa labas. Mukhang nandito ang mga media pero pinipigilan sila ng mga pulis. Sinubukan ko pang itago ang mukha ko at ramdam kong tinatakpan din ng dalawang lalaki na kasama ni Castel kanina ang mukha ko mula sa ibang tao.



Nang makalagpas na kami sa dami ng tao ay agad na akong isinakay sa kotse ni Castel at naramdaman ko ding umupo siya sa tabi ko. Hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod.



"Kuya Endriel, let's go." Rinig kong salita ni Castel. Mukhang kausap niya ang isa sa kasama niya. Kuya niya pala 'yon.



Sumunod naman ang lalaki at pinaandar na ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami didiretso pero hindi ko na kaya pang alamin dahil nanghihina na ako.



"Addi, we're taking her to the hospital."


'Yon ang huli kong narinig sa kanya bago ako sinakop na ng antok.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 511 26
WEST AVENUE SERIES #4 Raleigh Elizabeth Montreal has always been adventurous and living her YOLO moment. When she wants to do something, she immediat...
2.1M 33.6K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
163K 3.8K 28
GXG
3.1K 28 11
When🐶(Aiah) has a 0 body count but one day it change because of her bff 🦊(mikha)