Love me until the moonlight c...

By Lyle_dreams

4.4K 2.9K 1K

Madali para sa isang Vhor hunter Moonchester ang makuha ang gusto niya, lahat kaya niyang gawin, lahat kaya n... More

TEASER
CHARACTER
PROLOGUE
CHAPTER 1 Paalam bulacan
CHAPTER 2 LA University
CHAPTER 3 Meet the Four Gods
CHAPTER 4 The war started
CHAPTER 5 Mission Possible
CHAPTER 6 The lion Vs The Cat
CHAPTER 7 Cupcake ni Amaris
CHAPTER 8 Magic Shop Caffè
CHAPTER 9 I said Girlfriend
CHAPTER 10 ROAR!
CHAPTER 11 Rivalry
CHAPTER 12 Code Black
CHAPTER 13 Transferee
CHAPTER 14 New Friend
CHAPTER 15 Superhero
CHAPTER 16 Gwapong Dishwasher
CHAPTER 17 Hawaii
CHAPTER 18 First kiss
CHAPTER 19 Accidentally
CHAPTER 20 Overnight
CHAPTER 21 Big problem
CHAPTER 22 Bad liar
CHAPTER 23 Anti-romantic
CHAPTER 24 Pasabog
CHAPTER 25 Under the Rain
CHAPTER 26 Boy best
CHAPTER 27 Arcade
CHAPTER 28 Disguise
CHAPTER 29 BABE
CHAPTER 30 T.A.N.G.A
CHAPTER 31 Crying lady
CHAPTER 32 Lion vs tigre
CHAPTER 33 Double Date
CHAPTER 34 Switzerland
CHAPTER 35 Snowdrop
CHAPTER 36 I Moon you
CHAPTER 37 Birthday kiss
CHAPTER 38 Tarintas
CHAPTER 39 Bad happened
CHAPTER 41 Jacket
CHAPTER 42 Like x Love
CHAPTER 43 Strawberry
CHAPTER 44 Kilig
CHAPTER 45 Nahulog, Nasaktan, Bumangon
CHAPTER 46 Winter bear
CHAPTER 47 PALAWAN: Finally Mine
CHAPTER 48 PALAWAN: Indenial x Jealousy
CHAPTER 49 Shock, Cry, Smile
CHAPTER 50 Away-Bati
CHAPTER 51 Tree House
CHAPTER 52 Stop the wedding
CHAPTER 53 E correi diu
CHAPTER 54 What if...
CHAPTER 55 Hold me tight, my Moonlight
CHAPTER 56 Girlfriend Maid
CHAPTER 57 Heartbeat
CHAPTER 58 Gone
CHAPTER 59 She's back
CHAPTER 60 New neighbour
CHAPTER 61 The only one, you
CHAPTER 62 Friends
CHAPTER 63 Child
CHAPTER 64 Wedding
CHAPTER 65 12:51
CHAPTER 66 Hubby x Daddy
CHAPTER 67 ENDGAME
EPILOGUE

CHAPTER 40 Vhor's Birthday

11 5 8
By Lyle_dreams


"Parang awa niyo na tama na!"

''Di baleng a-ako nalang a-ang ma-masaktan, wag lang i-ikaw.. A-and you are m-my lady.."

"Vhor!" Sigaw ko, napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Ang mukha ng magulang at si kuya finn agad ang nakita ko.

"Nako anak! Gising kana! Finn tumawag ka ng Doctor!" Tumango si kuya at lumabas ng kwarto, agad hinawakan ni mama ang kamay ko at pinaghahalikan ito.

"Anak! huhuhu! Akala namin patay kana! Sobra kaming nag-alala ng tatay mo!" Iyak ni mama.

"Saan kaba kasi nagpunta at sinong umaway sayo ah?! Nako pangakong gugulpihin ko ang mga 'yon, sabihin mo anak don't be afraid!" Sabi ni tatay at pinakita pa ang muscle niyang maliit naman.

Vhor...

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang lahat ng nangyari, inalis ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at bumaba ng kama. Hinawakan naman ni mama ang isang braso ko at nagtanong na kung saan raw ako pupunta pero tanging ang pangalan lang ni Vhor ang nasabi ko, agad akong tumakbo palabas ng kwarto at tinanong kung saan ang room number ni Vhor.

Naabutan kong nakatayo sa labas ng kwarto ni Vhor sila A at Chaz, hindi maipinta ang pagmumukha nila na para bang may bagay o pangyayaring hindi nila matanggap. Niyakap ako ni chaz habang humihikbi siya, may binulong siya sakin na ikinalaki ng mata ko.

"Kailangan ka niya, puntahan mona." Malungkot na sabi ni Chaz at kumawala sa pagkakayakap sakin, tinignan ko si A na tumatango.

Humarap ako sa pintuan at tinitigan muna ang doorknob bago ito hinawakan, my hand is shaking right now at ang puso ko ay nagtatambol. Unti-unti kong binuksan ang pinto habang nakatingin parin sa ilalim, nang-iangat ko ang aking paningin ay mukha agad ni kuya ash ang nakita ko. Itinuro niya ang kama kung saan nakahiga at puno ng aparato sa katawan si Vhor, napaatras ako sa nasaksihan ko.

Ang mukha niya ay puno ng pasa at sugat, hindi lang mukha pati ang katawan niya ay halatang nanghihina. Napatakip ako sa aking bibig at nagsisimula ng magsilabasan ang aking mga luha.

"Vhor.." Mahina kong sabi.

"Mashang, comatose.. V-vhor.." Tanging nasabi ni kuya ash, umiling ako at tumakbo papalapit kay Vhor.

"V-vhor! Ang sarap mong murahin alam mo ba 'yon ah?! K-kasi sa katangahan mo nand'yan n-nakahiga a-at.. Coma ka.. V-vhor naman e!" Sa halip na hampasin ang katawan niya ay hinawakan ko ang kamay niya at duon umiyak.

Aw Aw Aw!

Tinignan ko si Vhir beer yeontan na tumakbo papunta sakaniyang daddy, halatang malungkot rin siya. Binuhat ko siya at niyakap.

"Vhir beer, ang d-daddy mo.. Ang tanga amp!" Binuhos ko lahat ng luha ko kay Vhir beer.

"Kapag hindi siya nagising, Amaris.. He will be gone.." Sabi ni Chaz.

"Kapag nangyari 'yon, anong gagawin mo Amaris?" Sabi ni A.

"He saved you, and now siya ang naghihirap.. Wala kabang sasabihin manlang sakaniya?" Sabi ni kuya ash, binigay ko si Vhir beer kay Chaz at binalik ang tingin kay Vhor.

"Thank you ka-kasi iniligtas mo a-ako.. P-pero dapat hindi kana pumunta pa, k-kung alam kolang na ganiyan ang mangyayari sayo sana pinutukan nalang ako sa ulo ng gagong eman na 'yon! V-vhor.. please gumising kana please... Ka-kailangan kita... h-hindi magiging buo ang araw ko kapag wala ka.. Hindi ako magiging masaya kapag nawala ka kaya please wake up!" Humagulhol na naman ako, hinawakan naman ni kuya ang balikat ko.

"Mahal mo ba siya, mashang?" Hindi ako nag-alinlangang Tumango.

"Hindi mo siya kayang mawala sa buhay mo?" Tumango ulit ako "Then say it to him.."

"I.. I can't l-live without y-you Vhor.. Ka-kahit pasaway at lamunin ka ng away Mahal kita... Ma-mahal.." Yumuko ako at umiyak ng umiyak, hawak parin ang kamay ni Vhor at nagdarasal na sana magising na siya.

"Wala ng bawian ah," Napaangat ako ng marinig ang pamilyar na boses, nanlaki ang mata ko ng makitang dilat ang mata ni Vhor at ang kaniyang labi ay nakangisi, nabitawan ko ang kamay niya ng maloko siyang tumingin roon.

"I can't l-live without y-you Vhor.. Ka-kahit pasaway at lamunin ka ng away Mahal kita... Ma-mahal.." He imitated what I said "Grabe alam mo ba kung pano ko pinigilan ang tawa ko? V-vhor.. HAHAHA!" Mariin kong pinalo ang braso niya na ikinaaray niya hindi pa ako nakuntento at piningot ko ang tenga niya.

Sa sobrang inis ko sa ginawa niyang pagpapanggap na comatose siya ay hindi ko napansing sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya, napatitig kami sa isa't isa at bumagsak ang tingin ko sa labi niya ng ngumuso siya na parang nanghihingi ng halik.

"G*go." Mahinang sabi ko bago lumayo sakaniya ng marinig ang pagbubulungan ng mga gago niyang kaibigan, siya naman ay hindi matanggal ang ngisi sa labi "Lahat talaga kayo pinagkaisahan ako?! Sinama niyo pa si A sa kagaguhan niyo!" Inakbayan ni kuya si A.

"Syempre, walang iwanan hanggang kamatayan kami e! Mashang, ngayun lang namin napansing nakaapak ka palang pumunta rito." Nanlaki ang mata ko at tinignan ang paa ko, tama nga nakaapak lang ako at ang mga gago ay nagsitawanan.

"Para kay Vhor. Kilig ka Vhor? Nakaapak si Amaris habang tumatakbo papunta sayo," Ngumisi si Vhor sakin.

"Ang sweet mo naman." Pang-aasar niya, pinalo ko ulit ang braso niya kaya napaaray agad siya.

"Labas lang kami ah, Vhor galingan mo ah baka may mabuo kayo rito." Malokong sabi ni Chaz, sinapak ni kuya ang balikat niya.

"Hoy Vhor!" Pagbabanta ni kuya ash bago hinitak sila A, ng makalabas sila ay tinapik ni Vhor ang gilid ng kama niya kaya umupo ako roon at hindi nagsalita.

"Tatlong araw akong tulog, ngayun lang ako nagising dahil naramdaman kong gising narin ang isang halimaw na may pagka-slow." Pang-aasar niya "Pero seryoso.. May masakit ba sayo? Kasi sakin masakit ang puso ko." Tinignan ko siya na nakatingin rin pala sakin hanggang ngayun.

"A-ayos lang.. Puso? Bakit may sakit kasa puso?" Mahina siyang natawa at umiling, naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko kasi sure kung may gusto ba talaga sakin ang taong gusto ko kaya sumasakit ang puso ko.. 'Yung si-sinabi mo na.. Hindi mo kayang mawala ako sa buhay mo at.. M-mahal mo ako? Totoo ba?" Nag-iwas ako ng tingin, hindi ako nakagalaw ng hawakan niya ang kamay kona nakapatong sa kama niya.

"A-ahh i-iyon ba.. O-oo naman! ako ang may kasalanan kung bakit ka nand'yan, pagsisisihan ko kapag nachugi ka.. Tska.." Kumunot ang noo niya at parang may salita siyang hinihintay na magmula sakin.

"Tska?"

"Tska.. We a--" Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at iniluwa non si Mark, tumayo si Vhor at inilagay ako sa likod niya.

"Anong ginagawa mo rito? Baka gusto mong dito kana paglamayan." Seryosong sabi ni Vhor, napangisi si Mark at tumingin sakin.

"Amaris, wag kayong mag-alala nand'yan ang mga kaibigan niyo. Gusto kolang humingi ng tawad.."

"Hindi kami tumatanggap ng tawad dito, dun sa pamilihan ka pumunta.. Nga pala, mabubulok kasa kulungan kaya hindi kana makakapunta ng pamilihan." Sabi ni Vhor, hindi siya pinakinggan ni Mark at humakbang papalapit samin pero umatras kami ni Vhor at parang handang manapak ni Vhor sa position niya.

"Amaris, sorry sa lahat.. Hindi ko gustong masaktan at gamitin ka, nagawa kolang 'yon dahil galit ako kay Vhor lalo na sa magulang niya.. Sana maintindihan mo ako.. I'm sorry.." Bumagsak ang tingin kosa sahig at hindi kumibo.

"Gaya ng sabi mo Vhor Moon, mabubulok na ako sa kulungan kaya gusto kong sabihin kay Amaris na.. I like her, I like you Amaris. I'm sorry.." Nanlaki ang mata ko sa gulat at nakalabas nasi Mark bago ko siya tignan, akmang lalabas si Vhor para sundan si Mark pero pinigilan ko siya.

"Papatayin nalang kitang hayup ka!" Sigaw ni Vhor sa galit, hinila ko siya pabalik sa kama niya at pinaupo siya. Galit siyang tumingin sakin "May gusto sayo ang mokong na 'yon?! Dapat pala pinatay kona siya noon pa e,"

"Tsk, ano ba! Ganiyan na nga ang itsura mo pero ganiyan kapa mag-isip."

"E kasi nagsinungaling ka sakin! Nagtatrabaho ka sa restaurant nila diba, dati ko pa alam pero ano? You always lie to me! Irish kung hindi ako dumating don, baka pinaglalamayan kana ngayun! Naisip mo ba 'yon?" Halata sa boses niya ang pagkairita, umiling ako at sa baba ang tingin.

"Sorry.." Parang bata kong sabi, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ito papalapit sakaniya tska niyakap ng mahigpit, nagulat pa ako ng ginawa niya iyon pero gumanti nalang ako ng yakap sakaniya.

"Don't say sorry to me. I can risk my life for you. Ganon kita kamahal, kung alam molang.." Palihim akong napangiti at may luhang pumatak sa balikat ni Vhor galing sakin.

"Thank you for your love, Vhor.."

"Hindi ako tumatanggap ng Thank you. Love me back, Irish.."

But if you can't, I will still love you forever.. Kahit pabulong lang ang pinakahuling sinabi niya, narinig ko parin at dahil don bumilis ang pintig ng puso ko.

--

Ang tulin ng panahon, March 29 na at bukas ang birthday ni Vhor. Ngayun palang sumasakit na ang ulo ko kung anong susuotin ko, hindi kasi ako nakabili ng magandang damit kahapon dahil maghapon akong nakatulog at hindi ko narinig ang mga tawag ni Vhor sakin. Hawak ko ang ireregalo ko kay Vhor, pinaghirapan ko ito at pinagpuyatan, sana naman magustuhan niya kasi kung hindi talagang masasabunutan ko siya.

Napatingin ako sa diary ko na biglang bumukas, iniluwa non sila angelita at demonyita. Buhay pa pala sila, kasi simula ng ibinalik sakin ito ni Vhor hindi na nila ako kinausap e, pati si angelita.

"Hi Amaris!" Bati ni Angelita, tumango ako.

"Bati ba tayo?" Parang batang tanong ko, ngumiti si Angelita at tumango.

"Oo naman! May mga bagay lang akong iniisip kaya hindi kita nakausap, pero love ka namin ni demonyita. Diba demonyita?" Umirap si demonyita, napanguso ako dahil alam ko ang ganiyang reaksyon.

"Antok ako, angelita." Sabi ni demonyita at pumasok nasa loob ng diary.

"Sleepwell! Pst! Hayaan mona, antok siya e." Tumango ako kay angelita, napatingin siya sa hawak ko.

"Birthday gift mo sakaniya? Sigurado akong magugustuhan niya 'yan,"

"Sure ka? Parang hindi naman.."

"Pinagpaguran mo iyan, ang mga bagay na pinagpapaguran nagugustuhan ng mga taong pagbibigyan. Lagi mong tatandaan na ang buhay ay--"

"Weather weather lang?" Umiling siya at mukang natawa pa.

Oh kuya Kim ano na?

"Hindi, ang lagi mong tatandaan na ang buhay ay life." Napaawang ang bibig ko, akala ko naman importante iyon pala walang kwenta.

"Hindi iyon walang kwenta! Sige na, matutulog narin ako dahil binantayan kitang matulog kagabi e. Wag kang mag-alala, mahal ka non." Magsasalita pa sana ako ng magsarado na ang diary, ibinalik ko nalang ang tingin ko sa ireregalo ko kay Vhor.

Sana nga magustuhan ni Vhor ang ireregalo ko, hindi ito mahal pero ako naman ang gumawa nito. Mas okay na ito kaysa bumili pa ako sa divisoria o sa mall, hindi naman siguro mag-eexpect si Vhor na mahal na regalo galing sakin. Alam naman niyang mahirap lang ako, pero ayun nga sana magustuhan niya talaga ito.

--

"Mashang, pst!" Bumalik ulit ang tingin ko kay kuya na parang tanga dahil kanina pa ako tinatawag na parang nawawala siya.

"Whyie?" Lumapit ako sakaniya, may hawak siyang bola kasi nag babasketball siya mag-isa dito sa likod ng bahay namin.

"Nakita mo ang isa mo pang kuya?" Si finn? Tumango ako, nakita ko si kuya finn at mukang aalis siya dahil nakabihis ng maganda.

"Oo, kasama si jen. Bihis na bihis nga e, mukang aalis sila." Nagbago ang ekspresyon niya, tumingin siya sa bola at pinaglaruan ito sa kamay niya.

"Hindi kaya mag da-date sila, ano sa tingin mo kuya ash?" Hindi niya ako sinagot at tumakbo siya papuntang ring habang nag di-dribble at tska ni-shoot ang bola, parang naiinis pa siya ng ginawa niya iyon.

"Good for them." Sabi niya at ibinalibag ang bola kung saan.

"Galit ka kuya ash?" Tumingin siya sakin at ngumisi.

"Why would I be? There life is nothing to me. Gawin nila kung anong gusto nila, pake ko ba." Nakangisi siya pero hindi ang mata niya, liar.

"Sige kuya, sabi mo e."

"Hindi nga ako galit! Tsk. Be ready bukas, may gagawin tayo." Sabi niya at pumasok sa loob ng bahay namin, hinabol ko siya para itanong kung anong gagawin namin bukas pero tumuloy siya sa kwarto niya at nag lock ng pinto.

Sus, galit nga.

"Why would I be? There life is nothing to me." I copied what he said, tawa ako ng tawa habang pababa ng hagdan, hanggang sa kusina ay tawa parin ako ng tawa.
Natigil lang ang tawa ko ng tumutunog ang phone ko, tumatawag si Vhor is calling.

"Hello.. Vhor?"

[Binigay ko ang invitation kay Ash. Punta ka bukas?]

"Uhm..."

[Ang tagal mo namang sumagot! Oo o hindi lang, tsk]

"Edi hindi! Tss,"

[Ano?! Bakit... bakit hindi? May pupuntahan kaba bukas, saan ka pupunta ah? Anong gagawin mo? May nanliligaw na ba sayo ah?!]

Nanlaki ang mata ko sa dami niyang tanong, tska ano raw may nanliligaw naraw ba sakin?!

"Wala! Joke lang! Oo.. Pupunta ako bukas.. Advance happy birthday sayo."

[Bukas mo iyan sabihin sakin, at GOOD dahil baka masapak ko sila.. Magdala ka ng regalo ah, hindi kita papapasukin kapag wala]

Gago talaga siya! No gift No entry ba?!

"Oo.. M-may regalo ako sayo... Oh pano, tinatawag na ako ni mama kaya babush na!"

[Irish wait--]

Binaba kona ang tawag, uminom ako ng tubig dahil nauhaw ako bigla. Tinignan ko ang pagkaing hinanda ko para kainin pero nawalan ako ng gana dahil sa sinabi ni Vhor kanina, loko loko talaga siya. Ibinalik ko nalang ang cake sa ref at tumakbo na papuntang kwarto, nanood nalang ako ng cartoons na Spongebob Square pants para maibsan ang inis ko kay Vhor demonyito.

Bagay sila ni demonyita, same ugali same brain.

--

Gabi ang birthday party ni Vhor at tanghali palang ngayun pero tinatawag na ako ni Kuya ash, imbetado rin pala si kuya finn pero hindi kolang alam kung pupunta siya. Sumakay na ako sa kotse ni kuya ash dahil ngayun daw namin gagawin ang gagawin namin, diba ang gulo? Bahala kayo d'yan.

Hindi ako umimik dahil sabi niya ay Quite no talk wala me sa mood, oh diba ang bastos ng kuya ko? Kung hindi ko lang siya kuya baka itinapon kona siya sa kanal, mabilis rin siyang magmaneho pero thank God dahil hindi kami nababangga. Pumarada siya sa parking lot ng mall, mukang may bibilhin siya ah, nagpasama pa tsk.

Gentleman naman ang kuya ash ko kaya pinagbuksan niya ako ng pinto, pagkalabas ko ay hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok ng mall. O diba ang gentleman ng kuya ko, baka mainlove kayo ah, gago 'yan.
Nang makapasok kami ng mall ay may kumakaway samin mula sa malayo kaya hindi ko nakilala pero ng makalapit kami ay laking gulat ko ng makita sila Apollo at chaz, maraming babaeng nakatingin sakanila lalo na nung dumating si kuya nag tilian ang mga babae. Tsk, napaka-kire parang karekare.

"Hi, Amaris." Bati ni A, ngumiti ako at binati rin siya. Ang gwapo niya talaga.

"So let's go na, gagawin ka naming prinsesa ni Vhor, Amaris." Huling sinabi ni Chaz bago nila ako dinala sa mga bilihan ng mga damit.

"MASYADONG maikli. Masyado namang mahaba. Uhm.. Masyadong elegante. Hindi bagay sakin. Ahh fit sakin ayoko." Pailing-iling ako sa mga pinapakitang damit sakin nila kuya, at dahil puro palpak ang binibigay nila sakin ay ako na mismo ang humanap ng para sakin pero mukang mahihirapan ako dahil puro elegante ang mga damit rito.

"Amaris," Napalingon ako kay A na hawak ang isang pink na damit "Ito, bagay sayo." Nagliwanag ang mukha ko at lumapit sakaniya at kinuha ang damit na pink.

Off shoulder na pink at napaka simple lang ng disenyo, lagpas sa tuhod ko at mas mahaba ang tela sa likod kaysa sa harap. Light din ang kulay ng pink kaya masasabi kong mas bagay ito sakin dahil maputi naman ako. Inilahad ni A ang kamay niya at nakapatong don ang isang ipit na kulay pink rin, bulaklak ito at hindi masyadong malaki kaya bumagay sa damit.

"Isukat mo," Sabi ni A, tumango ako at pumunta sa fitting room.

Shet, ang ganda ganda pala... Nakanganga sila kuya ng makita nila ako, sinuri nila ang damit at pinaikot pa ako. Pumalakpak si Chaz at inakbayan si A, napangisi naman si A.

"Ganda ah, edi ikaw na magaling sa fashion." Natawa kami dahil parang bata ang tono ni Chaz.

"Mas gaganda 'yan kapag may alahas kang suot kaya tara ibibili ka namin ng alahas."

Alahas?! Hikaw nga wala ako e.

TINAPIK ni A ang kamay ni Chaz dahil puro elegante ang pinapakitang kwintas at hikaw sakin ni Chaz, hindi rin iyon babagay sa damit, dapat simple lang gaya ng damit.

"Oh eto? Ano ayaw parin?" Umiling ako.

"Wag na, ayoko ng alahas."

"Kahit ito?" Itinaas ni A ang kamay niya para ipakita sakin ang alahas na napili niya, simple.

"Oh! Ayan bagay kay Amaris! Hanep ka A ah, alam mo lahat ng babagay kay Amaris ah. So kanino siya bagay ah?"

"Tao siya hindi bagay. Pero kung sa tao, sakin." Anong ibig sabihin niya?

--

KAHIT ganiyan ang itsura ko ay kinakabahan parin ako, may isa akong bag na bitbit at duon nakalagay ang regalo ko kay Vhor. Nang makapasok kami sa loob ng mansion ni Vhor ay marami ng tao, puro magaganda ang suot at halata namang mahal. Napatingin ulit ako sa suot ko, simple pero elegante.


"Amaris! Ka-sis!" Nagsitakbuhan sila remi at mich papunta sakin at niyakap ako kaagad.

"Ang ganda mo, Amaris! Ang ganda natin!" Sabi ni mich.

"Talaga? Ang gaganda niyo nga e," Umirap si mich at tumawa ng parang baliw.

"Nako ano kaba! Selemet!" Maarte niyang sabi sabay tawa, hinila na nila ako sa loob.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng makita si Vhor na nakikipag-usap sa isang matandang lalaki habang may hawak na isang wine glass, nakasuot siya ng blue tuxedo at nagandahan ako sa ayos ng buhok niya dahil nakataas ito at may konting lawit sa gilid, malakas rin ang dating niya dahil sa tindig ng katawan niya na mukang naging macho. Lahat ng suot niya ay siguradong mahal.

Nanlaki ang mata ko at nag panic ng magtama ang mata namin, agad akong umiwas ng tingin at kinausap nalang si remi na panay ang hanap kay Chaz. Napa-shet ako ng may humawak sa braso ko at hinarap sakaniya, si Vhor na sinusuri ang suot ko.

"You look so gorgeous, bagay sayo ang damit mo." Sabi niya, tipid akong ngumiti at nakita sa likod niya sila kuya ash kasama si Chaz at A.

"Ah.. Happy birthday pala!" Bati ko sakaniya, ngumiti lang siya at hindi tinanggal ang tingin sakin.

"Happy birthday Vhor! Sayo ang inuman sayo ang pulutan, happy birthday happy birthday to youuuuu--OUCH!" Binatukan ni kuya si Chaz ng kumanta ito ng happy birthday para kay Vhor.

"Happy birthday, ali." Bati nila kuya, nakasuot si kuya ng red tuxedo, si Chaz naman ay dilaw tux at si A ay white tux. Ang gwapo ni A, para siyang ikakasal.. sak--kay cynea.

"Happy birthday," Niyakap ni A si Vhor, tumango si Vhor at natawa pa ng makita ang itsura ni Chaz na nilalapitan na ng mga babae, ang sabi mga ex daw niya.

"Hoy, nasaan regalo mo?" Natigilan ako at hindi alam ang gagawin ng magtanong si Vhor.

"A-ahh kasi.."

"Mr Vhor Moonchester," Tinawag si Vhor ng isang lalaki kaya pumunta siya roon, nakahinga ako ng maluwag "This is my gift for you," Inabot nung lalaki ang maliit na box, tinanggap ito ni Vhor at binuksan.

"The key of the most expensive car in the world, Mr Moon the Bugatti."

Most expensive car?

"Wohoa, grabe 'yon." Rinig kong sabi ni Chaz.

May dumating pang isang babae na may suot na dilaw na dress at puno ng alahas sa katawan na may dalang wine, mukang expensive rin.

"Mr Vhor Moon, this is the most expensive wine in the world. The Domaine Leroy Musigny Grand cru." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang salitang 'Expensive'

"Wow, hindi ko iinumin 'yan. Ide-display ko or ibebente ko nalang, sa mahal niyan malaking halaga ang kikitain ko." Binatukan ulit ni kuya si Chaz, napasimangot si Chaz at lumayo ng kaunti kay kuya.

"Mukha kang pera," Sabi ni kuya, napatingin ako sa bag ko na mahigpit kong hinahawakan.

Nakakahiya naman kung ibibigay ko kay Vhor ang regalo ko sakaniya rito, lalo't hindi ito mahal gaya ng mga ibinibigay kay Vhor. Baka pagtawanan lang ako ng mga tao rito. Anong laban ko sa mga most expensive in the world? Kahit 100k nga wala ako e, kaya napag-isipan kong gumawa ng isang bagay na magagamit ni Vhor sa pang-araw-araw kung gusto niya, pero sino ba namang mayamang gagamit ng mga murang bagay lang?

"Irish." Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Vhor, nasa harap kona siya ulit at nakatingin sa bag ko "Nasaan na ang regalo mo?" Napakagat labi ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"A-ahh.. M-mamaya na!" Kinakabahang sabi ko, kumunot ang noo niya at mas lalong lumapit sakin kaya napaatras ako.

"Bakit mamaya pa, pwude namang ngayun. Nasan na? Birthday party ang pinuntahan mo tapos wala kang dalang regalo, anong klaseng bisita ka." Naiinis niyang sabi.

"Hi-hindi mo naman kailangan ng regalo e! Marami ka ng expensive gifts kaya.. hindi mona kailangan iyung akin."
Napaawang ang labi niya.

"Ano? Irish--" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng dumating si jen kasama si kuya finn, agad lumapit si jen sakin at binati si Vhor.

"Happy birthday." Pormal na sabi ni kuya finn, tumango lang si Vhor at binalik ang tingin sakin.

"Magkasama kayong dalawa?" Tanong ni kuya ash kay kuya finn.

"Hindi ba obvious?" Sagot ni kuya finn, hinawakan ni jen ang braso ko.

"Ah finn, duon muna kami ah!" Paalam ni jen kay kuya finn, tumango si kuya finn at hinila na ako ni jen papunta kayla remi na panay ang kain.

"Ang ganda mo havi ah. Blooming parang hindi nasaktan." Biro ni mich, tumawa lang si jen.

"Kayo nani finn? Kailan pa?"

"Huh? Ahh si finn, hindi ah." Hindi ako makapagfocus sa mga usapin nila dahil napapatingin parin ako sa pwesto ni Vhor kung saan nakatingin rin siya sakin.

"Huy Amaris! saan kaba nakati-- ahh, kay Vhor ang prinsepe niya pala. Gwapong gwapo, sis?" Umiling ako sa sinabi ni mich.

"Oh, kumain ka para maibsan 'yang paghanga mo sa kagwapuhan ng prinsepe mo." Kumain nalang ako gaya ng sinabi ni mich at remi at hindi na tumingin pa kay Vhor.

MAY HUMABLOT ng braso at dinala ako kung saan, ng lumingon ako ay si Vhor ang nakita ko. Hindi parin nagugulo ang buhok niya, mukang sariwa parin pero sakin medyo gulo na.

"Sumama ka sakin. Ipapakilala kita sa mommy ko." Nanlaki ang mata ko, umiling ako kaagad dahil maraming sabi-sabi na mataray daw ang mommy niya kaya ayoko.

"Huh? Ayaw! E kasi.. na-nauuhaw ako e." Palusot ko at tinalikuran siya pero nahablot niya ang braso ko at hinarap sakaniya.

"Don't worry, ipapakilala lang kita. Kung natatakot ka, you can hold my hand."

"Thanks but no thanks, Vhor!" Huli kong sinabi bago tumakbo palayo sakaniya, nakita ko si jen kasama sila mich kaya duon ko balak pumunta pero may humablot ulit ng braso ko at si Vhor iyon dahil naamoy ko ang pabango niyang expensive.

"Irish, wag makulit please." Umiling ako at pilit na binabawi ang braso ko.

"Ayoko nga, ayoko! Kaya let me go!" Ng matanggal kona ang kamay niya sa braso ko ay tumakbo ako papunta kayla jen pero nagulat ako ng may tumakbong bata sa harapan ko kaya natigilan ako at napahiga sa sahig.

Ramdam ko ang mga tingin ng tao sakin at rinig ko ang mga bulungan nila, pero mas lalo akong kinabahan ng marinig ang takong na papalapit sakin. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang sandals na may takong, umangat ang tingin ko at ang babaeng nakalugay ang buhok na hanggang balikat at nakasuot siya ng pulang dress na may black sa kwelyo nito. Taas noong nakatingin sakin at mukhang mataray dahil nakataas ang isa niyang kilay, napansin korin ang kaniyang mahabang hikaw na bagay sakaniyang eleganteng damit.

"Vhor, who is this woman?" Nagsalita siya at ang tono ng boses niya ay hindi ko nagustuhan.

---

Lyle_dreams

Continue Reading

You'll Also Like

335K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
24.3K 440 48
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
5K 256 6
Inosente ang batang si Renren ngunit nagbago ang lahat ng matuklasan niya ang papel niya sa buhay.
37.8K 1.1K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...