Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.2M 78.9K 34.3K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 31

39K 1.4K 415
By ov3rtin_ker

Tinangay ng hangin ang ngiti sa labi ko nang maging seryoso ang mukha ni Ross. It was as if he was hit by a thunder. Tinikom ko ang bibig at nagsalisihang tumingin sa mga mata niya.

"B-Bakit?" I asked. Though I know my utterance shocked him.

"How did you know my name is Ross?" Umigting ang panga niya. "No one calls me Ross. It wasn't even on my personal information. How come you know it?"

Bumilis ang tahip ng dibdib ko. I am caught off guard. Still, it is not enough reason to just admit it.

Tumawa ako. "Anong sinasabi mo? I didn't call you Ross."

Lumunok siya, matalim pa rin ang mga mata. "Yes, I heard it. You yelled my name."

We are in awkward position. Nakahiga ako sa buhangin samantalang nakaupo siya sa tabi ko. Umayos ako ng upo, inilalayo siya.

"Nagkamali ka ng dinig. Ang sabi ko, boss." I nervously laughed again upang hindi niya mahalata ang pagsisinungaling ko. "Eh, hindi ko nga alam ang buong pangalan mo. Ang alam ko lang, Cervantes ang apelyido mo, Sir. And your name is Miah . . . s-sabi mo."

He sat properly, unconvinced.

"Ross ang pangalan mo? Paano ba 'yan? Alam ko na. Bawal ba? Anak ka ba ng mafia boss kaya kailangan secret lang 'yon?" Pabulong ang huli kong tanong. Inakbayan ko siya. "Huwag kang mag-alala, your secret is safe with me, Sir."

His expression didn't change. Isang salita lang ang nakapagpabago ng mood niya. At last, he heaved a sigh and massaged his temples. He lowered his head and shook it.

"I'm hearing weird things," he said.

"Okay lang 'yan. Part of recovery."

"Limang taon na." Suminghal siya. "Pinagkakaitan pa rin ako ng mundo. I am still stuck at this stage. I'm starting to lose hope."

Ginawa ng labi ko ang katahimikang hindi kayang gampanan ng puso ko. Nagpeke ako ng hikab. Tinakpan ko ang bibig at kinusot ang mga mata.

"Inaantok na ako, hindi ka pa matutulog?"

Nagsuong pa siya ng mga kahoy sa apoy. "You can sleep. It is hard for me to sleep when my head is full of thoughts. I need to empty it."

Tumango ako at pumasok na sa loob ng tent. Dibdib ang una kong hinawakan nang maisara ang pintuan no'n. I'm feeling my heartbeat when the door opened and Ross saw me, dumoble ang bilis no'n.

"I need my notebook."

Sa taranta ko ay natagalan akong hanapin ang notebook niyang nasa tabi ko lang pala. "Ito, oh." I smiled nervously.

Nagugulumihanan niyang inabot sa akin ang kuwaderno. Isinara niya ang tent at bumalik sa tabi ng apoy. Nakahinga ako nang maluwag pero higit na natakot dahil nagiging padalos-dalos ako sa mga sinasabi.

Kailangan na namin bumalik sa resort. Ayoko na talaga. Sa tingin ko, kahit si Ma'am Vida ay hindi mapipigil ang pag-alis ko pag-uwi namin sa isla.

Humiga ako at ginawang unan ang mga palad. Kinuha ko ang phone upang tignan kung anong oras na nang makita ang reply ni Fritz sa text ko kahapon.

Me: Fritz, stranded kami sa isla. Mahirap lumayag nang maulan. Kailangan ng mas malaking bangka para sunduin kami. Please, send help as soon as possible.

Fritz: Shuta ka! Akala ko ay nakipagtanan ka na. Naipaalam na namin kay Ma'am Vida. Bukas ay may susundo na sa inyo. Tiyagaan mo lang.

Fritz: Chance mo na 'yan. Alam mo na!

Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang sigaw. I've never been this happy receiving a reply from her. Sa sobrang tuwa ko ay lumabas ako para ipaalam sa kanila ang magandang balita.

"May parating na bangka! Nakita na nila 'yung message ko. At bukas may susundo na sa 'tin!" masaya kong sabi.

Bigla ay bumukas ang tent ni Kuya Raul. "Totoo ba, Freda?"

Marahas akong tumango at tumingin kay Ross na blangko ang mukha. "Share ko lang." Kinamot ko ang batok sa kahihiyan.

"Magandang balita 'yan. Makatutulog na tayo nang walang inaalala," si Kuya Raul.

"Oo nga po." I consciously said because Ross is looking at me. "Tulog na rin ako, Kuya Raul . . . Sir." glanced at him.

Gumuguhit na naman siya sa notebook niya. Pinagpapatuloy ang sketch ng babaeng walang mukha. Kahit tuloy anong pilit kong matulog ay nababagabag ako sa maaring mangyari kapag natapos na niya 'yon.

Tinatapik ko ang sariling hita nang bumukas ang tent. My hand stopped moving. Pumasok na si Ross. Itinabi niya ang notebook sa gilid at kinuha ang bag para gawing unan. Inaayos niya ang bag nang malingon ito sa akin.

Nilapitan niya ako pansamantala upang itaas ang ulo ko at ipailalim ang bag. He's so careful, afraid that he'll wake me up. Humiga siya ngunit hindi nagtagal ay umupo ito.

May kinuha siya sa bulsa ng short at ibinuhos sa ibaba. With just hearing the sound of it, I know they are seashells.

May ginagawa siya, ngunit dahil nakatalikod ito sa akin ay hindi ko makita kung ano. Hanggang sa dapuan na ako ng antok ay gising siya. He's not around when I woke up.

Nag-inat ako ng katawan bago lumabas. Ikatlong araw na ng madilim na langit. "Imposible namang may bagyo ngayon."

Hinanap ng mata ko si Ross. Nakita ko silang magkasama ni Kuya Raul. Halakhak ang unang responde ng sistema ko nang makitang pinaghihilod siya ng bangkero.

Gamit ang lapad na bato ay kinukuskos ni Ross ang likuran niya. Malayo sila kaya hindi nila ako pansin. Pagkatapos ni Ross ay si Kuya Raul naman ang naghilod sa kaniya. He looks so satisfied. Itinuturo niya pa ata kung saan ang tamang bahagi.

Nawalan ako ng gana maghilamos. Baka mainom ko ang libag nila. Nilinis ko ang paligid ng tent namin. Ibinaon ko sa buhangin ang mga abo na ginawa ng kahoy.

I averted my gaze at them when I saw them coming back. Wala silang pang-itaas pareho. Hindi ko alam kung kanino ako mamamangha. Ross is still young, si Kuya Raul ay may edad na ngunit magsinglapad lang sila ng balikat. Parehong umuukit ang walong kuwadrado sa katawan nila. Nagbaba ako ng tingin nang mapagtantong nagtagal ang titig ko kay Ross.

"Anong kakainin natin ngayon?" si Ross.

"Mangingisda ulit tayo ro'n." Tumuro sa malayo si Kuya Raul.

"Isda na naman? Baka lumangoy na 'ko gamit ang buntot bukas."

Natawa kami sa sinabi niya. "Oo, tapos may kaliskis ka na," biro ko.

"Wala naman tayong pagpipilian. Pagtiisan na lang muna natin at makauuwi na tayo mamaya," anang matandang lalaki.

"Tama. Bawal mag-inarte. Ikaw lang ay may gusto pumunta rito. Nadamay lang kami ni Kuya Raul." Humalukipkip ako.

"May muta ka pa," puna ni Ross.

Bumaba ang nagtataasan kong kilay at sinalat ang gilid ng mata. Napahiya ako nang may masalat ngang dumi do'n. Ross chuckled in a teasing manner.

Ang dalawang lalaki lamang sana ang mangingisda ngunit nagpresinta akong sumama. Wala naman kasing ambag si Ross. Makatulong man lang ako kay Kuya Raul.

Bumalik kaming may huli. Ito ang tinatawag na suwerteng malas. Malas kaming inabutan ng masamang panahon dito but we're lucky that the sea is rich. Hindi kami nagugutom.

"Anong oras sila darating?" tanong ni Ross.

"Walang sinabi si Fritz, basta ngayon daw. Alam mo naman kung ilang oras ang nilayag natin mula sa kabilang isla papunta rito. Kung maaga silang umalis, sandali na lang tayo maghihintay at nandito sa sila."

"This is boring," reklamo niya. Lumusong ito sa tubig at muli ay nagbasa. Lumangoy ang lalaki, hindi alintana ang panahon.

Dalawang araw na akong walang ligo! Inamoy ko ang sarili sa naisip. "Mabango ka pa."

Gamit ang kutsilyo ay hinahasa ni Kuya Raul ang mga kahoy. May balak pa ata siyang mangaso sa gubat. Umupo ako sa buhanginan at nag-isip ng sariling pagkakaabalahan habang pinalilipas ang oras.

Magiging bata muna ako pansamantala. Gumawa ako ng sand castle. Awang-awa na ako sa sarili ko. Sa sobrang kabagutan ay nakabuo na ata ako ng isang kingdom. I was admiring my piece of work when the water hit it. Inakala kong dahil 'yon sa alon pero nang makita ang natatawang si Ross ay nagdilim ang paningin ko.

"Ang galing mong manira!"

"Make the foundation stronger. Hindi 'yan masisira kung maayos mong ginawa."

"Seryoso ka ba? Buhangin lang 'to, malamang tubig lang ang katapat, wala na."

Nagsimula muli ako ng bago. Sumalampak siya hindi kalayuan sa akin at nag-umpisang bumuo ng sa kaniya. Nagsusulyapan kami sa gawa ng isa't-isa.

Tapos na sana ako nang makitang mas malaki ang sa kaniya. Dinagdagan ko ng bahagi ang akin para mas mapalaki at mahigitan ang sa kaniya.

He left to pick shells. Nagkaroon ako ng pagkakataon siraan nang kaunti ang gilid ng gawa niya. Bumalik siya dala ang mga kabibe.

"Hey, you don't play fair."

"Wala akong ginagawa sa kubo mo."

"It's a castle, moron."

Nang-aaaar akong humalak. "Castle ba 'yan? Mukha kasing kubo."

Dinisenyuhan niya ang paligid ng sandcastle gamit ang mga napulot na kabibe. Maganda ang ideyang 'yon kaya pumulot din ako ng akin. Pagbalik ko'y may sira na ang sandcastle ko.

"Bakit ang laki ng sinira mo?"

"Where's your proof that I ruined it?"

Pinanggigilan ko siya. "Ang pangit ng sa 'yo. Mukhang tower sa tangled pero mangkukulam ang nakatira."

"Yours look like a palace, where happy ever after don't exist."

Pareho kaming competitive. Wala nang umalis sa amin para mabantayan ang ginagawa. Kanina ay nakaupo pa kami. Now, we're standing because it's big enough.

Naaaliw ako sa ginagawa namin. Lumipad ang oras nang hindi namin namamalayan. No one dared to stop and accept defeat. Pinapanood lang kami ni Kuya Raul. Sinabihan pa namin siyang, siya ang judge pagkatapos. Kung alin ba ang mas maganda.

It was all fun and games until a big wave hit mine. My world stopped for a second. Bumagsak ang sandcastle kong isang oras kong binuo. Nakaawang ang labi ay hinantay ring bumagsak ang kay Ross pero bigo ako.

"Poor you." Malakas siyang tumawa.

Animo'y maiiyak ako sa inis. My eyes squinted. Lumapit si Ross para hagurin ang likod ko.

"It's fine, you can lose. You did your best." Halatang nang-aasar ang lalaki.

Pinagsakluban ako ng langit at lupa. I grab a handful of sand and hit him.

"Stop!" Narumihan ng buhangin ang puti niyang damit. Pinapagpag niya pa lang 'yon nang tamaan ko siya ulit. He grabbed a handful of sand too.

Lumayo na ako sa kaniya bago pa man niya 'yon ihagis. It hit my back. Bumaba akong muli para dumakot ng buhangin at tamaan siya. It's easier for him to grab a sand. Sa sandcastle niya mismo siya kumukuha, walang pakialam kung masisira man 'yon.

"Duling ka!" I teased when he failed to hit me. I'm not expecting his urgent action. Natamaan ako ng buhangin sa pisngi. "Puwe!" Dumura ako nang malasahan 'yon.

Tumawa ang lalaki. Gamit ang dalawang kamay ay dumakot itong muli.

Bawat pagbato niya ay siyang pag-iwas ko. We dirtied each other in a fun way. Nagkakatamaan kami sa mukha ngunit panandalian lang naman ang sakit. His white shirt turned brown. Ako naman ay busog na ata sa daming beses niya akong tinamaan malapit sa bibig.

Sinangga ko ang kamay nang tuloy-tuloy siyang magbato ng buhangin sa akin.

"Sandaleeee!" mahaba kong sigaw habang takip ng palad ang mukha. Hindi ako makadakot ng buhangin. "Jeremiah!" I yelled.

When I was able to grab sand. Tinakbo ko siya. He's fast, given that he has longer legs than me. Tumakbo ito nang patalikod, so he could tease me while running.

It's all thanks to the water that made the sand slippery. Nadulas ang lalaki kaya naubatn ko siya.

"Gago ka, wala kang kawala ngayon." I hovered on top of him. Binahiran ko ng buhangin ang buong mukha niya, ang leeg at kahit ang mga braso.

"Ayoko na–I'm done with this! Freda!" Ginalaw niya ang mukha para iwasan ang kamay ko. He grabbed a sand from his side and took his revenge.

Umalis ako sa ibabaw niya at tumakbo upang makatakas. We ended up wasting another hour playing like kids. Huminto lang kami nang parehong mapagod sa pagtakbo.

"Mabagal ka pa rin hanggang ngayon." I chuckled.

He threw a pinch of sand at me. "I'm way faster than you."

"Dream high."

Humiga ang lalaki sa buhanginan at tumingin sa langit. "Miss mo na lumipad?"

"Why would I?"

"Siyempre piloto ka. Baka nami-miss mo na mag-travel."

"Piloto ako, hindi ibon. Eroplano ang pinalilipad, hindi kami ang lumilipad." Pinilosopo niya ako.

"Sorry, my mistake. Mukha ka kasing lamok. Fly-fly lang gano'n," sarkastiko kong sabi.

"Gutom na 'ko," out of context niyang sabi. "Do we have to eat fish again?"

"Favorite mo nga 'yung isda noon. Reklamo ka pa," I said. "Gusto mo pumuntang gubat? Hanap tayo ng himala."

Sandali siyang natulala pero ngumiti 'to pagkatapos. "That sounds fun."

"Maglaro tayo. Ang makabalik ng buhay ang panalo," biro ko para takutin siya.

"Game," he shortly answered.

Nagbibiro lang naman ako ngunit ngayong pumayag siya ay naisip kong totohanin. Nagpaalam kaming pumunta sa maliit na gubat. Binigyan kami ni Kuya Raul ng matatalas na kahoy pangdepensa kung kailanganin namin. We also bring his knife.

To be honest, ito ang unang beses na pupunta ako ng gubat. And I bet it's also his first time.

"Alam mo ba 'yung kuwento?" I asked him in a creepy voice.

"Tell me."

"Dati raw, may naligaw na mag-ina sa gubat. Itinapon sila ng asawa ng babae. Wala pang gaanong kapunuan dito. Ang karamihan sa kanila hindi naman nagbubunga. Nagutom sila kaya iniwan ng Nanay 'yung anak niya para maghanap ng pagkain."

"Then?" He knotted his forehead.

"Wala siyang nahanap kahit isang piraso ng prutas. Kaya bumalik na lang siya sa anak niya. Anak naman niya ang nawala. Nagalit 'yung babae. Nagwala siya. Hinagilap siya sa buong gubat 'yung anak niya. Araw ang ginugol niya sa paghahanap hanggang sa sumapit ang ikatlong gabi."

"Nakita na niya?" Interesadong-interesado ang lalaki.

"Dininig ng kabilugan ng buwan ang hiling niya. Nakita niya ang anak niya. Naiyak siya sa tuwa pagkatapos ay humalakhak. Alam mo kung anong sinabi niya?" Pabulong akong nagtanong.

Ross blinked twice a second when my face loomed closer to his. "W-What?"

I weirdly smiled. I laughed creepily and clung my hands around his arms. "Sa wakas, may makakain na rin ako–aray!"

Bigla akong tinulak ni Ross kaya napaupo ako sa isang buwal na puno.

"You're scaring the hell out of me," aniya.

Tinawanan ko siya nang tumalikod ito para bumalik sa dalampasigan. "Kabisado mo ang daan? Baka maligaw ka rin, iba ang makahanap sa 'yo?" loko kong sabi.

"That's not a good joke."

I laughed more. "Halika na, may natatanaw na akong puno. Mukhang may bunga."

I dragged him with me. Gawa-gawa ko lang naman ang kuwentong 'yon. Paniwalang-paniwala siya.

Narating namin ang gitna ng gubat. Ilang matayog na puno ng mangga ang nakita namin. May isang puno rin ng saging na naiiba sa kanila, tila naligaw.

"The bananas are ripe already. Finally, something that's not fish," si Ross.

"Buhatin mo ako dali, aabutin ko." Pinagpag ko ang balikat niya .

"Ang bigat mo kaya. Mukhang nakakalimutan mo kung sino ang PA sa ating dalawa," aniya.

Umirap ako at tumayo sa harap niya. "Sige, ikaw pumasan sa 'kin." Tinapik ko ang likuran.

Sinunod nga ako ng lalaki. Halos mabali ang buto ko nang buhatin ko siya. Hawak niya ang kutsilyo at gamit 'yon ay kinuha ang saging. Binagsak niya 'yon sa ibaba dahil masiyadong mabigat.

"Two billion na 'yung buto ko," ani ko nang makababa siya.

"This is just perfect." Kulang na lang ay pumuso ang mata niya sa saging. The long stalk of ripe bananas holds its heart at the bottom.

"Itabi muna natin, kukuha pa tayo ng mangga," sabi ko.

"Can we take a rest first and eat? Kanina pa tayo naglalakad."

Binitbit niya ang mga saging sa isang gilid sa tabi ng puno. Sumunod naman ako. Umupo kami sa silong ng punong mangga. Kumuha siya ng saging at tinikman 'yon.

"The taste of healthiness," exaggerated niyang sambit.

Kumuha ako at binalatan 'yon. Hindi pa ako nakakakagat ay nakadalawa na si Ross. Sumandal ako sa puno. "Nakalimutan ko," panimula ko. "May karugtong pa 'yung kuwento ko kanina."

"Who's asking?" He doesn't want to hear it.

"Gutom na gutom 'yung Nanay. Tinakbo niya ang batang lalaki at niyakap. Kasabay ng isang kagat sa leeg. Kinain niya ang anak niya sa desperasyon. Walang tinirang laman. Walang tinirang dugo."

"Can you stop now?"

"Umiyak siya nang mapagtanto ang ginawa. Pero huli na ang lahat para magsisi siya. Itinira niya ang puso ng anak at ibinaon sa lupa. Pagkatapos no'n, tumubo ang isang puno at nagbunga ng marami upang hindi na muling magutom ang ina niya." Sinulyapan ko ang saging sa tabi niya. Nagulat ito nang ihagis ko sa kaniya ang puso ng saging.

"You're crazy."

Tumawa ako. "Masarap ba?" Tukoy ko sa saging na nakagatan na niya. I took a bite and smiled.

He sighed, shaking his head. "If that's his heart, then what is this?" Itinaas niya ang saging.

"Ano sa tingin mo?" pilyo kong tanong.

Tinitigan niya ang saging. Kalaunan ay nagkatinginan kami at sabay na natawa. Humagalpak ako nang ma-realize kung gaano kami kaparehas mag-isip..

"You're done."

"Anong iniisip mo?" natatawa ko pa ring tanong. "Ako daliri, eh, ikaw? Ano 'to sa tingin mo, ha?"

He laughed. Maiiyak na siya sa kakatawa. Pagkatapos naming kumain ay inaya ko na siyang manguha ng mangga sa kabilang puno. Ako ang umakyat dahil hindi naman maaasahan ang isang 'to.

Pag-akyat nga ng ligaw, hindi siya marunong. Pag-akyat pa kaya ng puno?

Sanay na ako sa probinsiya namin noon. May kumpiyansa akong umakyat ng puno. Si Ross ay naiwan sa ibaba. Sinasapo niya ang manggang hinuhulog ko gamit ang t-shirt.

The rain is actually starting to pour again. Papatak-patak na ang ulan sa balat ko.

"Eto na!" sigaw ko at binagsak ang mangga. Diretso iyon sa damit niya. "Good dog."

"May sinasabi ka?"

"Wala. Eto pa!"

Patuloy akong nanguha ng mga mangga hanggang sa marami kami. Mayroon pa sa bandang dulo kaya nilakad ko ang sanga.

"This is enough! Baka marupok na ang sangang 'yan. Umuulan na."

"Napakagaan ko, huwag kang kontrabida." Nilakad ko ang sanga at inabot ang mangga sa dulo ng puno.

Pabalik na ako nang bumigay ang sanga dahilan para mahulog ako. The next thing I know, I'm on the ground with Ross protecting me from the falling branch of tree.

"Ross!"

Ni hindi ko naramdaman ang sakit ng pagbagsak. Tinakpan ako ni Ross, ng mga bisig niya. Nakita ko kung paanong bumagsak sa ulo niya ang malaking sanga.

Napapikit ang lalaki sa sakit. Nang magdilat ito ay nagkatitigan kami. He's looking at the edges of my face. Inisa-isa niya ang parte ng mukha ko. He surveyed my eyes, my nose, my lips.

"O-Okay na siguro 'to. Balik na tayo," ani ko nang maging awkward kami sa isa't-isa.

Umayos ako ng tayo. Kumurap ako dalawang beses sa isang segundo. I realized my mistake but he didn't notice so it's fine. I was relieved.

Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang magsalita siya.

"Who are you?" he asked.

Kumunot ang noo ko, nagsimulang tumahip ang dibdib.

"You know me. You know who I am," he uttered after a long silence.

Hindi gumalaw ang leeg ko para lingunin siya. Naglakad lang ako.

"Kilala mo 'ko, tama ba? You called me by my name, and keep talking about how I didn't change. And how the hell did you know I like fish? How did you fucking know I'm Jeremiah? My name is Ross."

Binilisan ko ang paglalakad dahil nakasunod siya. Papalakas naman ang ulan.

"Talk to me!"

Naubusan ako ng salita. Or maybe it's because I know that he won't believe my explanation and excuses anymore. Mas mabilis siya sa akin. Kahit anong bilis ko sa pagtakbo ay naabutan niya ako.

The rain helped me hide my emotions. Hinuli niya ang palapulsuhan ko para iharap sa kaniya.

"Bitawan mo 'ko," umiiyak kong sabi.

"Sabihin mo sa 'kin kung sino ka. Sino ka sa buhay ko?" Lamang ang luha niya sa ragasa ng ulan sa mukha nito.

"Hindi kita kilala. Nagkakamali ka," umiiling kong tanggi. "Pakawalan mo na 'ko."

"Do you think I will believe you?" he yelled. "Tell me who you are. How did you know me? How did you know me?!" Sigaw ang huling tanong niya.

Umiling ako, ginamit ang lahat ng lakas para makatakas sa kaniya. Nakawala ako sa lalaki. Mabilis akong tumalikod para muling lumayo, but before I could leave him . . .

"You're selfish, you're so unfair." Pain was evident in his shivering voice.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 41.7K 54
[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion w...
148K 16.8K 47
Unicode အကယ်၍ သင်သာနတ်ဆိုးတစ်ကောင်ရဲ႕ နက္ခတ်နှင့်အတူယှဉ်ပြီး မွေးဖွားခဲ့မည်ဆိုလျှင်... Zawgyi အကယ္၍ သင္သာနတ္ဆုိးတစ္ေကာင္ရဲ႕ နကၡတ္ႏွင့္အတူယွဥ္ၿပီး ေမြ...
40.5K 3.7K 64
~ Dangerous Life Ahead ~ • Book 2 of LIFE OF PANCHALI TRILOGY • Panchali Rathore, Ex- CEO of Rathore Industries, now the Crown Princess of Hastinapur...
1M 40.4K 33
City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his family background, with that comes a lot...