Chapter 13

36.3K 1.4K 418
                                    

New year, new semester. Ang tugon...

"Ma'am, ipasa niyo na po ako."

The break lasted for two weeks. Sa ikatlong araw ng taon ay may pasok na ulit kami. Sa gate pa lang ay may madaraanan ka na mga estudyanteng kung hindi halaman ay patabang lupa ang dala, pangtawid sa kabilang semester dahil hindi naabot ng marka ang syete at singko.

Naglalaro ng habulan, tagu-taguan at patintero ang mga teachers at mga estudiyante. Pinakapatok ang pinoy henyo, alamin mo kung ano ang kulang mo dahil taga-encode lang sila ng numbers.

Palaisipan nga rin sa akin kung paano kong naitagpos ang unang dalawang quarter ng school year na 'to. Gumana ang ritwal.

"Babes, hintayin mo 'ko!"

Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagpapagupit ni Ace. Hindi ko gusto ang bagong itsura ng buhok niya.

"Required ba talagang magbago ng hairstyle kapag bagong taon?" tanong ko.

"Yep."

"Bakit hindi mo kasabay si Ross, babes?"

Iniwan ko. Nakasanayan na naming hintuan ang bahay ng isa't-isa para sandaling bumusina bago pumasok. Ito ang unang araw na hindi ko 'yon ginawa.

Katulad ng paglipas ng nakaraang taon. Hindi lang sa mga memorya ako nagpaalam, sa nararamdaman ko rin para sa kaniya.

This time, ako ang may plano para sa ikapapanatag at ikaayos ng damdamin ko. Oplan: ekis sa kaibigan.

"Tiyak nakalimutan mo daanan. Lagot ka, magwawala ang king of the jungle mamaya."

"Malaki na siya, dapat kaya na niyang pumasok mag-isa."

Naningkit ang mga mata niya. "May something."

"Panindigan mo mga 'yang new year, new me mo. Ang daldal mo pa rin."

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Sa wakas ay nakakakilos na ako nang maayos dahil mas mahaba na ang suot kong palda at wala na ang sagabal kong buhok. I already tied it.

Since Celine and Ross are in good terms now, tapos na ang pagpapanggap ko in which I found useless dahil kahit hindi naman ako magpakababae, pagseselosan ako ni Celine.

I'm still thankful for that short period. Kahit sandali lang ay nakahinga ako. For a while, I feel like I am true to myself. 'Yung Moren na hindi palaging matigas, siga at malakas.

It gave me time to breathe. Although if given a chance, hindi ko na ulit susubukan.

"May kuwento ako," si Ace pa rin. "Naaalala mo 'yung sinabi ko sa inyo dati?"

"Sa dami ng sinabi mo sa amin, malabong matukoy ko kung alin." Pinaglalaruan ko ang straps ng bag. Nakaharap sa akin si Ace, patalikod na naglalakad para makita ako habang dumadaldal.

"The girl I'm chatting with," aniya.

"Sino ro'n?" Humalukipkip ako, lukot ang noo.

"The one who blocked me. Parang hindi ka kaibigan, pinagmumukha mo naman akong hindi loyal."

"Chinat mo ulit?" I asked.

"Binati ko siya ng Merry Christmas noong pasko. Nag-reply siya." Lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Congrats."

"Tinanong niya ko kung ano ang love language ko."

"Anong sabi mo?" I am so invested in his daily talk. Parang pelikulang kaabang-abang. Ang genre? Comedy.

"English," sagot ng lalaki.

Huminto ako sa paglalakad sandali para bigyan siya ng madilim na mukha. Ngumiwi ang lalaki at nagkamot ng ulo.

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now