Chapter 8

36.7K 1.5K 1.1K
                                    

"Step two: Smell like a lady."

Hindi ako na-inform na may required na amoy pala para matawag na babae.

Inamoy ko ang sarili. "Mabango naman ako, ah."

Ross loomed closer to smell my neck. Ilang segundo akong natigil sa paghinga. He stepped back with a grin on his lips.

"Anong pabango mo?" he asked.

"Oh, 'di ba! Kahit ikaw speechless," ani ko.

"Amoy punerarya," dagdag niya. Tumigil ako sa paglalakad at tinapakan ang sapatos niya.

"Ahh–Moren!"

Nagusot ang mukha siya sa sakit. Itinaas niya ang paa. His hand reached for it so my gaze went down. Umawang ang labi ko nang mapagtantong may takong nga pala ang suot kong sapatos.

"Napapala mo! Mapang-asar ka kasi."

Lumipat ako kay Franz at Ace. Sa kanilang dalawa ako umalalay dahil hindi ko pa rin kayang ibalanse ang sariling katawan sa suot na sapatos.

Iika-ikang naglakad si Ross, masama ang tingin sa akin. Natatawa man ako ay lamang ang awa ko. Pero kasalanan niya, kanina niya pa ako pinagkakadiskitahan.

I was wrong when I thought our last stop was the salon. We went to the perfume shop. Nakitingin-tingin ako. Iisa lang na amoy ang kilala ng ilong ko. The mint one.

Gustong-gusto ng pang-amoy ko ang presko noon. It feels light but heavy at the same time. Wala akong ideya kung ano bang amoy ang pambabae.

"Give me your hand," ani Franz. Siya ang unang bumalik kung saan nila ako iniwanan. Inilahad ko ang kamay sa kaniya. He sprayed the perfume on my wrist.

Pinagkiskis ko ang dalawang palapulsuhan at inamoy ang isa. I was confused.

"How was it?"

I'm not sure. Naninibago ang pang-amoy ko. It's not bad but I don't know if it's good. Sanayan lang siguro talaga.

"Mabango," sagot ko. "Amoy bulaklak."

"That's Jazmine Vanilla."

Tinignan ko ang bote at nakasulat nga ang binanggit niyang pangalan sa label. "Pwede kainin?"

"Kung gusto mo nang mamatay," diretso niyang sabi.

Tumalikod siya at iniwan akong mag-isa. Minsan, si Franz ang pinakakinatatakutan ko sa lahat. He's quiet but straightforward. Mahirap mabasa kung ano ba ang laman ng isip niya kaya kapag nagsalita, mapapaisip ka talaga kung kilala mo ba siya.

Aren't quiet people the scariest?

Pumili silang lahat ng pabangong natipuhan. I didn't complain nor say a word. Sila naman ang nagbayad.

Sa huli, ang napili pa rin ni Ross na Midnight Rose ang ipinaligo nila sa akin.

Nangingilala ang ilong ko. Simula nang spray-an nila ako sa buong katawan ng pabango ay bahing ako nang bahing. Binigyan ako ni Franz ng gamot para unahan na kung sakaling sipunin ako.

"Step two, accomplished," ani Ace. "Nakauwi ka na?"

"Nasa daan na kami. Kasama ko si Ross," sagot ko.

Inunahan ko siyang magbaba ng tawag. Kabisado ko na si Ace.

"Maglakad ka nga nang hindi nakabukaka," puna ni Ross sa lakad ko.

Pasalamat siya at marami kaming dala na paper bags kaya hindi ko siya mapektusan. "Pwede nating pantayin ang sakit ng paa mo. Sabihin mo lang."

"I'm serious, ang ganda mo tapos ang basagulero ng lakad mo. Sinong maniniwala na babae ka?"

Eight Words Love StoryWhere stories live. Discover now