Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.3M 79K 34.3K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 28

37.8K 1.4K 430
By ov3rtin_ker

The weather is bright and warm, matayog ang sikat ng araw kaya matingkad ang kislap ng tubig. It's the best weather to snorkel. Kahit masama ang ugali ni Ross ay masuwerte siya.

The presence of bright sun means more light will seethe underwater. It provides better visibility.

Sakay ng isang deckboat ay nilayag namin ang tubig para lumayo sa dalampasigan. Apat kaming lulan ng bangka. Ako, si Ross, si Troy at si Kuya Raul. Siya ang pinakabihasa pagdating sa snorkeling. Hindi ko naman kasi gamay 'to kaya kailangan pa rin namin ng kasama.

Si Troy naman ay nabasbasan din ng suwerte dahil bumisita ang dati naming cook. Ani nito ay na-miss niyang magluto. Troy was able to come with us. It is a good news for him and bad for me.

Kung anong sinikat ng araw ay siyang ipinundo ng ulap na namamagitan sa kanilang dalawa ni Ross. Malapit ko nang isipin na pinag-aawayan nila ako. Pero naaalala kong hindi rejoice ang shampoo ko.

"Mahalagang alerto kayo sa paligid niyo." Nagsimula nang maghabilin si Kuya Raul. Tungkol sa mga bagay na dapat naming gawin at iwasan.

"Huwag ninyong hahawakan ang mga koral, isda o kahit ang mga pagong."

Pinakinggan ko pa rin ang lalaki kahit kabisado ko na ang patakaran at alam ko kung bakit bawal iyon hawakan. Maraming species ng isda ang may matalim na kaliskis. They have sharp fins to deter predators. At ang iba, baka hindi namin alam ay venomous pala.

"Ano lang ang pwede naming hawakan?" si Ross.

"Ang maaari niyo lang hawakan ay ang mga bato kung mayroon man."

Sumimangot si Ross sa sagot ni Kuya Raul. Sikreto akong natawa.

"Masama rin kasi na hawakan natin ang habitat nila. It can cause death of the entire colony." Nagsalita si Troy sa tabi ko. And take note, ngayon ko lang siya narinig mag-Ingles.

"No one is asking." Nakatingin sa harapan si Ross.

Nasa gitna nila akong dalawa, samantalang si Kuya Raul ang nasa harapan. Huminto kami sa isang parte ng dagat. Tanaw pa rin ang nagtataasang gusali sa coastline. Mga langgam sa paningin namin ang mga tao roon.

"Huwag kayong hihiwalay sa akin," huling bilin ni Kuya Raul bago isinuot ang mask niya.

We put on our mask, the snorkel, the fins and the vest. Sumunod kami kay Kuya Raul nang bumagsak na siya sa tubig. Sumalubong sa amin ang grupo ng maliit na isda.

We keep in sight of each other. Kinakausap ako ni Troy gamit ang mga senyas sa ilalim ng tubig.

We became one with the sea creatures. And I never felt home more than I do when I'm underwater. Ikinakampay namin ang mga paang suot ang itim na fins.

Nilibot namin ang ilalim ng dagat. Tinuklas ang kayamanang nagtatago sa marahas na hampas ng mga alon.

I've been here for five years at ako mismo ang nagkukuwento ng kasaysayan ng isla. Pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa tuwing iisiping wala ito noon. It was because of the colossal disaster that created this island.

It was like a simple reminder that disasters can grow beauty. And that some tragedies give way to miracles.

Makukulay ang isdang kasama naming lumangoy. Nang may lumapit na pagong sa amin ay natawa na lang ako sa isip. Ross used to call me turtle back then. And seeing him stare at it intently makes me assume that it also reminded him of me.

I was busy admiring the reef fishes that I didn't notice where did Ross go. Si Kuya Raul at Troy na lang ang nakikita ko. Bumilis ang tahip ng dibdib ko. Nilapitan ko si Kuya Raul. I showed him gestures. I thought he won't get it. Pero nang lumingon ako sa paligid ay nakuha niya ang sinasabi ko.

Kuya Raul showed us his palm to ask us to stay where we are. Pero hindi ako patatahimikin ng pag-aalala kung maghihintay lang ako. I was about to leave when Troy pulled me.

Ginamit ko ang isang kamay para alisin ang hawak niya sa akin at lumangoy papunta sa kabilang direksiyon. Umahon akong sandali para tignan kung bumalik na si Ross sa deck boat pero bakante pa rin ang bangka.

I dived back underwater to search for him. My movements became aggressive as I can not keep in synch with the fish. Inunahan ako ng pangamba.

It was such a relief when I saw him following the turtle earlier. Binilisan ko ang paglangoy para abutan siya. I held his wrist and went back to Troy and Kuya Raul. Apat kaming umahon nang mabalik si Ross.

"Gago ka ba?" diretso kong tanong sa kaniya.

"What?!" balik nito na parang wala siyang ginawang mali.

"Sabi ko sa inyo ay huwag kayo masiyadong lalayo. Malalim na sa gawing pinuntahan mo, Sir."

"Tss. Mahirap pala 'to kasama." Ako lamang ang nakarinig ng sinabi ni Troy mula sa gilid ko.

"Bakit ka ba humiwalay sa 'min?"

Pabalik na kami sa deck boat ay pinaulanan ko ng tanong si Ross.

"I followed the turtle," sagot niya.

"Tama ba 'yon? Bigla ka na lang mawawala at ang dahilan mo, sinundan mo ang pagong? Kapag may nangyaring masama ay hindi naman namin puwedeng ikatwiran na sinundan mo ang pagong."

We hopped on the boat. Inalis namin ang mga suot sa mukha.

Gusto ko pa sanang manermon pero ano pa ang sasabihin ko kung nag-sorry na siya? Hindi niya man lang ako binigyan ng sapat na oras magalit.

Ross humbled himself after realizing his fault.

"Next time, sana marunong na po tayong sumunod. We can't enjoy the activity if someone will go against the rules." Hindi naman nakatingin si Troy kay Ross pero sigurado akong para sa kaniya 'yon.

"Next time, sana alam na lahat ng staffs ang lugar nila. Maybe they can treat the guests more respectfully. Tama po ba?" Tumingin si Ross kay Kuya Raul.

"Tama."

Troy gazed at Ross sharply. Umupo siya sa tabi ko at hinubad ang pang-itaas. Nagulat ako ngunit malayo sa pagkabahala. Piniga niya ang damit. Iyon dapat ang titignan ko pero nahagip ng mata ko ang katawan niya.

Maganda rin ang physique ng isang 'to. Kaya nga ata puno parati ng mga babae ang resto ay hindi para kumain kung hindi para makita siya. He's tanned and his long pushed back hair make him look ten times good.

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ang mahinang singhal ni Ross sa tabi ko. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin at napagtantong kanina niya pa ako pinanonood. His eyes squinted, judging me.

I peered at him. Nahiya akong isipin na nakita niya akong mamangha sa katawan ni Troy. Nilunok ko ang sariling laway.

I thought it will end there. Nagulat na lang ako nang tumayo si Ross para hubarin din ang swimming shirt niya.

"Gusto ko lang naman magsnorkel, bakit may hubaran?" bulong ko na ako lang ang nakarinig.

Tumingin si Ross sa katabi ko. Sabay silang ngumisi ni Troy. Umupo sa tabi ko si Ross at hindi ko siya magawang tignan.

How did he achieve that built? Buto-buto lang siya no'n. Kita pa 'yung ribs.

Buong sampung minuto ng pagbalik namin sa coast ay nasa harapan ang tingin ko. Sa kanan, may kasalanan. Sa kaliwa, may temptasyon.

We reached the shore just in time for lunch. Kinawayan ako ni Fritz na kasama si Ben at Agusta. Kumakain sila sa labas ng resto.

"Sabay na tayong kumain, Freda," si Troy. "Sumama na tayo kila Ben."

"Sasabihin ko pa lang sana."

"Can I join?" Tinanong ako ni Ross.

"Himala po ata at hindi kayo magpapadala sa palasyo niyo," I teased. "You can join. Mas madali ang buhay ko."

"Puwede ba siyang sumabay sa 'tin?" Pabulong akong tinanong ni Troy.

"Siya naman ang nag-request. Alangan namang tanggihan natin 'yung guest," ani ko.

Sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Pinaingay nila Fritz ang pagsasalo. Busog na siya sa titig pa lang kay Ross. Nang matapos kaming kumain ay nagpahinga muna sandali para magpababa.

Naiwan kaming tatlo dahil balik trabaho na sila Fritz. Troy left us at the table to pick seashells. Si Ross ay nagpaalam na may kukuhanin lang sa hotel. Pagbalik ay dala na naman niya ang mahiwagang notebook.

Umupo si Troy sa tabi ng tubig at may pinagkaabalahan doon. He went back to us, holding his own made necklace. Nakangiti niyang ishinoot sa ulo ko ang kuwintas. "Ariel who?"

"That's kinda boring, all the shells are similar to each other. Walang variation," komento ni Ross sa kuwintas.

Sinulyapan lamang siya ni Troy. "Maganda ba?" Ako ang tinanong niya.

"Cute naman."

Ross laughed before Troy could smile. "You don't have to lie."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Stop glaring at me like that. Kamukha mo si Ursula."

Nangati ang palad ko ay nahampas ko sa braso ang lalaki. Baka nga nasakal ko pa siya kung hindi ako inawat ni Troy.

Nawiwiling mangolekta ng shells si Troy nang puntahan siya ng isang kasamahan sa resto.

"Troy, pinababalik ka ni Sir Capindig, aalis na ata."

"Akala ko mamayang hapon pa?" Dismayado ang lalaki.

"May pupuntahan pa raw siya."

Dismay embedded on his face but he had to go back anyways. Naiwan kaming dalawa ni Ross sa lounging area nang bumalik si Troy sa resto.

He took my attention when he pulled the necklace hanging on my head. Nagbagsakan sa paanan namin ang piraso ng mga kabibi.

"Wala ka talagang magawang matino, Sir?" I asked with respect.

"Why? You will keep that?"

"Oo, kaso sinira mo!"

"Huwag mo sabihin sa aking gusto mo siya?"

My pupils dilated. He gave me a lopsided grin when he caught me off guard.

"Parang kapatid ko na 'yon dito," tanggi ko, totoo naman.

"Kapatid ba ang tingin sa 'yo?" Inipit niya ang ballpen sa loob ng notebook. "You're naive, hindi bagay sa 'yo. O baka alam mo na, pero ayaw mo lang tanggapin?"

I poker-faced.

"He likes you, you know that, don't lie. Dahil kung hindi, ang manhid mo naman."

I said nothing but sneered. Sa kaniya pa talaga nanggaling 'yon. If he's not naive enough, he could've known I liked him right from the start... before.

Heaven blessed me with a patient heart. Napagtiyagaan kong kausapin ang lalaki. Hanggang sa maghapon na at lumaki ang mga alon. Naisipan niyang subukan ang surfing.

"To maximize my stay here," I mocked him while moving my head. Magpapalit lang daw siya ng suot.

Hindi ko magawang maging masaya dahil hindi naman ako magaling mag-surf. I know how to surf a little but just the basics. Pero takot pa rin ako, lalo na kung naglalakihan ang nga alon.

"Freda, mukhang nakapahinga ka na naman."

Hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ni Ma'am Vida. Para siyang kabuti, kung saan-saan sumusulpot.

"Hihinitay ko lang po si Captain Cervantes." Yakap ko sa magkabilang braso ang dalawang surfing boards.

Umarko ang kilay ni Ma'am Vida. "Magkita tayo mamayang takip-silim rito. Balitaan mo ako tungkol sa trabaho mo."

"Yes, Ma'am." Hinatid ko ng ngiti ang babae.

It's wind-free, perfect for surfing. Marunong pumili ng naaayon sa panahon ang lalaki. Hindi nagtagal ay dumating na si Ross. Suot ang itim niyang shorts ay wala itong saplot sa itaas. Maiwanan niya na lahat, huwag lang ang asul nitong kuwaderno.

"You won't change?" He scrutinized my whole fit.

"Wala namang problema sa suot ko, ah."

"Who surfs wearing shirt?" Kinuha niya sa akin ang isang board.

Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang board at hinubad ang tshirt ko. I was left with grey sports bra. I'm still conscious wearing this type of clothes. Pero hindi na rin ito ang una.

"Marunong ka ba?" Lumalakad na kami papunta sa dagat.

"You really asked me that?" Mayabang ang tono ng lalaki.

"Marunong ka naman pala, e. Hindi mo na 'ko kailangan."

Nilingon ako ng lalaki. "Ofcourse, I need you. Assistant kita, 'di ba?"

Hanggang kailan niya gagamitin ang assistant card niya? Itinaas ko ang board para iamba sa kaniya. Only because he's not looking.

The waves are long and not too strong. Humupa ng kaunti ang kaba ko. It's perfect to catch unbroken waves without many risks

Noong una ay malapit lang kami sa dalampasigan. Ross were just enjoying the small waves near the shore. But the longer it takes, the farther he's going too. Hindi ako makasunod sa kaniya. Nakadapa na nga ako sa board, tumataob pa rin ako.

"Captain Cervantes!" I screamed my lungs out.

He's in harmony with the waves. Masasabi kong matagal na niya itong ginagawa. He doesn't need a trainer or a professional to guide him.

Kung hindi pa maging payapa ang mga alon ay hindi siya babalik sa akin. We met halfway. Tinatawanan niya ang lukot kong noo.

"An island girl doesn't know how to surf?"

"Marunong ako, sadyang ayaw kong ipakita. Mahirap na at baka ma-discover ako," I told him.

"Ipakita mo," hamon nito.

My pride wouldn't let him win. Sinalubong ko ang alon na parating. Tinalon ko ang surfboard at binalanse ang katawan sa ibabaw no'n. I kept in mind my posture.

I danced with the waves and won over them when it was necessary. I proudly looked back at him after a successful bottom turn.

"Ano ha? Idol mo na 'ko?" Malakas ang sigaw ko para marinig niya.

Kasunod ng pagyayabang ko ang pagtutol ng kalikasan. A big wave ended my arrogance. Nahulog ako mula aa surfboard. Umahon ako nang makalampas ang alon. Para makita ang lalaking tumatawa.

Pumalakpak si Ross. "Wow! What an epic move!" He's not sincere.

"Gusto mo matuto?" tanong niya. Hawak ang surfboard ay nilangoy niya ako. Hinawi niya pataas ang basang buhok pagkahinto sa harapan ko.

"No thanks," tanggi ko.

"It's fun though. You look happy when you surf," sinsero niyang sabi "It's more fun with the big waves."

"Hindi ka ba natatakot? Kaya kang lunurin ng alon kung hindi ka mag-iingat."

He chuckled. "No risk, no adventure."

He hopped on the surfboard and without any further notice, he took me with him. Ibinaba niya ako sa harapan niya.

"Anak ng pating." I almost curse, trying to get the right posture. Ross is chuckling behind me.

"You're doing good."

"Hindi ako nag-e-enjoy."

"We're not there yet," aniya. He held my waist and took charge of the surfboard's drive. "Here we go!"

"Malaki 'yan!" May pagtutol kong sigaw.

"Adventure," he whispered. Sinagupa namin ang malaking alon. Mahirap itangging hindi ko iyon nagustuhan.

Takot akong baka mahulog ako, but Ross held me just tight enough. Ilan pang alon ang nakipaglaro sa amin.

It was fun. It feels great. Sa maikling sandali, naramdaman kong gumaan lahat. It was as if we were playing with water. Just how dauntless we were as kids, we took the risk to play the game of experience.

It's always Ross who brings out the best in me. The person who cast my fear is the same person who told me it's fine to be scared.

"How was it?" tanong niya nang makabalik at maabot na namin ang buhanging bahagi.

I gave him a thumbs up. "Ikaw na. Paano ka natuto?"

"I occasionally go to Hawaii to surf. Nahinto lang simula noong nagsimula na ako sa American Airlines."

"Mahirap maging piloto?" I just wanted to catch up with him.

"What do you mean? It's more like a lifetime trip rather than a job. Masaya malibot ang mundo."

Ibinalik namin ang surfboard. Dumaan kami sa bukuhan ni Kuya Paning para kumuha ng maiinom. Nakauuhaw ang tirik ng araw.

We went back to the sun lounger where he left his notebook.

"Sa lahat ng lugar na hindi mo pa napupuntahan, alin ang pinakagusto mo?"

He sat at the sun lounger. Uminom siya sa buko juice at inilipag 'yon sa maliit na lamesang naghihiwalay sa inuupuan namin.

"I feel like I've been in a lot of places." He swallowed. "But there's somewhere my heart is screaming and yet I can't figure out where it is." Malungkot siyang ngumiti. Humigop muli sa malamig na inumin.

"I spent years of going to a lot of countries, back and forth. But I still feel lost in the drifting wind because I don't know where to go." Lumingon siya sa akin sandali.

Natitig ako sa kaniya nang buklatin niya ang notebook at may isinulat.

"Para saan 'yung notebook na 'yan?"

"For memories. I'm having a hard time making new memories so I write them down to not forget. Kapag may naalala ako, I make sure to write it down as well."

That explains why he always brings his notebook. Na-guilty akong pinagtawanan ko 'yon. He's suffering more than I have imagined.

"Ano ang mga naalala mo?"

His jaw set as he stares at the sea. "Pain, betrayal?" He chuckled. "Hindi ko rin alam. I just know I'm with someone when I got into an accident. Pero sabi ni Daddy, I was alone."

"Then?"

"Paulit-ulit kong napapaniginipan 'yung aksidente. A loud crash, a tree, and me begging someone." Malalim siyang huminga.

"There's a woman." He look at me. "Malabo siya at hindi ko makilala."

That's me. Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang pagtutubig ng mata. Once he found out who I am, he will hate me. Baka higit pa do'n.

"Bakit gusto mo pang maalala ang nakaraan? If you're already fine with what you have right now, why would you suffer so much, trying to retrieve those memories?"

His tongue dwelled inside his cheek. "When half of me was gone, how would I continue to live?"

Natahimik ako.

"I don't even know myself. Who I was and who is she."

"Who?" segunda ko.

"Moren," he said with a sincere smile on his lips.

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 504 27
Sato Kurumi a formal member of Toman in fact she is a captain in 4th division .But one day something happen to her and leave the gang and the fate th...
20.4K 516 10
While Alastor is the most feared demon in hell that has little compassion or love for others, you would be surprised as to how much he loves his daug...
401K 22.2K 44
After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred and utmost dislike towards that person...
64.7K 908 50
π™Ύπ™±πš‡ πš‚π™΄π™°πš‚π™Ύπ™½ πšƒπš†π™Ύ 𝙱𝙾𝙾𝙺 πšƒπš†π™Ύ πš‚πšŽπššπšžπšŽπš• 𝚘𝚏 'πš‚πšŽπšŒπš›πšŽπšπšœ π™±πšŽπšπš πšŽπšŽπš— πšƒπš πš’πš—πšœ' π™Ήπš˜πš’πš— πš‚πšŠπš’πš•πš˜πš› 𝚊𝚜 πšœπš‘πšŽ πšπš›πš’πšŽ...