HER HALF (COMPLETED)

By arisxixey

11.1K 178 9

She was treated badly, she longed for a Father's love and still, she can't do anything about it. Maya is a h... More

PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
EPILOGUE
REHAN JAY
! ARISXIXEY

CHAPTER 1

661 10 3
By arisxixey

HAPPY VALENTINE'S DAY SA INYO! SA MGA KAPWA BITTER KO D'YAN, APER.

CHAPTER 1

"Maya... Maya... Maya!"

Mabilis pa sa kidlat na tinakbo ko ang hagdanan nang marinig ang sigaw ni Kuya. Baka magsumbong na naman kay Mama at ako na naman ang lumabas na masama. Ewan ko ba d'yan kay Kuya parang walang kamay o paa! Naiirita na ako pero wala akong choice kundi ang sundin sila.

I am now eighteen, gusto ko ng umalis sa pamamahay na 'to pero natatakot na baka anong gawing ni Mama o ng mga kapatid ko. Paano na lang ang mga pang-araw-araw nila. Baka hindi sila makakain ng tama kasi wala ako na mag-aasikaso sa kakainin nila. Pati na rin sa mga gawaing bahay, baka hindi na maging malinis ang bahay kapag wala ako.

"Bakit, Kuya?" May ngiti sa labi kong tanong.

Sa mga nagdaang taon, napagtanto ko na kung iiba ako sa agos ng Pamilya namin, ako lang ang masasaktan. Ako lang ang mahihirapan dahil wala silang pakialam. The more na umayaw at magmatigas ako, the more na masasaktan ako at ang pisikal na katawan ko. Buti nga at hindi na gaanong nananakit si Mama nitong mga nakaraang linggo. Payapa ang buhay ko, payapa ang bahay namin.

"Pupunta rito ang mga barkada ko, maghanda ka ng meryenda namin. Magpalit ka din ng damit. Iyong maayos at hindi ka mukhang nanay. Try mo magsuot ng short at sleeveless na damit."

Bigla namang nanlamig ang kamay ko. Nang marinig ko ang salitang barkada nagsitaasan ang balahibo ko.

"Ang ganda mo naman pala, Maya." Hindi ako lumingon pero alam kong si Paul ang nagsalita. Kanina pa kasi siya panay puri sa akin at sa gandang sinasabi niya.

"Mike, baka naman?" Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangisi ito. Imbes na kay Paul ako tumingin eh sa Kuya ko ako tumingin at hindi na ako nagulat nang tumawa lang ito at tumango na para bang hindi niya naiintindihan ang pambabastos ng kaibigan niya.

"Ahm... Paano ba 'yan, Maya? Pumayag ang Kuya mo? Hahaha."

Hindi ko inaakalang imbes na maghahatid lang ako ng meryenda nila eh mababastos na ako ng ganito. Pilit inaabot ni Paul ang beywang ko pero agad akong tumayo at marahang lumayo sa magbabarkadang nakaupo.

"Sana po masarapan kayo sa ginawa ko pong meryenda, mauuna na po ako." Akmang maglalakad na ako palayo nang biglang tumayo si Paul at niyakap ako mula sa likod. Muntik na niyang makapa ang dibdib ko, buti na lang ay naharangan ko ito ng kamay ko.

Ramdam ko ang pagkiskis niya sa may likod ko dahil mas matangkad siya sa'kin. Mahigpit ang pagkakapikit ng mga mata ko, hinihintay ang susunod na mangyayari. Kung ito na ba ang huling araw ng pagiging malinis ko o hindi. Ilang ulit niya pang ginawa ang marahang pagbayo sa likod ko, ramdam na ramdam ko ang bukol niya sa bawat paglalapit ng likod ko at ng babang katawan niya.

"Paul, tigilan mo na. Pinapaiyak mo lang ang kapatid ko," pagpapatigil ni Kuya. Tila nagbago ang ihip ng hangin at nagkaroon ng concern ang Kuya niya sa kaniya.

"Tsk, akala ko ba okay lang. Arte mo naman, Maya. Ayaw mo ba sa tite? Tabi nga." Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa malamig na sahig.

Nanlalabo ang mata ko na umalis sa sala at duneretso sa kwarto. Hindi ko aakalaing berhin man ako pero diring diri ako sa sarili ko.

"Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang ba dyaan? Malapit na silang dumating, bilisan mo ang kilos mo."

"O-opo, Kuya." Tutungo na sana ako sa kusina nang lumingon ako para magtanong.

"Ahm, Kuya? May tanong po sana ako." Nakatingin ako sa sahig dahil na din sa hiya.

"Nagtatanong ka na, Maya. Pero sige, ano 'yun?"

"Si Paul po? Pupunta ba siya?" Kita kong napangisi si Kuya. Alam kong na-misunderstoon niya ang binitawan kong salita kaya agad ko itong binawi.

"I mean, hindi sa gano'n Kuya ha. Takot po ako sa kaniya. Ayaw ko po mangyari ang nangyari noong pumunta din siya dito."

"Wala. Ay hindi. Hindi siya pupunta, may asikasuhin daw. Sige na! Shoo! Alis! Gawin mo na ang inuutos ko." May ngiti sa labi akong tumango at agad na tumalikod para gumawa ng meryenda.

May ngiti ako sa labi habang hinahanda ang meryenda. Magaan din ang loob ko kasi alam kong wala si Paul at magiging payapa ang hapon ko. Pero how wrong I was.

Nang inutusan ako ni Kuya na buksan at papasukin ang barkada niya ay laking gulat ko nang unang bumulaga si Paul na may malalaking ngiti at may pagkamanyak na tingin sa akin.

Ilang segundo ako nakatayo lang doon. Nagsinungaling si Kuya.

"Hi, Maya. Miss me?"



"ARGH!!" Naiinis kong pinukpok ulo ko gamit ang palad ko. Panaginip! Inis kong inabot ang relong nabili ko sa halagang singkwenta pesos sa palengke. Ito ang tumutulong sa akin kapag may pasok sa trabaho. Ayaw kong ma late kasi baka tanggalin ako, napakahirap pa naman ang maghanap ng trabaho lalo na't hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral.

2:55??

Ang aga naman ata ako ginising. Sa sitwasyon ko, minsan hindi ko na kailangan ang isang alarm clock. Managinip ka ba naman ng mga pangyayari sa nakaraan, sinong hindi gugustuhin na magising mula sa mga 'yun.

Ayaw ko mang gumising ng maaga dahil pagod ako sa trabaho ay wala akong choice kundi ang bumangon para magsimulang maglakad. Wala akong pera pangbayad sa motorcycle. Kung kaya ko namang lakarin eh bakit hindi, mas makakatipid pa ako ng pera.

Nag toothbrush muna ako at naghilamos. Hindi na muna ako maliligo, naligo naman na ako kahapon. Magpupunas na lang muna ako. Baka kasi kapag naligo ako araw araw e mas lalong lumaki ang bayarin ko sa tubig. Pinagkakasya ko na nga lang ang sahod ko araw-araw sa gastosin dito sa apartment na nirerentahan ko at sa pagkain ko.

Ni-bend ko ang tuhod ko para makita ko ang sarili ko salamin. Basag kasi ang kalahati nito at kung babaliktarin ko naman ay baka mahulog lang at maging sayang pa. Nakita ko lang 'to noong nakaraang araw habang naglalakad ako pauwi sa gilid ng kalsada. Natamaan ng ilaw ko na tig-sampo na lighter kaya binitbit ko na, kung sa iba ay hindi na mapapakinabangan, sa akin ay kering keri pa. O 'di ba hindi ko na need bumili ng salamin na mahal sa palengke, libre na iyong akin.

Inayos ko muna ang pagkaka-ponytail ng buhok ko bago kinuha ang bag at isinirado ang pinto. Napatingin ako sa relo ko.

3:20. Maaga nga talaga ako ngayon ah. May magandang dulot din naman pala iyong bangungot ko.

Ini-on ko na ang tig-sampo kong lighter para ilawan ang daan. Habang naglalakad ako sa tahimik at madilim na daan, muling sumagi sa isip ko ang panaginip ko.

"Hi, Maya. Miss me?" Napaawang ang bibig ko at gulat ang mga mata ko. Akala ko ba hindi siya pupunta? Bakit nandito ang manyak na 'to?

Nagsitawanan muna silang apat bago tuluyang pumasok kahit na hindi ko pa naman sinasabi na pumasok sila. Nakatayo lang ako doon ng ilang segundo bago ma-recover ang katawan ko at isinarado pabalik ang pinto.

Nagsimula akong mamawis at manlamig dahil natatakot ako na baka gawin na naman niya ulit ang ginawa niya noong dunalaw din sila dito. Paulit-ulit akong humihinga ng malalim bago ko nilakasan ang loob ko na bumalik sa kusina.

Nakaupo lang ako roon sa upuan ng mesa nang pumasok si Mama. Agad kong isinuot ang ngiti ko at nagtanong sa kaniya.

"Ano pong gusto niyo Mama? Gawan po ba kita ng meryenda?" nakangiti kong tanong pero iningusan niya lang ako at sa halip na sumagot ay dumeretso sa may mineral despenser at uminom ng tubig. Iniyoko ko na lang ang ulo ko at tumingin sa hita ko. May mga marka pa rin doon pero hindi na gaanong blue. Naghihilom na sila ng paunti-unti kahit papaano. Ilang latay pa naman ng sinturon ang tumama roon. Pasalamat nga ako at nakakalakad pa ako ng maayos.

"Nandito ang barkada ng Kuya mo. Umayos ka kung ayaw mong malatayan ng sinturon iyang mga hita mo." Tumango na lamang ako pero hindi ko alam na hindi pala nakatingin si Mama kaya hindi niya nakita ang pagsang-ayon ko sa kaniya. Ang resulta ay hinablot ni Mama ang buhok ko dahilan para matingin ako sa kaniya. Masakit ang pagkakasabunot niya at para bang ano mang oras ay matatanggal ang buhok ko sa anit ko.

"M-Mama, masakit po."

"Masasaktan ka talaga sakin na bata ka. Anong karapatan mo para hindi ako pansinin ha? Gumagaya ka na sa Tatay mong manloloko? Minana mo ba lahat ng ugali ng Tatay mo at hindi mo na ako sinusunod? Baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita." Kusang tumulo ang luha ko dahil sa sakit at higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko at sa pisngi ko.

Kahit naman mag-explain ako hindi pa din ako papakinggan. Mas hahaba lang ang usapan at pagtitiis ko. Hahayaan ko na lang na maniwala si Mama sa gusto niyang paniwalaan. Pasalamat nga ako ngayon e nandito ang barkada ni Kuya dahil kung wala, kanina pa ako nilalatayan ng sinturon habang nakatali sa doorknob ng kwarto.

"Sorry po." Ayun lang ang kaya kong sabihin kung gusto kong matapos na ang pagpapahirap ni Mama.

"Pasalamat ka at ayaw kong mapahiya sa barkada ng Kuya mo dahil kung hindi kanina ka pa nagsisigaw sa sakit." Marahas ng binitawan ni mama ang buhok at pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Sumakit ang panga ko doon ah. Ramdam ko pa din ang kuko ni Mama. Ang tutulis ba naman ng mga 'yun.

Agad si Mama na naglakad palabas sa kusina at rinig ko ang pagwe-welcome niya sa tinatawag niyang bisita.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Napapaisip kung karapat-dapat ba ang mga nangyayari sa'kin. Deserve ko ba talaga ito? Ako ba ang nagbabayad sa pagloloko ni Papa? Kasalanan ko ba na nabuhay ako sa mundo? Laging pinapasok ni Mama sa utak ko na hindi nila ako ginusto. Gusto lang nila magpasarap pero hindi nila gusto pang magkaanak. Kaya lagi niya akong sinasabihan ng malas sa pamilya.

Kasalanan ko ba?

Hindi ko hiniling na maging ganito ang buhay ko. Daig pa ako ng Anak ng Mayordoma sa palabas. Nakakapag-aral, tinatrato ng maayos. Eh ako? Bata pa ako pero ganito na ang buhay na kinakaharap ko. Naiingit ako sa ibang mga kaklase ko. Dati kasi sa school may Family Day silang sini-celebrate. Habang nagsusuot sila ng pares na mga damit, naglalaro sa mga palaro ng school, naroon ako sa gilid. Nakatingin sa kanila habang sila'y nagtatawanan. Kita ang saya sa kanilang mga mata sa tuwing nagkakatinginan silang magpamilya. I'm happy for them though. Masaya ako na hindi nila mararanasan ang nararanasan ko sa pamilyang meron ako. At hindi ko hihilingin na maranasan ng iba ang napagdadaanan ko. Mahirap, oo-sobra. Pero hindi pumasok sa kukuti ko na mandamay o humiling ng ganoon.

"Maya! Dalhin mo nandito iyong meryenda namin!" Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mga mata ko bago tumayo at inihanda sa malaking tray ang kakainin nila.

Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa sala dahil ayaw kong magkamali at maparusahan. Nang marating ko ay nakita kong sobrang kalat ng sala. Ang mga unan sa sofa ay nasa sahig na. Ang telang nakalapat sa center table ay hindi na maayos ang pagkakapwesto. Agad naman silang tumahimik nang pumasok ako ng tuluyan sa sala at marahang yumuko para mailagay ang tray nang marinig ko ang bulong ng isang kaibigan ni Kuya.

"Wow, cleavage." Bulong iyon pero parang rinig na rinig naman ng lahat. Agad ko namang tinakpan ang parteng dibdib ko at pumikit bago tuluyang tumayo at tunalikod.

Nang makaramdam ako ng kamay sa beywang ko ay hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Nasuntok ko ang kaibigan ni Kuya. Si Paul!

"Argh! Potangina ang sakit!" Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa nakapaupong Paul. Nagawi ang tingin ko sa kamao kung nanginginig. Ang paghinga ko rin ay hindi pantay, bumibilis, bumabagal.

"S-sorry!"

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo ko paalis ngunit ang hindi ko napansin ay si Lance na nakaharang na pala sa likuran ko kaya ang nangyari ay siya ang nabunggo ko dahilan ng pagkaupo ko sa sahig. Patawa-tawa siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.

"Pota! Hawakan mo 'yan, Lance! Sasampalin ko 'yan! Ang kapal ng mukha na sintukin ako!" galit na saad ng papatayong Paul. Hinanap ko ang mga mata ni Kuya.

"Kuya..."

"Ang sexy mo talaga, Maya. Baka gusto mong bawasan ang kaseksehan mo? Willing ako mag-donate ng sperm."

No... No... Ayoko... Ayoko... Papa!

"Papa..." Kahit nanlalabo ang paningin ko ay tumingala ako para tingnan si Lance. Sa klase ng tingin niya ay para na niya akong hinuhubaran. Na para bang ang nasa isip niya ay puro na kabastosan.

"Tumayo ka, Maya!" Napaigik ako nang hilain ang pulsuhan ko patayo ni Paul.

Nang tingnan ko si Kuya ay parang walang—hindi parang. Talagang wala siyang pakialam. Hindi niya ba nakukuha na gusto siyang gawan ng kabastosan ng mga kaibigan niya? Bakit kung umakto si Kuya ay parang hindi niya ako Kapatid?

Nakatingin lang si Kuya na para bang joke lang ang ginagawa at mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya.

"Wag po..."

Nanginginig ang katawan ko dahil sa paraan ng paghaplos ng kamay ni Paul sa braso ko. Para bang pinaparating niyang "Wag kang mag-alala, magiging malumanay ako." na siyang nakakasuka kung iisipin. Mas mabuting mamatay na lang ako kesa magamit ng mga lalaking 'to na puro kalibugan ang pinapairal.

"Hmm. Ano nangyari dito sa kamay mo? Pina-practice mo ba ang sarili mo na matali sa kama? I like that." Yuck.

Kung alam mo lang Paul kung anong pinagdaanan ko sa kamay ng Pamilya ko. Paniguradong iiwan mo iyang si Kuya. Pero parang malabo din dahil sa pare-parehas naman kayong mga walang magawa sa buhay.

"Bitawan mo'ko, Paul," buong lakas kong sabi kahit na nanginginig ang kamay ko na hinahawakan niya. Ang tinutukoy niyang 'paghahanda na matali sa kama' ay ang mga marka na galing sa pagkakatali ko sa doorknob.

Ngayon ay nakatingin naman siya sa hita ko. Sinunod ko kasi ang utos ni Kuya kanina. Na magpalit. Kampante naman ako kasi sabi niya hindi pupunta si Paul. Pero isang malaking scam. Nandito ako sa harapan ni Paul nanginginig at lahat lahat, wala pa din siyang ginagawa o sinasabi para pigilan ang mga barkada niya.

Gusto ko man sabihin na abot na sa langit at empyerno ang galit ko sa pamilya ko, pamilya ko pa din sila at hindi magbabago iyon.

"MIKE! ANONG KAGAGOHAN 'TO?!"

Ate!

Agad kong hinablot ang kamay ko sa pagkakahawak ni Paul na halatang kinabahan nang marinig ang malditang boses ni Ate. Hindi ko alam pero tumakbo ako kay Ate at yumakap sa kaniya.

"Ate, salamat at dumating ka." Agad namang inilayo ni ate ang mukha ko sa kaniya at para bang nandidiri.

"At bakit ka luhaan, aber? Nag-eenarte ba 'to, Mike?"

"Ate kasi ano---" Pinutol ako ni Kuya at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya nang magsimula siyang magsalita.

"Gusto niyang hawakan siya ni Paul. Maski nga si Lance eh, gusto niya atang magpagalaw sa dalawang kaibigan ko. Grabe, Maya, nakakahiya ka. Hindi ka naman namin pinalaki ng ganiyan para maging pokpok at maging hayok sa tite."

W-What?

Ako? Gustong magpagalaw sa dalawa niyang kaibigan? Potangina.

"Ate hin---"

"Wag ka na magsinungaling, Maya. Lumuhod ka pa nga hindi ba? Hindi ka na talaga nahiya sa Kuya mo na nakatingin ano? Pwede namang sabihan mo ako para magawan ng paraan sa kwarto mo," segunda ni Paul.

"Oo nga. Sinabi niya pa kanina Ate Rose na handa na daw siyang hindi maging virgin basta kaming dalawa ni Paul ang kukuha. Grabe, Ate Rose. Hindi naman kami gano'n na tao. May respeto din kami sa mga babae kahit na hindi kami nag-aaral."

Hinihiling ko na sana matamaan sila ng ligaw na bala o kidlat sa sobrang galing nila magsinungaling.

Umiiling akong tumingin sa Ate ko. Umaasang hindi siya maniwala sa mga sinabi ng mga lalaki. Pero sino nga ba ulit ako rito sa bahay na 'to? Wala. Isang sampid. Isang malas.

"What the heck, Maya? Ganiyan ka na ba kadesperada? Nakakahiya ka!" sigaw niya sa akin at tuluyan na ngang nahulog ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Bumaling siya kay Paul at Lance.

"Paul, Lance, sorry talaga ha. Hindi bale, bibigyan namin ng parusa itong malandi kong kapatid. Mabuti at hindi kayo sumunod sa sinabi niya, nakakahiya kapag gano'n. Pasensiya na talaga ha. Sige maglaro na kayo riyan... At ikaw na malandi ka. Pumasok ka sa kwarto mo at hintayin mo si Mama."

Nang marinig ko ang salitang Mama ay nanlamig na ng tuluyan ang buo kong katawan. No... 'Wag si Mama. Ayoko.

"Ano pang tinutunganga mo riyan? Umakyat ka na! O baka gusto mo hilahin ko 'yang buhok mo at ako mismo ang maghihila sa'yo pataas?... Ay hehe sorry ha. High blood ako dahil sa kalandian nitong batang 'to, sige kain na kayo riyan." Baling niya.

"Maya Pedrosa! Sa taas!"

Bago ako tuluyang tumakbo pataas ay tiningnan ko si Kuya na puno ng galit sa mga mata. Nagtatawanan na din ang mga kaibigan niya.

Ang kakapal ng mukha nila.

Anong ginawa ko sa kanila para ganitohin nila ako?!

Lord anong kasalanan ko?!

Lord, pagod na pagod na ako! Grabe na ang hirap na dinanas ko! Parang awa mo na po, patayin mo na lang ako sa pagtulog ko. Parang awa mo na.

Umiiyak ako sa kuwarto habang hinihintay ang parusang 'nararapat' sa akin dahil sa 'kalandian' ko kuno. Kung ito na ang huling araw ko sa mundo e mas mabuting patayin ko na lang ang sarili ko.

Kahit nahihilo ako dahil sa bigat ng ulo ko kakakiyak, hinanap ko iyong blade na ginamit ni Mama dati para ahitin ang mga kilay ko. Ang nangyari noon ay ibang kwento na. Pero ang galit ni Mama noon. Buti at hindi niya isinaksak sa akin ang blade na 'yun.

"P-patawarin mo po ako sa gagawin ko."

"Hindi ko na po kaya."

"Sorry po."

"Nawa'y magkita kami ni Lola---"

"MAYA PEDROSA ANONG KABOBOHAN ANG GINAWA MO???!!!"



"Mama..." Nabalik ako sa reyalidad nang may nangalabit sa akin.

"Ate, pahingi po pera." Napatingin ako sa batang namamalimos.

Anong ginagawa ng batang ito? Ang aga pa ah. Tiningnan ko ang relong suot ko, 3:40. Nasaan kaya ang mga magulang ng batang ito?

"Ate, sige na po. Hindi pa po kumakain ang bunso naming kapatid simula kahapon." Parang may pumiga sa puso ko nang marinig ang ani ng bata.

Tinuturo niya ang isang parte ng Parke na may patay sinding ilaw at doon ay nakita ko na may natutulog. Ang panganay ay siguro iyong lalaking nakahilig sa poste ng patay sindi na ilaw na nakaawang ang bibig at yakap yakap ang isang batang babae. Iyon siguro ang sinasabing bunso ng batang lumapit sa akin. Nakaawang ang bibig nito. Ang isa pang batang lalaki naman ay ginagawang unan ang hita ng kanilang Kuya? Siguro nga magkakakapatid ang mga 'to dahil na din sa paraan ng pagtulog. Hindi ba siya namumulikat.

“Ate, meron ka pong barya?” Kahit hindi ko maaninang ng maayos ang kaniyang mukha ay alam kong hindi ito gaanong malinis.

“O sige ganito na lang, tutal maaga pa naman. Gusto mo bili tayo ng pagkain? Para sa akin at sa inyo ng mga kapatid mo?” Nabigla at natawa na din nang yakapin ako ng bata sa beywang.

“Maraming salamat, Ate! Isa ka pong Angel na bigay ni God.” Tumawa ako at ni-pat ang kaniyang ulo.

“O siya, tara na para paggising nila may makakain na sila.” Tumalon talon pa ang lalaki bago niya hinawakan ang kamay ko at agad na binawi nang mapagtantong marumi ang kaniyang kamay na ikinailing ko.

“Oh bakit mo binawi ang kamay mo?” inosenting tanong ko sa kaniya.

“Kasi po marumi po eh. Madudumihan po ang kamay mo po, Ate.” Nalungkot ako nang tumama ang iniisip ko.

“You can call me Ate Maya, ikaw ano pangalan mo? At saka okay lang. Ang kamay na marumi dahil sa paggawa ng mabuting paraan para mabuhay ay pwede pang hugasan at maging malinis, ang kamay na nadumihan dahil sa paggawa ng masamang bagay ay hindi na magiging malinis kahit kailan kahit na malinis literal. Kaya gimme your hand,” nakangiti saad ko at inilahad ang kamay ko na siyang tinanggap niya dahil inilagay niya din ang kamay niya.

“Ako po si MJ, Ate. Ang kuya ko po ay RJ, ang sunod po sa akin ay BJ at ang princess po namin, ang bunso, si Caly po.”

Kahit nagtaka ako kung bakit MJ, BJ, RJ ang pangalan nila ay ipinagsawalang bahala ko na lang. 

Agad naming tinungo ang kilala kong nagluluto na kahit na ganitong oras pa. Si Aling Basya. Sa kaniya ako bumibili ng agahan tutal alas sinko pa ang pagbubukas ng pinagtatrabahauan ko. Doon ko pinapalipas ang oras, kwento kwento. 

“Aling Basya! Hi po!” Maligayang bungad ko. Saktong sakto na nagbubukas na siya ng tabil ng kaniyang munting karenderya. Kahit na kunti lang ang bumibili eh nagpapatuloy pa din siya sa pagbebenta at paggawa ng bagay na nagpapasaya sa kaniya.

“Oh, Maya. Ang aga mo ata ngayon?” sagot niya at tinanggap ang kamay ko para makapag-mano.

“Bangungot.” Tanging sagot ko at agad na rumehestro ang lungkot sa kaniyang mukha. Kaya agad kong iniba ang topic at pinakilala si MJ.

“Ito pala si MJ, bilhan ko po sana sila ng makakain kung may luto ka na riyan? Hindi pa daw kasi kumakain ang bunso nila at sila.”

Agad namang tumango si Aling Basya at agad na inihanda ang bibilhin namin. Habang naghihintay kami ay tahimik lang si MJ pero ramdam ko ang saya sa aura niya.

“Maraming salamat, Aling Basya! Mauuna na po kami.”

Habang pabalik kami sa parke ay patalon talon si MJ. Nagsisimula ng magliwanag at alas kuwatro na din. Kaya ang sabi ko ay siya na lang ang magbigay at pupunta na ako sa trabaho.

Tiningnan ko ang oras, 4:15. Limang minuto lang naman ang lakarin mula rito sa Parke. Ang ginawa ko ay nagtago ako sa may puno at pinagmasdan ang magkakapatid. Marahang ginising ni MJ ang kaniyang Kuya at may malaking ngiti sa mga labi na itinaas ang isang supot ng mainit na pagkain. Kahit kunti lang ang karne dahil pinarami ko ang sabaw niyon ay mabubusog pa din sila.

“Kuya, binigyan tayo ng makakain ni Ate Maya!” Kahit na kunot noo ang kaniyang Kuya dahil sa kung sino man ako ay kita naman na masaya siya dahil may makakain sila.

Marahang tinapik ni Rj ang bunso nila. Si Bj at Caly. Mas lumaki ang ngiti ko nang lumiwanag ang mukha ni Caly at ni Bj. Sayang saya sila habang inaayos ang disposable na transparent na tupperware na hiningi ko kay Aling Basya. May disposable din na kutsara iyon para di sila mahirapan pag higop sa sabaw.

“Maraming salamat Lord! Maraming salamat Ate Maya!” sigaw ng batang bulilit na si Caly na may pagtaas ng kutsara pang nalalaman.

Iyon ang huli kong narinig bago ko piniling tumalikod na at magsimulang maglakad para makarating ng maaga sa pinagtatrabahauan ko.

Habang naglalakad ako patungo sa trabaho ay hindi ko maiwasan na isipin ang paghahati-hati ng magkakapatid. Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang ganoong paraan ng paghati dahil laging marahas ang pamamaraan ni Kuya. Sa pagiging maldita naman ang paraan ni Ate Rose. Sobrang kabaliktaran ng nasaksihan ko.

“Ang aga mo naman Maya. Hindi ba uso ang matulog sa'yo?” tanong ni Manong Billy. Siya ang guard ng likod ng pinagtatrabahauan ko.

Ngumiti ako at inalis ang bag mula sa pagkakasukbit sa balikat para macheck ni Kuya Billy.

“Natulog naman ako, Kuya. Nagising lang talaga ng maaga,” patawa-tawa kong sagot. Dito na kasi natutulog sa pinagtatrabahauan namin itong si Kuya Billy. Sabado at Linggo lang ito nakauwi. Kapag week days, dito na natutulog. Nagbabantay na din ng building.

“O siya, pasok.”

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 162 38
[COMPLETED] "Kaaway kita eh, pero bakit ganitong pakiramdam ang nararamdaman ko? Bakit nahuhulog ako sa'yo?" - Zace Axel **** November 2021 - January...
7.2K 970 21
He is determined to revenge his brother's death. And he plans to torture the sister of the woman he is seeking and marry her. Then what happen when t...
753 55 34
ang pagiging broken hearted pala ay pwedeng maging inspiration para magtagumpay ka sa buhay...
1.5M 47.1K 42
"Miss Montgomery, you start at 8am tomorrow morning in my office, not a minute late. If you are as good as you say you are, I may just apologise", he...