Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.3M 80.2K 34.8K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 23

36.7K 1.4K 317
By ov3rtin_ker

"Welcome to Isla de Desastre Hermoso!"

Nakataas sa langit ang pareho kong kamay habang nakangiti sa mga bagong dating na turista.

Nagsalisisihan ang palingon nila sa buong lugar. Namamangha ang ilang pares ng mata sa ganda ng kalikasan.

"The island of a beautiful disaster. Who would've thought that a tragedy can bring a gift that continuously brings joy to everyone? This mouthwatering piece of nature's beauty . . ."

Nakasunod ako sa kanila habang binibigyan ng depenisyon ang islang naging tahanan ko na sa loob ng limang taon.

Ang Isla de Desastre Hermoso ang pinakamalaking isla sa anim pang islang kalapit nito. Kakailangananin mo ng tatlong araw o higit pa para maikot ang kabuuan nito.

The clear water mirrors the turquoise sky as the waves mimic the moving clouds. Pinakikislap ng sinag ng araw ang tubig at binibigyang buhay ng mga sea creatures ang dagat. You can see the stones beneath the water, sculpted by time and loved by many generations.

Napapaligiran din ang lugar ng mga mabababang bundok kung saan nakatayo ang ilang kabahayan.

Malinis tignan ang puting buhangin sa tabi ng tubig. Napupuno iyon ng mga seashells na bahagyang angat ang kulay sa buhangin. Line of palm trees are proudly standing all around the island.

Mayroong matayog at malapad na bato sa katabing bahagi ng isla. All-white houses are built there. You can find white houses, restaurants, and shops at the line that divides the land and the sand. Above all, the Isla Hermoso Resort.

Maraming nipa hat sa paligid at mga duyang iba-iba ang disenyo at kulay. Nakaabang ang mga bangka sa dalampasigan kung saan naghihintay ng mga turistang maeenganyo naming tuklasin ang ganda ng kalikasan. Ganoon rin ang mga kabayong lulan ang ilang tao. Mga makukukay na kalesa.

Mga banyaga ang bagong dating. At sa limang taon ko sa trababong 'to, bihasa na ako sa pakikipag-usap sa kanila. Baka nga kapag umabot ako ng isang dekada rito ay maging polyglot na ako.

"Isla de Desastre hermoso, what does it mean?" Hinubad ng lalaki ang itim nitong salamin.

Ngumiti ako at hinanda sa isip ang script. "Isla de Desastre Hermoso means the island of a beautiful disaster, Sir!" Matayog pa sa araw ang energy ko. Maaga pa, iyon ang dahilan.

"Many years ago, this island was just a mere part of the land. Surrounded by many palm trees and cultivated farms, the land served many local farmers."

Naglalakad sila kaya habang nagsasalita ay lumalakad din ako, patagilid nang sa gayon ay kita ko sila.

"See that mountain? It's not actually a mountain, that's an extinct volcano. It has not erupted in over ten thousand years and is unlikely to erupt again. According to the old tale, it just erupted once and that one life-changing tragedy ruined the homes of many. It was a disaster. The houses collapsed and the vegetation was gone."

Interesadong-interesado ang mga lalaki sa ikinukuwento ko. Ako naman ay hinihingal na sa kakalakad para lang masabayan sila.

"How can you call it a beautiful disaster if it ruined their lives?"

I smiled at the thought that they're really interested in knowing the history. Pakiramdam ko ay may saysay ang pagpapagod ko sa pagsasalita.

"The people are afraid to go back because they thought that the volcano will soon erupt again. No one knew it'll going to be a breakthrough until someone took the courage to see his hometown. To his surprise, the island was born."

"The farmers became the fishermen of the island. Generations after generation, the island became their new home, their new hope. A beautiful disaster, isn't it?" I smiled at them.

Ngumiti ang isa sa kanila habang tumatango. Nagtanong pa sila tungkol sa isla at kung ano ang pwede nilang gawin dito. Activities vary from snorkeling, hopping, sailing to other island, horseback riding, mountain bike ride on the trails, swimming at kung ano-ano pa. Kulang ang isang linggo para magawa 'yon lahat.

It's my job to inform them about the place, mag-advertise ng mga activities at magpakilala ng mga putaheng kilala sa isla. I'm not doing it for tip, pero kung sila na ang nagbigay, hindi naman ako mayaman para tumanggi.

"Thank you, Sirs! Enjoy your stay here!" That was almost a yell.

Nililipad ng hangin ang hanggang balikat kong buhok. Naka-ayon ang puting tshirt at shorts na uniporme namin sa dominant color ng isla, kulay puti.

Madalas kaming mapagkamalang turista rin kaya may suot kaming hat at name tag, bilang palatandaan na tour guide kami.

Pinaputulan ko na muli ang buhok ko at idinonate kaya balik na naman ako sa paninibago.

Pumunta ako sa tindahan ng buko juice at umupo sandali sa isang lounger sa harapan no'n.

"Maaga pa, Freda. Pagod ka na?" tanong ni Kuya Paning.

Freda, iyon ang nakaugalian nilang tawag sa akin. Para tuloy akong ibang tao at hindi na si Moren.

"Nagsisimula pa lang ang araw, bawal pang mapagod, Kuya Paning," ani ko.

"Baka best tourist attraction namin 'yan!" Ibinaba niya sa lamesa ang isang buko juice. Hindi ba siya nalulugi sa kakalibre niya sa amin?

"Tingin mo rin? Ako talaga ang dinadayo rito, 'noh?"

Tinawanan niya ako. Babarahin ko sana siya pero may lumapit para bumili. Pinagmasdan ko ang mga taong naliligo at ang isang grupo ng mga kababaihang naglalaro ng volleyball. Gusto kong sumali sa kanila.

Iniinom ko ang buko juice nang matanaw si Fritz, papalapit siya rito. Mukhang may magandang balita dahil hindi niya maitago ang guhit sa mukha, nangingiti.

"Napakaagang pahinga!" puna niya sa akin. Umupo siya sa harapan ko at nakiinom sa buko juice na parang sa kaniya 'yon.

"Ang saya mo, ha. Ano ang tsaa?"

"Tuwing summer naman masaya ako, alam mo na! Maraming Fafa!" maarte niyang sabi.

"Napakaagang landi!" I mocked her.

"Siyempre! Tag-araw na. Mahirap ang matuyan. Ikaw kaya, try mong sumideline!"

"Kontento na 'ko sa trababo ko."

"Sus! Kapag gustong umasenso, hindi puwedeng makuntento. Ems!" Inubos na niya ang buko juice ko.

Nakatanaw ako sa malayo, kaya nang may mga dumating ay agad kong nakita. "May mga bago kang lolokohin," ani ko. Iyon ang term na gamit namin, katuwaan lang naman.

Nilingon niya ang mga inginuso ko at lukot ang mukhang humarap sa akin. "Shonget, ikaw na. Kaya mo na 'yon."

"Ang biased mo talaga, isusumbong kita kay Ma'am at nang masisante ka."

"Hindi ako puwedeng mawala rito at ako ang suwerte."

"Oo nga, Freda. Nag-iisang shokoy na nga lang si Fritz, paaalisin mo pa." Nakisalo sa usapan si Kuya Paning.

"May pinapanigan ka na ngayon, Kuya Paning. Hindi na ikaw ang dating Paning na nakilala ko," pilyo niyang sabi.

Tumayo na ako at iniwanan sila para salubungin ang mga tao. Isinuot ko muli ang malapad na ngiti.

"Welcome to Desastre Hermoso,"  I greeted.

The old lady went to me to ask something. "We're planning to stay here for two days."

"We have beach houses if you want your stay to be more private but if you prefer to stay in the hotel, we still have four vacant rooms for you to choose from. What do you prefer, Ma'am?"

"Can we see the rooms?"

Nauna ang pagtango ko. "Ofcourse, Ma'am! Do you want me to assist you?"

Sinamahan ko ang pamilya sa hotel. I assisted them before going back to the seaside. Ilan pang turista ang dumating kaya abala kaming lahat sa pag-aasikaso sa kanila. Hindi naman lahat nag-stay, karamihan ay maghapon lang.

Nagkita kami ni Fritz sa pinalamalaking restaurant para sabay na mag-lunch.

"Hindi ko man lang naramdaman ang tag-ulan." Ibinaba ko ang mga pagkain mula sa kakahuying food tray.

"Ang sabihin mo hindi mo nasulit, kasi wala kang ka-cuddle," prangkang saad ni Fritz.

"Ikamamatay ko ba ang walang ka-cuddle? Saka ayos lang, mas marami tayong kita kapag Summer."

"Sinabi mo pa! Sa mga susunod na araw, mas dudumugin pa tayo. Bakasyon Season na, eh."

Tinikman ko ang seafood na inorder niya. Nagpalitan kami ng ulam at umorder ng extra rice dahil mamayang gabi na ulit kami magkakaroon ng free time, kadalasan late na.

"Tignan mo." May inginuso ang babae sa likuran ko. Mga taong nagtatampisaw sa tubig ang nakita ko. "Yung naka-black na swimsuit. Nawawala 'yung kilay niya."

Mahina akong natawa pero pinigilan ko ang sarili. "Repent on your sins. Wala kang ginawa kung hindi manlait," sabi ko.

"Tignan mo kasi, parang nakalutang 'yung mata niya sa mukha."

Hinampas ko siya nang subukan niya akong ilingon ulit.

"Siya naman nauna. Inirapan niya 'ko. Akala mo sexy." Umirap ang babae. "Kapag ako, nakapag-swimsuit, nganga siya."

"Bilisan mo na kumain, may trabaho pa tayo."

Isinubo ko nang isinubo ang nasa plato. Nauna akong kumain kay Fritz pero kinailangan niya pa akong tulungan para makaubos. Nabusog ata ako sa buko juice kanina.

Nag-restroom kami para makapag-ayos bago muling sumabak. Nag-apply ako ng sunblock dahil mainit na sa labas. Ipinusod ko ang buhok ko at naglagay ng kolorete sa mukha.

Just a year ago, I freed myself. Pinalaya ko ang sariling ikinulong ko sa kasinungalingan. Si Fritz ang dapat sisihin kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob ipakita ang tunay kong pagkatao.

For years, I forced myself to act like a man. Dahil naniniwala akong mas magiging malakas ang tingin sa akin ng mga tao kung lalaki ka, mahina ang tingin ng mundo sa mga babae. And for someone who need be strong, I thought it would help me.

Nakababawas pala ng bigat ang hayaan mo ang sariling magpakatotoo. It's like freeing yourself from your own built barriers. I owe this to Fritz and to myself.

Bumalik na ako sa dalampasigan pagkatapos mag-ayos. Magkasama kami ni Fritz, inaya niya pa si Agusta, ang pinakamatalak na beki sa isla. Siya ang nagsabi no'n.

"Taralets na later, bakla! Nomi lang para may ganap!"

"Pilitin mo nga 'yan. Huling inom pa ata niya, new year."

"Di ba? Kailan lang," katwiran ko. Mayo pa lang ngayon.

"New year three years ago!" dagdag ng babae.

Kung saan ako magpunta ay susunod sila. Parang mga asong nakabuntot sa amo.

"Sandali lang naman 'yon, akla! Hindi tayo maglalasing. Takot na takot ba sa alak?"

"Uhaw na uhaw ba kayo sa alak? Kapag nalaman ni Ma'am Vida, ligwak tayo lahat," ani ko. "Mag-juice na lang muna kayo."

"Ano ang pulutan? Monay?" si Fritz.

"Ang binabae! Hayaan mo si Ma'am. Kapag nakita tayo?" Tinuro niya si Fritz.

"Edi ayain natin!" si Fritz ang sumagot. Tumawa siya pagkatapos.

Malakas ang loob nila kapag hindi namin kaharap si Ma'am. Sa pagkakatanda ko ay nag-overtime kami noong huling masita ni Ma'am Vida.

Kinulit nila ako nang kinulit ng dalawa. Si Fritz ay sinabayan ng pagbibigay ng mga biodegradable flyer ang pagsasalita.

"Ayan na si Ma'am," ani ko nang matanaw ang pamilyar na tindig ng babae.

"Wa' epek na sa 'kin 'yan, Freda." Hindi ako pinaniwalaan ni Fritz.

"Akla, ayan na nga," si Agusta.

"Hay nako, Agusta, dating Agustin. Huwag kang nagpapaniwala dito kay Freda. Nasaan? Nasaan si Ma'am?" Tinanaw niya ang paligid at nang walang makita ay humalukipkip. "Magliliwaliw lang tayo mamaya. Sumama ka na, sis! Pipilitin pa ba kita?"

Nag-umpisa nang lumayo si Agusta para humiwalay sa amin. Si Fritz ay panay ang pagsasalita kaya kagat ko na ang daliri. Nasa likuran niya si Ma'am Vida.

"Fritz, uyy." Sinisiko ko na ang babae.

"Ano? Hindi malalaman ni Ma'am Vida kung walang magtutukis! Takot na takot ka naman."

Nginunguso ko ang babae sa likuran pero hirap siyang intindihin ang inaakto ko.

"Wala ka bang tiwala sa 'kin? Kapag pinagalitan ka ni Ma'am Vida, ako ang makakaharap niya. Itapat mo siya sa 'kin at kami ang magtutuos," dagdag ng babae.

Gusto kong maiyak sa pinaghalong kaba at second hand embarrassment. Naglakas loob akong magsalita ulit at baka kung ano pa ang masabi niya. "Fritz, nasa likuran mo si Ma'am."

Kinamot ko ang ulo nang humarap siya kay Ma'am Vida. Kabado itong tumawa at pinaglandas ang mga palad, lumuhod ito sa buhanginan. Nakataas ang magkasiklop na kamay sa tuktok ng ulo niya.

"Mahal kong Ma'am Vida, ako sana'y patawarin mo," animo'y natatae niyang sabi.

"Magkaharap na tayo ngayon, sa paanong paraan mo gusto magtuos?" tanong ng babae.

She faked a laugh. "Joke lang 'yun, Ma'am. Mali ka ng pagkakarinig."

"Gagawin mo pa akong bingi!"

Nagdikit ang balikat at tenga ni Fritz sa lakas ng boses ni Ma'am Vida. "Tumayo ka na riyan at bumalik na sa trabaho. Wala akong mababalitaang may iinom mamaya." Minatahan niya kami pareho.

"Yes, Ma'am."

Hindi umalis si Ma'am hanggang hindi kami naghihiwalay ni Fritz. Itinulak ko na palayo si Fritz. Napagalitan na at lahat ay nagawa pa niyang sumenyas sa akin.

Back to work na kami. Mula tanghali hanggang hapon ay hinarap namin ang mga turista. Ala-una ang karaniwang dating ng mga bumiyahe pa mula sa malayong lugar. Kaya laking gulat ko nang hapon ay may isang bus ng tao ang dumating.

Walang bakanteng lugar sa buong isla. Kahit saan ka tumingin ay may tao. Maingay at masaya ang lugar, lalo na nang magtago na ang araw sa abot-tanaw.

We welcomed everyone warmly. Sunod-sunod na nagdatingan ang huling set ng mga turista noong araw na 'yon.

"Welcome to Desastre Hermoso!" Paulit-ulit lamang ang sinasabi ko sa kanila.

Nang yumuko ako kasabay ng pagbati ay tinangay ng hangin ang balanggot ko. Sinubukan ng kamay kong pigilan ang hangin sa plano nito pero huli na ang lahat.

"Kapag minamalas ka nga naman." Pinagalitan ko pa ang hangin na animo'y galit ako sa buong mundo bago padabog na naglakad.

Hinabol ko ang puting balanggot. Kung saan-saan ako dinala ng pesteng gamit. Parang nakikipaglaro ang hangin sa akin at ako ang taya. Wala namang taya na masaya, at hindi ako masaya!

Ang ilang madaanan kong turista ay pinalilihis ko maabutan lamang ang balanggot. Para na akong tanga kasusunod dito habang nakatingala.

"I'm sorry," usal ko sa nakabungguang lalaki. "I'm sorry, Sir."

"Anak ng pating naman." I stomped my foot in frustration. Still, after releasing my rage, I continued chasing it.

Sa pagsuko kong habulin 'yon ay siya namang pagbagsak nito sa buhangin. Nagliwanag ang mga mata ko nang lumapag iyon ilang metro ang layo sa akin.

Sinalubong ko ang mga tao para samantalahin ang pagkakataong makuha 'yon. Mabilis akong naglakad habang bahagyang nakayuko bilang paggalang sa mga taong nakatanaw sa dagat. Malayo pa ako sa pupuntahan ay huminto ang mga paa ko sa pag-usad nang masulyapan ang pares ng paa sa likuran ng balanggot.

I froze when a man wearing a black short-sleeved polo and faded maong shorts appear. Nakasuot ito ng itim na shades at may hawak na notebook sa kaliwang kamay.

Huminto siya, muntikan nang matapakan ang balanggot ko. Pinulot niya 'yon at sandaling luminga sa paligid. Then he looked at my way.

Naitikom ko ang labi nang alisin niya ang salamin. Although he doesn't have to get rid of his glasses because I remember every inch of him, I had the perfect view when he did that.

In the sea of people and bizarre smiles, I saw a familiar face, a familiar place, a rendezvous. Something visited my heart, the feeling I want to forget but can't.

It took me eight seconds.

Eight seconds to remember everything that we had.

Everything I gave up,

and everything that I lost.

He noticed my gazes and realized it is mine. Lumakad ito. At sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, bumabagal ang oras, animo'y huminto ang paggalaw ng mga puno sa paligid.

He stopped in front of me, handing me the white hat.

"Freda," he uttered.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 52.8K 49
Wounds heal, but scars remain. So even with the possibility that one can accept and move forward, it's impossible to forget. Because there will alway...
149K 16.8K 47
Unicode အကယ်၍ သင်သာနတ်ဆိုးတစ်ကောင်ရဲ႕ နက္ခတ်နှင့်အတူယှဉ်ပြီး မွေးဖွားခဲ့မည်ဆိုလျှင်... Zawgyi အကယ္၍ သင္သာနတ္ဆုိးတစ္ေကာင္ရဲ႕ နကၡတ္ႏွင့္အတူယွဥ္ၿပီး ေမြ...
29.4K 1.4K 11
A short story exploring the relationship between young Eilish and older Catherine. The story takes an insightful look into the dynamics often appeari...
1M 78.1K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...