Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 39 (Part 2 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 1

9K 127 33
By zxantlyx


Chapter 1

Beginning

"MAIA, hindi ka na ba sasama sa amin?" tanong ko kay Maia na nakaupo sa kaniyang swivel chair, seryosong nakatitig sa monitor na nasa kaniyang unahan.

"Sasama ako," sagot nito at agad nagsimulang ligpitin ang kaniyang mga gamit.

Pinag-isipan din muna namin kung dadaan din ba kami sa condo ni Maia. Balak kasi naming mag-bar ngayon dahil matagal-tagal na rin noong huli kaming nag-bar. Kailangan din namin ng pang-stress reliever 'no! Hindi puro stress sa trabaho at... well, love life?

Napagdesisyunan din naming tatlo sa huli na dumaan muna nang sandali sa condo ni Maia. Magpapalit na lang din kami ng damit namin dahil ayaw rin naman naming pumunta ng bar ng haggard at pang-opisina pa ang damit. Baka pagtinginan lang kami ng kung sino-sino doon!

Tatlong babaeng lasing, sasayaw-sayaw sa gitna ng bar ng nakasuot ng unipormeng pang-opisina? Mukhang tanga.

Habang abala sa paghahanap ng mga damit sina Nica at Maia ay nakatayo lamang ako sa isang gilid ng kaniyang kuwarto habang tahimik na nakatitig sa screen ng aking cellphone. Unti-unting sumikip ang aking dibdib nang mabasa ang text ni Jake, and aking boyfriend.

From: Babe

pahinga muna tayo jade. nakakapagod na itong relasyon natin

Hindi ko na lamang namalayan ay unti-unti na palang sumisikip ang aking pagkakahawak sa aking telepono. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang paulit-ulit na binabasa ang text ni Jake.

Pahinga? Bakit magpapahinga na naman? Parang kailan lang ay kaka-cool off lang din naming dalawa.

Nakakapagod? Siya pa ang malakas ang loob na magsabi ng nakakapagod ang aming relasyon? Eh, paano naman ako? Wala na nga akong ginawa kung hindi sumunod sa lahat ng kaniyang gusto.

Gusto niyang mag-iba ako ng damit kapag lalabas kami? Magpapalit agad ako. Gusto niyang magpahinga muna at huminga mula sa aming relasyon? Binibigyan ko naman siya ng space at pagkatapos ay susubukan ko ulit ayusin ang aming relasyon. Gusto niyang layuan ko ang isa sa mga kaibigan kong lalaki? Lalayo ako, wala nang tanong-tanong pa.

I swallowed the big lump inside my throat as I typed in a reply to his text. It was only sent a minute ago. Alam kong makikita niya agad itong reply ko.

To: Babe

cool off ulit? ano namang ginawa ko ngayon? i'm sorry. can we meet? pick us up at maia's condo please. i love youu

Napaigtad ako mula sa pagkakatayo sa gilid nang biglaan kong marinig ang tawag sa akin ni Nica. Inilipat ko ang aking tingin sa kaniya kasabay ng pagpatay ko sa aking telepono. "Dress up already, Jade," utos nito. Agad naman akong tumango at ngumiti nang kaunti sa kaniya.

Tapos nang magbihis ang dalawa ay saka lamang ako nagsimula. Naghalungkat ako ng bagong pang-itaas mula sa kabinet ni Maia. Buti na lamang ay maraming damit si Maia. Siguro isa na rin sa advantages ng anak ng isang sikat na designer. Halos mag-umapaw na ang kaniyang kabinet sa dinami-dami ng damit.

I settled for the black top with some glimmering jewels as designs on top. Nagpalit din ako ng pantalon na kulay itim at hinayaan na lamang ang aking itim na heels. Inayos ko lamang nang kaunti ang aking buhok gamit ang pangkulot ni Maia at agad na rin silang inaya.

Thankfully, mabilis lamang nakita ni Jake ang aking text. Ilang minuto lamang ay nakatanggap na rin ako pabalik ng text na nasa baba na siya.

Sabay-sabay kaming tatlong bumaba ng condo ni Maia at dumiretso sa harapan ng building. Agad kong nasilayan ang isang lalaking nakasandal sa kaniyang kotse habang humihithit mula sa kaniyang vape. Nakatingin lamang ito sa kawalan habang prenteng-prente na naghihintay.

I took in a deep breath as I planted a small smile on my lips. Sinubukan kong ngumiti nang malawak kahit kinakabahan na nang sobra sa aming pagkikita. Hindi ko ba alam kung mahaba-habang usapan o suyuan na naman ba ito.

Kahit na kabado ay hindi ko iyon ipinahalata at imbis na tumigil sa aking kinatatayuan ay tumakbo pa ako palapit dito. "Babe!" tawag ko sa atensyon nito, dahilan para mapatingin siya sa aking gawi.

Tumayo ito nang ayos mula sa pagkakasandal at hinarap ako nang maayos. With a wide smile on my face, I gave him a brief kiss on the cheek. "Salamat sa pagpunta," bulong ko.

Wala manlang itong reaksyon habang nanatili pa ring seryoso ang ekspresyon na kaniyang mukha. Isinilid niya ang hawak-hawak na vape sa loob ng kaniyang pantalon at umiwas ng tingin sa akin.

"Pumasok na kayo," malamig ang boses nitong sagot kasabay ng pag-ikot niya sa kabilang gilid ng kotse.

Agad bumagsak ang aking balikat kasabay ng aking mahinang pagbuntong-hininga. Unti-unting nawala ang maliit na ngiti sa aking mga labi kasabay ng aking pagkagat sa aking pang-ibabang labi para maiwasan ang aking sarili maiyak.

He's cold, again. I mean, he's usually cold and not that showy, but I just know that he's really mad about something.

"Let's go!" aya ko kayna Maia at Nica na alam kong nasa likuran ko na lamang. Hindi na ako tumingin pa sa kanila para hindi na nila makita ang aking mukha.

I swallowed the big lump inside my throat as I went straight for the door of the car and stepped inside. Inayos ko ang aking seatbelt at tahimik na hinintay sina Nica at Maia na makapasok sa loob.

"Where to?" rinig kong tanong ni Jake.

"The usual," sagot ko.

Sinimulan na ni Jake ang pagmamaneho kung saan kami madalas mag-bar. Alam na naman niya 'yon dahil doon niya ako laging hinahatid kapag nag-babar kaming tatlo.

Tumingin ako sa gawi nito at tinitigan ang kaniyang seryosong mukha na nakatingin sa unahan. Gumapang ang aking mata sa kabuoan ng kaniyang katawan. His brown hair was beautifully swept to the side that highlighted his sharp jawline more. His tanned skin that glimmers whenever it gets hit by the street lights. His arms that were full of tattoos.

He also has the pair of eyes that looks sleepy all the time that makes it hard for me to read his expression. Mas matangkad lamang ito nang kaunti sa akin na kapag humarap ako sa kaniya ay hanggang mata niya lang ako. Matangos ang ilong at hindi gaanong kalalaking labi.

His looks changed a lot compared to the first time I saw him. Noong una ko kasing kita sa kaniya ay iilan pa lamang ang kaniyang tattoos at halos maliliit lamang ang mga iyon. Mukha nga siyang sobrang bait noong mga oras na iyon.

Katulad nalang din ng inaakala ko, hindi naging magandang ideya ang pagsamahin sa isang maliit na espasyo si Maia at Jake. Para silang aso't pusa na laging nag-aaway. Kulang nalang siguro ay magpatayan na sila.

Napansin lang kasi namin ni Nica na nag-download ng dating app si Maia ay biglaan na silang nauwi sa bangayan.

"How will Maia have a boyfriend if she's so picky? She wants a perfect, handsome man that treats him nicely, but we all know that those kind of men doesn't exist anymore," natatawang singit ni Jake mula sa aming usapan na tatlo.

Napabuntong-hininga na lamang ako kasabay ng aking madiin na pagpikit. Here we go again. Alam ko naman hindi sila matatapos na dalawa dahil walang magpapatalo. Parehas lamang silang palaban eh.

"Ah, yes. I'm looking for a perfect man and not a douchebag, like you," pagpaparining pa ni Maia.

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pag-awang ng aking mga labi. Magsasalita na sana ako para pigilan na silang dalawa nang mas nauna pang sumabat sa akin si Jake.

"Ganyan talaga ang babae, mga gwapo at perpekto ang hanap. Hindi na—"

"Oh, really? Then is Jade not a woman then?" sagot ni Maia, pinuputol ang pagsasalita ni Jake.

Kumunot ang aking noo nang marinig ang tanong ni Maia. Ha? Bakit ako nakasama sa away nila? Akala ko ba nag-aaway lang sila tungkol sa mga gustong lalaki ni Maia? Bakit biglaang napunta sa akin?

Parehas kami ng naging reaksyon ni Jake sa sagot ni Maia. Gulong-gulo sa sinabi niya.

"Kasi pangit ang kinuhang lalaki. Not just ugly, but also a douchebag," pagpapaliwanag nito at kasabay noon ay ang mabilisan niyang paglabas ng kotse.

Bumagsak ang aking panga nang marinig ang sinabi nito at agad namang napapikit nang mariin nang malakas na isinarado ni Maia ang pintuan ng kotse sa amin.

Alam kong hindi seryoso si Maia sa sinabi niyang pangit si Jake at sinabi lang niya iyon para mas inisin pa ito, ngunit alam kong seryoso siya sa sinabing pangit ang ugali nito. Iyon kasi ang laging pinupuna nina Nica at Maia tungkol sa kaniya.

Lumipat ang aking tingin kay Nica na tahimik lamang nakaupo sa likuran, kagat-kagat ang pang-ibabang labi habang sinububukang hindi matawa sa sinabi ni Maia. "I'll just follow Maia," paalam nito sa akin at sumunod na rin sa paglabas ng kotse.

Natahimik na lamang ako nang maiwan sa loob ng kotse kasama si Jake. Narinig ko itong naglabas ng malakas na buntong-hininga kasabay ng paghawi niya sa kaniyang buhok.

"I'm sorry about Maia's actions..." bulong ko, hindi tumitingin sa kaniyang gawi. "I-I'll just follow them..." dagdag ko.

Agad kong kinuha ang aking bag at tinanggal ang pagkakakabit ng seatbelt. Mabilis kong binuksan ang pintuan ngunit bago pa ako makalabas nang tuluyan ay narinig ko agad ang boses nitong tumawag sa aking pangalan.

Hindi ko iyon pinansin at tuluyan nang lumabas ng kotse. "Let's just talk later," pahabol ko at isinarado sa kaniyang harapan ang pintuan. Napatigil na lamang akong nakatingin sa pintuan kasabay ng aking mariing pagpikit.

I took in a deep breath and let it out through my mouth. Tatalikod na sana ako mula sa kaniyang sasakyan nang biglaan kong makita itong bumaba ng kotse. Mabilis itong naglakad palapit sa akin nang nanlilisik ang mga mata.

"Jake, mamaya na nga lang tayo mag-usa—" napatigil ako sa pagsasalita nang biglaan niyang itinaas ang kaniyang kamay at hinawakan ako sa aking leeg.

Agad akong napakapit sa kaniyang palapulsuhan, sinusubukang tanggalin ang kaniyang kamay bago pa niya ako masakal nang mahigpit. "How many times should I tell you to control that filthy mouth of your friend? Hmm?" gigil na gigil nitong tanong.

Napangiwi na lamang ako nang unti-unti nang maramdaman ang pagsikip ng kaniyang kamay na nakapalibot sa aking leeg. Paulit-ulit ko itong tinatapik sa kaniyang kamay ngunit hindi niya pa rin ako binibitawan.

Nang maramdaman ko nang nagsisimula na akong mawalan ng hininga ay agad kong itinaas ang aking kabilang kamay at hindi na nag-iisip pa na sinampal ito. Malakas na lumapat ang aking palad sa kaniyang pisngi dahilan para mapabitaw ito mula sa pagkakasakal sa akin. The loud noise that my slap on his face made echoed throughout the whole place. My left hand went straight to my neck as I coughed a little.

"I can't control what comes out of her mouth, Jake! Don't blame it on me that she despises you because of your fucking attitude!" bulyaw ko rito.

Ang mukha nito ay nakatingin pa rin sa gilid dahil sa lakas na aking pagkakasampal. Dinampian niya ng hawak ang gilid ng kaniyang mukga kasabay ng pag-awang ng kaniyang mga labi. I heard him scoff and followed it with a soft chuckle.

Agad naman akong napatigil at napapikit pa nang ilang beses nang matauhan kung ano ba ang ginawa ko. Unti-unti akong umatras palayo sa kaniya habang nakatingin sa aking paanan. "I-I'm sorry... Mamaya nalang tayo mag-usap, please. Magpalamig muna tayo ng ulo," mahina kong bulong at tuluyan na itong iniwan na nakatayo sa gilid ng kaniyang kotse.

Napapikit na lamang ako nang mariin habang paulit-ulit na iniisip ang ginawa ko kanina. I told myself that I will never result to violence. A-ayaw kong manakit ng pisikal sa iba. Hindi na ako nakapag-isip pa at kusa na lamang gumalaw ang aking kamay. Hindi ko na lamang namalayan ay nagawa ko na pala iyon.

I-I was not thinking... I didn't mean to do that...

"Don't you dare flirt with someone else, Jade. Malaman ko lang talaga na lumandi ka, tapos na tayo," pahabol nitong banta bago ako tuluyang makalayo sa kaniya.

Ah, alam ko na kung bakit galit na galit na naman siya sa akin at gustong makipag-break. Nakakita na naman siguro 'yon ng pagseselosan.

Lagi naman siyang ganyan eh. Kahit sobrang liit na bagay ay pinagseselosan niya, tapos pagbabantaan akong maghihiwalay kami. Kapag nauwi talaga sa hiwalayan, ilang araw lang ay balik na naman kami sa piling ng isa't-isa.

Nang makapasok ako sa bar ay agad bumungad sa akin ang pamilyar na lugar. Maingay na musika, malamig na hangin na nagmumula sa mga aircon, at ang pinaghalo-halong amoy ng alak, vape, at sigarilyo.

Dumiretso ako sa madalas naming tambayan nina Nica at Maia. Nadatnan ko na silang dalawa na nakaupo at nagkukwentuhan. May naka-serve na agad na alak sa maliit na table sa harapan ng couch dahilan para makahinga ako nang maluwag. I badly need this.

Nang makaupo sa tabi nilang dalawa ay agad kong tinira ang mga alak na nakalagay sa maliit naming table. Wala akong tigil sa pakikinig sa nagkukwentuhan nilang dalawa at abala lamang sa sunod-sunod na paglagok ng alak.

"He tried to hurt you again?" nag-aalalang bungad sa akin ni Maia. Halata sa kaniyang masungit na mata ang pag-aalala.

I scoffed as I took another shot of alcohol. "That's why we are telling you to leave him already. He's a walking red flag," singit naman ni Nica.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanilang paulit-ulit na sinasabi. It's easy for them to say it, but in reality, it's really hard to do. Kahit ako, ang dali-dali lamang sabihin na iiwan ko na siya, na makikipaghiwalay na ako. Pero nasaan ako ngayon? Bumabalik nang bumabalik sa kaniya.

"I can't," sagot ko sa mga ito. Tulad ng mga dati kong sagot sa kanila. Paulit-ulit lang din naman kasi ang tanong nila at ang dahilan ko.

"What do you mean you can't? You can do whatever you want, Jade!" sagot ni Maia, halatang frustrated siya sa aking sagot dahil unti-unti nang kumukunot ang kaniyang noo.

"I can't because I love him, okay?" medyo tumaas pa ang aking boses nang sagutin ko sila. Napatahimik na lamang ako at napatingin sa aking kamay na may hawak-hawak na shot glass nang mapagtantuan kung gaano katunog na tanga ang aking sagot.

Putangina kasi. Bakit ba kasi hindi ko siya kayang bitawan? Bakit ba kasi hindi ko siya kayang hiwalayan?!

'Yan din ang madalas kong tanong noong bata ako kay Mama. Wala nang ibang ginawa sa kaniya si Papa kung hindi saktan at kuhanan siya ng pera. Hindi ko siya maintindihan noon, pero ngayon, alam na alam ko na kung bakit.

Para bang pinanganak lang ako para maging katulad ni Mama. Maging tanga sa pag-ibig.

My parents' relationship was also toxic, just like mine. Ang nanay kong mahal na mahal ang tatay ko at gagawin ang lahat para sa kaniya, at ang tatay kong lasinggero, maraming hwisyo, bayolente at walang ginawa kung hindi manghingi ng pera. Para bang mas mahal pa niya ang kaniyang alak at pera kaysa sa sarili niyang asawa.

Nag-asawa lang para may mahingian ng pera. Tangina.

Ang dali-daling sabihin pero mahirap gawin. Mahirap iwan ang taong mahal mo. Sa sobrang hirap ay handa ka pang masaktan nang paulit-ulit para lamang hindi siya mawala sa 'yo. Tangina. Bakit ba kasi ganito ang pag-ibig? Ginagawa akong alipin.

Matalino naman ako dati sa klase. Lagi pa nga akong nag-totop kahit hindi naman ako masyadong nag-aaral. Umasa lang din ako sa scholarship noong nag-college ako. Pero, pota, bakit pagdating sa kaniya biglaan nalang akong nabobobo?

Mag-aaway kasi kayo, maraming magagawang masama sa 'yo, sasaktan ka, pagsasalitaan ka ng masama. Pero isang iyak, isang yakap, at kaunting pagmamakaawa lang niya ay tatanggapin mo rin naman siya agad pabalik.

Sunod-sunod na ang lagok ko ng alak nang matahimik ang dalawa. Minsan ay nakikisama ako sa kanilang usapan. Nawala sa aming usapan si Maia nang panandalian at agad din namang bumalik ng hawak-hawak na ang kaniyang cellphone.

Nakakunot ang aking noo na tumingin sa screen niya. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagturo ko doon. "Hala, gumagamit nga ng dating app," hindi na masyadong maintindihan ang aking sinabi dahil na rin sa sobrang kalasingan.

Kahit na umiikot na ang aking paningin ay pinipilit ko pa ring panoorin ang kaniyang ginagawa. Puro lang siya swipe left.

'Di ba't ang swipe left ay ibig sabihin rejected? Bakit nirereject niya lahat? Hindi ba gwapo? Ang bilis kasi niyang sina-swipe eh, hindi na nga klaro ang aking nakikita dahil sa tama ng alak mas lalong hindi ko pa makita nang ayos ang kanilang mga mukha dahil sa bilis ng pag-swipe ni Maia.

Napatigil ito sa isang mukha ng lalaki. Pinangliitan ko ito ng mata at pilit na pinopokus ang aking tingin doon. Mahaba ang buhok tapos malinis ang mukha. May butas din ang kaniyang tainga. Type 'to ni Maia, for sure. Gusto niya yung mga unique ang itsura eh.

Ilang segundo pa niya iyong tinitigan kaya agad naman akong nagtaka at tumingin sa kaniya. "Ano 'yan? Tititigan mo nalang?" gulong-gulo kong tanong.

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa pagtingin sa screen ng cellphone. Pagkatapos ng ilan pang segundo ay ini-swipe right niya na rin iyon at agad pinatay ang cellphone.

Biglaan na lamang akong napatalon mula sa pagkakaupo sa couch nang biglaang maghiyawan ang mga taong nasa likuran ng aming couch. Hindi ko maintindihan ang kanilang pinagsisigawan pero isa lang ang alam ko. Ang ingay nila, nakakaputangina.

"Lahat ini-swipe left, tapos isa lang ini-swipe right? Tapos pinatay agad? 'Di ka na ba magtitingin pa kung may pogi?" tanong ko kay Maia. Sinubukan kong balewalain ang mga sigawan sa likuran namin kahit sobrang sakit sa ulo.

"No, that was already enough," sagot nito ng may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Why? Are you interested in other men? I mean, I can't blame you. If I were you, I would also looks for someone bette—"

"Shh..." bulong ko rito at inilapit pa sa kaniyang labi ang aking hintuturo.

Mas lalong kumunot ang aking noo nang hindi pa rin tumigil ang sigawan sa aming likuran. Naramdaman ko na lamang na para bang kinakalampag ang aking tainga at ulo dahil sa sobrang ingay nila. Hindi ko na natiis pa dahilan para lumuhod ako sa couch at sigawan sila.

Bumungad sa akin ang apat na lalaking nagtatawanan. Ang tatlo doon ay nagkakagulo sa isang telepono habang ang isa naman ay prenteng nakasandal sa gilid habang mahina lamang na tumatawa sa ginagawa ng kaniyang mga kaibigan.

His black hair has streaks of silver highlights that make it shine whenever it gets hit with the colorful lights. It was parted to the side that highlighted his side face more. Pinaningkitan ko ito ng tingin at sinubukang titigan nang maayos ang kaniyang mukha.

Small eyes, pointed nose, pale skin. He looks and feels familiar... There's something inside me that is pushing this feeling like I know him, but at the same time I don't. Have I met him before?

Binalewala ko na lamang iyon at kinalabit ito sa balikat. Tumingin ito sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Napatigil pa ako nang sandali nang tuluyan na itong makaharap sa akin. Unti-unting lumambot ang aking tingin nang mamataan ko ang itsura nito.

Infairness ah, may itsura siya.

Matatahimik na sana ako nang tuluyan nang muling magsigawan ang kaniyang mga kaibigan. Muli kong naramdaman na para bang kinakalampag ang loob ng aking tainga at ulo dahilan para bumalik ang aking pagka-irita.

"Kuya, masyado kayong maingay! Masakit sa ulo, masakit sa ulo!" inis na inis kong sigaw.

Sa sobrang lakas ng aking reklamo ay napatingin pa sa akin ang tatlo niyang kaibigan. Napatigil sila sa pagtatawanan at napatitig na lamang sa akin.

"Luh, bawal na ba ang maingay sa bar? Bagong rule na ba 'yon?" pang-aasar pa sa akin ng kulay brown ang buhok na lalaki.

Mas lalo lamang akong napasimangot sa narinig na sagot. Pilosopo pa ang pota! Eh sa masakit sa tainga?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking kausap ko kanina kasabay ng pagsilay ng maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm sorry, Miss. I'll make them shut up now," he said with a smile.

Naramdaman ko na lamang ang pagkabog ng aking puso sa loob ng aking dibdib nang marinig pa ang boses nito. He even sounds familiar! Bakit hindi ko maalala kung sino ba siya o kung kilala ko ba siya?

Promise, I've met him before already! I just don't remember when and how... He's just somehow familiar to me and I can't even answer why.

⛓️

—zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 87 39
SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an architecture student from PUP Manila, c...
39.7K 1.1K 38
Nexus Band Series #2 Jethro Yanez
678K 22.7K 43
Khalil Slovein Zaldariaga is not a typical cold and snob campus crush. A legit ace player of basketball. He was reigning the MVP title for years. He...