The Red Light Kiss

By julliacath

41.2K 1.2K 609

Joshien is a tough, and very principled woman. Sa murang erad, matayog na ang kanyang pangarap at prinsipyo... More

The Red Light Kiss
Simula
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

3

1.4K 46 7
By julliacath

3


''This is a non-disclosure agreement. What you hear in this office, will only remain in this office.''

Palihim akong ngumiwi. Nakaupo ako ngayon sa harapan ng office desk ni Tita Creeze, ang Chief of Staff ni Konsi Corie. May katandaan na rin siya, siguro'y malapit na sa edad ng isang senior citizen. Ngunit kahit na ganoon, malakas at maliksi pa rin ang galaw niya. May pagka bilugan ang mukha, at manipis ang pulang bibig.

Noong una, akala ko ay masungit siya dahil sa seryosong tono noong pumasok siya rito sa opisina. Kalaunan, napagtanto kong strict lang pala siya. Nothing serious dahil malugod naman ang pagbati niya sa akin.

Kanina, pagkatapos nilang bumalik galing doon sa executive meeting na sinasabi niya, ay agad na prinisenta ni Tita Creeze itong papel sa akin. 

Sayang, 'di ko maipagkakalat kung kumukipit sila sa kaban ng bayan. Ems.

''Joshien, tama ba?'' dugtong niya.

''Ah, opo.''

Tumango-tango siya. ''Narinig ko kay Benny na Political Science ang kurso mo, at alam kong gusto mo na rito ka na destino. Tama ba ako?''

Ngumuso ako at nahihiyang tumango. Hindi ko naman ide-deny iyon. Nang narinig ko na opisyal akong dito sa City Hall magi-internship, sobra-sobra ang excitement ko. 

Noong bata pa lang kasi ako, mataas na ang tingin ko sa mga nagse-serbisyo sa publiko. Ang perspective ko pa nga noon ay ang dapat naman talagang pasalamatan ng taong bayan ay ang staffs ng bawat pulitiko, at hindi sila mismo dahil ang mga taong ito naman talaga ang nagta-trabaho at nagbibigay ng serbisyo. Sila ang nagb-brainstorming, nagco-conceptualize, naghahanda ng budget, at sila rin mismo ang humarap sa masa.

Except na lang kung kailangan ng photo ops ng mga pulitiko. Nagkibit balikat ako.

''Opo, Tita Creeze. Tama po kayo.''

Tumango siya at inayos ang side bangs. Wow. Buma-bagets. 

''Tuwing Huwebes, sumama ka kay Konsi at Rold sa session ng Sanggunian. Ikaw ang magte-take down ng notes, ayos lang ba?'' 

Umawang ang labi ko at unti-unting nanlaki ang mga mata. Kasama ako sa session?! Isasama ako?! Ibig sabihin... maririnig ko live kung anong pinag-uusapan doon?!

OMG! Halos mapunit ang labi ko sa pag-ngiti. Hindi ko naman kasi iyon in-expect, pakiramdam ko kasi ay uutos-utusan lang ako rito kasi ganoon naman ang usual kong naririnig sa mga nagi-internship.

Pinapag timpla ng kape, pinagphotocopy, pinapalabas para bumili ng lunch, at kung ano-ano pa na hindi naman connected sa kurso ng magi-internship!

Tapos ako ito ngayon... isasama sa isang session ng LGU?! Wow! Baka nga tama si Nanay, big time na ako!

''Ayos na ayos po! Akala ko, wala po akong gagawin dito, e.'' Humagikhik ako at pinirmahan na ang non-disclosure contract.

Umismid siya. ''Nako, hija, hindi pwede iyan. Siswelduhan ka ng lokal na pamahalaang ito, kaya hindi pwedeng wala kang ibibigay pabalik.''

Agad na bumalik sa kanya ang tingin ko. ''Su-swelduhan po?''

Nanliit ang mga mata niya. ''Oo. Hindi mo ba alam?''

''Uhh, hindi po nabanggit sa akin ni Ate Angelie. Ang alam ko lang po'y required kong tapusin ang oras na binigay sa akin ng university ko.''

80 hours ang requirement para sa internship. Kaya kung bibilangin ko iyon sa buwan, halos dalawang buwan din. 

Natakot nga ako noong una. Wala kasi akong mapangbabayad sa tuition ko. Noong mga nakaraang semester, ayos pa dahil wala akong binabayarang tuition. Student assistant kasi ako kaya libre ang tuition ko, sagot na ng university kapalit ng serbisyo ko.

E', ngayon na magi-internship ako, sobra ang pag-iisip ko kung paano ako makakapaghanap ng pera para makapagbayad. Ayoko namang manghingi kina Nanay, nahihiya ako. Hirap na rin kasi siya sa pagtitinda sa palengke. Sapat lang iyon para sa gastos sa bahay kasi nagbabayad din siya ng renta. Iyong sa pamamasada naman ni Tatay, hindi rin sapat kasi nakadepende sa boundary ang kinikita niya sa isang araw. Kaya sinubukan ko rin maghanap ng part time job, kahit ilang buwan lang para may pangbayad ako. Kaso hindi pwede dahil sakop na noon ang buong araw ko, e.

''Maliit lang naman 'yon, hija. 410 ang bayad sa 'yo sa isang araw. Ayos lang ba 'yon sa 'yo?''

Tumango ako, masaya. 

''Kaso, kailangan mo munang makumpleto ang 22 days bago makasahod. Tapos 10 days iyon ip-process, papipirmahan ng HR sa iba't ibang department katulad ng accounting, para maipasok sa pagador.'' Kinuha niya ang papel matapos kong pirmahan. Tinignan niya iyon.

410 pesos... para sa isang araw ko. Kung iyon ang bayad sa araw ko, 9,020 ang makukuha ko sa 22 days. Kung sa loob ng dalawang buwan, kulang pa rin ng ilang libo. Shit. Kailangan kong maghanap ng paraan.

Tumango ako. ''Wala pong problema, Tita Creeze.''

Natapos ang ilang oras na wala akong masyadong ginawa. Pinagsunod-sunod lang ako ng Executive Orders, pagkatapos no'n, nganga na. Wala namang problema sa akin dahil nag enjoy naman ako! Binasa ko ang ibang E.Os na binaba, at nakakatuwa na may alam na rin ako kahit papaano. Baka sakaling magamit ko in the future.

May mangilan-ngilan din na dumaan dito sa opisina para manghingi ng financial assistance, karamihan doon ay para sa may mga sakit. Si Tito Benny at Sir Ali ang kumakausap sa kanila. Gusto ko nga'ng magpresinta na puwedeng ako na lang ang mag arrange ng mga papeles nila for screening, siguro sa susunod na lang.

Nakausap ko na rin silang lahat. Bale, walo silang lahat dito. Si Tita Creeze, ang Chief of Staff at ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Si Tito Benny, hindi pala totally in charged sa pag-entertain ng mga bisita na humihingi ng assistance. Mas madalas daw siya sa on site, kumbaga for deliveries ng mga nagre-request ng cake, o 'di kaya security ni Konsi tuwing nandito siya sa opisina. Si Sir Ali, 'yung nasa pinakaunahan ganoon na rin ang katabi niyang si Ma'am Sheryl ang incharged sa pag-entertain. Si Ma'am Tintin, bitbit ni Konsi Corie sa mga lakad niya. si Tito Rod naman ang incharged sa legal affairs katulad noong sa Sanggunian. 

''Joshien!'' tawag ni Tito Benny. Nag-angat ang tingin ko sa kanya. ''Dito ka ba kakain? Magluluto kami!''

''Next time na lang, Tito Benny! Sabay muna kami ni Ate Angelie mag-lunch.'' Bumungisngis ako. ''Pwede na po bang kumain?''

''Oo naman, basta ikaw! Balik ka rito mamayang ala-una, ah?'' Tumingin siya sa relo niya. ''Kung gusto mo ng ulam, daan ka rito. Ako ang magluluto.''

''Copy, Tito Benny!''

Yes! Finally. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko kaya't nang makalabas na ako bitbit ang lunch, halos tumakbo ako papunta sa opisina ni Ate Angelie. Gutom na ako kaya't hindi na ako makapaghintay na kumain!

''Gutom na gutom tayo, ah?'' bati ni Ate nang makapasok ako.

Nakabili na siya ng pagkain kanina, kaya dito na raw kami kakain sa opisina nila. Buti na lang dahil mahihiya lang ako. Ayoko namang bumili sa canteen kasi nagtitipid ako.

Naka-upo ako sa office desk ni Ate. Magkaharap kami. Nakatalikod ako sa pintuan kaya't hindi ko nakikita ang ibang pumapasok.

Kumpara sa office ni Konsi Corie, hindi hamak na mas malak ang office ng Vice Mayor. May tatlong pintuan akong nakikita, siguro'y ang isa roon ang office mismo ng VM. Iyong sa amin kasi, isang glass door lang at iyon ang sariling opisina ni Konsi. Hindi ko pa nakikita ang loob pero mukha namang malaki. Pero itong opisinang 'to, siguro'y triple ng laki no'n. Puti ang pintura, at maraming sofa.

''Nakakapagod! Wala naman akong ginawa buong maghapon pero pagod ako!'' saad ko.

Humalakhak siya at tinuro ang tinidor sa akin. ''Ganyan talaga sa first day. Mapapagod ka. Mamamalayan mo na lang na sanay ka na.''

''Buti nga kung ganoon. Pero okay na rin, bayad naman pala ako! Hindi mo nabanggit sa akin!''

''Hindi ka naman kasi nagtanong.'' Inismiran niya ako. ''Saka gusto ko na sa kanila mo mismo malaman. Hindi 'yon kalakihan, Joshien, pero alam kong makakatulong.''

Tumango ako at binuksan na ang lunch box ko. Hmm! Naalog siguro ang lunchbox ko kaya agad kong naamoy 'yung pinaghalong tuyo at itlog. Ang bango! Ewan ko ba, iba talaga kapag ito ang ulam! Simple lang, pero masarap! Walang makakatalo.

''Tama naman. Pero alam mo, Ate, dapat lang naman talagang bayaran ang mga nagi-internship or OJT. Kahit pa sabihing kami naman ang humingi ng pabor, binibigay pa rin naman namin ang serbisyo namin, 'no!'' Sumubo ako ng kanin at ulam. Ang sarap! ''Thankful ako sa sahod ko a day, pero alam kong may itataas pa 'yon.

''Kaya nga dapat maganda ang performance mo. Kapag nakita nilang masipag ka, kukuhanin ka niyan. Naku, lalo na't kapartido ng Konsehal mo ang Mayor. Madali lang 'yon.''

Lumunok ako. Naalala ko 'yung pag-uusap namin ni Nanay kanina. ''Gusto kong mag law school, Ate.''

Napansin ko ang pagtigil niya sa pagnguya. Umangat ang tingin niya sa akin.

''Pero kasi... dagdag gastos na naman 'yon. Sa tuition, libro, baon, at kung ano-ano pang kailangan.'' Muli akong lumunok. ''Pero... gusto ko nang tumulong sa bahay. Panganay ako, Ate. Alam mo 'yan. Para bang... unconsciously, lumaki akong may binigay na sa aking responsibilidad. Gustong-gusto ko nang kumita ng pera. Gusto ko nang makatulong kina Nanay para ako na ang magpa-aral kay Kwinie... Pero...''

''Pero?'' Nag-angat ang kilay niya.

''Pero may pangarap din ako, Ate.'' Malungkot kong kinagatan 'yung hotdog. ''Ay, ewan ko ba! Bahala na siguro si batman. Kung para sa akin, ibibigay sa akin.''

Malungkot niya akong tinignan, para bang naaawa siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Ayoko ng ganiyan. Alam ko naman kung anong pinasok ko, e. Bakit kasi ang taas ng pangarap ko?

Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging abogado. Nanonood pa ako no'n ng oral arguments, nagbabasa ng Supreme Courts Reports Annotated, at kung ano-ano pang related sa paga-abogasya. Pero kaakibat ng pangarap ko, ang kamulatan na mahihirapan akong abutin 'yon.

Mahirap maging mahirap dahil hindi ka puwedeng mangarap. 'Yon ang natutunan ko.

''Nakita mo na ba sa personal ang Mayor dito, Joshien?'' Nagpatuloy siyang kumain.

''Nope,'' sagot ko, walang interes.

''Kahit sa TV?''

''Syempre, nakita ko na sa TV!'' Umirap ako. ''Bakit ba interesado kayong lahat sa Mayor dito?''

Muli akong kumagat sa hotdog at sumubo ng kanin. Sinamahan ko pa ng tuyo. Kahit siguro ito ang kainin ko araw-araw, hindi ako magsasawa!

''Dzae, kahit yata magka-iba kami ng partido, may crush kami ro'n!'' Tinuro niya na naman ako ng tinidor. Ano ba 'yan! Sasaksakin ba ako nito? ''Ikaw ba, wala?!''

''Wala,'' sagot ko. ''Hindi naman 'yon pogi! Saka ayoko sa kanya!''

''Huh?'' may panghihinayang niyang sabi. ''Bakit?''

''E', 'di ba...'' Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Okay. Walang nakikinig! ''... kamaganak no'n si Sen. Abelia?''

Nanliit ang mga mata niya. ''Oo. Anong problema?''

''Hmm...''

Nilunok ko ang pagkain at uminom ng tubig. Tinignan ko siya at para bang wala siyang alam. Hindi ko talaga alam kung masyado akong rational o mapili... pero ayoko sa political dynasty! 

Kaya hindi ko siya nilagay sa pedestal. I didn't even try to, even when I was almost slapped in the face everytime I hear an anchievement of him. Noong nalaman kasi sa university na sa City Hall ako magi-intership, namangha sila. Siguraduhin ko raw na makalapit ako kay Mayor Hassen.

Pero hindi. Ayoko. Duh! He's involved in a political dynasty. That is really, really imperative to consider. Kapag kasi nasa political dynasty, ibig sabihin, may monopolization of power. Kumbaga, ang kapangyarihan ay nabibigay lang sa isang pamilya. Meaning?

Pwedeng may corruption... and the likes.

''Ano ba 'yun, Joshien? Wala naman akong naririnig dito tungkol sa Tito ni Mayor Hassen.'' 

''Ayoko sa kanya,'' ulit ko.

''Ayaw mo kay Mayor Hassen?'' Nakataas na naman ang kilay niya. Paulit-ulit naman!

''Oo nga, Ate! Siguro nga tama kayo, pogi siya. Pero pogi lang—'' Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, gulat! Aba! Bakit? Bawal bang magsabi ng against kay Mayor dito? 

Kunot noo ko siyang tinignan. ''Bakit?''

''Kumain ka na lang, Joshien,'' biglang lumiit ang boses niya. Napansin ko ang paglunok niya. May tinignan siya sa harapan ko, pero baka kasamahan niya lang.

''Bakit?'' Nakakunot pa rin ang noo ko. ''May masama ba sa sinabi kong pogi lang naman si Mayor Hass—''

''Joshien!'' tawag niya na naman. Kinurot niya na ako! Ano ba 'to? Akala ko ba hindi nila kapartido si Mayor Hassen, kaya bakit ayaw niyang sabihin ko na pogi lang siya... at wala nang iba pa?! ''Kumain ka na lang!''

''Ang weird mo ha!'' Siya naman ang tinuro ko ng tinidor. Mukha siyang kabado at hindi ko alam kung bakit. Baka may sira na 'yung ulam niya? ''Wala namang masama kapag sinabi kong pogi lang si Mayor Hassen! Bakit? Bawal ko bang sabihin 'yun? Personal na opinion ko 'to, at walang masama sa part ko na tingin ko, kahit hindi naman talaga siya kagwapuhan, ay 'yung mukha niya lang ang mapagmamalaki niya. Hindi naman siya magaling, e!''

Lumukot ang mukha niya. Natawa ako. Maasar nga si Ate!

''Hindi nga kasi pogi si Mayor Ha-''

Uulitin ko pa sana iyon ng may nagsalita.

''Pogi lang sino? Ako?''

Napatigil ako at halos manlamig. Unti-unti akong lumingon, at naabutan ko ang tinutukoy kong hindi kapogian, na nakasandal sa pintuan ng opisina, nakahalukipkip at blangko ang expression na matulis ang tingin sa akin!''

Shit! Si Mayor Hassen! Narinig niya ba ang sinabi ko?


Continue Reading

You'll Also Like

37.7M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...