The Red Light Kiss

By julliacath

41.3K 1.2K 609

Joshien is a tough, and very principled woman. Sa murang erad, matayog na ang kanyang pangarap at prinsipyo... More

The Red Light Kiss
Simula
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

2

1.6K 45 1
By julliacath

2


''Naghanda na ako ng hotdog, itlog, saka tuyo. Nilagay ko na 'yon sa lunch box mo ha, Yen?'' Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. ''Wala pa kasing akong kinikita sa palengke... Hingi ka na lang muna kay Tatay. Hmm?''

Napangiti ako at agad siyang niyakap. Dapat nasa trabaho na sila ni Tatay ngayon, pero pinili nilang manatili muna para maipag-handa ako at maihatid sa City Hall. Walang problema kung hindi niya ako mabibigyan ng baon, may pera pa naman ako na natira roon sa kinita ko sa isang gig ko.

''Thank you sa pagluto, Nanay! Huwag mo nang isipin 'yung pera pang baon... mayroon pa naman ako rito. '' Hinalikan ko ang pisngi niya na siya'y kinatawa. ''Promise, good girl ako ro'n! 'Di ako mangdadaldal!''

''Hay nako, Yen, ang swerte ko talaga sa 'yo.'' Pinisil niya ang pisngi ko. ''Kaya kahit dumaldal ka pa, ayos lang! Basta magpapakabait ka roon, ha? Naikwento ko na sa mga kabitbahay natin na sa City Hall ka magta-trabaho!'' Hagikhik niya. ''Akala nila big time na tayo!''

Ngumuso ako. ''Nay naman! Internship lang 'yun! Requirement sa curriculum ko!''

Paano ba naman kasi, dito sa compound namin, malaman lang na sa City Hall ka nagta-trabaho, bigtime ka na. Ewan ko ba. Nahulaan ko nang ipagyayabang 'yon ni Nanay, hindi ko naman siya masisisi kasi proud lang naman siya sa akin. Ang ayoko lang, 'yung lalapit ang mga kapitbahay sa pamilya namin para magpatulong.

Ayoko kasing maabala. Pati rin sina Nanay. Madalas ang sistema kasi kapag nalalaman nilang may malapit na kakilala na sa City Hall nagta-trabaho, nagpapatulong sila. Wala namang problema roon, e. Willing naman akong tumulong kung alam ko ang kailangan nila. 

Ang problema ay ang palakasan. Kadalasan, mga nagpapalakas para makapasok sa City Hall mag-trabaho.

Ayoko no'n! Kung gusto nilang doon magtrabaho, edi mag apply sila! Simple!

''Kahit na! Ano ka ba, anak, ang galing-galing mo! Baka i-absorb ka roon! Marami akong narinig sa mga kaibigan ko riyan sa kanto, kinuha rin sila ng opisina kung saan sila nag-internship. Malay mo, ganoon ka rin!'' Hinawakan niya ang balikat ko at pinisil.

''Nanay... alam mo naman na gusto kong mag law school, 'di ba?'' malumanay kong sabi.

Bumagsak ang kamay niya, ganoon din ang puso ko. Ilang beses nang sinabi sa akin ni Nanay at Tatay na... hirap silang paaralin ako at ang kapatid ko. Si Nanay kasi, nagtitinda sa palengke. Si Tatay, tricycle driver. Hindi naman kami ganoon kahirap. Madalas sapat ang kinikita nila, minsan hindi, kaya kailangan mangutang kaya... hindi ko sila masisisi kung ngayon pa lang, natatakot silang patuloy akong paaralin. 

Kaya nga lumaki akong gusto kong yumaman. Gusto ko ng maraming pera. Kasi habang lumalaki ako, 'yung kakulangan namin sa pera ang naririnig ko.

'''Nak... Saka na muna natin isipin 'yan, ha?'' Hinaplos niyang muli ang likod ko. Napansin ko ang pangingilid ng luha niya. Siguro, nahihiya na naman si Nanay. Isang beses ko na siyang narinig na nahihiya sa akin, kasi nga mataas ang pangarap ko pero... hindi nila ako kayang tustusan. Madalas, naiiyak na lang din ako kasi alam kong gustong-gusto ko maging abogado pero mahirap kasi... wala naman kaming pera. ''Oh, siya, Yen. Hinihintay ka na ng Papa. Magpapakabait ka roon, ha? Maging mabait ka sa kanila. Huwag na huwag mong kalilimutang gumalang!''

Mariin kong tinikom ang bibig at tumango. ''All goods, Nanay! Pupuntahan ko naman muna si Ate Angelie, magpapasama ako sa kanya roon sa opisina.''

Hinatid niya na ako palabas ng compound at naabutan ko roon si Tatay.

''Tay! Tara na po?'' Nagmano ako sa kanya. 

''Pasok na, Yenyen! Ay kagabi pa ako hindi makatulog at ako ang nae-excite para sa 'yo! May anak na akong sa City Hall nagta-trabaho!''

Umikot ang mga mata ko habang natatawa. ''Internship nga lang 'yun, Tay. Ang kulit ninyo ni Nanay. Magsama nga po kayo.'' 

Humalakhak sila. Pumasok na ako sa tricycle at pinaandar na 'yon ni Tatay. Sumilip ako sa labas.

''Bye, Nanay! See you mamaya!'' 

Kinawayan ko siya at ganoon din siya sa akin, pero kaming nakangiti. 

Habang nasa byahe papuntang City Hall, hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako maninibago sa buhay ko sa mga susunod na linggo. Sanay kasi akong gumigising nang sobrang aga para mag commute para hindi ma-traffic at mahirapan makasakay. Ngayon, hatid at sundo na ako ni Tatay. Hindi ko na kailangang gumising nang maaga dahil nandyan naman siya.

Bukod do'n, ilang araw ko ring hindi makikita si Ligaya. Naku, ang daldal pa naman ng isang 'yon! Pareho lang kami pero siya, ibang level! Sayang lang at sa isang law firm kasi siya magi-internship. 'Di bale, iimbitahin ko na lang siya sa bahay.

''Joshien! Dito! Dito!'' Tumatalon si Ate Angelie nang makita ko sa labas ng City Hall. 

Tumigil si Tatay roon at lumabas na ako. Woh! First day! Kaya ko 'to! Ilang buwan lang!

''Tatay, una na ako.'' Humalik ako sa pisngi niya.

''Oh, Joshien anak, umayos ha? 'Wag masyadong matabil ang bibig.'' Pinisil niya ang pisngi ko.

''Tay naman! Syempre magtitino ako rito, 'no. Well, chichikahin ko 'yung mga nasa opisina, tatanong ko kung nakakakurakot ba sila sa kaban ng bayan.'' Humagikhik ako.

 Agad na umiwas nang makita kong aambahan niya ako ng kurot. ''Ito naman! Joke lang, e!''

''Hay, Joshien! Umayos ha! Baka hindi ka lang sa City Hall ma-ban, kung hindi rito sa buong syudad natin!''

''Joke lang, Tatay! Promise!'' Umakto akong zinipper ang bibig. 

Hinaplos niya ang buhok ko at tumawang napapa-iling. ''Oh, papasada na ako. I-text mo na lang ako kung palabas ka na ha? Sabay ba kayo ni Angelie?''

Tumango ako. ''Opo.''

''Sige. Susunduin ko kayo, ha?''

Para akong bata na masiglang tumango. Pinaandar na ni Tatay ang tricycle at umalis na.

''Bye, Tatay! I love you!'' sigaw ko.

''Joshien! Joshien!''

Nilingon ko si Ate Angelie at tumakbo na. ''Ate! OMG! Sorry ngayon lang ako. Napahaba usapan namin ni Nanay, e.''

''Nako, okay lang! Ready ka na ba?''

Tumango ako, nakangiti. ''Ready'ng ready na!''

Hinatak niya na ako papasok at halos mamangha ako. Dahil umaga, maraming tao ang nagsisipasukan. Nagulat nga ako dahil sa totoo lang, ilang beses pa lang akong nakakapunta rito. Kaya nakakagulat para sa akin ang dami ng tao.

''Huwag ka nang magtaka, Joshien. Ganyan talaga rito tuwing umaga,'' aniya habang nakapila kami sa elevator.

''Bakit maraming tao?''

''Ah, 'yung iba hihingi ng tulong 'yan sa taas. Pansin mo 'yang may mga bitbit na brown envelope na nakapila sa harapan natin?'' Tinignan ko iyon. ''Sa 7th floor ang punta ng mga 'yan. Doon kasi ang solicitations para sa events sa mga barangay, o 'di kaya financial assistance para sa mga may sakit.''

''7th floor? 'Di ba roon tayo?''

''Yup. Sa 7th floor, doon ang offices ng Councilors at Vice Mayor, kung saan ako nagta-trabaho.''

''Ah... Pero saan ang office ng Mayor, kung ganoon?'' pagtataka ko.

Sabay nang pagtunog ng elevator ang pagkindat niya sa akin. ''Sa 8th floor.''

Mabagal akong tumango. Ang daming lumabas sa elevator, at marami rin pumasok. Buti na lang umabot pa kami.

Siniko ako ni Ate Angelie. 

''Ayos porma natin ha?'' Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

Confident akong tumango. ''Syempre! Nung isang araw ko pa 'yan pinili 'no! Ilang beses kong plinantsa.''

Tinignan ko ang sarili sa repleksyon ko sa elevator. White na long sleeves, itim na slacks, at black shoes with 2 inches na takong. Napangiti ako habang iniisip na ngayon na lang ako ulit nakasuot ng pormal na damit. Huling beses siguro ay last year pa, noong nag defense kami para sa research sa political data.

''Ikaw din naman, Ate!'' wika ko. Mas casual ang damit niya. Green na polo shirt at jeans. Staff siya ng Vice Mayor dito, kaya ayos lang daw na hindi masyadong pormal. ''Maaga ka bang umalis kanina? 'Di na kita naabutan.''

''Ah, oo. May inutos kasi si boss.'' Tinignan niya ang elevator floor, napagaya tuloy ako. Malapit na kami sa 7th. ''Mamaya, sabay tayo kakain ah? Puntahan kita sa office ninyo.''

Napaisip ako kung saan kaya kami kakain? Sa cafeteria ba? Kasi kung doon nga, nako, hindi ba nakakahiya? May baon naman kasi ako... Baka hindi pwede kumain doon kung hindi bibili?

Tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa pangpitong floor. May mga guards na sumalong sa amin paglabas, binati kami.

''Good morning, Ma'am!''

''Good morning, Ma'am Angelie!'' 

Tinanguan lang sila ni Ate. ''Joshien, dito. Ihahatid kita. Magkatapat lang naman ang office natin kaya kung may kailangan ka, tawid ka lang, okay?''

Tumango ako at napakapit sa tote bag ko. Mas malamig sa 7th floor kumpara sa lobby. At masasabi kong mas malaki ang espasyo rito kumpara sa baba. Kung doon, puno ng opisina, mga upuan, tao, at iba pa, dito naman, halos wala. Maluwag. 'Yung mga kasabay namin sa elevator kanina, pumasok na sa iba't ibang opisina kaya wala talagang tao. 'Yung mga opisina, nasa magkakabilang dulo, magkakatabi. Kaya ang gitna ng palapag na 'to, maluwag ngunit sa gitna, may formation ng Christmas lights.

Weird. Tagal pa ng pasko.

''Tuwing Thursday, walang pwedeng umakyat dito sa 7th floor bukod sa guards at empleyado.''

Napakunot ako ng noo sa pagtataka. ''Huh? Bakit?''

''Session. Session ng Sanggunian.'' 

Tumigil siya sa paglalakad, ganoon din ako. Nasa tapat na kami ng isang opisina. Binasa ko ang nakapaskil sa gilid, kung saan nandoon ang pangalan ng konsehal kung saan ako naka destino.

Hon. Corie Santiago

City Councilor - District 1

Chairman of Committee on Senior Citizen Affairs

Napaawang ang labi ko roon. Wow... First time ko ito. Ngayon ko tuloy naramdaman ang kaba at sobrang excitement. 

Dati, naiirita ako sa mga pulitiko. Kaya nga hindi ko gusto na nilalagay sila sa pedestal. Dahil ang tingin ko sa kanila, mga sinungaling. Sa sobrang daming involved sa corruption at kapulpol-an, hindi ko na magawang magtiwala sa ibang pulitiko. Sa mata ko, pare-pareho lang ang lahat. Mga ganid sa kapangyarihan at pera.

Pero ngayon... Shit. Nakakakaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang thrilled ko at pakiramdam ko, manginginig ang boses ko pagpasok sa loob.

Kumatok si Ate Angelie at agad din 'yon bumukas.

''Oh, Angelie! Good morning! Kasama mo na ba?'' Isang lalaki ang nagbukas ng pintuan. Nasa late 40s na siguro siya, may katandaan na rin pero mukhang mabait. Ngiti ang bungad niya. Napangiti rin ako bilang pagbati.

''Yes, Tito Benny!'' Pumasok kami sa loob.

''Good morning po. Uh, good morning po,'' nahihiya kong bati.

''Good morning din, hija,'' bati noong Tito Benny.

'''Yan ba 'yung intern na sinasabi mo, Ma'am?'' isang lalaki na nakaupo sa office desk iyon.

''Yup! Ito si Joshien.'' Sinenyasan niya akong magsalita.

Napakagat ako ng labi at tinaas na ang ulo. Kinakabahan ako pero paulit-ulit kong inisip na wala namang special sa opisinang ito. Wala dapat akong dahilan para kabahan.

''Uh, magandang umaga po.''

''Hi, Miss!'' isang lalaki naman sa bandang dulo iyon. Hilaw akong ngumiti.

''Ako po si Joshien Allyson Guevarra, 21.'' Saglit akong napatigil.''3rd year college na po ako, BA in Political Science.''

''Ay wow! Political science! Baka husgahan mo kami rito, ah?'' iyong lalaki sa dulo 'yon. Napahalakhak ako.

''Ay, hindi naman po. Kaunti lang,'' sagot ko na nagpangiti sa lahat. 

''Oh, siya. Iiwan muna kita rito, Joshien. Balik na ako sa opisina namin.'' Hinawakan niya ang kamay ko. ''Punta ka na lang doon kung may kailangan ka ha? O', 'di kaya ay i-text mo ako.''

''Sa tapat nitong office na 'to mismo?'' 

Tumango siya. Tumango rin ako.

Lumingon siya roon sa matandang lalaki. ''Tito Benny, labas na po ako. Kayo na po ang bahala kay Joshien?''

''Makakaasa, Angelie! Ako pa ba?''

Napahalakhak at tumango na si Ate at lumabas. Ako naman, parang tangang nakatayo. OMG. Saan kaya ako pu-pwesto? Maraming office desk... may ibang bakante pa, pero hindi pwedeng umupo na lang ako sa kung saan. 

''Joshien, tama ba?'' sabi noong Tito Benny. 

''Yes po, Sir.''

Tumango siya. ''Naku! Tito Benny na lang ang itawag mo sa akin!'' Ngumiti siya at tinuro iyong katabing katapat na desk nung pilyo na lalaki kanina. Halos nasa likuran na rin. ''Doon ka na lang umupo. Hintayin natin si Tintin at may papapirmahan sa 'yo.''

Dumiretso ako ro'n. Nawala nang kaunti ang kaba ko.

''Thank you po, uhh, Tito Benny.''

At bago ako umupo, nakarinig na ako ng boses galing sa malayo.

''Benny, kumpleto ba ang lahat? Aalis ako kasama si Konsi, may executive meeting ang lahat ng konsehal kasama si Mayor Hassen,'' masungit na tono ang narinig ko.


Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...