Unsent Messages

By Leilanie109

11.4K 517 118

secret More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 5

904 51 12
By Leilanie109

When we arrived in San Pedro, it was already past dinner time.

But while Tatay, Mafe, Jessica and I were unloading all the stuffs from the car, Nanay was already on the kitchen. I smelled sinigang in our  every flight in and out of the house, it is seems very delicious that my stomach rumbled.

By the time we are finished, Nanay is already preparing the table.








After our late dinner, Jessica's mouth is talking nonstop.

Ang dami niyang kuwento. Masaya niyang sinasalaysay ang mga pangyayaring naganap simula noong huli siyang dumalaw dito.










🙄🙄🙄








From experiences at work,

To life experiences of her workmates na same with her, dati ring teacher, at ng iba niyang workmates,

To career journey of her managers from agent to higher position,

To...

Pati buhay ng security guard ng building nila (would you believe pati yun alam niya?),

To her nostalgia nung teaching experiences niya sa SBU,

Pati yung nagmasters kami sa San Juan--- and testimonies ng mga profs namin doon na hindi ko na talaga naaalala,

Tapos nagmessage lang ako kay Mom, saying my apology and that I appreciate her and Dad's help para magbati kami ulit,

Now she is talking about the comparison of prices sa pinuntahan naming grocery at sa supermarket online,


What the actual fuck?

Hindi ko nasundan kung paano napunta dun ang kuwento niya?









I heard Tatay's laughter.

He is sitting on the sofa, watching a replay of the olympic games, at ako naman napako na dito sa dining chair kakahintay kay Jessica.

Nahihiya akong putulin yung pagbibida niya kasi fully animated eh.

Pero ang totoo gusto ko nang hilahin siya at sabihing napagod ako sa pagmamaneho at samahan niya muna ko sa kuwarto niya para makapagpalit na ko ng damit.

I don't know what's the sticky substance on my pants, di ko alam kung yung papaya ba to or sa mangga na nilagay niya sa gitna namin kanina. 










"Naku Jema! Nakasimangot na si Deanna oh! Kanina niya pa hinihintay yung dulo ng kuwento mo, kaso nanganganak nang nanganganak."




Napansin pala ni Tatay.

Nakasimangot pa siya pagbaling ng tingin sa akin.









"Bakit di ka pa umakyat dun?!"


Luh...

Hindi niya ba alam na rude yun?







"Nay wait lang ah, lilinisan ko pa yung 'baby' ko. Papalitan ko pa ng diaper."




🙄🙄🙄

Gusto ko sanang mapahiya kaso nakangiti lang sa akin si Nanay at Tatay.

Nagpauna na si Jessica na umakyat. I excused myself to her parents at sumunod na ko sa kanya.












"Para kang bago ng bago eh.

First time mo ba matulog dito?

Paasikaso talaga hanggang dito eh..."






Anudaw?









"Jessica, it is never right na kumilos ako dito ng parang normal lang.

Kakapalan ng mukha ang tawag dun."






Naiinis na ko.








"So makapal mukha ni Bea? Kasi siya hindi ganyan eh."




😤😤😤









"Bea is a different person!

She has different standards and etiquettes.

Maybe she is really like that? At isa pa, at home yung pakiramdam niya kasi she is really close to your parents.

I am your partner. She is my friend na naging friend mo na rin at ng buong family mo.

Iba ang role namin sa family mo.

Mahirap bang iconsider yun?"





Nakasimangot na naman siya.






"So balik tayo sa feeling mo na pressured ka kahit wala naman dapat ikapressure, ganun ba?"






Bakit ako pa yata ang mali?







"The more na ganyan ang feeling mo, na you have to maintan this certain standard na ikaw rin lang ang nagimbento, the more na magiging alienated ang pakiramdam mo."





Inabot na niya sa akin yung damit ko.

Nasa baba ang banyo nila.





Kumuha na rin siya ng pamalit niya.









Sumunod na ko sa kanya nung lumabas na siya ng kuwarto.











"Jema naman! Napakadami naman ng pinamili mo!

Paano ko to aayusin?

Itong delata lang eh, babagsak ang shelf pag nilagay to lahat.

Yung prutas na to napakadami. Bagong taon na ba? November pa lang ah.

Itong mga frozen, napakadami nito! Hindi kasya sa freezer lahat ng to.

Maggigift giving ka ba sa pasko?

Bakit wala kang biniling plastic or ecobags?

Tong noodles napakadami, diabetic na nga ako, gusto mo pa yatang magkasakit ako sa bato."








Naririnig ko si Nanay habang nandito ako sa loob ng banyo.





Tss...

Pagsabihan niyo nga yan.

Nagulat din ako sa pinagbibili niya eh.











"Nay tama ka. Ipapack ko yung iba diyan para ibigay sa iba.

Naalala niyo si Susan?

Yung classmate ko nung Grade 9?"







Susan who?










"Yun ba yung tiga-Rotonda?"







Napatigil ako sa pagsasabon.










"Opo Nay. Diba inaanak ko yung panganay niya? Si Jeng-jeng?"








Wala akong narinig na sagot.










"Kasi si Susan, friend ko sa facebook yun. Inadd ako nung inaanak ko last month.

Humiling ng cellphone. Panggamit daw sa school, pangresearch ganun."








Okay.










"One time, nasaktuhan niya ko na nakaonline, nagusap kami. Nasa computer shop daw siya.

Wala talaga siyang cellphone. Nagrerent lang siya pag may assignment siya.

Papadalhan ko sana siya ng pambili. Ipapangalan ko kay Susan.

Tapos..."





(Dinikit ko yung tenga ko sa pinto.)









"Di raw makakaalis si Susan, ilang buwan na raw na hindi nakakapaglako ng tinapa.

Nagulat ako kasi,










Hayop na bata, mas hiniling pa sa akin ang cellphone kesa sa humingi ng tulong para sa nanay niya!"








(😅😅😅 Oo nga naman.)










"Edi yon nasermunan ko ng beri layt.

Muntikan pa nga umiyak eh.

Inexplain niya sa akin yung side niya.

Pero ang perception ko, ang gusto ng bata, magaral ng maayos para maipagamot ang Nanay niya. Na akala niya, makakaya ni Susan na maghintay ng matagal.

Bata pa kasi eh, Grade 7 pa lang. Di niya pa naisip na baka paglumala ang lagay ng Nanay niya, eh huli na ang lahat.

So ayun, kinontak ko si Alma, sa kanya ako nagpabili ng cellphone, pinabigay ko dun.

Para rin makausap ko si Susan."










😍😍😍



Wow.

Ang galing ng Baby ko ah.

If she told me about this, yun din ang isasuggest ko.

Oo nga pala,

Bakit nga hindi niya sinabi?














"Ano nangyari kay Susan? Nakausap mo na ba?"










Kahit giniginaw na ko dito sa loob, mas pinili kong abangan yung sasabihin niya.








"Opo Nay, okay na. Magaling na siya. Yung naging sakit niya pala, nakuha niya dun sa tubig na iniinom niya.

Bale naputulan sila ng tubig tapos hindi niya na binayaran since may  balon naman sila. Nagpagawa kasi nun yung kapitbahay nila nung nagtayo ng carwash para tipid daw sa tubig. Bale sa lupa nila gumawa ng balon kasi hindi na daw pwede magtayo nun sa kapitbahay nila kasi puro posonegro na.

Ang naging advantage nga, libre na sila sa tubig.

Pero may mikrobyo pala yung tubig, hindi siya potable.

Lumaki na lang bigla yung tiyan niya na nung una akala niya buntis siya sa panglima."











Panglima?

As in?

They were batchmates!












"Okay na siya. Magaling na at nagtitinda na ulit ng tinapa. Madali lang pala gumaling yun. Buti talaga naagapan. Apparently, nasa tiyan niya lang nakatira yung mikrobyo.

Kung nagtagal pa daw, at dumami yun, lilipat daw sa ibang organs yun."








Haay salamat naman.

My God!

Kawawa ang mga anak niya kung nagkataon!








"Naku Nay, ewan ko ba sa mga naging kaklase ko!

Bakit sila nagsipaganak ng di naman nila kayang buhayin.

Sobrang overwhelmed ako nung nakatulong ako.

Pero ang Susan, idinaldal ako sa iba naming kaklase."










🥴🥴🥴


Yun lang.







Lumabas na ko ng banyo.

Tumahimik na kasi.

Si Jessica hindi ko na naririnig.











Nasa kusina pa rin siya.

Nagsusulat.

Sinilip ko kung ano yon.

Names.











She is looking at her phone and writing at a notebook alternately.










"Ano yan?"







I asked.

She stood up.

Kinuha niya yung towel sa balikat ko, at pinunasan ang buhok ko.













"Mga sulat kay Charo, na gustong ipabigay kay Mel Tiangco."









😅😅😅












"Baby rival networks yun ah. Nagtutulungan pala sila?"










Ouch!











"Nagets mo naman eh. Asar ka rin eh."








😕😕😕












"Iniscreen shot ko yung mga message nila sa akin.

Dami nila humihingi ng tulong.

Since hindi mo naman kinuha yung binibigay ko sayo noon, ipangtutulong ko na lang sa kanila.

Paying it forward diba?"












Anudaw?












"What do you mean?

Savings mo yun. Bakit mo ipapamahagi yung inipon mo?

You worked hard for it!

Itong mga goods, okay lang to.

Pero if you'll gonna empty your bank account to help other people,

That is ridiculous!"









Umupo na siya ulit.

Nang padabog.












"Pera ko naman yun Deanna. Madadala ko ba sa kabilang buhay yun?

Bukal sa loob ko yung pagtulong, okay lang yun sa akin, nagtatrabaho pa naman ako.

Tsaka para saan pa yun?

Naipagawa mo na tong bahay, nabili mo na si Tatay ng tricycle,

Wala na kong mahihiling pa."










😓😓😓












"Jessica, there's a reason why it is called 'savings',

You are literally saving your hard earned money because in case na may mangyari in the future, hindi ka matataranta kung saan ka hahanap ng pera.

Those classmates of yours?

They have their own lives!

Their problems are not yours.

Nilagay sila sa ganung sitwasyon ng buhay,

Theologically, trials ng Diyos yun to make them tougher and resilient, and matututo sila maging prayerful.

Philosophically, natural lang ang pagsubok sa buhay as you grow older at hindi naman yun mangyayari dahil nanalo sila sa raffle.

They are the ones who put themselves sa ganung sitwasyon.

Okay lang na tumulong ka pero up to a certain extent lang.

Pero yung uubusin mo pero mo para tulungan sila?

It wont do them any good in the long run.

You shouldn't give them fruits, teach them how to plant!"












Napataas yata ang boses ko.

Sila Nanay at Tatay bumaba bigla.















"Yeah. Sorry na ha.

Relate na relate ka kasi eh noh?

Galing ka rin sa hirap eh.

Napakagaling mo mangjudge.

Ikaw na kahit humiga maghapon, pera ang naghihintay sayo.

Na kahit di ka gumalaw, may pera ka.

Na never mo naranasang magutom dahil wala ka talagang pambili ng pagkain.

Na may nararamdaman ka na sa katawan mo, pinipili mo pang dedmahin kasi wala kang pampacheck up.

Kasi wala kang pambili ng gamot, wala kang pampaconfine or wala kang pampaospital.

Na yung oras na ipipila mo sa public hospital or health center, malaki ang mawawala sayo dahil malamang walang kakainin yung pamilya mo mamaya.

Nasa third world country ka Deanna. Dito hindi ka kakain pag di ka kumayod. At mas madalas na hindi yun sapat.

Pangkain pa lang kulang na yung diniskarte mo buong araw."









Haay Jessica.












"Di mo ba naisip Jessica, na poverty is just a damn mindset?

You think you are poor,

You act, speak and work like a poor.

If Philippines is a poor country, then why the hell we use social media platforms the most?

Why instead of finding ways to earn more money? Mas ginugusto nating tumingin sa mga materyal na bagay na mostly ay hindi naman talaga kailangan?

Nagaaksaya din tayo ng oras para manginggit o kainggitan ang ibang tao.

Imbes na buhay natin ang inaayos natin, inaalam natin ang update sa buhay ng iba.

And to top it all, pag nagkapera tayo, ano ang binibili natin? Latest model ng smartphone?

Kung talagang mahirap ang Pilipinas, bakit Globe at Smart ang patuloy na yumayaman? Bakit nagaaksaya tayo ng pera sa pagbili ng mobile data kesa sa pagkain?

Tapos panay ang reklamo sa gobyerno, puro reklamo sa mga pulitiko na sila rin naman ang bumoto.

There are countries na gustuhin mang magtanim, wala silang tubig, or yung iba naman puro yelo ang paligid nila.

We are in a tropical and archipelagic country. Napapaligiran tayo ng tubig, situated sa parte ng mundo na sapat ang sunlight para sa farming.

But look at what we are doing?

Ang magreklamo, tumunganga, umasa na manalo sa lotto kahit di naman tumataya, tapos pag nandiyan na, may sakit na, magpopost sa social media para humingi ng tulong sa iilan na masisipag at nagsisikap makaahon sa hirap!"













I usually do not express myself to her lalo sa mga ganitong bagay, but I'm doing all I can before she commit this fucking mistake.

I am intently looking at her now very red face.














"Tama na yan Deanna, Jema. Maupo kayo."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 110 58
"Kapag ba hindi tayo nagkita ulit, hahayaan mo ba ako na hanapin ka?"
27.3K 179 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
1.2K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
10.5K 376 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...