Chapter 6

796 45 12
                                    

Umupo ako agad pagkasabi nun ni Tatay.



Si Jessica lumayo sa akin. Umupo siya sa tapat ni Mafe, na umupo naman sa tabi ko.

Hindi niya ko tinitingnan.

Lahat kami actually.

I looked at the faces of her family.











"Jema,"


Si Tatay.







"May punto si Deanna.

May hangganan ang pagtulong sa tao. Hindi rin maganda na uubusin mo ang pera mo para sa iba.

Kung ang sinabi mo sana ay kalahati o hindi lahat, di ako tututol.

Pero hindi tama yung ganun na di baleng magumpisa ka ulit sa wala, basta makatulong ka lang.

Alam ko na pera mo yan. Nasa iyo lahat ng karapatan kung ano ang gagawin mo diyan. Pero anak, tumulong ka sa karapat-dapat.

Sa talagang walang-wala.

At pagkatapos mong tulungan, ay hindi ipagkakalat. Nandun na tayo, si Susan ipinamalita na sa iba ang ginawa mo. Isa pa lang yon. Isipin mo kung tumulong ka na sa mas marami.

Kailangan handa ka sa magiging resulta niyan.

May ugali pa naman ang tao na, ika nga nila ay binigay mo na ngayon ang kamay mo, sa susunod hihingin na ay ang braso mo.

Nakahanda ka ba kung sakaling mangyari yon?

At yung pagkakalat pa na tumulong ka, hindi rin maganda yon?

Nakahanda ka ba kung sakaling humingi ang iba ninyong kaklase noon o ilapit naman ang iba nilang kakilala sa iyo?

Walang tao anak na hindi kailangan ng tulong o pera. Lahat tayo kailangan natin yan."







Go Tay!

Tell her.

Pag sa akin kasi, hindi pa ko nagbubukas ng bibig, may nakahanda ng pambara yang anak niyo eh!







I'm looking at him, he is waiting for Jessica's rebut.

Napatingin ako kay Mafe at Nanay. Nagaabang din sila sa sagot.

And then I look at my Baby.











She is just sitting there. Her face is on the floor.




Thank God I see that her eyes have softened already.

She is now contemplating.











"Makasabat lang po Tay.

Ate, wag ka nga magpakabanal diyan!

Alam mo ba yung asawa ng kabatch mo na yan, walang ginawa buong araw kundi maghimas ng manok dun sa kapitbahay nilang may mga alagang panabong.

Hindi ko lang sinabi sayo pero nawrong send sa akin si Alma noon.

Kaya nalaman ko yung pagbili mo ng cellphone.

Wala naman kaming magagawa kung nagfifeeling santa ka. Pero sabihin mo man lang sa akin, para mabackground check ko.

Goodnight na sa inyo. May pasok pa ko bukas."







She kissed their parents goodnight and---









"Aray!"








Unsent MessagesWhere stories live. Discover now