Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.3M 80.1K 34.8K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 17

39K 1.3K 784
By ov3rtin_ker

"Move now or you'll run your way to school."

Nakalaylay sa dulo ng kama ang kamay kong hawak ang cellphone. I purposely didn't set an alarm dahil malaki ang tiwala ko sa sariling magigising ako nang maaga. I'm a clown.

"Hintayin mo 'ko," ani ko kay Ross sa inaantok pang boses.

"We'll leave at seven a.m. Kapag dumaan ako riyan at hindi ka pa nakagayak, iiwanan kita."

Kasabay ng pagbaba niya ng tawag ay ang pagbagsak ng cellphone ko sa sahig. Tulog pa ang diwa ko at ayaw akong pakawalan ng kama ko. My father kept me awake till midnight. Hindi ako nakatulog nang mabuti kung kailan ko kailangan mismo ng pahinga.

It's quarter to six and we have to be in school before seven. Para raw maaga kaming makarating sa school sa kabilang bayan sabi ni coach. Today is the day. Dadayo kami sa ibang eksuwelahan at doon maglalaban ang mga school mula sa iba't-ibang district. This is the competition every school player is looking forward to.

Pikit-mata kong pinilit na humiwalay sa kama ko. Tumayo ako at kinapa ng paa ang pares ng tsinelas sa sahig. Kinusot ko ang mata, tinignan ang sarili sa salamin bago lumabas ng kuwarto.

Bahagya akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bukas na pintuan. Kinabahan ako nang makitang bukas 'yon. Mabilis kong pinuntahan si Papa sa kuwarto. Wala siya sa loob kaya dumiretso ako sa labas.

Huminto ako sa doorway nang matanaw ko si Papang nag-iinat ng mga braso sa tapat lang ng gate namin, pinapanood ang pagdaan ng pailan-ilang sasakyan.

Nakahinga ako nang maluwag. Ginagawa na niya 'yon noon pa man pero matagal nang hindi, ngayon na lang ulit.

"Pa, huwag kang lalayo, ah," malakas kong sabi.

Nilingon niya ako kalakip ng isang ngiti. "Good morning, nak."

I gave him nothing but a smile. Bumalik ako sa loob para makaligo na. Dinama ko ang pagbuhos ng tubig sa balat ko. Ginigising ako ng lamig nito. Sapat na 'yon para maiwaksi ang pagod at antok na namumutawi sa akin kanina lang.

Ito ang huling laro ko kaya dapat kong galingan. Kung papalarin man akong makatungtong pa ng kolehiyo, baka itigil ko na ang paglalaro ng volleyball at magpokus na lang sa pag-aaral. 'Yun ay kung mabibigyan ako ng pagkakataon.

Simula noong gabing sabihin sa akin ni Ross ang posibilidad na sa ibang bansa siya mag-aral, araw-araw ko nang ini-imagine ang sarili kong hindi siya kasama. It feels different. And I couldn't be more selfish but I wish he won't leave.

Iyon lang naman ang kaya kong gawin, ang umasa at humiling. All the will and decision is up to him and his family.

Nakapagluto na ako kagabi ng kakainin ni Papa sa maghapon. Ipinainit ko na lang 'yon at nagsaing habang gumagayak. Naghahain pa lang ako sa mesa nang marinig ang busina ng kotse mula sa labas.

"Sandaleee! Nandiyan na."

"Ako na, Moren. Kaya na 'to ni Papa. Nariyan na si Ross, labasin mo na."

"Hayaan mo siyang maghintay, Pa. He can't leave me." I made a face.

Tinapos ko ang paghahanada ng mga pagkain ni Papa. Kinuha ko ang duffle bag sa kuwarto at ipinasok kung saan ang tumbler ko.

"Pa, nagkasundo tayo, ha. Walang maglalaro ng apoy, walang pasaway. Okay?"

"Opo, Mama," natatawa niyang saad. "Galingan mo anak, hihintayin ka ni Papa."

Tumango ako. Humalik ako sa pisngi niya.

"Zamora, you have ten seconds to get inside the car!"

Nagsimulang magbilang si Ross. Isinusuot ko pa sana ang sapatos ko pero sa taranta ay hindi ko na isinuot ang kakabyak. Patalon akong naglakad palabas ng bahay.

"Threee, two, one." Umusad ang kotse hindi ko pa man nabubuksan ang gate.

"Ross! Huwag kang makisabay, madudumihan pa 'ko."

Umatras pabalik ang kotse niya sa harapan ng bahay namin.

"Move faster."

Isinusuot ko pa ang sapatos sa kabilang paa ko. Nang buksan ko ang pintuan ng kotse niya ay saka ko lang nakita si Flynn sa passenger seat.

"Sorry, sorry." Lumipat ako sa likuran kung saan naroon ang hardinero nila. Siya ang mag-uuwi sa kotse pagkahatid kay Flynn.

"Tayo na lang ang hinihintay," ani Ross.

"Hinihintay naman talaga ang mga VIP," ani ko. "Hi Flynn." Tumingin ako sa katabi ni Ross.

"Good luck with your game. Beat our team, I know you can win over them."

"Grabeng pressure 'yan, ha. Kalmahan mo, puwede mo naman akong plastikin," loko kong sabi. "Huwag mong galingan masiyado. Kailangan kami ang manalo."

"Hindi mo kailangang ipakiusap ang panalo namin, Moren. We both know who's the real champions here."

Flynn chuckled. Tinignan niya si Ross sa salamin. Sinulyapan siya ng masungit na kapatid.

"Okay," naiusal ko.

"Don't be tensed, Ross. Mahirap ang kinakabahan habang naglalaro."

"Who's tensed?" Ross madly asked him.

Umikot ang tanungan at parinigan nila sa isa't-isa. Tatapusin ni Flynn sa pamamagitan ng pananahimik pero magsasalita ulit si Ross kaya hindi sila matapos-tapos sa bangayan.

Tahimik lang ang katabi ko, tila sanay na sa nasasaksihan. Kung sabagay, araw-araw ang aso at pusa sa bahay nila Tita.

Sa ibang school nag-aaral si Flynn. Sa private school dito sa lugar namin. Sa public piniling mag-aral ni Ross dahil nandoon ako. Pagdating sa mga kompetisyon katulad nito, there's no division between private and public schools. Basta buong distrito namin ang maglalaban-laban.

"Good luck, Ross," pahabol na sabi ni Flynn bago kami makababa ng kotse. Ihahatid siya sa kabilang school ng hardinero nila.

"Nasaan sila?" tanong ko sa kasama.

"Give me your bag," aniya. Ibinigay ko sa kaniya ang bag ko. "Nasa covered court daw silang lahat. Let's go."

May pasok ang lahat maliban sa aming exempted sa mga quizes or activites na gagawin ngayong araw. Quota na kami sa dami ng excuses pero wala silang magagawa. We're competing for the school's name after all, hindi lang para sa amin.

Papunta kami ng covered court nang maagaw nila Ace ang pansin ko. Nasa second floor sila ng Senior's building, kasama niya si Abcd. Anong ginagawa nila sa labas, eh may klase na sila?

May hawak na papel si Ace, naglayo sila kaya humaba 'yon. May nakasulat pero hindi ko mabasa dahil baliktad. Inikot ko ang daliri para senyasan sila. Nagpalit sila ng puwesto.

Bring home the lumpia!

Iiling-iling akong tumawa. Kinalabit ko si Ross. "Tawag ka ng dalawa." Inginuso ko ang dalawa sa itaas.

"Ace wrote that, sigurado ako," ani Ross.

Nakangiti sila sa amin. Kalaunan ay lumapat ang gulat sa mukha nila. Nasa corridor na at naglalakad papunta sa room ang adviser namin. Nag-unahan silang makapasok ng room.

Nadaanan namin ang room ni Franz. Sinilip niya kami sa labas at ipinakita ang kamao, his own language of good luck.

Kami na lang ang hinihintay. Dinatnan namin ang lahat ng players sa court. Kahit ang cheerdance squad ay kompleto na.

Pagkadating pa lang namin at makita ni Celine ang kaibigan ko, nagliwanag ang mukha niya. Iniwan niya ang mga kausap na babae para puntahan si Ross. Did I already mention that her ex is our badminton player? He's also here.

Hinawakan ko ang strap ng duffle bag ko na nakasabit sa balikat niya. "Akin na, nandiyan na 'yung jowa mo."

"She's not my girlfriend yet."

"Proud ka pa?" Inirapan ko siya bago iwanan. Nakipagplastikan ako ng ngiti kay Celine nang magkasalubong kami.

"Captain! Dumating ka rin sa wakas." Tuwang-tuwa sila na makita ako.

"Akala namin, 'di mo kami sisiputin."

"Puwede ba 'yon?" Ibinaba ko ang bag sa bench. "Ano? Nakapagpahinga ba lahat? Ready na sumabak?"

"Kahapon pa ko larong-laro."

"Basta enjoy-in lang natin ang laro. This might be our last chance to win pero huwag niyong kalimutan na it's also our last year to play as a team. We should make the most out of it."

"Ayy, oh! Taray! Kapitan na kapitan!" Inasar ako ni Abi.

"Baka kasi sa sobra nating paghahangad na manalo, makalimutan natin maglaro nang masaya at tama. Don't put too much pressure on yourselves. Kaya natin 'to. Kung hindi papalarin, ayan pa si Eva. Sila ang babawi para sa atin next year."

Si Eva ang pinakamahiyain sa amin pero kapag naglaro ay halimaw. Most will underestimate her and will get surprise when she play. Grade eleven student pa lang siya kaya sa isang taon ay nandito pa siya.

"Hala, Ate. Bakit po ako?" nahihiya niyang tugon.

"Payag ka no'n, Moren? Ate raw."

"Gano'n talaga, Abi. Lalo kapag ganitong mas maganda pa 'ko sa 'yo."

Nagtawanan kaming lahat. Hindi na kami nagpraktis dahil papawisan kaagad. Dumating ang dalawang bus na sasakyan namin. Halos lahat ng sports ay sinalihan namin, including dance sports na wala last year. Kaya marami kaming dadayo sa kabilang school.

Nahiwalay kami kila Ross. Cheerdance squad ang kasama nila. Ang kasama namin ay ang mga pambato sa board games.

"Abi, gisingin mo 'ko kapag malapit na tayo. Matutulog ako," ani ko sa katabi.

"Go lang, matulog ka, Kap." Pinagpag niya pa ang balikat sa pag-aakalang doon ako hihiga. Nahiya naman ako at baka mangawit siya.

Ipinilig ko ang ulo sa bintana. Sinuot ko ang earphones ko at nakinig sa kanta. Nasa gitna ako ng magulong panaginip nang may mag-alis ng earphones sa kabila kong tenga.

"We're here, Kap. Punasan mo muna laway mo. Para cool tayo kapag bumaba."

Nag-iinat ang ilang natulog din buong biyahe. Nasa tapat na kami ng malaking eskuwelahan. Maraming bus at pribadong sasakyan ang nakaparada kahit sa loob nito.

"Kinakabahan na 'ko," ani Mina.

"Ang lamig ng kamay ko, salatin mo." Ihinawak niya sa braso ko ang parehong kamay.

"Dati ka bang si Olaf?"

Panay bulong silang nate-tense na. Kanina ay ang lalakas ng loob. Nakarating lang kami rito, kinabahan na. Mayabang ba ako kung sasabihin kong wala ni kapurit na kaba akong nararamdaman?

Sunod-sunod kami sa pagbaba. Ngunit hindi namin inaasahan ang bato sa kalsada. Naunang bumaba si Abi dahilan para mapaluhod ito sa lupa.

"Siraulo ka, dahan-dahan kasi." Tinawanan ko siya bago babain.

"Wala na, hindi na 'ko cool," aniya. Pinagtinginan kami ng mga estudiyante mula sa ibang schools. "Kap!" Mukhang maiiyak siya.

"Ayos lang 'yan. Mamaya nila makikita." Inilahad ko ang kamay para tulungan siyang makatayo.

Kasunod lang namin ang bus nila Ross. May room na allotted para sa bawat school. Doon na lang kami nagkita ulit ni Ross. Pero hindi rin siya makalapit sa amin dahil may aso siyang kasama. Celine ata ang name. Cute chihuahua!

Nagtipon ang lahat sa gym ng school para sa sandaling opening program at remarks. Sinabi ang mga rules at area kung saan maglalaro. Dating gawi, hiwalay ang venue ng basketball game at volleyball game.

Magtatagpo ang oras ng laro namin at laro nila Ross kaya imposibleng mapanood ko siya. Kung magkataon man na maagang mayari ang laban, last minute na lang ako aabot sa laro nila.

"Enjoy the game," si Ross sa akin. "Good luck."

Kinikilig si Abi sa tabi ko. "Sure win na 'to, OMG! Nag-good luck sa akin si crush."

Binatukan siya ni Mina. "Si Moren ang kausap, hindi ikaw."

Sumimangot ang babae. "Can't we pretend he was talking to me? Epal ka talaga kahit kailan, Mina."

"Tama na ang bangayan. Sa open field na," si coach.

Taas-noo kaming nagpunta sa venue ng laro. Lahat ng daanan naming team ay tinatarayan ng nga kasamahan ko. Palaban talaga. Dapat lang dahil may laban kami.

Si Abi ay hindi maiwasang maghanap ng kakikiligan sa mga lalaking volleyball players.

"Baka naman madistract ka sa guwapo niyan, hindi mo tamaan ang bola," ani ko sa babae.

"Depende. Dalawa bola nila, eh," prangkang sabi nito.

"Tigang ka! Bacon ang iuuwi, hindi itlog," natatawang saad ni coach.

"Puwede pong both?"

"Mag-e-exam ka raw sa P.E. kapag hindi tayo nanalo," pananakot ko.

"Sabi po kasi ng captain namin, enjoy-in lang."

"Hoy, hoy, hoy! Gagawin niyo pa 'kong dahilan."

Naghanda na kaming lahat. May oras na ibinigay para sa stechings at warm up. Napupuno ang gilid ng area ng mga estudiyanteng iba-iba ang uniporme.

Six schools will compete in volleyball girls, mas kaunti kesa sa participants last year.

"Go BlockHeads!" sabay-sabay naming sigaw.

It was easy for us to win the first game. Tatlong pares ang naglaban-laban hanggang sa makuha ang tatlong winning schools. Each team will play twice, makakalaban namin ang parehong school.

"Hindi sana chef  'yung scorer," ani Mina.

"Siya ang iluluto natin. Subukan niya lang."

We won the game with the first winning school, La Fortuna. School kung saan kami naglalaro ngayon. Mahirap makaharap ang pambato ng school host. Madali lang lutuin ang laban. But I still have hope in sportsmanship. Sana ay hindi na maulit ang nangyari last year.

"One win na lang, final round na tayo," si Coach.

Kapag naipanalo namin ito at kami ang may three wins, kami na ang champion. Kapag natalo kami, may tiyansa pa ang La Fortuna na manalo. It's more of like the championship round.

"Sa 'tin na 'to, guys. Kaya pa ba?"

Ilang oras na kaming naglalaro at kahit ako ay hindi ko ikakaila ang pagod. We have our substitutes, may nagsub na sa akin kanina.

"Kakayanin!" They yelled in chorus.

Huling laro na ito. Isang hakbang na lang ay sa amin na ang kampyunato. I need to end the game early para makahabol sa laro nila Ross.

"Mine!" sigaw ni Abi nang makita niya si Mina na mag-alangan kung lalapit.

Dikit ang laban kaya bakas ang kaba sa mukha ng mga coach namin. 22-23 ang score, lamang kami ng isa. Hindi hanggang sa magserve sila at iwasan ni Mina ang bola sa pag-aakalang out na iyon.

Nagpatawag ng timeout ang kabilang team.

"That's fine, babawiin natin," sabi ni Abi sa kasamahan.

"We shouldn't risk the chance of getting a score in hoping that they won't. Puwedeng tactic nila 'yon," ani ko.

Sinabihan kami ng coach namin. Pagkatapos ng maikling timeout ay balik na kami sa laro. Kabado ako dahil sa kanila ang bola. Tinanggap namin 'yon. Balikan ang nangyari. Not until Mina go for spike.

"Wahh!" Napasigaw si Abi. Binawi niya talaga, ganoon kabilis.

Kung kanina, walang bahid ng kaba sa puso ko. Mamatay na ata ako ngayon sa labis na panlalamig ng mga palad. Ako ang magse-serve at huling puntos na lang ang kailangan.

"Tatapusin ko na 'to," usal ko sa hangin bago pakawalan ang bola at tirahin.

Funny how the game ended. Pinanood nila ang bolang lumipad sa hangin at hinintay ang pagbagsak no'n. Nakaabang kami sa pangyayari. Nagtayuan ang mga guro sa gilid para silipin ang bola.

And yes, it's in.

Pumito ang scorer at ginalaw ang braso.

"Ahhhhh!!!" Nagtipon kami sa gitna para magyakap. Nagkagulo na rin ang lahat sa paligid. Our teachers and coach joined us.

We're in the middle of celebration nang hawiin ko sila. Hawak ni Abi ang kamay ko kaya hindi ako kaagad nakaalis.

"Saan ka pupunta?" Mataas pa rin ang  boses niya.

"Sa game nila Ross. Patapos na rin ata 'yon, baka makahabol pa 'ko," ani ko.

"Parang girlfriend lang, ah!" si coach.

"Bilisan mo, sila na ang naglalaro ngayon," si Ms. Laurel.

"Babalik po ako!" Papalayo akong sumigaw.

"Kahit huwag ka na bumalik, Kap!" sigaw ni Abi.

Maraming taong nagkalat sa paligid kaya nahirapan akong makapunta sa court. Puno ang halos kabuuan ng court, ang mga bleachers.

Sila Ross nga ang naglalaro. Kalaban nila and Del Rosa Institute, sila Flynn. Una kong tinignan ang puntos nila. Tambak sila Ross.

Nasa pinakaitaas ako ng mga bleachers, sa dulo. Maingay ang paligid, kaniya-kaniyang cheer ang mga tao. Tahimik sila Celine.

Nang makapuntos ang kabilang school sa pangalan ni Flynn ay mas umingay ang mga tao. The projector screen showed someone. Naroon si Tita Yen, nakasuot ng berdeng damit para suportahan si Flynn. Her husband is also with her, cheering.

Hindi ako makapaniwalang suminghap. Tinignan ko si Ross at nakita ko ang pagod sa mukha niya. Halata ang sakit sa bagsak niyang mga balikat. He probably saw his mother, cheering for his stepbrother and not him.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng galit para kay Tita Yen. It is so unfair for Ross. Sumigaw ako nang sumigaw para mapansin ni Ross pero malayo ako. Malabong marinig o makita niya ako sa dami ng tao.

"I guess I have no choice," I uttered.  Nakipagsiksikan ako sa mga tao para makarating sa front row.

Ginamit ko ang tapang ng hiya makihalubilo kahit sa mga nanlilisik na mata ng mga estudiyante mula sa kalabang school.

"Hi, pwede makitungtong?" tanong ko sa isang babae.

I didn't wait for her answer and hopped over the seat. Tumayo ako doon kaya natakpan ang mga nanonood sa likuran ko. Hindi ko pinansin ang mga reklamo nila.

"Cervantes!" I yelled but he won't hear me. "Jeremiah!" Patuloy ako sa pagsigaw. "Bakit ba ang bingi nito?"

"Miss, baka naman puwede kang umupo?"

Nilabas ko ang pito ko at hinipan 'yon dahilan para gumawa ng malakas na tunog. How loud it was that it caught everyone's attention? Nagtinginan ang lahat sa akin.

Ubo ang una kong reaksiyon, I gasped for air. Kumurap ako bago tumingin kay Ross. He's looking at me so I smiled.

"Go Jeremiah! Kaya mo 'yan!" I yelled.

Tumingin ako sa mga taong nasa akin pa rin ang atensiyon. "Kaibigan ko 'yon! Magaling siya! Sobra!" ani ko na parang nagkukuwento lang, nakaturo sa lalaking naglalaro.

His face loosened up a bit. Pinitik niya ang leeg at lumunok nang malalim. Bumaba na ako sa pagkakatayo sa bleachers nang magpatuloy ang laro.

Although Ross tried his best to catch up, masiyado nang malaki ang lamang ng kalaban para sa natitirang oras. I can see Flynn playing hard, tho there's a little hesitation on his actions.

Tumunog ang sound system, senyales na tapos na ang laro. They lost. We lost, iyon ang pakiramdam.

Sa gitna ng mga nagdiriwang na tao ay naroon ako. The two met in the middle. Lumapit si Flynn sa kapatid para makipagtapikan pero nilagpasan lang siya ni Ross. Ross left the court immediately.

Naestatwa ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa score nila. Sampung puntos ang lamang ng kabila. Hindi pa umabot sila Ross. I feel like I lost my game too.

Muli ay sinalubong ko ang mga tao para sundan si Ross. Ngunit mukhang sa restroom ang punta niya kaya naghintay ako sa gilid para abangan siyang lumabas.

Hindi ako nagkakamali, I saw Ross came out of the restroom. Pupuntahan ko na sana siya nang may sumalubong sa kaniyang babae, si Celine. Nakilala ko siya kaagad dahil sa ribbon niya sa ulo.

It's not my plan to eavesdrop but what she said made me stay.

"You lost your focus. It's your last game."

Pabagsak na ibinaba ni Ross ang kamay na nagpupunas ng tubig sa mukha.

"Anong sinasabi mo? May special fest pa," aniya.

"Sasali ka ro'n? Napag-usapan na natin 'to Ross, 'di ba? I hate all these girls simpimg over you. I don't like you being the center of attention," anang babae.

My lips pressed each other.

"Did I agree? Sinabi mo nga, pero pumayag ba ako?"

"Are you for real?"

"Basketball player na ako bago pa tayo nagkakilala, Celine. Naglalaro na ako bago pa tayo magkasundo na mag-date."

Huminga nang malalim si Ross para ilabas ang pagkayamot. He held his neck and slightly moved it. "Who are you to make me stop playing? My parents, my friends–"

"Moren," Celine cut him off. "Moren wants you to play. Is that what you wanted to say?"

"Bakit nasama si Moren dito?" ani ko.

"Because she's the relationship wrecker."

Pumamewang si Ross. His head slightly dropped before looking back at her. "We're not even in a relationship," aniya.

"Right! We can't be official because of her. Dahil lagi na lang niya tayong iniistorbo. Since the first day, Ross. She will make a situation to get you. Kanina nga, eh. She's just... annoying! Malandi siya katulad ng Mama niya."

Naubos ang natitirang kapayapaan sa mukha ni Ross. Naitago ko ang sarili sa likod ng haliging simyento dahil sa narinig. How did she know my mother? Sinabi ba 'yon ni Ross sa kaniya? Ross won't do that.

"Bawiin mo ang sinabi mo," si Ross.

"Why would I?"

"Take it back because I can hurt you."

I can only hear their voices, afraid that if I watch them, they'll see me. It's the curiosity that can really put one in big trouble. Sumilip ako sa kanila.

"I'm saying what I think she is. Do you want proof? Nilandi lang naman ng Mama niya ang Daddy ko! I hate him that I'm forced to move and live on my own. Pinaikot niya ang mga ulo ng mga kapatid ko! She's a mere xerox copy of her Mom, slut! Don't you feel it, Ross? She's doing the same–Ahh!"

Mahigpit na hinawakan ni Ross ang magkabilang braso ng babae, his jaw is moving.

"No one calls my friend a slut, do you get it?" nanggagalaiti niyang sabi. "Before questioning if it's really her mother that took your father and sisters away from you, bakit hindi mo kuwestiyonin ang ugaling meron ka. Baka malaman mo kung bakit hindi ka pinili ng sarili mong pamilya."

Suminghal si Celine. "Look who's talking. We're on the same page, Ross."

Diniinan ni Ross ang pagkakahawak sa babae, lumapat ang sakit sa mukha ni Celine.

"We're not. Huwag mo akong ikumpara sa 'yo."

"Is this how you treat your girlfriend, huh?!" She tilted her head. "Anyway, just so you know. I don't like you. You're a loser, Ross. I used you so I can make my ex jealous and move on but you are no use."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae. Gusto ko siyang sugurin at ilampaso sa sahig.

Ross grinned. "Do you think that would hurt me? Fuck off, manipulative woman." Binitawan ni Ross ang babae. Napasigaw si Celine.

Nagtago ako sa likuran ng pader at mabilis na pumasok sa female's restroom. Hinintay kong makaalis din si Celine bago lumabas.

Her words are too sharp. Hindi lahat ng salita ay lumalabas sa kabilang tenga pagkatapos pumasok sa isa, ang iba naiipon sa isip. Pinupuyat, sinusugatan at binababa ang isang tao.

Walang gana akong bumalik sa mga kasamahan. Naroon na rin sila Ross na inaalo ng mga guro. Celine pierced her eyes on me sharply, I know why.

"How was your game?" Nilapitan ako ni Ross.

He's always ready to protect me. Mas madalas kaming mag-away kesa magkasundo pero tanging sa maliliit na bagay lang. I saw what he is capable of kapag ako na ang pinag-uusapan.

At kung noon, desidido na akong kalimutan kung ano ang itinatago ko. It gave me this hope to see where would this feeling will put me. Gusto kong sumugal.

"Panalo kami," sagot ko.

Ngumiti siya. He patted my head. "Kanina pa lang alam kong panalo ka, I'm asking if you had fun."

I whimpered. "Hindi ba halata?"

I can feel Celine's gazes while I and Ross talk. Wala akong pakialam sa kaniya, pero sa narinig ko kanina ay mayroon.

Tatay niya ang bagong asawa ni Mama? Hindi ko ata kayang iproseso 'yon ngayon. Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang laman ng isip ko.

Nakapag-uwi kami ng siyam na panalo, mas marami sa mga naunang taon. Pero ngayon lang din natalo ang basketball team namin kaya nag-aalala ako kay Ross. Since he's the captain, I know he'll get the hate and disappointments.

"Zamora, ikaw na," si Coach.

Kasunod ng paghinto ng bus nila Ross ang paghinto ng bus na sinasakyan namin. Nasa kanto kami malapit sa bahay namin.

"Thank you po sa lahat, coach. Una na po ako."

"Magpahinga na. Excuse kayo bukas kaya sulitin niyo na."

Hinarap ko ang team ko. "Congrats, guys! Best game!"

"Para namang namamaalam ka, Kap!"

Natawa ako. Nagpaalam pa akong minsan sa lahat bago bumaba. Naghihintay na sa isang gilid si Ross.

Kinukuha niya mula sa akin ang bag ko pero inilihis ko 'yon, pareho lang kaming pagod.

Tahimik siya kaya hindi ako sanay. Kung hindi ako magsasalita, mapapanis ang laway namin.

"Ang galing mo kanina. Kinulang lang sa oras pero kung hindi, MVP ka."

He remained quiet, walking in a slow phase. Inunahan ko siya sa paglalakad para maharap.

"Huwag ka na malungkot. Makakapaglaro ka pa naman sa ibang competition. Saka para sa akin, ikaw ang MVP palagi." Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Yeah?"

"Oo! Saka feeling ko kasi kaya kayo natalo kasi wala ako ro'n. Hayaan mo, next time. Nandoon na ako sa whole game."

He chuckled while shaking his head. Nilakad na lang namin ang bahay pauwi, mabagal na parang hawak namin ang oras.

Nang matanaw ko na ang bahay namin ay nahinto ako sa paglalakad. May nanggaling na usok mula doon.

"Ross," I muttered.

"Hmm?" Nauuna siya sa akin at kung hindi ko pa tawagin ay hindi niya mapapansin na huminto ako. Sinundan niya ang direksyon ng mata ko at nakita ang tinitignan ko.

"Shit!" he cursed.

Nakipag-unahan akong tumakbo kay Ross. May karerang nagaganap sa loob ng katawan ko. Mabilis kong binuksan ang gate namin habang sumisigaw.

"Papa!" I felt my eyes heating.

"I'll call help, don't go inside!"

"Nasa loob si Papa!" I yelled at him. "Papa!"

Nataranta si Ross. Pinlano niyang pumasok sa loob pero inunahan ko na siya. Higit na mausok sa kusina namin. Umubo ako at nilabanan ang hapdi no'n sa mata.

"Papa! Papa, nasaan ka?!"
I searched the whole house with Ross following me.

Nakita ko siyang nakababa sa sahig at nakatingin sa nasusunog na cabinet. Maliit at hindi pa gaanong laganap ang apoy.

Kumuha ng tubig si Ross sa baniyo para sabuyan 'yon. He also called for help. Nilapitan ko si Papa para kuhanin, sumisigaw ito.

"Moris! Moris, anak ko!" Paulit-ulit lang ang sinisigaw niya.

"Papa, halika na," ani ko dahil nagpapabigat siya.

"Hindi natin iiwan ang kapatid mo. Tawagin mo si Moris. Moris!" si Papa.

"Papa!" Malakas ko siyang sinigawan. Nagtatanong siyang tumingin sa akin. "Ano bang nangyayari sa 'yo?! Patay na si Moris, Ilang ulit ko bang sasabihin?!"

I am frustrated. Umiyak si Papa.

"Buhay siya! Buhay si Moris! Buhay ang anak ko."

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
42.1K 3.8K 66
~ Dangerous Life Ahead ~ β€’ Book 2 of LIFE OF PANCHALI TRILOGY β€’ Panchali Rathore, Ex- CEO of Rathore Industries, now the Crown Princess of Hastinapur...
1.4M 43.6K 54
[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion w...
316K 15K 31
Ximora ends up falling in love with someone she's not supposed to and unexpected consequences come along with her love.. π‚π‘π€π™π˜ ✍︎︎ Β© -π™Όπ™Ύπ™½π™΄πšˆ...