Center Empire Princess

By aliferose

33.1K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
15. East Kingdom
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
39. Wrong Abduction
40. Honestly
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
48. Palasio Rangya
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
61. Solution
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
64. For her own good
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

41. Naive

222 26 0
By aliferose


Farrah

Natapos ang araw nang pagod kami ni Liam dahil tinulungan ko s'ya sa mga parusa na iginawad ng hari sa kanya. Ayaw n'ya pa nga na tumulong ako pero wala s'yang nagawa.

Mag-linis ng kalat sa bartolina ang inutos sa kanya at walisin ang nakakalat na mga bulaklak sa hardin. Madali lang? Haha, sobrang lapad ng hardin at bartolina.

Halos buong araw ko ring hindi nakatagpo ang tatlo...

Bakit ba naman hindi ko sila matiis...

Makikita ko naman siguro sila sa hapag-kainan mamaya.

"Akin na ang walis, maligo ka na roon." Sabi ni Liam.

Umiling ako, "hindi pa nga tayo nangangalahati sa pag-linis ng hardin."

"Ipabukas na natin 'to, tara na." Anito.

"Sige na nga." Iniabot ko na ang walis sa kanya upang ligpitin n'ya.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya mas maiging mag-pahinga muna kami. Sana nga ay may pahinga na ako. Bwesit naman kasi! Nananakit pa rin pulsuhan ko dahil sa pagkakagapos.

Nagmuni-muni muna ako sa hardin habang inaantay si Liam na bumalik. Sa dami ba naman ng mga bulaklak na nagsisiglaglagan ay mahihirapan kami, may mga dahon pa mula sa mga puno.

'Sa bukal na lang kaya kami maligo? Naririndi ako sa init ng tubig sa liguan ni Liam, wala naman akong sakit pero parang magkakaroon dahil sa init ng tubig n'ya.'

Tiningnan ko ang aking palad. Nangangati ang palad ko at gustong mag-ensayo ng pana. Inunat ko ang kamay ko na tila'y umakto na titira ng pana, "Hay! Ka-miss." Buntong hininga ko.

Bumalik na si Liam na tumatakbo pa palapit sa'kin, "sa bukal tayo, Liam." Aya ko.

"Hindi." Mabilis n'yang pag-tanggi.

"E? Bakit hindi?" Takako.

"Alam mo naman ang nangyari noong huli tayong naligo sa bukal kaya hindi na mauulit iyon, tara na sa palasyo." Hila n'ya sa braso ko.

Nagpumiglas ako, "t-teka, ayaw ko kasi ang tubig sa liguan mong pagka-init-init." Aniko.

"Iyon lang pala ang problema mo, maaari namang baguhin ang temperatura ng tubig doon, tara na." Marahan pa itong tumawa at hinawakan ang aking palad.

"Kailan mo ibabalita kay ina ang relasyon natin?" Tanong ko.

"Maaari tayong umalis bukas o kaya naman sa susunod na araw kung magkakasundo na kayo ng kapatid mo." Anito.

"Hindi naman kami nag-away, nagkasagutan lang..." Sabi ko.

"Kahit na, hindi naman kayo ganyan nitong mga nakaraang araw." Pag-irap nito na para bang babae.

Napatawa ako at pinulupot ang kamay ko sa kanyang braso, "wag kang mag-alala, mag-kakaayos din kami. Magkakamatayan kami kung hindi nila gustong ayusin."

At dapat lamang na magbati-bati kami, pinag-alala ko pa sila masyado.

Napatigil si Liam sa paglalakad na ipinagtaka ko, "anong meron?" Tanong ko.

"Narito ang prinsesa ng kanluran, at bakit?" Kausap n'ya sa kanyang sarili. Grabe naman sense ng lalaking 'to, buong palasyo.

Nang makapasok kami sa palasyo mula sa hardin ay nauna s'yang maglakad at mabilis ding nilingon ako.

"Patawad, akala ko'y mag-isa ko lamang haharapin ang prinsesa." Anito at marahan akong inakbayan.

Tumingin ako sa kabuuan ng kanyang mukha, "mas maganda kung may kasama ka diba?" Marahan kong pagtawa.

Tumango s'ya, "ang ganda mo." He spout suddenly.

'Jusko.'

"Huwag mo akong binobola prinsipe at baka kung ano pa ang magawa ko." Pag-irap ko sa kanya. Marahan s'yang napatawa at hinawakan ang kamay ko.

"Gawin mo lang kung ano ang iyong gusto, prinsesa." Halik n'ya sa aking kamay.

Nakasalubong namin ang prinsesa Penelope, "magandang gabi, maaari ko bang maka-usap ang prinsipe na kami lamang dalawa, mahal na prinsesa." Paalam nito.

Nginitian ko si Liam dahil alam n'ya  naman ang kanyang ginagawa, "prinsipe ko, magpapahangin lamang ako."

"Huwag lumayo sa palasyo, magpabantay sa kawal, maliwanag?" Paalala nito.

Tumango ako at dumako sa gawi ng hagdan. Kakausapin ko na lamang ang tatlo bago kumain ng hapunan.

"Knock-knock, is everyone here po ba?" Pabirong tanong ko sa tapat ng pinto ni Aifrel.

Ipinihit ko ang doorknob at pumasok. Naroon sila sa kama; nakahiga si Aifrel, nakatayo naman si Fergus sa kaliwa ng kama, naka-upo naman si Julia sa gilid ng kama na animo'y nililibang ang sarili sa lapag.

"Alright so—"

"Humihingi kami ng tawad sa aming ikinilos, Hana." Pag-yuko ni Fergus.

"Pasensya..." Usal ni Aifrel at parang ayaw pa akong lingunin.

"Ayos lang, hindi naman malaking bagay. Mas malaking bagay pa rin na itinago n'yo ang pagkatao ko kahit may naganap na away." Sabi ko.

Nilingon naman ng dalawa si Aifrel, "bakit sa'kin kayo nakatingin." Pag-irap pa n'ya sa dalawa.

"Parang may sinabi ka ata prinsipe na sisirain mo ang buhay ni Hana?" Pabirong tanong ni Julia.

"Manahimik ka nga." Inis na sambit ng prinsipe.

"Paano kung ayaw ko?" Taas kilay na tanong ni Julia.

"Hahalikan kita riyan." Pagbabanta ni Aifrel at bigla na lamang nanahimik si Julia at namumula pa ang pisnge.

'Hala, ano itong nakikita ko...'

"Ehem, ehem, may nangyayari ba na hindi ko alam." Sambit ko na may halong pang-aasar.

"Wala naman kapatid ko, kung ano-ano nanaman ang iyong iniisip." Iniwas pa n'ya ako kay Julia.

"Nga pala, bakit hindi mo kasama ang prinsipe? Diba dapat kasama mo s'ya? Nakita ko pa naman ang prinsesa ng kanluran baka kung ano nanaman ang kanyang balakin." Sabi ni Fergus.

"Mag-uusap daw muna sila at may tiwala naman ako kay Liam kaya hayaan mo na." Sabi ko.

"Wala akong tiwala sa prinsipe, sa totoo lang. Kasi si Prinsipe Liam na iyon." Ani naman ni Julia at napabuga ng hangin.

"Pero may pagbabago naman kay Liam diba? Palangiti naman na s'ya." Sabi ko.

"Hana, huwag mong sabihin na umiibig ka sa prinsipe na iyon?" Tanong ni Fergus.

'Umiibig?'

"B-bakit ba parang hindi kayo sang-ayon sa'min? At, ano naman kung umibig ako?" Pagtataka ko.

Sabay-sabay silang napabuntong hininga, "jusko, Hana..."

"Sinabi naman na sa'min sa'yo na magmasid ka sa paligid, patigasin mo ang iyong puso. Dahil ang mundong ito ay ibang-iba sa mundong pinanggalingan mo." Tumaas ang boses ni Aifrel.

"Alam ko naman iyon Aifrel, hindi mo kailangang ipagkumpara." Isinawalang bahala ko ang kanyang sinabi, dahil ayaw ko ang tinataasan ako ng boses at ang pinagsasabihan ako.

"Kukumustahin ko lamang ang prinsipe kung maayos ang kanilang pag-uusap at babalik ako dito." Sabi ko at mabilis na lumabas ng pinto.

'Ano ba ang gusto nila, hindi ba pwedeng hayaan muna nila ako mag-saya.'

'Speaking of magsaya...'

"Aish! it's me to find out na lang." Kausap ko sa sarili at sinabunutan pa ang sariling buhok bago nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis lamang akong nakarating sa silid komprehensya dahil malapit ito sa silid kung saan nananatili ang kapatid ko.

May nakaharang na mga kawal ngunit lumapit pa rin ako.

"Patawad prinsesa ngunit bilin ng prinsipe na walang papapasukin sa silid." Sabi ng kawal.

Tumayo lamang ako sa aking pwesto at tiningnan sila hanggang sa tumabi sila ng pwesto upang paraanin ako.

Hindi ako pumasok bagkus itinuon ko ang aking tainga sa pinto.

"Ano ang balak mo ngayon?"

"Liam, dalawa sa bayan ng gitnang emperyo ay sinira ko na, ang ugnayan natin... ano na?"

'Ugnayan na alin? Ano ang kanilang plano?'

"Ugnayan? Sa tingin mo itutuloy ko ang ugnayan? Ako ang prinsipe ng silangan, hindi mo 'ko mauuto prinsesa."

"At isa pa, mas maiging manahimik kayo sa kaarawan ng asawa ko... alam mo ang kaya kong gawin."

"Hayop ka Liam! Pinagkatiwalaan kita."

"Ah~ oo ang sarap pakinggan ng sinasabi mo."

Umatras ako mula sa pinto. 'Ano ang kanilang pinaplano... anong dalawang bayan na sinira ni Penelope...'



Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 189 9
Regression Series #1 Celestine Zecalion is a vicious woman who cause misery to many people. On the day of her execution, Celestine realizes the bad t...
149K 7.7K 82
[Complete] A gang leader, school president, playboy and a campus crush. Who would she choose? Kenji: Don't go without me Akira: Are you eating again...
259K 9.2K 46
-I may look enchanting,but don't make me lose my sanity,or else you will be six feet under. -𝐂𝐞𝐥𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞 𝐃𝐚𝐰𝐧 𝐅𝐥𝐞𝐮𝐫 𝐝𝐞 𝐟𝐞𝐮
1.5M 61.4K 79
Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided to avenge them. This makes the...