The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Scapegoat
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Stuck On You

5.1K 476 60
By frozen_delights

dedicated to kahlen15 happy birthday!

.

Chapter Fifteen

"O, GILIW ko. Miss na miss kita, ah-aah. Sana'y lagi kitang kasama."

Naitirik ni Meredith ang mga mata sa pagkanta si Rocky. Para itong umaalulong na aso sa labas ng tindahan. One week ng wala si YM. Kahit gustong mangumusta ni Meredith kung ano ba ang lagay nito at nagkakasakit nga raw ayon na rin kay Rocky, hindi niya magawa. Sigurado kasing uulanin na naman siya ng panunukso ni Bato. Nakakainis pa naman itong mang-asar, sarap ipatapon sa Neptune. Naisip niya nga, paano kaya itong napagtitiisang kasama ni YM? Tahimik si YM at parang may sariling mundo minsan. Na kabaliktaran naman ni Bato.

"O, giliw ko. Miss na miss kita, ah-aah. Gusto ko sana'y mayakap ka-aah."

"Bato," tawag dito ni Meredith.

"Yes, Madam?"

Inirapan ito ni Meredith. "Baka nagugutom ka na. Kumain ka kaya muna."

"Nagugutom na nga ako. May pagkain ka ba riyan?"

"Wow, ako talaga ang magpapakain sa'yo?"

"Oo. Friends naman tayo."

Kokontra pa sana siya sa sinabi nito pero naawa naman siya. Mukha ngang kanina pa ito gutom at idinadaan na lang sa pagkanta ang pagkalam ng tiyan. Naaaliw siyang isipin na para itong nalulungkot na tuta sa absence ng amo.

"Tuyo ang inulam namin ni Lola kanina, ayos lang ba sa'yo?" 

"Oo naman. Ayos lang," mabilis na sagot nito.

Niyaya na niya itong pumasok sa loob ng bahay. Wala si Lola Miling dahil sumaglit ito sa grocery para mamili ng ilang kulang na item sa tindahan. Mabilis silang maubusan ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa araw-araw. Kaya sa loob ng isang linggo ay twice ito kung mag-grocery.

"Uy, akala ko tuyo?" takang tanong ni Bato nang ihain niya rito ang natirang tocino.

"Binibiro lang kita. Sige, kumain ka na at doon na ako sa tindahan," nakatalikod na siya nang muli itong lingunin. "Maghugas ka ng pinagkainan mo, ha?"

"Yes, Madam," ang lapad ng pagkakangisi nito sa kanya.

Bumalik na siya sa tindahan at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Pasukan na kinabukasan. Naisip niyang mahihirapan na si Lola Miling kapag mag-isa na naman itong mag-iintindi roon. Mayamaya lang ay may tumigil na sasakyan sa harapan ng tindahan. Lumabas doon ang isang lalaki na ubanin. Bahagyang kumunot ang noo niyon na nagpalinga-linga na parang may hinahanap. Umibis ang isang lalaki mula sa driver seat at nagmamadaling lumapit sa lalaking ubanin.

"Nasaan na?" tanong ng lalaki sa driver.

"Naririto lang daw siya. 'Yon ang mahigpit na bilin ni Boss, eh. Bantayan niyang mabuti."

Hindi na sana papansinin ni Meredith ang dalawang lalaki nang makita niyang maglakad ang mga iyon papunta sa tindahan.

"Tao po. Puwede bang mag--"

"Ano po 'yon?" magalang na sagot ni Meredith sa lalaking ubanin. Natigilan iyon at parang may ilang saglit na napipi habang nakatingin sa kanya.

Alam niyang maganda siya. But she is not confident that she is that pretty to render someone speechless.

"Ah, Miss. Nakita mo ba si Rocky?" tanong ng kasama nito na bahagyang nakangiti.

"Si Rocky?" saglit niyang pinag-aralan ang hitsura ng mga kausap. Mukha namang disente ang mga ito. "Sino po kayo?"

Kahit siraulo si Rocky ay itinuturing na niya itong kaibigan.

"Utol niya si Sir B," itinuro ng lalaki 'yong ubanin na tahimik na nakatayo sa tabi nito at matamang nakatitig pa rin sa kanya. "Ako naman si Atoy, kaibigan niya."

"Sige, sandali lang po."

Pinuntahan niya sa kusina si Rocky. Namumuwalan pa ito sa pagkain.

"May naghahanap sa'yo," aniya rito.

Mabilis nitong nginuya ang nasa bibig atsaka iyon nilunok bago nagtanong. "Babae o lalaki?"

"Dalawang lalaki. Sir B at Atoy raw."

Napalunok ito na parang biglang nag-alala sa pangalang nabanggit niya.

"S-sigurado ka?"

"Oo nga. Kapatid mo raw."

"Si Kuya B," napakamot ito sa ulo atsaka mabilis na tumayo.

"Ano ba 'yong B? Short for bubuyog?" tanong niya kay Rocky na nangingiti.

Uminom muna ito bago sumagot. "Bentley."

"'Yong car na Bentley?"

"Oo."

"Tapos ikaw naman Rocky? O baka naman pinaikling Rolls-Royce?"

"Magkaiba ng trip ang parents namin. Si Nanay movie fanatic at si Tatay mahilig sa magagandang sasakyan. Pero saka ko na ikukuwento ang talambuhay ko, naririyan ang assistant boss. Mas malupit 'yon sa totoong boss."

Parang hindi na niya kailangang magtanong kung sino ang totoong boss na tinutukoy nito. Nagmamadaling nagpaalam sa kanya si Rocky at lumabas na. Siya naman ay pumunta na ng tindahan nang marinig na may bumibili. Matapos mapagbilhan iyon ay sumilip siya sa labas. Nasa tapat pa rin ng tindahan ang sasakyan kaya sa palagay niya ay kakausapin lamang ng dalawang lalaki si Rocky at hindi isasama kung saan.

Bumalik siya ng kusina para uminom. Napasilip siya sa bintana nang matanawan sa labas si Rocky sa medyo kubling lugar kasama iyong dalawang lalaking naghahanap dito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita na ang tigasing si Rocky ay parang munting bata na piningot sa tenga ng lalaking si B o Bentley. Panay ang tango ni Rocky sa mga sinasabi niyon na sinasalitan ng pagyuko-yuko na akala mo'y Hapon na nagbibigay-galang sa taong kaharap nito. Napangiwi siya sa kanyang nasasaksihan. Diyata at ang aastig-astig na si Bato ay takot sa panganay na kapatid. Samantalang kung laki ng katawan at taas ang pag-uusapan ay higit na mas malaki si Rocky.

Amused siyang napangiti. At least malayo naman pala ito sa panganib katulad ng iniisip niya.

Si YM kaya? Napabuga siya ng hangin nang maisip na baka malubha talaga ang sakit nito.

Nang sumunod na araw ay pumasok na siya ng school. Unang araw iyon ng klase. She tried to blend in as much as she can. Medyo binago pa niya ang nakasanayang ayos para hindi masyadong maging kapansin-pansin. Pero hindi naman 'yong OA na puwede na siyang pumasang Miss Tapya. Meron siyang props na salamin. Ang dating signature bags niyang ginagamit pagpasok ay pinalitan niya ng mumurahing bag lang. Sa damit ay puwede na sa kanya ang mga mid-brands. Sa underwear at medyas lang hindi puwede dahil maselan ang balat niya pagdating sa mumurahing tela.

Mabilis na lumipas ang oras. Palabas na si Meredith sa huling subject nang mapatingin sa katapat na building ng kinaroroonan niyang classroom. Saglit pa niyang ikinurap ang mga mata sa pag-aakalang nagkakamali lang siya sa kanyang nakikita. Si YM. Oo, tama. Si YM nga ang nakikita niya. Nasa second floor ito ng katapat niyang building habang siya naman ay nasa third floor ng kinaroroonan niyang gusali. Kung hindi siya nagkakamali iyon ang Engineering Building. Ano ang ginagawa nito roon?

"Well, isn't it obvious?" she told herself with sarcasm.

Tatlong babae lang naman ang tila nag-aagawan sa atensyon nito.

"Tss." And here she thought he's very sick because of some flu. Iyon naman pala ay busy lang ito sa pambababae.

As if sensing her deathly glare, he looked up. Hindi siya kaagad nakabawi ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata. Bahagya nitong itinaas ang isang kamay as if saying hello. Hindi niya ibinalik ang pagbati nito. Ni ang ngumiti ay hindi niya ginawa at sa halip ay basta na lamang umiwas ng tingin na parang hindi kakilala ang kanyang nakita. Tuluy-tuloy na siyang bumaba ng gusali para umuwi. For some reason she felt annoyed.

"Em!"

Hindi siya sigurado kung siya ang tinatawag. Pero dahil pamilyar ang boses ay awtomatiko siyang napalingon. Si YM.

"Pauwi ka na?" tanong nito na sinabayan na siya sa paglalakad.

"Yes," matabang niyang tugon.

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Bakit ka galit?"

"Hindi nga ako galit."

"Totoo?"

"Hindi nga sabi. Ang kulit."

"Ngumiti ka nga."

"Ano ang palagay mo sa akin, uto-uto?"

"Tsk. Ngingiti lang uto-uto na?"

Inirapan niya ito.

"Hindi ka talaga galit?"

"Isa pang tanong mo at sasapakin na kita."

"Kung talagang hindi ka galit samahan mo akong kumain."

"Ay, wow," natawa siya nang pakahol. "Ano'ng klaseng strategy 'yan?"

"A good one."

Inirapan niya ito.

"Is that a yes?"

"No."

"Galit ka nga."

"Ang kuliiit!" naiinis na nilampasan niya ito sa paglalakad.

Mabilis naman itong nakasabay. Malapit na sila sa gate nang may tumawag dito. Her eyes rolled in annoyance. Babae na naman kasi ang tumatawag dito. Dalawang babae na parang mga nakakita ng artista. At artista nga siguro ang tingin ng mga ito kay YM dahil parehong may hawak na notebook at ballpen ang mga ito na tila mga manghihingi ng autograph.

"V, patulong naman dito."

"Ako rin, V. Pahingi na rin ng list ng reference na ginamit mo sa Accounting Integration."

Kumunot ang noo ni Meredith. Bukod sa naaartehan siya sa dalawang babae ay nagtaka siya sa pagtukoy ng mga ito kay YM sa ibang pangalan.

Nang maisip na para siyang tangang naghihintay at nakatunganga sa mga ito ay iniwan na niya si YM. Buwisit na buwisit na talaga siya sa lalaking ito. Para itong ulam na pinuputakte ng mga bangaw. Nakakalimang hakbang na siya nang lingunin ito.

"Akala ko ba kakain tayo?" pagalit na sabi niya rito.

"There you have it, ladies. I have to go," nagmamadaling lumapit sa kanya si YM matapos na magsulat sa notebook ng dalawang babae.

Para talagang artista ang peg na may pa-autograph pa. Napaismid siya. 

"Saan mo gustong kumain?"

"Kung sabihin ko bang sa Manila Hotel dadalhin mo ako sa Manila Hotel?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Hm, puwede naman."

Magre-react pa sana siya nang mabilis nito iyong dugtungan.

"That is, kung makapaghihintay ka after five years or so. Kahit saang hotel mo gustong kumain ay dadalhin kita. Kahit sa Paris o sa New York."

"Never mind. Lugaw na lang."

"Sige. Madali naman akong kausap."

Paglabas nila ng campus ay nagulat siya nang hintuan sila ng isang kotse. Pinagbuksan siya ni YM ng pinto sa backseat at pinaunang sumakay.

"After you, Madam," anito na ikiniling ang ulo.

"Kaninong kot--"

"Hi, Mari!"

"Bato," agad na siyang sumakay nang makita si Rocky. Ito pala ang driver.

Bumaba ito at pinagbuksan naman ng pinto si YM sa kabilang side.

"Saan tayo? Sa simbahan na ba?" ani Rocky nang muli itong maupo sa driver seat.

"Bakit? Mimisahahan ka na ba?" balik niyang pang-aasar dito.

"Matagal-tagal pa 'yon," sagot ni Rocky.

"Kunsabagay. Masamang damo ka nga pala."

Tumawa lang ito nang malutong.

"Kay Parekoy's tayo," tukoy ni YM sa pangalan ng lugawan na kinainan nila dati.

"Areglado, Boss."

Ang regular route ni Meredith mula sa campus ay sasakay pa ng traysikel papuntang sakayan ng jeep pauwi sa Sta. Catalina. Bababa siya sa kanto ng Purok 6 at lalakarin naman niya pauwi. More or less ay aabutin din siya ng thirty minutes bago makauwi.

"O, giliw ko. Na-miss kitaaa-ah. Sana'y lagi tayong magkasama-aah."

"Huwag ka ng kumanta, please lang," supla rito ni Meredith. "Masakit sa tenga."

"Sira kasi ang stereo nitong kotse na na-carnap ko."

"Mangka-carnap ka na rin lang hindi ka pa pumili ng bago."

"Nagmamadali kasi si Boss."

Tumikhim si YM.

"Ang ibig kong sabihin kasalanan ko talaga. Hindi ako marunong pumili ng magandang sasakyan," biglang kambiyo ni Rocky.

Hanggang sa makarating sila sa Parekoy's Lugawan ay boses lang ni Rocky ang namamayani sa loob ng sasakyan. Nakangiti silang sinalubong ng binatilyong anak ng may-ari. Muli niyong pinunasan ang mesang dati na nilang pinuwestuhan noong huli nilang kain doon at iniwan ang dalawang laminated menu.

"Bakit umalis na si Rocky?" takang tanong ni Meredith nang maulinigan ang papalayong sasakyan.

"Baka isosoli 'yong kotse sa may-ari," sagot ni YM.

Napailing siya. Hindi siya sigurado kung paniniwalaan ang kalokohang sinasabi ng mga ito o iisiping biro lang iyon. 

"Masarap 'yong huli kong in-order dito. Pero gusto ko ring i-try 'yong beef tripe."

"Guaranteed. Masarap din 'yon."

Iyon na ang in-order niya. Nagdagdag pa ito ng ilang side dish na lalong nagpatakam sa kanya. Hindi siya malakas kumain. In fact, pili lang ang pagkaing nagugustuhan niya. Pero kasabay ng pagkatuklas sa ibang pagkain na hindi kadalasang inihahain sa kanilang masaganang hapag-kainan ay tila naging adventurous din ang panlasa niya.

"What happened to you, by the way?" hindi nakatiis na ungkat ni Meredith habang naghihintay sila ng kanilang order.

"Um, nakagat ako ng langgam."

Patlang. 

Walang kurap na natitigan ni Meredith ang kausap. Niloloko ba siya nito?

"When an ant bit you, they released a chemical called formic acid. They're venomous to people with allergy to that chemical."

"In short, may allergy ka?"

"Uh-huh. Looks like it."

Ngayon niya lang nalaman na may ganoon pala. Inihatid na ang kanilang order. Ang alam niya ay self-service doon pero bukod-tanging sa mesa lang nila may naghatid ng order na pagkain. At kapansin-pansin ang tila paggalang ng taong nagdala ng pagkain nila. Sino ba talaga si YM?

"Ano ba talaga ang totoo mong pangalan?" seryosong tanong niya rito nang iabot nito ang kubyertos matapos nitong punasang mabuti ng tissue.

"Vengeance Liu."

"Come again?"

"Vengeance Liu."

"Um, Vengeance as in V-E-N-G-E-A-N-C-E?"

"Yes."

"For real?"

"Yes."

She was dumbfounded. Kung ang ibang magulang ay pahabaan ng pangalan at pagandahan ito naman ay tila may galit ang magulang na nagpangalan dito.

"Oh, well," ikinibit na lang niya ang balikat. Ayon nga kay Bato may kanya-kanyang trip ang magulang ng mga ito. "So, YM stands for Young Master?"

"Yes."

"You're rich?"

"Not yet."

Patlang.

"How come they call you young master?"

"Um, trip lang nila."

"They also call you Boss."

"Some of them used to work for my father. And when he died, they sort of took me as his replacement."

"Ano ba ang work ng tatay mo?" tanong niya matapos sumubo ng masarap na goto.

"Kapag sinabi ko sa'yo handa ka ba sa magiging kapalit?" he asked, his eyes held a glint of mischief.

Sumimangot siya. "Kakain na lang ako."

He tsked. 

Nasa kasarapan siya ng pagkain nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Unbelievable," komento niya. Ang lalaki ng patak at maririnig sa bubong ang maingay niyong pagbuhos. "Bakit sa tuwing kasama kita ay biglang umuulan?"

"It only means one thing."

"Ano?"

"We'll be stuck together."

-

mga banat talaga ni V simplehan lang😁 😁 😁

frozen_delights















Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
470K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
63.3K 5.3K 19
Rom-com PHR 2011 published book