The Untouchables Series Book...

By frozen_delights

278K 17.3K 2.2K

SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-en... More

Foreword
Poker Face
The Master
The Black Widow
The Deal
Mrs. Liu
Wedding Night
Hey, Jealousy
Buried Past
YM
Touch
Thief
Boss
Raindrops
The Suspect
Stuck On You
One Rainy Afternoon
Giddy
Training Day
Perfect
No Pain, No Gain
Skeleton In The Closet
The Pain He Never Knew
Used
Once Upon A Night
I Surrender All
Feverish
Secrets
Piece of Heaven
Presumption of Innocence
The Monster
Drunk
Consumed by Passion
Never Enough
Happiness
Fate
Unquenchable

Scapegoat

4.6K 451 46
By frozen_delights

Chapter Fourteen 

"SIGURADO ka ba sa sinasabi mo?" tanong ni Rocky kay Abner. "Mabigat na akusasyon 'yan, bata."

"Hindi po ako nagsisinungaling. At alam ko pong alam niya na nakita ko ang ginagawa niya kay Angelina. Minabuti ko na lang po na umalis nang maaga kanina para maghanap ng trabaho. Naisip ko po kasi na hindi tamang manatili pa ako sa kanila dahil sa nasaksihan kong ginagawa ni Kuya Mulong. Ayaw ko naman pong magsalita at baka ako pa ang mapasama."

Gumagaralgal ang boses ni Abner habang nagkukuwento. Tahimik namang binabasa ni Meredith ang kilos nito. Kumbinsido na siya na wala nga itong kasalanan sa ibinibintang rito. Tulad ni Angelina ay biktima rin ito ni Mulong. Dahil may palagay siyang balak itong gamiting scapegoat ni Mulong upang mapagtakpan ang kahalayang ginagawa sa sariling anak.

Nilapitan ito ni YM at itinaas ang laylayan ng suot na kamiseta. Tinutukan ng binata ng penlight ang sugat ni Abner sa bandang tagiliran.

"Kailangang magamot ang sugat mo. Mukhang malalim 'yan," anito.

"Kukuha ako ng alcohol at bulak," pagkukusa ni Meredith at hindi na hinintay na sumagot ang sino man sa mga ito at agad ng tumalikod.

Nasa sala ang alcohol at bulak. Kasama ng mga pamahid ni Lola Miling sa mga nananakit nitong kasu-kasuan. Mabuti at naisipan niyang bumili ng Betadine noong nakaraang labas niya ng bahay. Naawa kasi siya sa butihing yaya at may sugat ito sa binti ngunit tila mabagal ang paggaling kaya naisipan niyang ibili ito ng gamot.

"Here," inilapag niya ang bote ng alcohol, bulak, gauze, at Betadine sa upuan.

"Bato, linisin mo ang sugat niya."

Mabilis namang tumalima si Rocky.

"Ilang taon ka na?" tanong ni YM kay Abner.

"Nineteen po."

"Nag-aaral ka pa?"

Umiling si Abner. "Tumigil na po ako. Balak ko po kasing maghanap na lang ng trabaho para makabukod na sa nanay ko."

"Ano ba ang alam mong trabaho?"

"Ahm, w-wala pa po akong experience sa pamamasukan. Pero willing naman po akong mag-training kung kailangan."

"Nakapag-college ka?"

"Nakatatlong sem lang po ako sa BSEE. Patigil-tigil kasi walang pantustos ang nanay ko."

Nagtataka si Meredith sa ginagawang tila pag-interview ni YM. Balak ba nitong bigyan ng trabaho si Abner?

"Gumagamit ka ba?"

"Hoo...?"

"Usap-usapan dito sa Purok 6 na pusher si Mulong. Ngayon isang tanong, isang sagot. Gumagamit ka ba?"

"H-hindi ho."

Nag-squat si YM sa harapan nito at itinutok ang penlight sa mukha ni Abner.

"Kapag hindi ka nagsabi ng totoo sa akin hahayaan ko si Mulong na katayin ka kasama ang sampung barangay tanod na kaalyado niya."

Bumakas ang takot sa mukha ni Abner. Nakita ni Meredith ang pagbabago sa kilos ng lalaki. Nang tanungin niya ito kanina kung totoo ang akusasyon dito walang hesitation ang sagot nito. Ngunit ngayong tinatanong ito ni YM kung drug user ito ay nakita niya ang tila pagdadalawang-isip nitong sumagot ng hindi.

"P-paminsan-minsan lang po," nauutal na sagot ni Abner.

"Gaano kadalas 'yong minsan?" tanong ni Rocky. "Once a day, once a week, o makalwahan?"

"M-minsan lang po kapag kaya ng b-budget."

"Tsk," malutong na palatak ni YM. Tila dismayado ito sa narinig.

Napaisip si Meredith kung strategy lamang nito na ipalagay ang loob ng kausap saka ito biglang umatake para mapaamin si Abner.

"Alam mo bang napakadali para sa'yong madiin sa kasong ibinibintang sa'yo lalo pa at gumagamit ka?" ani Rocky.

"Aminado po akong gumagamit pero hindi ko magagawa 'yong ibinibintang nila," mangiyak-ngiyak na sagot ni Abner.

"Kaya mo bang humarap kay Mulong?" tanong ni YM.

Gumuhit ang takot sa mukha ng lalaki. "Papatayin niya po ako."

"Puwede namang sa presinto na kayo direktang magharap. Doon ay malalaman natin kung sino talaga sa inyo ni Mulong ang nagsasabi ng totoo," saad ni Rocky.

"Payag po ako."

"Sige," ani YM.

Napatingin si Meredith sa binata.

"Are you...? Um, sasamahan niyo ba siya para matiyak ang kanyang safety?" may pag-aalalang tanong niya kay YM.

Sa kabila ng pag-amin ni Abner na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot ay magaan pa rin naman ang loob niya sa lalaki. Naisip niya kasi na baka kinulang lang ito sa tamang paggabay ng magulang. Maraming dahilan kung bakit nalululong ang isang tao sa droga. At nakakalungkot mang isipin pero minsan sa loob ng tahanan nagmumula ang problema.

"Oo."

"Uh, puwede ba akong sumama?"

"Hindi."

Wala man lang pagdadalawang-isip. As in hindi kaagad.

"You can change my mind on one condition."

"Ano?"

He tapped his cheek with his forefinger. 

Namilog ang mga mata ni Meredith nang maunawaan kung ano ang ibig nitong sabihin.  She saw the subtlest of smiles curled up at the corners of his lips at her shocked expression. Pero may palagay siyang sinabi lang nito iyon para hindi na siya magpumilit na sumama.

"Gabing-gabi na. Matulog ka na para mas lalo kang pumuti."

Wala sa loob siyang napatingin sa kanyang mga braso. Iyon talaga ang unang napapansin sa kanya ng mga bagong kakilala, ang pagiging maputi ng kanyang kutis. Namana niya kasi ang kutis ng ina na may dugong Kastila.

Natawag ang kanyang pansin nang tumikhim si Rocky. Nang magkamali siyang sulyapan ito ay para na naman itong kinikiliti ng sampung matsing. Napasimangot siya.

"Tulog na baby para lalo kang maging beauty," tudyo pa nito na binuntutan ng bungisngis.

"Ayos na ba 'yan?" baling dito ni YM.

"Okay sa all right na, Boss."

"Let's go."

"Tayo na, bata," ani Rocky kay Abner.

Tumayo na si Abner para sumama sa dalawa.

"Salamat, Miss--" 

"Ayos na 'yon. Nagpasalamat ka na huwag ka ng makipagkilala at baka hindi ka makarating nang buhay sa presinto."

Napangiwi si Abner nang hatakin na itong palabas ni Rocky. 

Siraulo talaga, saisip-isip ni Meredith.

Si YM ay may kung ano pang tiningnan sa backdoor. Nakita niyang binubusisi nito nang husto kung secured ang pagkakasara ng pinto.

"Next time, i-check mo muna ang loob ng bahay niyo bago ka magkandado ng pinto."

Inawat niya ang sariling mairapan ito. 

"And make sure you always lock your windows."

Napaawang ang bibig niya. "Doon ka ba dumaan kanina?"

"Yes."

"Buti at hindi ka nakita ni Lola?"

"Naghihilik na nang mapadaan ako sa kuwarto niya."

"Goodness gracious," napabuga siya ng hangin. "'Yong totoo, ito ba ang trabaho mo? Ang mag-akyat-bahay?"

"Um, 'yong totoo? Sideline ko lang 'to. Gusto mong malaman kung ano ang main job ko?"

"An--"

"Pero bago ka magtanong ay merong consequences ang sagot."

Bigla niyang naitikom paloob ang mga labi. Sa kislap na nakikita niya sa mga mata nito ay parang nahuhulaan na niya kung ano ang consequences na sinasabi nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. As if naman magpapaisa siya.

"Umalis ka na nga," supladang pagtataboy niya rito.

"Tsk."

Nang tunguhin na nito ang pinto ay napasunod na rin siya rito.

"Make sure all the locks are secured. At huwag kang basta-bastang magbubukas ng pinto especially kapag late na."

She rolled her eyes ceilingward. "Yes po."

Nang bigla itong tumigil sa paglalakad ay sumalpok ang kanyang noo sa likuran nito.

"Aw," napahawak siya sa noo.

Nang humarap ito sa kanya ay poker face lang naman ito.

"Bakit ba?" nakasimangot na tanong niya.

"Um..."

"Ano?" 

"Good night."

Hindi kaagad siya nakasagot.

Nakalabas na ito ng pinto nang muli itong lumingon sa kanya. "Magsarado ka na ng pinto."

Saka pa lamang siya nakakilos sa kinatatayuan. Mabilis niyang isinarado ang pinto at ini-lock iyon. Napasandal siya sa pinto. Napatutop siya sa dibdib na sa kung anong dahilan ay ang lakas-lakas ng pintig ng kanyang puso. Napahinga siya nang malalim. Pagkuwa'y naipilig ang ulo atsaka tumuwid ng tayo at sinimulang iligpit ang mga kalat doon. Nang magawa iyon ay umakyat na siya sa kanyang kuwarto.

She checked her windows. Maayos namang nakasara iyon. Sa katunayan ay maayos na maayos ang pagkaka-lock niyon at mahigpit na nakabuhol ang... belt?

"Kaninong belt--klutz."

Of course, sino pa ba naman ang puwedeng gumawa noon? On second thought she should be grateful because YM is looking out for her.

"Friends should look out for each other," aniya sa sarili. "Yeah, friends should look out for each other."

Sinasabi niya iyon sa sarili habang sa isang panig ng utak niya ay may nagbubulong sa kanya ng ibang bagay. Bagay na ayaw niyang masyadong pag-isipan.

Tanghali na siyang nagising nang sumunod na araw. Pagbaba niya ng bahay ay busy na si Lola Miling sa tindahan.

"Good morning, Lola."

"Good morning. Mag-agahan ka na."

"I think it's brunch na po," aniya. 

Natawa ito sa sagot niya. "Ay, oo nga. Bakit ka nga ba tinanghali? May bisita ka ba kagabi? Parang may nauulinigan akong kausap mo. Hindi na lang ako sumilip at ako talaga'y antok na antok na."

"Si Bato po 'yon, Lola. May tinanong lang."

"Ah."

"Kakain na po muna ako."

"Sige."

"Kayo po, kumain na?"

"Oo, kanina pa. Sige na at baka malipasan ka na ng gutom."

Pumunta na siya ng kusina slash dining na rin. Sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang natatakpang pagkain. Pritong itlog at longganisa. May sinangag na maraming bawang. Her favorite.

Habang kumakain ay alertong nakatutok ang pandinig niya sa mga bumibili. Hinihintay niya ang pagbili ni Rocky o kaya ni YM para malaman niya kung ano ang nangyari kay Abner. Pero hanggang sa matapos siyang kumain ay walang Rocky o YM siyang narinig na bumili. Pagkaligpit ng pinagkanan ay pinalitan na niya si Lola Miling sa tindahan. 

"Hindi ka ba nahihirapan sa sistema ng pamumuhay natin dito?" ang tila may pag-aalalang tanong ng butihing yaya kay Meredith.

"Ayos lang po."

"Pasensya ka na kung lagi akong nagtatanong. Ako ang katu-katulong ng Mommy mo sa pag-aalaga sa'yo sapul nang iluwal ka. At alam ko ang sistema ng pamumuhay niyo."

"Don't worry po. I'm okay," nginitian niya pa ito para ipalagay ang loob.

"Kunsabagay nga. May mga kaibigan ka na. Hindi man sila ang klase ng mga taong inaasahan kong magiging kaibigan mo, pero natutuwa pa rin ako."

"Snob po ba ako?"

"Aba'y hindi ko masasabing ganoon pero kasi bihirang-bihira ka namang makihalubilo sa ibang tao. Kung makipagkaibigan man ay piling-pili pa."

In short ay parang ganoon na nga. Yata.

"Lola, napadaan na po ba si Bato?" pag-iiba niya ng topic.

"Si Bato o si YM?" ang tila may panunuksong sundot ng yaya.

"Lola, ha? May itatanong lang kasi ako."

Natawa si Lola Miling. "Wala. Kahit sino sa dalawa ay hindi ko pa nakikita ni anino. Maaga naman akong nagbukas ng tindahan kaya alam ko."

"I see."

"Siya, ako'y magpapaikot muna ng mga labahin natin sa washing. Iwanan na muna kita rito."

"Sige po, 'La."

Nag-abang siya sa pagsulpot ng sino man kina Rocky o YM. Madalas naman kapag lumitaw ang isa ay kabuntot na ang isa. 

Maghapon siyang naghintay. Inalerto rin niya ang tenga sa kung ano mang tsismis na siguradong babagsak sa tindahan kahit hindi man sila magtanong ni Lola Miling dahil kusa iyong inihahatid ng mga diyaryo ng Purok 6. Sa obserbasyon niya sa lugar na iyon ay daig pa ang may 24/7 human CCTV. Kaya madalas ay maingat din siya sa mga galaw niya kapag lumalabas ng bahay. Mahirap na at baka dahil sa mga tsismosa't tsismoso sa lugar na iyon ay matunton siya ng kanyang ama. Hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang ina. Pero may palagay siyang sa mga sandaling iyon ay may ideya na ang kanyang ama na wala siya sa tiyahin para magbakasyon.

Hanggang sa magsarado na sila ng tindahan ay walang YM o Rocky na nagpakita kay Meredith. Two days later ay nabalitaan na lang niyang natagpuan ang pugot na ulo ni Mang Mulong. Walang maiturong prime suspect sa pagkamatay nito. Pero ayon sa usap-usapan ng mga human CCTV na parating tumatambay sa tindahan, posibleng may kinalaman daw iyon sa droga. Apparently, hindi isang kuwento-kuwento lang na pusher ang lalaki sa Purok 6. Totoo raw pala talaga iyon.

Nakikihaging sana siya kung ano na ang nangyari sa usapin ng panghahalay kay Angelina. Iyon ang mas tinututukan niya. Pero ang mga taong puwedeng magbalita sa kanya ng ditalye ay hindi pa rin nagpapakita.

"Haay, ano na kaya ang nangyari sa dalawang 'yon?"

"Isa ba ako sa dalawang 'yan?" tanong ng boses na nagpaangat ng mukha ni Meredith mula sa pagkakasubsob sa binabasang libro.

"Bato?!" tuwang bulalas niya. "Bakit ngayon ka lang?"

"I love that song. Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon kung kelan ang puso'y meron ng ibang laman? Teka, tama ba ang lyrics ko?"

"Ewan ko sa'yo. Ano na ang balita? Ano ang nangyari?"

"Isa-isa lang, tulog pa ang kalaban. Pabili muna ng paborito kong vitamins."

Napailing siya. Kung si YM ay sigarilyo ang vitamins sa umaga, ito naman ay tsitsirya. Inabutan niya ito ng limang pirasong Sizzling Bangus.

"Malutong na malutong 'yan," pangunguna na niya rito.

"Paano mong nalaman?" 

"Nakalima na rin ako niyan. Masarap pala."

"Siyang tunay," agad nitong inupakan ang isang balot.

Tumingin si Meredith sa labas ng tindahan at hinanap si YM.

"Wala si Boss."

"Nasaan?" hindi na siya nagkunwaring hindi ito hinahanap, tutuksuhin lang siya lalo ni Bato kapag nag-deny pa siya.

"May ano... ahm, may sakit."

"May sakit?"

"Oo. Nakakaawa nga, eh. Kailangang-kailangan no'n ngayon ng yakapsule at kisspirin. Willing naman sana akong bigyan siya kaso ayaw sa akin."

Muntik ng mapahalakhak si Meredith sa kalokohan nito. "Hindi nga? Seryoso ka?"

"Na kailangan ni Boss ng yakapsule at kisspirin."

"Sira. May sakit si YM?"

"Oo nga. Lagnat-laki raw ayon sa doktor."

"Baliw ka talaga. Ano siya bata?"

"Bata pa naman talaga si Boss. Hindi lang ngumingiti kaya madalas mapagkamalang matanda sa totoo niyang edad."

"Ilang taon na ba siya?"

"Kapag sinabi ko ang edad niya kailangan mo siyang puntahan at bigyan ng kisspirin at yakapsule."

"Never mind. Kahit huwag mo ng sabihin."

"Ikaw pa lang ang nakilala kong babae na umayaw sa kanya. Ikaw pa naman ang... never mind na nga rin."

"Ano ang nangyari kay Abner?" bahagya niyang hininaan ang boses nang banggitin ang pangalan ng lalaki.

"Hayun, umuwi na sa kanila."

"Naabsuwelto na siya?"

"Oo. Nagkaalaman sila noong magkaharap-harap sa presinto. Matagal na palang hinahalay ni Mulong 'yong anak niya at may dalawang buwan ng nagdadalantao. Eh, mahigit isang linggo pa lang naman nilang kapisan sa bahay si Abner. Imposible namang tumalon 'yong semilya ni Abner bago pa man sila nagkita ni Angelina."

"So, I'm right all along."

"Na ano?"

"Na binalak gamitin ni Mang Mulong na scapegoat si Abner para mapagtakpan ang ginawa niya."

"Korek. Ganyan na ganyan din ang sabi ni Boss."

"He's dead."

"Aba'y hindi. Buhay na buhay pa ang Boss ko. Ikaw, ha?"

"I'm not talking about YM. Si Mang ano...?"

"Ah, oo. Nabalitaan mo na pala."

"Nakakapagtaka pa ba 'yon? Eh, kami ang bagsakan ng balita."

"Kunsabagay nga. Kapag kailangan mo ng latest na balita rito sa Purok 6 punta ka lang sa mga tindahan at may instant scoop ka na, mainit-init pa."

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi ni Rocky. Pero ang kalahating bahagi ng utak niya ay nag-iisip kung ano ang totoong lagay ni YM. May sakit ba talaga ito katulad ng sabi ni Rocky?

-

frozen_delights


















Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
470K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
2.8M 72.6K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
77.3K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...