Waves of Life

بواسطة ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... المزيد

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 36

868 44 11
بواسطة ren_esteron

Venus

"Where have you been?" mariing tinitigan ako ni Kuya Rigo habang papasok ng bahay.

Nanginig ang tuhod ko. Ang straps ng aking bag ay hinayaang mahulog mula sa balikat.

Hinatid ako ni Sandro pagkatapos kong kumain. He never uttered any word when he drive me here.

"I'm sorry, Kuya." nahulog ang mga luha ko na agad kong pinunasan.

Mabilis akong tumakbo kay Kuya at kaagad siyang niyakap. I am really really confused. Gusto kong makipagbalikan kay Sandro. Gusto kong magpakaselfish at maging masaya nalang dahil sinabi niya namang mahal niya ako mula noon hanggang ngayon.

Pero hindi ko alam kung anong nagpipigil sa akin na gawin iyon. Sinasabi ng utak ko na mali dahil may mga tao kaming masasaktan.

"N-nagkita kami ni Sandro.." wika ko sa pagitan ng mga hikbi.

Narinig ko ang paghugot ni Kuya ng hininga bago lumapat ang kanyang kamay sa aking likod.

"H-hanggang ngayon.. mahal na mahal ko pa rin siya."

Hindi nagsalita si Kuya, hinayaan niya lang akong ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nang medyo kumalma na ay dinala niya ako sa sala upang doon kausapin.

"Hindi ka man lang nagpasabi sa akin. Kung hindi sinabi ng driver na may importante kang pupuntahan ay baka namatay na kami ni Papa sa pag-aalala kung nasaan ka.."

I sighed wearily. Kinuha ko ang tubig na kakalapag lang ng katulong sa lamesa at sumimsim dito.

Ang driver na kakahire lang ni Kuya ay paniguradong kakilala ni Sandro at madali niyang nauto kahapon. Ayoko namang mawalan ng trabaho ang driver kaya hindi ko na sasabihin kay Kuya ang nangyari. Mas lalong madadagdagan ang galit niya kay Sandro.

"Nagkabalikan kayo?" bumaling sa akin si Kuya.

Umiling ako at inilapag ang baso sa lamesa. "No, Kuya."

"Sinabi mong mahal mo siya, then what's holding you from coming back to him?"

"S-simon.." kinagat ko ang labi at sandaling ipinikit ang mga mata. "He has done so much for me. Malaki ang utang na loob ko sa kanya--"

"Hindi mo kailangang magkaroon ng utang na loob, Ven. Dahil ang lalaking totoong mahal ka ay tutulong nang hindi naghihintay ng anumang kapalit."

Natahimik ako. I don't know what to do anymore. Si Xander, ni hindi ko alam kung anak ba talaga siya ni Sandro o hindi. Si Dianna, she's very kind to me. Ayoko siyang saktan. And Simon knows nothing but to help me with everything. Hindi pweding magiging masaya ako dahil lang sa mahal pa rin ako ni Sandro pero may mga tao kaming masasaktan.

Nagpatuloy si kuya nang matagal akong natahimik. "Desisyon mo, buhay mo. If you wanted to get back with Sandro, do it."

"I badly wanted to get over him, Kuya." buntong hininga ko.

"Nasa iyo ang desisyon. Pero huwag mong masyadong parusahan ang sarili mo dahil lang hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ni Simon. Mahaba ang tatlong taon na ginugol mo sa paglimot na hindi mo nagawa. Maybe it's about time to choose your happiness?"

Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Kuya. Ilang araw akong hindi lumabas ng bahay at nakipag-usap kahit na sino. Simon and Zoe tried calling me but I texted them that I'm too busy to even pick a call.

"Hi. Morning." Kumaway si Kuya sa akin habang papasok ako ng dining.

"Morning Kuya.."

Hinila ko ang upuan na kaharap niya at kumuha ng plato. I started eating habang nagkakape naman si Kuya at kaharap ang kanyang laptop.

"Tumawag si Simon sa akin at nagtanong kung anong pinagkakaabalahan mo.." ani Kuya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Anong sinabi mo?"

"Sabi ko hindi ko alam.." kibit balikat niya. "Hindi ko alam sayo at pareho mong iniiwasan ang magkapatid. You could talk to the both of them. Klaruhin mo ang lahat."

Hindi na ako nagsalita pa. It's been weeks since the last time na nagkita kami ni Sandro. Hindi na siya nagparamdam pa sa akin. Kuya knows better than to mention his name again.

Inaabala ko na lamang ang sarili ko sa panonood ng mga pelikula. Namumugto na nga ang mga mata ko dahil kahit ang babaw lang ng dahilan ay iniiyakan ko ang napapanood. Ni hindi ko matandaan kung kailan pa ako umiiyak dahil lang sa pelikula.

Minsan, kapag hapon ay tumutungo ako sa dagat at tinatanaw ang paglubog ng araw. Ang sarap lang tingnan ng alon na paroo't parito.

"Ma'am Venus, may naghahanap po sa inyo." pareho kaming napabaling ni Kuya kay Manang na pumasok ng dining.

"Sino po?" I asked.

"Hindi ko alam, Ma'am. Babae po. Nasa sala, gusto daw kayong kausapin."

Tumango ako at ipinatong ang aking kubyertos. Lumabas ako ng dining para lang maabutang nakaupo si Dianna sa sala.

Kaagad akong nagtaka. May kailangan ba siya sa akin?

"Hi." Panimulang bati ko sa kanya.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay kaagad kong nakita ang pamumula ng mata niya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Venus. May gusto lang akong ipakiusap sa iyo." aniya.

Nagtatakang umupo ako sa sofang nasa harapan ng kanya.

"Gusto mo ba ng maiinom?"

"Tubig lang. Napagod ako kakalakad papasok dito. Medyo malayo."

I slightly smiled. Nagpakuha kaagad ng tubig kay Manang.

"Ano ang kailangan mo sa akin, Dianna?"

Kahit hindi sabihin ay alam ko ang ipinunta niya rito. Kung maaari, ayoko nang patagalin pa. Gusto kong malinawan na sa lahat at para hindi na ako maguluhan pa.

Tumikhim siya at tumuwid sa pagkaka upo. "Kakapalan ko na ang mukha ko sa pagpunta rito, Venus. Alam mo naman na siguro ang tungkol kay Xander?" Kinagat niya ang labi, matagal bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "He's my child with Sandro. I know your story. Alam mo rin kung paano ang pakiramdam nang walang kinikilalang ama. Ayokong mangyari kay Xander iyon."

I blinked repeatedly. Ang mga kamay ko ay nakapatong sa aking tuhod at bahagyang nanginginig iyon. Nanatili akong kalmante kahit naramdaman ko ang pagkawasak ng mundo ko.

Alam ko na naman. Inaasahan ko na. Pero bakit ganito? Ang sakit sakit pa rin ngayong nakumpirma na sa akin ni Dianna?

"Noong umalis ka at iniwan mo si Sandro, I've been there for him. Ako ang kasama niya, marami kaming plano nang mabuo si Xander. Masaya kaming tatlo. At nang dumating ka.." she choked. "He messed up. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, he broke up with me and h-he..." she fiercely shook her head. Sunod sunod na pumatak ang mga luha niya.

Naglapag si Manang nang baso ng tubig na nabigla rin sa biglaang pag-iyak ni Dianna. I signaled na ako na ang bahala rito at kaagad siyang tumalikod.

"Gusto niya kaming iwan ng anak niya, Venus. Kakapalan ko na ang mukha ko, please." tiningala niya ako. Napasinghap ako nang makita ang lumuluha niyang anyo. "Layuan mo si Sandro. Hayaan mo na kaming maging masaya, Venus. Isipin mo si Xander. Paano siya kung lalaking walang ama?"

Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan. Gustong- gusto kong bumunghalit ng iyak dahil sa sobrang sama ng loob.

Nagsinungaling sa akin si Sandro! Sinabi niyang ako lang ang mahal niya! Sinungaling siya! Dahil kung ako lang ang tangi niyang minahal, bakit siya nakahanap ng iba habang wala ako?

Galit ako sa kanya sa loob ng tatlong taon. Pero ni minsan wala akong naging karelasyon dahil siya lang ang may hawak ng puso ko.

"W-wala sa akin ang desisyon, Dianna. I already ended things with Sandro a week ago. Ang pagbabalikan niyo ay desisyon niyo nang dalawa."

"Pwedi bang pilitin mo siya? Sabihin mo sa kanya na ako na lang ulit, Venus. Nakikiusap ako sa'yo."

What? Umawang ang labi ko kakatitig sa kanya. Lalong-lalo na nang tumayo siya hindi para tumalikod kundi para lumuhod sa harapan ko. She held my hand and cried hard.

Napako ako sa kinauupuan. I didn't know she was this desperate! Imbis na ayusin ang problema nilang dalawa ay ako pa ang pinuntahan niya!

"Dianna.." I called her. Nakasubsob ang mukha niya sa kamay ko at malakas ang kanyang paghagulhol. Ayokong isipin ng iba na ako ang dahilan ng kanyang pag-iyak. "Please, tumayo ka."

"Nagmamakaawa ako, Venus. S-i Sandro ang buhay ko. Hindi ko kayang w-wala siya... Ibigay mo na siya sa akin.."

Napatingala ako. Oh God! Ano ang gagawin ko?

Kasalanan 'to ni Sandro eh! Ang lakas lakas niyang magpaasa ng babae tapos hindi naman kayang panindigan!

"Si X-xander lalaki siyang walang ama, Venus. Maawa ka sa amin. Si Xander.."

"Ano ang nangyayari rito?" napabaling ako kay Kuya na papunta sa aming direksiyon. I bit my lips and apologetically looked at him.

"Kuya, please help. Ayaw niyang tumigil." wika ko at kaagad dumalo si Kuya na hinawakan si Dianna sa braso upang mapatayo.

Forcefully, Kuya managed to make her sit in the sofa again. Pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak at patuloy na tinatawag ang pangalan ni Sandro.

"Come here.." hinawakan ako ni Kuya sa braso at hinila sa sulok.

Gusot ang damit niya sa bandang dibdib at halatang nahirapan rin kay Dianna.

"Tawagan mo si Sandro at sabihing sunduin ang babaeng yan dito." mariing sinabi ni Kuya. "Sabihin mong magpakalalaki siya at harapin ang ginawa niya. At pakiusap, huwag mo'ng hayaang makita ko ang lalaking iyan mamaya at baka masuntok ko siya."

"Kuya, I'm sorry."

"At bakit ikaw ang magso- sorry? That girl is drunk, Sandro is a bastard. Ipasundo mo sa kanya yan."

Nahilot ko ang sentido. Inasikaso ni Manang si Dianna habang pumapanhik ako sa kwarto upang kunin ang cellphone ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib pagkarating sa kwarto.

Bwiset na Sandro! Pakiramdam ko tuloy ay mukha akong magulang na nag-aalaga ng anak!

Dinial ko ang dating numero ni Sandro. At tama nga ang sinabi niya, hindi pa siya nagpapalit ng numero. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa aking katawan sa lakas ng tibok habang hinihintay ang pagsagot ni Sandro sa aking tawag.

"Ven.." mababa ang boses niya. Nakakapagtaka at nakilala kaagad niya ako.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nakakainis ang malakas na pagtibok ng puso ko!

"Narito si Dianna, Sandro." malamig kong usal. "She's drunk and she's been begging--"

"Dianna is not my responsibility, Ven--"

"Puntahan mo siya dito!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Hinilot ko ang sentido at sandaling ipinikit ang mga mata upang kumalma. "Please. Ginagambala niya ako. Sunduin mo siya. Mag-usap kayo."

I heard him sighed from the other line before uttered a simple, "okay."

Bumaba ako sa sala upang i check si Dianna pagkatapos naming mag-usap ni Sandro. She's sleeping. Nakadantay ang mga kamay niya sa sofa at ginawa itong unan. Si Manang ay nasa tabi niya na agad lumapit sa akin nang makita ako.

"Ma'am Venus, kakatulog lang niya. Mabuti at tumigil na kakaiyak."

I slowly nodded. Pumuntang kusina si Manang at dumiretso naman ako sa pang-isahang sofa upang pagmasdan si Dianna.

Kung iisipin, malaki ang pinagkaiba naming dalawa. She's curvy, bold and sultry while I am tall and slender. Her lips are pouty at ang mga mata ay medyo singkit. Hindi ko halos akalain na kaya siyang iwan ni Sandro para sa akin.

Mga kalahating oras ang lumipas at dumating si Sandro na sa tingin ko'y iginiya ng isa sa mga katulong papasok dito.

Tumayo ako sa sofa nang makita ang pagpasok niya. He looks tired. Ang mga mata ay mapupungay at ang buhok ay medyo magulo. May ilang strands nito na nahuhulog sa kanyang noo.

Sandaling hinagod niya ako ng tingin habang humahakbang palapit.

"Kanina pa ba siya rito?" tanong niya na kaagad nilapitan si Dianna.

"Hindi gaano.."

"May ginawa ba siya sa'yo?" muli niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang papa na tila chini-check kung may ginawa ba si Dianna o wala.

Umiling ako. "I'm fine. Si Dianna ang hindi."

He gently nodded and squatted infront of her.

"Dianna.." Sandro whispered and touched her hair. Banayad niyang tinapik ang pisngi nito.

After a while, Dianna opened her eyes. Namumula ang parehong pisngi at mga mata niya dahil sa alak at pag-iyak kanina.

"Sandro?" she smiled when she recognized him. Malakas akong napasinghap nang tumaas ang dalawang kamay niya at pumulupot sa leeg ni Sandro. Ipinatong niya ang mukha sa balikat nito.

Sandro turned to me. Ilang beses akong kumurap upang pigilan ang mga nagbabadyang luha. Ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong ipakita sa kanya na naaapektuhan ako.

Bago pa man pumatak ang mga luha ko ay mabilis ko na silang tinalikuran. "Ayusin mo ang problema niyong dalawa, Sandro." I tried to choked a sob. "Ayokong makasira ng pamilya."

With my heart broken into pieces, I walked away.

Bawat hakbang ng mga paa ko ang bigat- bigat. Idagdag pa ang walang tigil na pag-agos ng luha ko at ang nakakainis na pagsakit ng aking puso ay halos gusto ko nalang himatayin!

Napakasinungaling ni Sandro! Ang kapal ng mukha niyang guluhin ulit ang utak at buhay ko! Sasabihin niyang mahal pa niya ako tapos may relasyon pala kay Dianna? Ang akala ba niya sa akin ay isang tanga para magpadala sa bitag niya?!

Mas lalo akong napahagulhol nang mapagtanto na tanga nga naman ako! Noong gabing iyon. Hindi ba't nagpakatanga ako? Isinuko ko ang sarili sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung mahal nga ba niya talaga ako.

Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko pagdating sa kanya!

Tumutunog ang cellphone ko nang makarating sa kwarto. Sinagot ko iyon nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag dahil sa nanlalabong paningin.

"Ven.." it was Sandro. Sa tingin ko'y nasa loob na sila ng kotse.

Inilagay ko ang palad sa sariling bibig upang mapigilan ang mga hikbi. Ayokong marinig ni Sandro na iniiyakan ko siya. Ayokong isipin niya na nagtagumpay siyang lokohin ako.

"Are you crying, baby?" he asked gently. "I'm sorry. Hindi ko alam na pupuntahan ka ni Dianna. Kakausapin ko siya, Ven. There's nothing going on between us."

"T-tama na, Sandro, please." kumawala ang mga hikbi ko. "Huwag ka nang magsinungaling. May anak kayong dalawa--"

"Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa iyo, Ven. Ano ba ang pinagsasabi mo? Kanino ako may anak? Ano ang sinabi sa iyo ni Dianna?" sunod sunod niyang tanong.

"Tama na, ayoko na, Sands. Kausapin mo si Dianna, magbalikan kayong dalawa kahit para man lang kay Xander."

"What the hell are you saying, Venus? I don't have ---"

Pinatay ko ang tawag hindi pa man nakakatapos si Sandro sa kung anong sinasabi niya. Kung ipagpapatuloy ko ang tawag ay pareho lang ang ikot ng usapan. Magsisinungaling siya at maniniwala ako! And I know better than to believe anything he says!

Hindi ko gagawin ang kasalanang ginawa ng ina ko. Hindi ako kailanman magiging dahilan ng pagkasira ng isang kumpletong pamilya.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

8K 70 14
IGNORE THIS THOUGH BECAUSE I DONT KNOW HOW TO EXPLAIN IT 😭 JUST READ CAUSE ITS GOOD . I really just be coming to this when I'm bored tho so lemme kn...
51.8K 1.9K 22
Fionna the Human, a 18 year female teenage girl, who's best friends, or to consider her as her own sister, Cake the Cat. The two of them grew up toge...
253K 6.1K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
65.4K 3.3K 67
Junmyeon thought he knew exactly how his life would play out. At sixteen he was being groomed to take the throne from his father in the future. He wa...