Chapter 20

902 35 43
                                    

Venus

"Sir Simon.." bulalas ng isa sa mga police na may hawak sa akin.

Simon tenderly looked at me. He's on a gray polo shirt, faded pants, and a black leather jacket. Malamig ang mga mata niya nang bumaling sa katabi ko.

"Pwedi pa ba 'tong mapag-usapan? She's my girlfriend." ang boses niya ay sinlamig ng yelo.

Kung umawang man ang labi ko ng mga sandaling iyon ay hindi ko na namalayan. Halos magkagulo sa loob dahil sa presensiya ni Simon. Nakaupo kami ni Gracia sa gilid habang hinaharap naman siya ng hepe ng station.

Tahimik ako pati na rin si Gracia sa tabi ko. Panay ang sulyap ni Simon sa amin at halos hindi ko inaalis ang titig sa direksiyon nila. Ano'ng ginagawa niya dito? Nakita ba niya ako kanina?

He might think I'm a thief! Natatakot akong makarating sa mga magulang nila 'to! They have the best reputation in the society and I don't wanna ruin their expectations for me.

Hindi ko alam kung paanong nangyari na nakalabas ako ng station sa tulong ni Simon. The police even apologize for forcing me earlier.

Ilang taon man ang lumipas, walang pinagbago ang Tabacalera. Lahat nagpapataasan ng estado sa buhay. Kung sino iyong mga nasa pinakaitaas, siya ang papaboran. That's the reason why almost everyone are hungry for power and position.

Bihira ang mga taong galing sa puso ang pagserbisyo sa tao.

"Nasaan si Sandro?" ang unang katanungan ni Simon sa akin habang papalabas kami ng station.

I don't even know how to thank him for what he did.

"B-busy siya." I stuttered.

"Busy?" marahas siyang napabaling sa akin. "He's that busy not to even check his own girlfriend?"

Napatigil ako dahil sa iritado niyang tono. Alam ko na malamig na talaga ang kanyang mga tingin, pero ngayon ay mas lalong naging marahas ang anyo niya. Na kung sinumang magkakamaling gumawa ng kasalanan sa kanya ay babalian niya ng buto.

Simon's eyes surveyed me heavily. Napakurap-kurap ako. Nagulat sa naging reaksiyon niya.

Bakit ba siya galit?

"I'm sorry.." he heaved a sigh.

Itinaas niya ang kamay patungo sa aking mukha. I flinched when his thumb touched my cheeks gently. Pinunasan ang natitirang luha.

"Ihahatid ko na kayo.." dagdag niya na nagpatiuna sa paglalakad.

Malakas na buntong- hininga ang aking pinakawalan nang makalayo siya. Ni hindi ko napansin na sobra- sobrang pagpipigil ng hininga ang ginawa ko habang nasa harapan niya.

Tahimik kaming tatlo sa loob ng kotse. Hanggang sa makababa si Gracia sa waiting shed nila ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.

Sinulyapan ko siya habang tinatahak namin ang daan na sa magkabilang bahagi ay ang malawak na tubuhan. Diretso ang titig niya sa daan na tila may iniisip.

"Bakit mo naman sinabing girlfriend mo ako?" basag ko sa katahimikan.

Bahagyang nilingon ako ni Simon. Tumaas ang sulok ng labi niya na tila nakakatawa ang sinabi ko.

"Should I tell them that you are my sister?"

"Hindi naman sa ganun.."

"Or that you are Sandro's girlfriend?"

Namilog ang mga mata ko. Nahiya sa sinabi niya. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin! Baka kasi kumalat pa ito sa iba. Hindi niya ako girlfriend at hindi ko naman masasabing boyfriend ko na si Sandro.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now