Chapter 28

790 37 24
                                    

Venus

"Noong gabing nagpasyang maghiwalay ang Mama mo at si Tito Dom, tinawagan niya si Dad. Papa was supposed to comfort her since they've been friends and been there for each other since time immemorial."

"Pero dahil nakainom ay pareho silang nagkasala at nagawa ang isang bagay na hindi naman dapat mangyari. Alam nilang mali ang nagawa nila kaya nagpasya silang lumayo sa isa't-isa pagkatapos ang isang gabing nangyari sa kanila. Walang ideya si Papa tungkol sa iyo. Wala siyang ideya na ang isang pagkakamali ay magbubunga."

Napasinghap ako. Halos hindi ko na mahanap ang sariling boses dahil sa matinding pag-iyak kanina. Idagdag pa ang pinagsasabi ni sir Rigo ay halos sumabog na ang utak ko sa magkahalo- halong iniisip.

Mula sa kusina ng kanyang apartment ay lumabas si sir Rig na may dala- dalang isang baso ng tubig. Inilapag niya ito sa glass table na nasa harapan ko bago inokyupa ang bakante sa aking tabi.

"Hindi si Papa ang tipo ng taong tatalikuran ang isang bagay na kanyang ginawa. Kung alam niya lang Venus, sana ay matagal ka na niyang pinanindigan. Noong unang pagkikita niyo sa sementeryo at sinabi mong Gael ang pangalan ng Papa mo ay kaagad na siyang nagduda. Papa's real name is Fernando Gael. We wanted to talk to you pero naunahan kami ni tito Dom. He doesn't have any idea about what happened between Papa and your Mom."

"Ang medical test na sinabi ko bago ang unang araw mo sa trabaho ay para talaga sa DNA testing niyo ni Papa. I lied and I'm sorry for it. I am as eager as papa to know the truth. It was positive, Ven. You could check the result anytime.."

Hinilot ko ang sentido pagkatapos ay niyakap ang dalawang braso gamit ang mga kamay. Ayaw mag sink in sa akin ng lahat. Ayoko munang pag-isipan pa ang lahat ng ito. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay magpahinga. Kahit hindi sabihin ay alam kong namumugto ang mga mata ko.

Tahimik kong isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata. Tahimik din si sir Rigo na hindi na ako inabala pa.

Nakatulog ako at umaga na nang magising. Kinusot ko ang mata, nanibago sa kwartong napapaligiran ng puting pintura ang paligid. Bukas ang pintuan sa veranda dahilan kung bakit banayad na sinasayaw ng mabining hangin ang kurtinang puti.

Nagtagal ako sa kama habang iniisip pa rin ang nangyari kagabi. Muling nangilid ang mga luha ko habang iniisip ang lahat ng nangyari. Halos ayaw mag sink in sa utak ko na nangyari ang lahat ng iyon sa maikling sandali lamang.

Ngayon ko napagtanto na sa buhay walang bagay na sigurado. Sa bawat pagpatak ng segundo, lahat maaaring magbago. Pumunta ako sa party na hindi inaasahang iyon ang mangyayari sa akin.

Samantha is the nicest person I've ever met. Hindi ko alam kung sinong gumawa nun sa kanya at kung ano ang dahilan nila. Ni hindi ko maisip na may taong kayang magtanim ng galit sa isang babaeng katulad niya.

I can't imagine how Miko felt right now. Mas matagal kaming nagkakilalang dalawa pero mahal at gusto niya si Sam. Nag-iisang babaeng pinag-ukulan niya ng pansin simula noong mga bata pa lamang kami.

"She's now stable." ani sir Rig nang makalabas ako ng kanyang kwarto at naabutan siyang nagluluto. He was topless, only wearing his ripped jeans.

Ni hindi siya nag abalang magsuot ng damit kahit alam na narito ako. Talagang komportable ito sa tuwing kasama ako, eh.

"Sa kabila ng matagumpay na operasyon ay patuloy pa ring binabantayan ang kalagayan niya. Tumawag kanina si Simon para daw ipagbigay alam sa iyo dahil sigurado siyang nag-aalala ka."

Tumango ako habang humihilig sa lamesa. Tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Ito lang ang gusto kong marinig mula pa man kagabi. Na nasa maayos nang kalagayan si Samantha.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now