Waves of Life

ren_esteron tarafından

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... Daha Fazla

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 35

945 45 8
ren_esteron tarafından

Venus

I woke up the next day wearing a clean white robe. It covered the black and spaghetti silk dress that I wore inside. Hinawakan ko ang ulo at sinubukang bumangon, pero agad akong nakaramdam ng sakit ng katawan kaya napatihaya ulit ako. Napatingala ako sa kisame kasabay ng pagsapo sa noo. I shuddered when the memory of what happened last night creeps on my mind.

Napadapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. I shouted out loud but only a muffles came out. I can't believe myself! Heto ako ngayon sa kama ng isang lalaki and worst Ipinaubaya ko ang sarili!

Where's your decency, Venus?! Kailan ka pa naging kaladkaring babae?

"I'm not available right now. I'm busy with... something"

Napako ako sa kinahihigaan nang marinig ang pagbukas- sara ng pintuan at ang kasunod na boses ni Sandro. I almost held my breath as I heard his footsteps coming on my direction. My heart's pounding wildly that it's almost hurting my ribcage!

"And I don't think I'll be available this week.. Nakapag- usap na naman kami ni Paps"

Pakiramdam ko ay nasa isang horror scene ako. Habang papalapit nang papalapit ang boses at yabag ni Sandro ay palakas naman ng palakas ang tibok ng puso ko. My hands clenched the cotton pillow beside me, iyon ang pinanggigilan ko upang maibsan ang kaba.

"You don't..." Sandro trailed off. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin na lalong nagpakaba sa akin. "I'll call you back.."

"Venus.." he called.

I almost held my breath. Hindi ako nakagalaw sa sobrang pag- iisip kung ano ang ire- react.

Ano.. Ano ang gagawin ko? Should I run? Makakatakas ba ako?

"Babangon ka ba riyan o..." tumigil siya. Ang boses ay nagpapahiwatig ng awtoridad na kailangang sundin.

I slowly get up. Wearing nothing but a faded jeans and holding a bowl on his hand, he stood like a king in front of me. I cleared my throat and remove my gaze from his lean and muscular figure. Marahang sumandal ako sa headboard habang hindi inaalis ang puting kumot na nakatakip sa baywang ko pailalim.

Inilapag niya ang hawak na bowl sa bedside table at umupo sa gilid ng kama. Sa gilid ko.

"Eat this."

Bahagya kong inangat ang tingin sa cereal na siyang dala- dala niya kanina. Napalunok ako. Gutom na gutom ako dahil hindi nakapag dinner kagabi. But my pride says I should refused..

"I'm not hungry.." wika ko sa mababang boses.

He heaved a sighed and reached for the bowl. Nang iniangat niya ang aking baba upang maharap sa kanya ay nasa ere na ang kutsarang hawak- hawak niya. "Don't fool me. I'm the one who knows you best. So, eat."

Umiling ako at umiwas. Mas pipiliin ko na ang magutom kaysa sa pakainin niya. Bakit ba. Sasanayin na naman ba niya ako sa kanyang presensiya? Tapos, mawawala kapag nasanay na ako?

The muscles on his face tense in aggression. Mariin niya akong tinitigan pero pinanatili ko ang matapang na ekspresyon. I want him to realized that I am not intimidated by him.

He let out a soft curse and put the bowl on the table. "Then tell me, ano'ng gusto mo?"

"Ihatid mo ako pauwi. Or atleast give me my cellphone. Magtatawag ako ng sundo."

"No." mariin niyang sinabi.

Umawang ang mga labi ko kakatitig sa kanya. "Balak mo ba akong ikulong dito? Kapag nalaman ito ng Kuya ko, siguradong malalagot ka!"

"Hindi kita kinukulong, Venus. Malaya kang makakalabas ng bahay kung gustuhin mo. Huwag ka lamang lumagpas sa farm."

"That's the same thing!"

"Kumain ka na."

Humalukipkip ako kasabay ng pagpalpitate ng mga kilay dahil sa sobrang inis sa kanya. Ano ba ang pinaggagawa niya? Why am I even here?

"Hindi ako kakain hangga't hindi mo ako inaaalis sa lugar na ito!" pagmamatigas ko.

Kaagad na tumaas ang sulok ng labi ni Sandro na nagbabadya ng isang ngiti dahil sa sinabi ko. Nang inilagay ang dalawa niyang kamay sa baywang ay mas lalong nadepina ang magandang pangangatawan.

"Then, Suit yourself." itinaas niya ang kamay at kinuha ang bowl. Nang tumalikod siya palabas ng pintuan ay nanlaki ang mga mata ko.

Talaga bang hindi niya ako pipilitin?!

Kumalam ang sikmura ko pagkalabas ni Sandro. Kaagad kong pinagsisihan ang ginawang pagtatanggi.

Oh God. Ang walang hiya niya! Balak niyang ikulong ako dito sa isang farm at hindi man lang pakakainin?! How dare him!

"Bwiset ka, Sandro!" Nanggagalaiti kong sigaw. "Nakakainis ka!"

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatiling nakaupo sa kama at hinihintay ang pagpasok ni Sandro para muli akong alukin na kumain. Pero hindi na siya pumasok pa. Wala talagang pakialam sa akin kahit mamatay man ako sa gutom dito.

Sunod- sunod na tumulo ang mga luha ko, marahas ko naman iyong sinusunod ng punas gamit ang likod ng aking palad. Nakakainis! Bakit pa niya kailangang guluhin ang buhay ko? Okay na 'ko eh. Tanggap ko na. Tapos kung saan ko napagdesisyunan na kalimutan siya ay tsaka naman siya magpaparamdam at ipapakita sa akin na mahal niya ako!

Eh ang hirap hirap niyang mahalin! Maraming balakid!

"Ano?!" malakas kong sigaw nang may ulong sumungaw mula sa pintuan.

Agad ko namang naitikom ang bibig nang makitang hindi si Sandro ang pumasok. Isang babaeng sa tingin ko'y ka edad ko lang at may suot-suot na eyeglasses. Napatigil din siya sa ginawa kong pagsinghal.

"I'm sorry.." Pinunasan ko ang natitirang luha sa pisngi. "Do you need anything?"

Mas lalo siyang lumapit habang ang dalawang kamay ay magkasalikop sa unahan. "Pinapasabi ni Sir Sandro na lumabas na daw po kayo ma'am para kumain."

I slowly nodded. Muling naramdaman ang pagkalam ng sikmura. Ayoko nang mag-inarte pa. Gutom na talaga ako!

Pinagsalikop ko ang suot na roba at itinali ang belt nito bago sinikop ang buhok at ginawang pusod. I searched for possible dirt on my faces. Tahimik akong pinapanuod ng babae.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko nang makababa ng kama.

May pink fur slippers sa ilalim ng kama na siyang isinuot ko kaagad. Tumaas ang kilay ko nang mahagip ng paningin ko ang dark wood cabinet sa gilid. May nakahanger na gray silk dress katulad ng suot ko ngayon. Maraming gamit pangbabae, ah?

"Ela po.."

"Matagal ka na ba rito?"

"Opo. Caretaker na ang tatay ko rito kahit noong si Maam Hilda pa lang ang namamahala sa farm."

Kumunot ang noo ko. "At si Sandro na ang namamahala ng farm ngayon?"

She nodded. "Tatlong taon na ang nakalilipas simula nang ipinasa kay sir Sandro ang parehong pamamahala sa farm at negosyo ng pamilya."

Nag-usap kami ni Ela habang iginigiya niya ako patungo sa labas. I am surprised. Ni hindi ko alam na may family business at farm ang Lola ni Sandro. Ang alam ko lang noon ay umiikot ang mundo nila sa politika.

Pero hindi pala, kahit hindi sila sumabak dito ay may negosyong ipinagmamalaki ang pamilya. Halos ayaw ko nang isipin kung gaano sila kayaman.

"Palagi ba si Dianna rito?" bulong ko nang papasok na kami sa dining table at kaagad namataang nakaupo si Sandro sa mahabang lamesa habang kaharap ang kanyang laptop. Sa gilid ay may nakatambak na mga folders. Sa upuang malapit sa kanya ay may nakaupong babae na sa tingin ko'y nasa mid 30's. Matangkad at sopistikada sa suot na longsleeve polo at pencil skirt.

"Sino po si Dianna?"

Bumaling ako kay Ela. "Hindi mo kilala si Dianna? Hindi ba sa kanya itong mga suot ko?"

"Wala pong dinadalang babae si sir Sandro rito maliban sa sekretarya niya at sa inyo na girlfriend niya. Ang mga damit po sa kwarto ay ipinabili niya kay Miss Cordova kanina para sa inyo."

Ngumuso ako. Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga ang mayroon si Dianna at Sandro? Aren't they married? Pero paano si Xander? Hindi ako nagkakamali. Sigurado akong anak niya ang bata dahil nakapangalan sa kanya!

Sandro narrowed his eyes at me. His lips twitched when I rolled my eyes at him.

"Kakain ka na?" bungad niya nang tuluyan akong makalapit. Ang sekretarya ay napabaling sa akin na hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Sandali ko lamang siyang tinitigan habang pinaghihila ako ni Ela ng upuan na nasa tabi ni Sandro.

"Ano ang gusto mong kainin?" si Sandro na ginagap ang palad kong nakapatong sa mga binti. Subalit kaagad kong inalis ang kamay niya.

He clenched his jaw bago ibinalik ang mga kamay sa pagtitipa sa kanyang laptop.

Nanlaki ang mga mata ng sekretary sa ginawa ko.

Bakit? Mali ba ang ginawa ko?

May isinenyas si Sandro kay Ela sa likuran ko at kaagad itong nawala sa aking likuran. Segundo lang ang lumipas ay may matanda nang naglapag ng mga pagkain sa aking harapan.

Mas lalo lang kumalam ang sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako.

I eat silently while Sandro and his secretary are busy talking about his schedule for the week. Halos mapanganga ako nang marinig ang pag cancel niya sa schedule niya sa buong linggo.

"Pero sir, kailangang inspeksyunin ang planta--"

"Jenny.." Sandro cut her off. "I can work from here. Sa inspeksiyon, napakiusapan ko na si Borgy tungkol diyan. Siya ang pupunta para sa akin."

"And tumawag kanina sa opisina si Ma'am Dianna, nagtatanong kung nasa farm kayo."

Natigil ako sa pagsubo nang marinig iyon. Nag-angat ako ng tingin at kaagad na nagsalubong ang mga mata namin ni Sandro. He was watching my reaction.

"Tell her I'm on a vacation."

Napaismid ako.

"Okay, sir."

Tumayo ang sekretarya habang dala-dala ang mga folders na napirmahan na ni Sandro. Nang makaalis siya ay nagsalita ako.

"So, nagsisinungaling ka sa asawa mo? That is clearly cheating! At gusto mo akong idamay?"

Sandro raises an eyebrow. Isinarado niya ang laptop at ipinatong ang dalawang kamay dito. "I'm not yet married."

"Not yet!" giit ko. "Doon kayo patungong dalawa! Ang ganda ganda niya d'ba? Kaya mo ako nagawang nakalimutan kaagad?"

"Hindi ko naalalang nakalimutan kita.."

"Sinungaling! Natulog pa kayo sa iisang suite noon sa Iloilo! Ano, hindi ka nakapagpigil kahit hindi pa kayo kasal? Kasi d'ba malalaki ang boobs! Palibhasa, maganda si Dianna tapos maganda ang pangangatawan."

"Ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko, Venus. Anong panama ni Dianna kung sayo ako tinamaan?"

Napakurap- kurap ako. Saglit na napatigil dahil sa sinabi niya.

"Oh shut up.." wika ko nang makabawi. "Bakit mo tinatago kay Dianna na nasa farm ka? Kung hindi mo siya dinadala rito, saan kung ganun? Sa hotel? Sa bahay niyo o sa resthouse mo?"

"Alright." pagsuko niya. "I'm tired of this. Tell me what are you jealous for."

"I am not jealous. I'm just trying to do what is right, Sandro."

Kinagat niya ang labi at pinuno ng hangin ang dibdib. Tila iritado na sa usapan naming dalawa. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nasa akin ang maririin niyang titig.

If he don't want to bring me home, bahala siya. Pero huwag siyang mag eexpect na makakausap pa niya ako ng matino dahil hindi ko kailanman gagawin.

I wonder what Kuya rigo and papa are doing right now. May dinner sana kagabi subalit hindi natuloy. Malamang nag-aalala na ang dalawang iyon dahil sa biglaan kong pagkawala. They might think I got killed or something. Yung cellphone ko pagkagising ko ay hindi ko na mahagilap, pero alam ko na kay Sandro lang.

"FEM steel is a family business." ani Sandro makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin. "I did everything to inherit the business--"

"Bakit mo sinasabi sa akin iyan, Sandro?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Napatulala ako nang makita ang sakit sa mga mata niya. Na hindi niya inabalang itago kahit na nakatitig ako sa kanya.

"I did everything to be the man that you deserve. I changed my plans for you. Tinalikuran ko ang mundo ng politika dahil minsan mo nang sinabi sa akin na bakit hindi ako pumili ng ibang propesyon."

"Sa kabila ng pagsusumikap ko para sa ating dalawa, lumayo ka. Ni hindi ko halos maisip kung anong dahilan mo sa paglayo."

"Lumayo ako dahil nararamdaman kong wala akong halaga sa iyo.." nagbaba ako ng tingin. Bumabara ang lalamunan ko. Sumisikip ang dibdib. "You are too busy with your own world that you are not even there to help me when I'm in trouble."

"I'm sorry, Ven. Only when you walked away that I understand what I lost." His bloodshot eyes were on me the whole time he was speaking. "Please let me make it up to you, baby."

Nangilid ang luha ko but I tried to blinked the mists away. Ang sakit sakit ng puso ko na makita siyang ganito ngayon. Kahit ilang ulit ko mang sabihin na ayoko na, sa sulok ng puso ko alam ko na si Sandro lang ang siyang minamahal ko.

"Para sa ano pa? Can't you see? Nagawa ko kahit wala ang tulong mo sa mga nakalipas na taon. I became the woman that I wanted to be."

He painfully nodded. "I'm still proud of you."

"Iuwi mo ako sa bahay, Sandro. Kung patuloy mo akong pipilitin sa isang bagay na ayaw ko, mas lalo mong pinapakita sa akin na mas mabuti pang piliin ko si Simon kaysa sa iyo."

Sandro shuts his eyes, taking a deep breath to calm himself down. When he opens them again, they're lighter, more careful.

"Mahal na mahal kita, Venus." nabasag ang boses niya. "Sa nakalipas na taon, ikaw lang ang babaeng minahal ko. Hindi ko kayang ibaling sa iba ang pagmamahal ko, no matter how much I tried."

"Tama na, sandro." namamaos kong sinabi. Kung hindi pipigilan ang sarili ay paniguradong iiyak ako rito ngayon. "Ayoko na.."

"But then, If I love you, I should let you go. But I won't let you go without letting you know how much I love you." he searched for my hand and gently squeezed it.  "I love you. I am so deeply and madly inlove with you. I have been for every single day since the day I said it first. And I know Venus, I know that I am going to be inlove with you for the rest of my life."

"Ihahatid na kita sa inyo." Napatingala ako sa kanya nang tumayo siya sa kanyang upuan.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

9.5K 204 33
In the ocean of need, Jean was helpless. She was drowning, already losing her hope to survive. Little did she know, a beacon of light named Wayne eme...
680K 33.6K 24
↳ ❝ [ ILLUSION ] ❞ ━ yandere hazbin hotel x fem! reader ━ yandere helluva boss x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, a powerful d...
10.7K 385 36
"I guess you're the luckiest girl" "No you're wrong i am the luckiest fan girl ever" You,how do you addres yourself as a fan? Are you lucky cause you...
65.4K 3.3K 67
Junmyeon thought he knew exactly how his life would play out. At sixteen he was being groomed to take the throne from his father in the future. He wa...