The Knights of St. Harfeld

By fbbryant

55K 4.1K 714

Mula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng co... More

Foreword
1- Fenris
2- Church
3- An Accident
4- Reward
5- An Opportunity
6- Apprentice
7- First Day
8- A True Friend
9- Didn't Belong
10- Who Is Blood?
11- What's Lower Than Lower Class
12- Cave of Horror
13- The Burden of Secrets
14- Lonely Hearts
15- Evacuation
16- Nice to Meet You
17- Nice to Meet You 2
18- Doubts
19- Rich Family Problem
20- The Sister and the Crowd
21- The Gifts and the Homeless
22- Offering Tuesday
23- Blood
24- They're Not Friends
25- A Happy Secret, At Last
26- Bloodworth
27- A Match Out in the Sea
28- The Fishermen
29- Knight In Shining Pajamas
30- Image
31- The Victor Rewrites History
32- Complications
33- The Attack of the gods
34- The Witches
35- The Paynes Family
36- Kept in the Dark
37- The Daughter of Terror
38- The Ancient Powers
39- Pay the Dues
40- Apology
41- Lifeless
42- Red
43- Don't Waste Time
44- Witch in the Making (1)
45- A Broken Heart Isn't Fun
47- Goodbye, Friend
48- Hunted
49- Grieve
50- Sisters
51- Fenris' Death
52- The Retribution
Epilogue
Special Chapter

46- Witch in the Making (2)

903 67 14
By fbbryant

Magkatabing nakatayo sina Cole at Linus habang inaayos nina Maryan, Fenris at Elliot ang mga kandila para sa Channeling mamayang gabi.

Nakatitig lang si Linus kay Fenris na ngayon ay nakasuot ng beige na dress na hanggang tuhod. Seryoso ito sa ginagawa kaya lihim siyang napangiti. She was very pretty. And brave. And courageous.

"Hoy!" malakas siyang siniko ni Cole sa gilid kaya agad siyang napangiwi saka ito sinamaan ng tingin.

"What the hell is your problem? That hurt," aniya na minamasahe ang kanyang tagiliran. Kahit na gustong makasama ni Linus itong kuya n'ya lage, sometimes, he wished he could kill him.

"Kung makatitig at makangiti kasi akala mo proud na daddy," nanunuksong ngisi ni Cole.

Agad namang napangiwi si Linus. Daddy. Ew.

"Look, baby bro, what if katulad ni Mommy si Fenris?" anito na umakbay pa sa kanya.

"What do you mean?" kunut-noo niyang tanong. Kapag talaga si Cole ang kasama n'ya, nakakapag-exercise ang mukha n'ya. Kahit anu-anong emosyon kasi ang sina-suffer n'ya.

"What if..." Cole drawled, "Fenris turned out to be a witch-vampire like us? Like Mom when she had her Channeling. Di ba hindi n'ya alam na vampire din s'ya?"

"Where are you going with this, Cole?"

"Di ba si Maryan, we found out na anak pala s'ya ng Grand Knight. What if hindi si Juy ang tatay ni Fenris?"

Hindi sumagot si Linus. Naghihintay sa kalokohan ng kapatid.

"What if... si Gregory Bloodworth pala ang tatay n'ya? Oh, 'di ba? What if you and Fenris were blood relatives?" suminghap pa si Cole na parang gulat na gulat. "Oh, eh 'di broken-hearted ka? Iiyak ka sa mga balikat ko. Don't worry, baby bro. I will take care of you. Mahal kita eh."

Inis na tinanggal ni Linus ang braso ni Cole na kanina pa nakaakbay sa kanya.

"Di ba ikaw 'tong broken-hearted? Bakit nandadamay ka?" ang sama ng tingin niya rito. Wala talagang kabuluhan ang buhay nito.

"Ako? Broken-hearted? Ako?" exaggerated nitong itinuro ang mukha. Ang lakas pa ng boses kaya napalingon sina Fenris sa direksyon nila.

"Oo. Wait. What was her name? Sinabi sa akin ni Tiana n'ong nakausap ko s'ya sa limbo eh. She told me may sineryoso ka na raw. Classmate mo sa academy dati."

Lukot na ang mukha ni Cole. Tumalon ito para takpan ang bibig n'ya pero mabilis siyang nakaiwas. Nakangisi na ngayon si Linus.

"Wait. What was her name? Calamondin?" umakto pa si Linus na nag-iisip.

"What? You know Calamondin is calamansi, right?" angal ni Cole na hinahabol na si Linus.

"Aha! Cameron! I think that's her name."

"Eeeehhh!!! Wrong!" ani Cole saka sumimangot. "Hindi na kita bati," anito saka padabog na tumalikod.

Tuluyan nang natawa si Linus habang sinusundan ng tingin ang nakakatandang kapatid na mahilig mang-asar pero mabilis namang mapikon.

—-

It was almost midnight. Handa na ang lahat para sa Channeling. Si Cole ang naka-assign kay Elliot at sina Maryan at Linus ang kay Fenris. Ilang modifications ang ginawa nila sa ceremony dahil originally, maraming witches ang involved. Buti na lang proven and tested na ang prosesong ito dahil ito ang ginamit ni Cole kay Linus a few months ago.

"Ready?" tanong ni Linus na biglang tumayo sa likuran ni Fenris kaya nagulat ang dalaga. Mas lumakas tuloy ang kabog ng kanyang dibdib. Kanina pa naman siya kinakabahan.

"I'm nervous," pag-amin niya at agad naman nitong binuksan ang mga braso nito kaya mabilis siyang yumakap dito. Magpapakipot pa ba s'ya?

"You will be fine. Everything will be fine," mahinang sabi ni Linus habang hinahaplos ang likod niya. Iilang beses din nitong hinalikan ang ulo n'ya.

"Paano na lang kaya kapag hindi napigilan iyung ibang mga kabataan. Kulang na nga tayo sa witches."

"My exact dilemma," anito saka bumitaw na sa kanya. "Now, go inside the pentagram. Magsisimula na tayo."

Nag-aalangan man ay humakbang na si Fenris palapit sa pentagram pero bago iyun ay hinarap n'ya muna ang kanyang pamilya.

Her mom, Warin, was teary-eyed. Napansin niya ang pagbagsak ng timbang nito dahil siguro sa stress.

Gan'on din ang sitwasyon ng ama niyang si Juy. Alam niyang nahihirapan ang kanyang mga magulang dahil sa nangyayari ngayon pero patuloy na lumalaban ang mga ito. Bravely. Kahit na walang kapangyarihan ang mga ito.

Tumakbo siya para yakapin ang kanyang mga magulang na mahal na mahal niya. Hindi niya alam kung ano ang mga pagbabagong mangyayari sa kanya pagkatapos nito pero sigurado siyang hindi magbabago ang pagmamahal n'ya sa kanyang mga magulang.

"We are so proud of you, Fen. Mahal na mahal ka namin," bulong ng kanyang Mama.

"We love you, anak," segunda naman ng kanyang ama.

"I love you so much," ganti niya.

Si Maryan naman ang hinarap n'ya at ngumiti rin ito. Saya ang nasa mukha nito.

"Thank you," aniya sa kapatid saka yumakap dito. "Thank you for protecting me. Thank you sa lahat ng ginawa mo para hindi ko maranasan ang paghihirap na naranasan mo."

Maryan chuckled and hugged her tighter. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Mahal na mahal kita."

"I love you, Maryan."

Bumitaw ito sa kanya at nalaman niyang lumuluha na pala ito pero tumatawa rin. "Sige na. Simulan na natin 'to."

Lumapit naman si Linus sa kanya na may hawak na puting bowl.

"What's that?" aniya saka sumilip sa bowl. "Blood?" gulat siyang napatingala sa binata and he nodded. "Uh, hindi ako na-inform but okay?"

Ngumiti si Linus.

She drank the blood at napangiwi pa siya. That was definitely gross.

"That's my girl," bulong ni Linus saka kinuha ang bowl mula sa kanya at inilapag iyun sa kung saan.

Tumayo si Fenris sa gitna ng pentagram. Tumayo naman sa west side si Maryan, the cardinal direction for letting go of the past, at sa east naman si Linus, the direction for new beginnings.

It was happening. It was really happening. She was going to be a witch. She didn't even think of this ever happening. Right. How many happenings had she said in her mind?

Maryan and Linus started to chant in unison. Hindi alam ni Fenris kung ano iyun pero ramdam niya ang kapangyarihan sa paligid. The candles that surrounded the pentagram lit up. Lumakas din ang ihip ng hangin. The leaves on the trees rustled.

She felt it. She felt tingles all over her body. May kung anong malakas na energy ang nagsimulang dumaloy sa kanyang katawan. Nagsimula iyun sa kanyang mga daliri at kumalat na para bang natural na dumadaloy lang iyun sa kanyang buong katawan.

And it felt good. She felt euphoric.

How was this even possible?

The tingles all over her body were addictive.

Lumakas ang chanting nina Maryan at Linus. Mas lumakas din ang apoy mula sa mga kandila hanggang sa kumalat iyun at nagpormang pentagram sa paligid niya.

This feeling was exhilarating. Ang sarap ng pakiramdam ni Fenris. She could feel the lives that surround her even the trees and the tiny bugs.

Then the fire died down. Nawala ang malakas na hangin. Tumigil na sina Maryan at Linus.

Mabining ihip ng hangin na lang ang naiwan at marahan niyung nililipad ang kanyang puting bestida at buhok.

Ramdam niya ang paligid. Ganito pala kapag konektado na sa nature, ang source ng kapangyarihan nilang mga Channelers. It was definitely not quiet but she felt peace. Her mind was so peaceful.

"Fen," lumapit sa kanya ang kanyang pamilya at hinawakan pa siya sa mukha ng kanyang ama.

"Okay ka lang, anak?" tanong ng Mama niya.

Marahang tumango si Fenris habang naluluha. Hindi niya akalain na ganito pala kasarap ang pakiramdam na maging witch.

Yumakap siya sa kanyang pamilya na halatang masaya sa naging desisyon n'ya.

Then, she noticed Linus. Nakatayo lang ito sa may di kalayuan. Nakapamulsa ito habang nakatingin lang sa kanya. May maliit na ngiti sa mga labi nito kaya mas tumaba pa yata ang puso ng dalaga.

"Go," tinapik siya ni Maryan sa may beywang nang bitawan na siya nang kanyang pamilya.

Walang patumpik-tumpik pang humakbang siya palapit sa binata at agad naman siya nitong sinalubong ng yakap.

"Are you happy?" mahina nitong tanong habang paulit-ulit na hinahalikan ang kanyang buhok.

"Yes," she answered truthfully.

"That's my girl," he said before letting her go. Akala n'ya ay tuluyan na nga siya nitong bibitawan pero laking gulat niya nang halikan siya nito sa mga labi. Mabilis lang 'yun pero nakakagulat pa rin.

"Linus," aniya saka mabilis na tumingin sa kanyang pamilya. Nakakahiya naman.

"They didn't see," ani Linus saka muli siyang niyakap. At tama nga ito. Nag-uusap-usap na ang kanyang pamilya at hindi na sila pinapansin.

"Uy! Fenris! Witch ka na?" masiglang sigaw ni Cole na papalapit sa kanila. Sa likuran nito ay si Elliot na mukhang lutang na lutang.

"Oo," aniya na may malawak na ngisi.

"Hindi ka bampira? Sayang!" palatak pa ni Cole pero nakatanggap na lang ito ng masamang tingin galing kay Linus.

Whatever that meant.

"Tapos ka na rin?" baling ni Fenris kay Elliot na mukhang tulala.

Tumango naman ang lalaki. "I feel good but weird."

"Same," ani Fenris saka tiningnan ang kanyang mga kamay. Her fingers still tingled.

"Try it. Try it," mukhang mas excited pa yata si Cole kesa sa kanya.

"Let her be," saway ni Linus sa nakakatandang kapatid.

"KJ naman nito," simangot ni Cole.

Gusto rin naman ni Fenris na subukan ang spells na pinag-aralan niya in the past days. Pero halos lahat ng inaral n'ya ay attack spells para magamit niya kung sakaling mapapasabak siya sa labanan.

She looked at Linus, a playful smile on her lips. Agad namang napakunot ang noo ng binata na para bang alam na nitong may naisip siyang hindi nito magugustuhan.

"Let me practice on you," aniya kaya napabuntung-hininga ito. Defeated.

Natawa si Cole. "Ni hindi makapalag?"

"Shut up," sagot na lang ni Linus.

—-

Naupo sa isang natumbang puno si Cole habang may toothpick sa bibig. Hawak n'ya ang isang espada at whetstone. He planned on sharpening his sword while watching Fenris practice her spell casting. Kakaiba rin ang babaeng 'to, ayaw magpahinga. Kakatapos lang ng Channeling pero gustong mag-training agad.

Naalala niya ang mga kaibigan ng parents niya, ang magkapatid na Lorenzo at Faizah Atwood. May planong magbukas ng school for witches ang mga ito at kasalukuyang naghahanap ng magandang lugar para r'on.

If there was no war, maganda sana kung makapag-aral si Fenris doon. At kung open na ang school. Nasa planning process palang kasi.

"Ready?" ani Fenris na mukhang excited na excited pa.

Nakatayo naman si Linus sa gitna ng clearing at mukhang inaantok. Well, it was past midnight. Si Fenris lang talaga ang may maraming energy.

"Make sure you don't kill me," ani Linus and Cole chuckled. Mukhang ninerbyos pa ang kapatid n'ya.

"Eh 'di sanggain mo or mag-counter spell ka. Labanan nga ito 'di ba para masanay ako?"

Napailing na lang si Linus saka tumango.

Natatawa talaga si Cole kapag pumapayag si Linus kahit ayaw naman nito. Halatang inlab eh.

"Okay! Fight!" ani Maryan na kanina pa natatawa sa itsura ni Linus na napipilitan lang.

Sumeryoso ang mukha ni Fenris and she was chanting a spell under her breath. Hindi rinig ni Cole kung ano 'yun pero mukhang malakas ang spell na 'yun dahil bigla itong pinalibutan ng malakas na hangin.

Cole put his stuff down. Inihanda niya ang sarili dahil baka may pumalya. Kailangan n'yang protektahan ang kapatid n'ya kahit na alam niyang kaya naman nitong protektahan ang sarili.

Then Fenris faced her palms directly at Linus. In return, Linus raised his right hand to the sky and he brought down a lightning. Tumana ang kidlat na 'yun sa spell na pinakawalan ni Fenris.

Kumunot ang noo ni Cole. He had never seen that spell before. Saan 'yun nakuha ni Linus?

"You cast a deadly spell on me," seryosong sabi ni Linus. Ang lalim ng pagkakakunot ng noo nito. Hindi yata natuwa sa ginawa ng dalaga. Gustong matawa ni Cole.

"Oh, nasangga mo naman. Alam ko namang magagawa mo 'yun. Eh, ano nga pala 'yung spell mo? Bakit nag-ala lightning god ka?"

"Korek! You're a Bloodworth , bro," segunda naman ni Cole pero may pagkalito pa ring nakarehistro sa mukha n'ya. "But you don't have that power. You can't control the weather."

Nagkibit-balikat si Linus. "That was a spell I learned from one of the readings I did at the Harfeld castle. Maraming nakatagong spellbooks sa library ng Grand Knight."

"Written by...?" usisa pa ni Cole. Mukhang interesado sa spellbooks.

"Otillie Simmons, Desmond Harfeld at iba pang powerful witches ng generation nila."

Napasuntok sa hangin si Cole. "Let's get those books. Don't destroy them, alright?"

Tumango si Linus.

"Sige na. Training pa tayo," ani Fenris na mukhang walang pakialam sa benefits na makukuha nila sa spellbooks na 'yun.

"Bukas n'yo na ituloy 'yan. Matulog na kayo," ani Maryan at agad na napalabi ni Fenris pero muli ring ngumiti nang akbayan ni Linus.

"We have time tomorrow. Promise, I will train with you all day," bulong ng kapatid niya sa babae. May kasama pa 'yung halik sa ulo ni Fenris.

Cole chuckled. "Walangya. Lumalablayp na talaga nang todo ang bunso namin. I feel so old," nakangiti niyang sabi sa sarili.

Pero nawala rin ang ngiting 'yun nang maalala nanaman niya ang babaeng 'yun. Ni wala na siyang balita kung nasaan na ito ngayon. Kung bakit kasi binanggit pa ni Linus kanina.

"Lablayp my fart," inis siyang tumayo at nagtungo sa kanyang airship.

***
Hello, vamps and witches.

Belated happy new year sa lahat. 😂 super late ng greeting ko 'no?

Super busy ang life 'coz nasa graduate school ako ngayon. Kumukuha ako ng Master's degree.

But here's three chapters for now.

Have a great day.

@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 322 16
Minsan, hindi natin alam kung kaibigan pa ba ang turing natin sa isang tao o unti-unti na tayong nahuhulog. Ganito ang naging set-up ni Jerry sa kany...
389K 16.6K 49
|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring taka...
104K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
17.7K 491 79
Vaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come b...