Center Empire Princess

By aliferose

33.1K 2.9K 184

A princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She... More

1. Reincarnation
2. Hope
3. Queen
4. Cruelty
5. North Prince
6. Chief
7. Marks
8. Trustworthy
9. Charm
10. Fearful
11. Assassin
12. In-love
13. Prince from the East
14. Slaves
15. East Kingdom
16. Doubt
17. Her slaves
18. Evening
19. Noche
20. He perceive
21. Covetous
22. Trepidation
23. Impede
24. Rage
25. Comfort
26. Dilemma
27. Carelessly
28. Gallant
29. Duo
30. Condition
31. Second Thoughts
32. Find a way
33. Summon
34. Killaro's fall
35. His wife
36. Spring scene
37. She's at fault
38. Frustration
40. Honestly
41. Naive
42. The Innocent
43. Avenge
44. Illusion
45. Breakdowns
46. Possession
47. Pure
48. Palasio Rangya
49. A Pleaser
50. How do men think?
51. Bond
52. Handling it
53. Conscientious
54. His gift
55. Responsibility
56. Tame
57. Forthcoming Holocaust
58. Caution
59. Ictus
60. Peace or War
61. Solution
62. Loyalty
63. Thief's pulchritude
64. For her own good
65. Who's THEM?
66. Scar Devotion
67. Twisted Scheme
68. Retraction
69. Agreement
70. Two-Faced Prince
71. Breed
72. desire
73. Knight in Shining Amore
74. Agony
75. Attempt

39. Wrong Abduction

226 34 1
By aliferose

Julia

Nang makarating sa silangan ay hinarangan kami ng mga kawal.

"Patawad prinsipe, ngunit delikado ngayon sa palasyo." Sabi ng kawal.

"Nagpadala ng liham ang dama ng prinsipe sa'kin kaya ako pumunta rito." Sabi ng Prinsipe Aifrel at pumasok sa palasyo.

Sumunod kami sa kanya at halos mapatakbo kami upang makarating nang mabilis sa pinangyarihan ng gulo.

"Narito na tayo." Anito.

Nagmasid ako sa paligid, "Ako na lamang maghahanap, gawin n'yo na ang mga dapat n'yong gawin." Sabi ko.

"Fergus, pumunta ka ng bartolina at tingnan mo kung paano tumakas ang prinsipe roon, huwag kang mag-alala may mga kasama ka roon na mga kawal." Paliwanag ng prinsipe sa kanya.

Agad na sumunod si Fergus at lumisan ng silid.

"Magpapahinga muna ako, ang sakit ng katawan ko." Anito at humilata sa kama.

Naka-upo ako sa lapag at nagmasid ng maaaring gamiting ibedensya.

Iniusog ko ang paanan ni Prinsipe Aifrel nang may makita ako sa ibaba ng kama.

"Huwag mo nga galawin ang paanan ko." Reklamo nito.

Kinuha ko ang piraso ng butones at inilagay sa puting tela. Pamunas 'to sa kusina na naibulsa ko kanina dahil sa pagmamadali, malinis naman ito.

Dumako ako sa bintana at sumuri roon. Tama nga ang hinala ko...

May piraso ng tela na naipit sa hawakang bahagi ng bintana, tiyak na dahil sa pagmamadali ay hindi nito napansin. Inilagay ko rin iyon sa puting tela at binalot.

"Ito na ang ibedensya." Ibinigay ko sa prinsipe.

Binuksan n'ya ang puting tela at nakita ang dalawang bagay na iyon ngunit parang hindi s'ya sang-ayon.

"At paano naman naging ibedensya ang piraso ng tela at ang butones?" Pagtataka n'ya.

"Tiyak na galing sa salarin ang butones at sa prinsesa naman ang bahagi ng tela na iyan." Sabi ko.

Sinuri n'ya ang butones na tila'y may inaalala.

"Si Mustafa nga ang dumukot sa prinsesa..." Usal nito at rinig ko pa ang pag-hinga n'ya nang malalim.

"Paano mo naman nasabi? Masamang magbintang, kamahalan." Aniko at nagpatuloy sa paghahanap kung may ibedensya pa.

"Bibintangan ko kahit sinong gusto kong pagbintangan." Anito.

'Aba't sumasagot na 'to.'

"Hangga't wala ka pang sapat na ibedensya ay ipinagbabawal na magbintang ng isang tao." Sabi ko.

Bumangon s'ya upang harapin ako kaya walang takot ko s'yang hinarap pabalik.

Hinila n'ya ako at ibinagsak sa kama. Hinawakan n'ya ang pulsuhan ko upang hindi makawala, "alam mo naiinis na ako sa'yo."

"Dapat lang na mainis ka, kamahalan." Walang takot na sagot ko.

Mabilis na dumampi ang labi n'ya sa labi ko at mabilis ko ring isinipa ang pribadong parte ng katawan n'ya dahil sa gulat.

"Aray!"

Namilipit s'ya sa lapag at ako naman ay bumangon at sinamaan s'ya ng tingin.

"Iyan ang napapala mo, bwesit ka! Irereserba ko pa naman ang unang halik ko para sa babae at nanakawin lang ng prinsipeng katulad mo?!" Inis na hiyaw ko sa kanya.

Natawa s'ya bigla kahit ika-ika s'yang bumangon.

"Babae ka pa rin naman, malambot ang labi." Pilyong anito at pinadaan pa ng dila ang ibabang labi.

'At sinong hindi mandidiri sa lalaking 'to? Kingina.'

Dumating si Fergus na walang dalang ibedensya.

"Kamahalan, malakas ang kutob kong pinaghahanap na ng prinsipe ang kuta ni Adam. Alam n'yo naman kung anong mangyayari diba?" Pag-aalala nito.

"Maliban sa pagpatay sa mga tao ni Adam ay masisira ang kagubatan, hindi naman natin hahayaang masira ang kagubatan diba?" Sambit naman ng prinsipe.

"Ano pa ang tinutunganga natin? Tara na!" Aya ko at inayos ang aking kasuotan.

Farrah

Nagising ako sa hindi komportableng higaan, kuliglig na nag-iingay at kasabay pa ang mga taong nagtatawanan. Parang isang tent pa ang silid na 'to, malaki lamang.

Huminga ako nang malalim bago bumangon at hinipo ang masakit kong likuran. Walang nagbago sa aking kasuotan maliban sa marumi at magulo dahil nga sa hinigaan ko.

Babangon na sana ako nang napagtanto kong nakagapos ako.

Akala ba nila hindi ako makakawala rito? E, galing ako sa modernong mundo!

Nang mapagtagumpayan kong tanggalin ang tali ay walang alinlangan akong lumabas ng silid.

Ang mga nagtatawanan ay natahimik.

"Hindi pa oras ng pag-gising mo, bumalik ka sa loob." Sabi ni Mustafa nang daanan n'ya ako hawak ang dala n'yang pagkain.

Napagtanto ko na nasa gubat kami na parang may camping. At oo, nasa tent ako kanina.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Ang pagdating ni ama mula sa gitnang emperyo." Sagot n'ya.

Bumalik ako sa loob ng tent katulad ng sinabi n'ya. Ngayo'y nakalayo na rin ako sa emperyo. Mas maiging manatili rito kaysa sa malaking palasyo na yun.

Naupo ako sa lapag at pinaglaruan ang kadena na itinali sa'kin habang nag-iisip.

"Ang daming nangyayari..." Usal ko sa sarili.

Bigla naman pumasok 'tong si Mustafa at umupo sa tabi ko habang kumakain.

"Wala kang balak tumakas?" Tanong nito.

'Ano bang klaseng tanong 'yan, Mustafa?'

"Bakit? Ihahatid mo ba ako?" Inirapan ko s'ya.

"Ang wirdo mo." Pag-tayo n'ya at lumisan. Parang tanga naman ang lalaking 'to.

Kumusta na kaya yung prinsipe ko?

'Hindi ko alam na huling ngiti na n'ya yung nasulyapan ko, sana hinalikan ko na s'ya.'

'Kamahalan, kung kailangan mo ng tulong ko tawagin mo lamang ang aking pangalan kahit pabulong man 'yan.'

Naalala ko bigla ang sinabi ni Liam sa'kin. Sana nga ay matatawag ko s'ya sa kahit anong oras o pangyayari.

Ngunit...

Gusto ko mang umalis sa emperyo...

Ayaw kong may maiwan na mga mahal ko...

Si Julia...

Si Fergus...

Si Aifrel...

At iba pa...

At higit sa lahat...

"Liam."

"Ang tagal mo naman bigkasin ang pangalan ko." Sumulpot s'ya sa aking likuran. Binutas n'ya pala ang tent gamit ang hawak n'yang espada.

Hindi ko alam kung bakit lumuwag ang pakiramdam ko nang makita ko s'ya at halos ako'y mapaluha.

"Liam..." Usal ko at niyakap s'ya.

"Liam... Liam... Liam..." pag-uulit ko pa, "kung maaari lamang bigkasin ko ang pangalan mo habang buhay, gagawin ko."

"Mahal kong prinsesa, hindi kita maaaring halikan ngayon at baka hindi ko maituloy ang puntirya ko rito." Anito at hinaplos ang aking buhok.

Inilahad n'ya ang kanyang kamay, "halika't samahan mo ako sumayaw sa labas, aking tinatangi."

Pumunit s'ya ng tela mula sa kanyang manggas at itinakip sa aking mga mata, "Katulad ng Talimuwang Mangingibig, hindi nila kailangan makita ang kagandahan mo, ako lang ang maaari."

[Talimuwang Mangingibig]
A traditional dance originally from North Empire. This dance is popular in every events. A girl with a mask will walk in the center and a random noble guys will approach her one by one. During the dance, no one can talk as if it's just an fantasy. In the end of music, the girl will reveal her face  and walk out as nothing happened, except those guy who dance with her... they'll never forget her.

Ginagabayan n'ya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay palabas ng tent.

Isinayaw n'ya ako at ang tanging naririnig at nararamdaman ko lamang ay ang mga sigaw ng mga tao sa paligid, ang hawak at marahang pag-hila sa'kin ni Liam, at ang misteryosong mainit na likidong tumatalsik sa'king balat.

Ilang minuto ang lumipas nang tumigil ang sigawan at humapit si Liam sa aking bewang.

"Napaka-galing mo talaga sumayaw, mahal ko." Anito at tinanggal ang piring ko.

Una kong nasulyapan ang nakakaakit n'yang mukha na may bahid pa ng dugo. Napahawak ako sa kanyang batok at hinila s'ya upang halikan.

"Nawala lamang ako saglit, may kasiyahan na rito?" Pag-dating ni Mustafa.

"Ano kaya ang maaari kong gawin sa kanya?" Tanong sa'kin ni Liam.

Marahan akong napatawa, "si Aifrel ang katapat n'yan at hindi ikaw."

"Nakakadismaya naman kung ganoon, halika na nga." Tinalikuran namin si Mustafa at lumisan ng lugar na pulang-pula ang kasuotan dahil sa kumalat na dugo.

Continue Reading

You'll Also Like

61K 2.3K 38
[BOOK 1] A Villain's Ending [BOOK 2] A Villain's Beginning (ONGOING) The clichรจ part of some reincarnation stories is that they "get in" before the...
211K 10.2K 63
Si Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila sa kanyang magulang dahil sa isang Car Ac...
23.2K 1.3K 34
"I shall kill everyone that touches you" What kill? Are you crazy?? "Do you want that dragon? Shall catch it and give it to you?" Dragon?! When did I...
41.4K 1.9K 31
[SYNOPSIS] Shamara Lopez is a nobody senior high school student who's always bored in life. A stoic face and a frown characterized her emotion. She'...