STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXIV

7.5K 243 45
By faithrufo

"What if I told you that you take up the most space in my brain?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Oy tara na, flag ceremony." Pag-aya ko sa mga kaibigan ko kaya naman nagsitayuan na kami at naglakad palabas ng classroom kasabay ang ibang kaklase namin at ka-batchmate.

"Bes," kumapit si Ethel sa braso ko.

"Oh?"

"Sa friday ha, 'wag mo kalimutan. Nakapagpaalam ka na ba kay Ate mo?"

"Sa friday na ba agad 'yun?" kunot noong tanong ko bago kami lumiko papuntang hagdan.

"Oo! Gaga," aniya. "Ano? Nakapag paalam ka na ba?"

"Hindi pa." Sagot ko. Humawak ako doon sa railing para masuportahan ang pagbaba ko ng hagdan. Sumulyap ako kay Ethel, "Payagan kaya ako? Alam na ni Ate na may exam tayo next week eh."

Inis na tinignan ako ni Ethel, "Ba't kasi sinabi mo na?"

"Hindi ko sinabi!" pag depensa ko sa sarili. "Nagulat nalang ako pag uwi ko kahapon tinatanong niya ako kung kailangan ko na ba kumuha ng permit card. Pupunta nga akong registrar mamaya para magbayad e."

"Magpaalam ka parin," aniya. "Next week pa naman 'yung exam. Gusto moーKris. Kris!"

"Oh?"

"Ipaalam mo si Adrian kay Ate Sky."

"Kanino?" tanong niya habang kinakamot ang sentido.

"Kay Ate Sky." Sabay naming sagot ni Ethel.

"Bakit? 'Di ka pinayagan?" tanong niya sakin.

"Hindi pa naman peroー"

"Ako nalang magpaalam sa'yo!" biglang singit ni Beatrice.

"Mas lalong hindi siya papayagan," sabi sakanya ni Ethel kaya naman sinamaan siya nito ng tingin.

"I thought she's bringing her boyfriend with her?" bigla nalamang sinabi ni Jared.

Namilog ang mata ko, "Boyfriend ka jan? Wala akong boyfriend!"

Ibinulsa ni Jared ang dalawa niyang kamay at binigyan ako ng isang maliit at nakakalokong ngiti. Halos malaglag ang panga ko sa gulat.

"Is that so?" taas kilay na tanong niya.

Itinaas ko ang noo ko, "Oo, bakit?" Umirap ako, "Bestfriend ko lang siya."

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa, "It's funny how you knew who I was talking about."

Nag init ang pisngi ko, "Wag mo nga akong ini-english! Nasa pilipinas ka kaya magtagalog ka ha!"

Ngumisi siya at tumango, "Yes ma'am."

"Oh, tapos na ba?" Ani Beatrice. "Pwede na ba maki-singit? Balik sa topic?"

Ibinunggo ni Ethel 'yung balikat niya sakin, "Isama mo si Asher."

Pangalan niya palang pakiramdam ko sobrang layo na ng tinakbo ko dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Grabe, pangalan niya palang 'yun ha? Paano pa kaya kapag kaharap ko na talaga?

Napakagat ako sa ibabang labi ko, "Tatanong ko muna siya." Nakarating na din kami sa quadrangle at pumunta sa pila. "Dito ka muna." Sabi ko kay Ethel nung pupunta na sana siya sa pwesto niya sa harap. Inakbayan ko silang dalawa ni Kei at sinubukang maglambitin ngunit parehas lang silang na out of balance kaya naman tumayo kaagad ulit ako ng diretso.

"Adrian ha, mataba ako pero hindi ako malakas." Ani Kei na nakapag patawa saamin ni Ethel. Nag peace sign lamang ako sa kanya at pakunwari niya akong inirapan.

"Ayun si Asher bes oh, tanong mo na."

Nang lumingon ako sa direksyon na itinuro ni Ethel, pakiramdam ko tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko tapos nanginig ang buong katawan ko. Ganun ba talaga kapag nakita mo ang taong gusto mo? Para kang sasabog dahil sa halo halong mga nararamdaman mo o ako lang 'yon? At eto pa! Pagkalingong pagkalingon ko, nakatingin na siya! Punyeta diba? Plano yata akong patayin ng lalaking 'to.

"ADRIANNA!" sigaw ni James mula sa tabi ni Asher.

Natawa ako sa napakalaking ngisi sa labi ni James na para bang tuwang tuwa talaga siyang makita ako. Nilingon ko ang mga kaibigan ko, "Punta lang ako doon saglit."

Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto nina James dahil baka maabutan ako ng second bell. Agad na ibinuka ni James 'yung dalawa niyang braso nung nakita niya akong naglalakad papalapit pero agad niya din 'tong ibinaba nung nilagpasan ko siya at dumiretso kay Asher na agad na ibinalot 'yung braso niya sa balikat ko.

Tumawa ako sa ekspresyon na ibinigay ni James saamin habang yakap yakap ko 'yung baywang ni Asher. "Ah so ganon?" aniya. "Lalagpasan mo lang ako ganon? Porket andito 'yang pangit na 'yan."

Nagshake 'yung katawan ni Asher dahil sa pagtawa, "Kung pangit ako 'tol ano ka pa?"

"Tignan mo," ani James habang dinuduro si Asher. "grabe kung makapanlait." Umiling iling siya, "Anong nagustuhan mo jan?"

"Nilait mo din siya e," natatawang sabi ko.

"Pero 'yung sakin joke lang," sagot ni James bago hawakan 'yung dibdib niya at nagkunwaring parang maiiyak. "kanya totoo e." Napahalagakpak kami ng tawa dahil sa sinabi ni James at mas lalo niya lang kaming sinimangutan bago siya umiling iling. "Bagay talaga kayo."

Napasandal ako sa dibdib ni Asher dahil sa sinabi ni James at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sakin kasunod ng paghalik niya sa ulo ko.

Umabante si Troy, nakahalukipkip pero nakaipit 'yung dalawang kamay niya sa may kili kili niya. Medyo nakakunot ang noo niya habang nakatingin saming dalawa, "Magkamukha kamo talaga kayo." Humarap siya kay Enrico na tahimik na nakikinig at itinuro kami, "Maski sa mga drawing ko. Hawig na hawig sila pwede nang mapagkamalang magkapatid."

Tinitigan kami ni Enrico bago siya lumingon kay Troy, "Medyo nga."

"Wag naman magkapatid," naka ngusong pagprotesta ko kaya naman tumawa si Asher.

"Incest." Agad ko siyang siniko sa tyan dahil sa sinabi niya nang ma-realize ko na alam na siguro nina James kung ano ang meron saming dalawa, hindi lang sila nagrereact at umaarteng normal lang ang mga nangyayari.

Isa 'yan sa mga rason kung bakit mas gusto kong nakikipag kaibigan sa mga lalaki. Hindi sila masyadong matanong. Sina Henry, alam kong may alam na din 'yang mga 'yan. Halata sa mga tingin nila, hindi lang sila nagsasalita. Hinihintay na ako na mismo magsabi sakanila. Tumunog na ang second bell at agad akong itinulak ni Asher palayo sakanya. "Sige na, layas." Itinulak ko siya pabalik kaya naman inambahan niya ako at mabilis ko siyang tinadyakan. "Ang sadista mo talaga!" sigaw niya sakin habang pinapagpag 'yung nadumihan niyang pantalon.

"Sa'yo lang," kinindatan ko siya at tumalikod na. Pero syempre hindi ko nakalimutang kawayan 'yung tatlo.

Bumalik na ako sa pila at agad na niyakap si Kei mula sa likod. "Kayo na ba?" tanong niya sakin.

Ipinatanong ko 'yung baba ko sa balikat niya at medyo nag-pout, "No... friends lang kami."

• • • • • • • • • •

"Hindi ko na kailangan ng kung sino sinong babae," rinig kong sabi ni Asher kay James. Naglalakad kami papuntang carinderia malapit sa computer shop dahil lunch break na namin. Nilingon ako ni Asher, "tignan mo nga 'yan. Maghahanap pa ba ako ng iba?" Napayuko ako at napakagat sa loob ng pisngi ko para mapigilan ang ngisi.

Neknek mo Asher, dami mong alam.

"Asher aso!" sigaw ko habang nakaturo sa kawalan.

"W-Woy puta!" napatalon siya sa gulat.

"Ha!" napapalakpak ako at napatigil sa paglalakad habang tumatawa. Si James din napatawa, muntik pang ma-shoot 'yung paa niya sa bukas na kanal kaya naman mas lalo lang akong natawa. Gamit ang hinalalaki at hintuturo niya, pinisil ni Asher 'yung batok ko. "INANG!"

Lumayo ako kay Asher at nilapitan na lamang si James na tatawa tawa parin. Mabuti nalang nasa may carinderia na kami. Parehas kaming lumiko at pumasok doon para maghanap ng upuan at lamesa.

"Nakita ko ba 'yung mukha niya?" natatawa kong tanong.

Tinignan ako ni James, "Lumuluha ka na oh!"

Pinunasan ko 'yung luha ko at lumunok pero ang nangyari lang ay na-choke ako sa tawa ko kaya naman agad akong napa ubo.

May naramdaman akong kamay na humahagod sa likod ko kaya naman napalingon ako. Nakasimangot na mukha ni Asher ang bumati sakin.

"Ano? Tawa pa?"

Nilagay ko 'yung hintuturo ko sa ilalim ng ilong ko at pinigilan ulit ang tawa ko. Nakapikit akong umiling iling at nung dumilat ako, nakita kong mas lalong lumalim ang simangot ni Asher.

Inilapit niya 'yung mukha niya at inambahan ako. "Hmm!" hinablot niya 'yung pisngi ko at iginalaw galaw ito bago niya ako itinulak palayo.

Napahawak ako sa pisngi ko at napanguso, "Sadista ka din e."

Inilapit ulit ni Asher 'yung mukha niya at mabilis akong hinalikan bago ako lagpasan. Napahawak ako sa labi ko at naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko nang magtama ang tingin namin ni James.

Bahagya siyang tumawa bago umiling, "Tara na."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 36.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
2.2M 98.5K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
422 84 8
would you Love someone who's purely covered in red? can you uncover that someone in that red and make that someone colorless?...