The Spaces In Between

By shirlengtearjerky

14.1M 308K 138K

[SELF PUBLISHED - 2016] More

Write The Saddest Lines
[1] Of Massacres, Saints and Coffee
[2] So Not A Fangirl
[3] The Proposal
[4] Rumor Has It
[5] The Education of Andreau Cortez
[6] What's In A Name
[7] Miscalculation
[8] That Awkward Moment..
[9] 72 Seconds With You
[10] Unscripted
[11] Zade, Meet Heisenberg
[12] Eggnogs and Ballpens
[13] Another Day in Paradise
[14] Drinking Games
[15.1] Twenty Questions
[15.2] Twenty Questions
[16] Late Night Conversations
[17] Francisco
[18] That Is Such A Cortez Move
[19] Gift-giving For Dummies
[20] Saved By The Word
[21] Of Pizzas and Listening Sticks
[22] Chismis Squad Item #4025
[23] The One With The Surprise Visitor
[24] Of Autocorrects and Texting Etiquette
[25] Green-eyed Monster
[26] She's My Girlfriend!
[27] Cross My Heart, Hope To Die
[28] The Big O
[29] I Bet You Say That To All Girls
[30] Belle of the Ball
[31] You Kissed By The Book
[32] Of Burgers, Movies and Roadtrips
[33] Everything Is Better In Your Arms
[34] Bedtime Stories
[35] The Impossible Girl
[36] Twenty Four
[37] My Favorite Person
[39] Of Soulmates and Venn Diagrams
[40] Fight. Flirt. Talk. Protect
[41] Of Demonstrations and Revelations
[42] The One With The OTP
[43] Every Time The Bell Rings (And Other Christmas Stories)
[44] Of Hospitals and Traditions
[45] My Favorite Book
[46] Of Realizations and Date Invitations
[47] Of V-Day Madness and Second Dates
[48] Like Real People Do
[49] The One With The Fine Line
[50] The One With The Confession
[51] The One With The Girl Talk
[52] It Takes Two
[53] Many The Miles
[54] The Right Partner
[55] The One With Andreau's Speech
Epilogue
TSIB Reading Guide
[NOT AN UPDATE] TSIB 2016 Reprint Order Form

[38] Possessive Pronouns 101

240K 4.5K 2.7K
By shirlengtearjerky

This update: a 9k word vomit with a very weird title. Apologies if medyo magulo.. kailangan ko lang 'tong ilabas. Mas importante yung note sa end ng chapter so.. gora na!

(all mistakes are mine)

**

Chapter 38: Possessive Pronouns 101

So this is what a normal semester feels like. Again.

Normal, in the sense na pre-Andreau Cortez phase, wherein ang routine ko lang ay dorm-acads-org-dorm-Café Feliz-acads. Inoffer nga ulit sa’kin ni Sir TJ ang position ko sa café last time, kaso tumanggi ako. Honestly, stressed pa rin ako sa Tila stint namin ni Andreau last sem, plus bumalik na ulit ako sa org, ergo no time for a job. As much as gusto kong magkaroon pa ng extra income, gusto ko ring magfocus sa acads ko ngayon. Right now pinag-iisip na ako ng adviser ko ng thesis topic (!!!) kaya medyo ngaragan na.

So.. this is what it feels like na wala si Andreau sa buhay ko.. I mean, dito sa tabi ko sa Café Feliz. (Sobrang drama naman ng buhay ko.)

I kinda miss him here beside me.  Fine, another confession: I miss him. 

(Just don’t tell him that and we’re good.)

It’s impossible for me not to miss him. Hello, halos six months din kaming magkasama! Halos araw-araw kaming nag-uusap, nagkikita.. tapos ngayong sem biglang wala na. Yung dating Andreau and Zade na nag-aaway sa (infamous) corner table sa Café Feliz from 6:30 PM – 9:30 PM? Naging si Zade na kinakausap ang sarili from 6:00 PM – 7:45 PM.

Hay, life. Bakit ba kasi nasanay ako na kasama siya?

Okay lang sana kung nagkikita kami sa Skyline eh. Kaso hindi na muna ako nagtututor kay Tristan during weekdays since nagbreak si Ms. Marisse from Wanderlust ng ilang buwan. I get to tutor him on Sundays, though. Kaso busy si Andreau sa filming ng Tila kaya… okay, I must shut up now.

Alam ko namang dadating kami sa point na ‘to. I was actually afraid of.. this. We instantly fell into a routine together. Pero hindi naman ganun kabilis makalimutan ang routine, ‘di ba? Kaso.. parang ganun nga ang nangyari sa’ming dalawa eh. 

Ilang beses namang inassure sa’kin ni Andreau na magkaibigan pa rin kami kahit tapos na namin ang Tila. I believe in him. I really do.

But I couldn’t help to doubt just a tiny bit. What if hindi na kami maging okay? Na bumalik nga kami sa dati?

Damn it. I must stop thinking about what ifs. Walang magagawang matino ‘to sa’kin.

***

“Zade.. hindi ba talaga dadaan si Andreau ngayon?”

Dear Lord, pakibigyan pa po ako ng marami-raming patience. That was the third time Sir TJ asked me that question this afternoon, at dalawang beses ko rin siyang sinagot ng Hindi po eh. I won’t give him the same answer for the third time.

Sinara ko muna ang laptop ko bago ko siya sinagot. His hopeful face was kinda.. annoying. Really, annoying naman talaga si Sir minsan, pero extra annoying siya ngayon. “Sir.. ba’t niyo ba hinahanap sa’kin si Andreau? I’m not his keeper,” I replied in a very calm yet sarcastic way.

“Wala lang,” oh great, he didn’t even recognized the sarcasm. How expected. “Weird lang kasing makita kang mag-isa dito. For the past months kasi la—“

“Lagi kaming magkasama ni Andreau. I get it,” I finished his sentence in a very sarcastic way. Sana naman makaramdam na ‘to! “Sir.. tapos na po namin ni And—“

“Break na kayo?” the sincere surprise in his tone shocked me. All this time…?

“We were never together romantically, Sir. Magkaibigan lang po talaga kami ni Andreau.”

“Weh? Seryoso ba talaga?”

Panalo rin ‘to sa kakulitan, ano? “Oo nga po! Nakamove on na kami sa couple issue dati, Sir. Sana kayo rin po.”

Nakuha na rin ni Sir TJ ang sarcasm ko kaya napatango na lang siya. “Fine fine. Sorry naman ha,” sabi niya na parang nahihiya na ewan. “All along akala ko kayo, okay? Thank you for clearing things up. Sige… iwan na kita dyan. Thesis prop—“

“Sir.. busy?”

“Okay okay. Sorry again!” Kumaripas siya ng takbo pabalik sa kitchen, sa takot na sigawan ko siya. Hay, ang kulit talaga! Ibang klaseng pasensya rin ang meron si Kesh at natatagalan niyang maging boss ‘tong si Sir TJ! Okay, why am I still calling him sir? TJ na lang siya sa’kin simula ngayon. Sobrang nakakairita!

Hindi lang si TJ ang weird sa drama kong Alone ngayon. Pati sina Kesh at Kuya Rico, wagas makabato ng meaningful looks sa’kin. Mas malala naman ang roommate ko, sinasadya pa na ibigay sa’kin ang laging inoorder ni Andreau sabay sabi ng Oopps sorry, girl. Nasanay kasi akong siniserve yan. Kainin mo na, tinatamad na akong palitan at kikindat pa! (Takot ko na lang gumanti, ano. Kesh could be pretty scary sometimes.) Dumagdag pa ang ibang frequent customers ng café na hindi magaling magtago ng gulat nila na makitang mag-isa lang ako sa usual table ni Andreau. The other day may tumigil sa harap ko para magtanong kaso nahiya ata siya kaya umalis na lang.

Weird people making things weirder for them. Hay, life.

I was about to open my laptop nang may narinig akong mabigat na footsteps sa likuran ko. That’s definitely not Andreau kasi hello, the guy’s quiet as a cat. Lagi niya akong ginugulat! Si TJ talaga, ang kulit!

Not looking up, I cleared my throat and said, “Naku Sir TJ! How many times do I have to te—“

“Whoever that guy is, I’m sure it’s not me.”

Whoa. Who the hell was that?

Napatingin tuloy ako bigla and.. whoa. 

Beside me stood a guy, an attractive guy. He’s wearing a plain gray shirt, dark jeans and.. black shoes. Damn, his prominent jaw line was kinda familiar. Parang nakita ko na siya somewhere kaso hindi ko matandaan kung saan.

He cleared his throat, and that was enough for me to stop ogling at him. Nakakahiya ka talaga, Pascual! “Oh my god, I’m so sorry!” I said in a rush, fighting the urge to run away. “Sure akong hindi ikaw yunng sinisigawan ko because whoa you look better than him. Oh shit, I’m so sorry I don’t mean to make you feel uncomforta—“ I immediately shut my eyes and bit my tongue to stop talking. Way to humiliate yourself, girl!

Of all things, he laughed. That’s a good sign, ‘di ba? He wasn’t creeped out or something? “It’s okay. I’m completely fine. Can I sit here?” he pointed at Andreau’s chair in front of me. All I can do was nod.

(And I must stop referring that chair as Andreau’s ‘coz he won’t be spending his time here anymore. Drama ko talaga minsan nakakairita!)

Okay.. marami namang bakanteng upuan dito sa café pero bakit sa’kin pa siya tumabi? Wala naman siyang dalang laptop so hindi siya makikisaksak sa outlet sa tabi ko. Hmm.. hindi kaya member siya ng isang networking agency?

The guy stared at me for a moment before speaking. “So.. you’re Zade Pascual, right?” 

“How’d you know my name?” Triple shit, stalker ba ‘to? O baka naman isang rabies-infested Dreauster? Or taga-Minutes With Beau Perez!?!  Is this an ambush interview!?

“That was kinda creepy, wasn’t it?” he said sheepishly, gaining a nod from me in reply. “And I need to answer you question, right?”

“Well… telling me your name first works, too.”

Napanganga siya saglit. Okay, fina-flaunt ba niya ang jawline niya sa’kin? Kasi hello I’m convinced na maganda na ang jawline niya! “Right right.. I’m Philip Artadi, by the way. But everyone calls me Pipo.” Flashing a businessman-like smile, he extended his hand. Nahiya naman akong ‘di kamayan ‘to. Parang kagalang-galang na ewan eh!

“Okay.. second question.. paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“I’m the Chapter President of Nu Sigma Chi Fraternity in our ca—“

Siya, frat man? No offense pero mukhang hindi siya fratman.. at lalo na chapter president. Mas muha siyang businessman o model ng Hanes or something. “Wait.. kayo yung partner naming frat sa project namin sa February?”

Kaya naman pala familiar ang pangalan niya! Every February kasi may medical mission and outreach program ang org namin, at lagi kaming may partner org or fratnerity/sorority. Narinig ko yung name niya sa last GA namin but I never thought.. ganito ang itsura niya.

Tama na nga, Zades! FOCUS!

“Yes, that’s us.”

“Oh. Nice to meet you. Pero.. bukas pa yung meeting natin, right?” I asked him out of curiosity. “Don’t get me wrong ha, okay lang naman na kausapin mo ako. I just don’t understand.. t—“

Saglit natahimik si Pipo. God, para kaming nasa business meeting! Yung posture pa lang niya parang ayaw magrelax na ewan eh! “Well.. you see.. this is our biggest activity this semester.. and I sought help from Anya. She suggested yo—“

“Si Ate Anya? Nandito na si Ate Anya sa Pinas?” hindi ko napigilang taasan ang boses ko sa gulat. Of all people, sa isang stranger ko pa malalaman na nandito na siya!?

Pipo nodded slowly, at parang may gusto siyang itanong kaso ‘di na niya tinuloy. “Yes. We met yesterday and siya rin ang nagsabi sa’kin na dito kita mahahanap. So.. the thing is.. I want you to be a part of the project committee.” He flashed yet another smile, a friendly one. Wow, akala ba talaga ng mga lalaki na kaya nila akong daanin sa ngiti nila? Excuse me!

“Wow.. seryoso ka? Me, project comm? Hell, sorry ha. But I’m the least organized pers—“

“You helped Andreau Cortez in that documentary of his, right? Dagat ng Buhay?”

Unbelievable. The way he talked about Ate Anya parang close silang dalawa. Kaso.. never ko namang siya narinig from Ate or even kay Kuya Lee. “You’ve seen it?”

“Last year, nung pinalabas sa Film Insti. I was very impressed, actually. And you helped hi—“

“Kaya naman maganda ‘yon kasi si Andreau ang gumawa. He’s an incredible filmmaker!” Ewan ko ba pero gusto kong ipagmayabang si Andreau that moment. Wala lang, proud ako na kaibigan ko siya! “And hello, wala akong kinalama—“

“I heard you’re the one who fixed the papers.”

He’s not gonna let this go, right? “Yeah, I did. Pero hindi naman sa San Ignacio ang site ng project natin, ‘di ba?”

“Oo nga,” he sounded a bit annoyed, “pero gusto pa rin kita sa planning team. Anya spoke highly of you. And I trust her judgement. So.. are you in?”

Seriously, ano bang meron sa’kin at ako na lang lagi ang kinukuha para sa mga project na ganito? Hello, Literature major po ako, hindi Management o kung anumang planning course! Ni hindi nga ako part ng Logistics Committee ng org tapos.. ako? Ate Anya naman oh!

“Can I think about it first? Kakabalik ko lang kasi sa org and nag-aadjust pa ako. You’ll have my answer tomorrow night sa GA. Promise.”

He seemed contented with my answer. Hay buti naman! Ang dami ko na namang iisipin tonight! Pipo gracefully stood up, smiling at me. Nope, kahit anong ngiti mo sa’kin hindi ‘yan effective. Naumay na ako sa kakangiti ni Andreau okay? “Okay then. Thank you for considering and for your time, Zade.”

“Thanks din, Philip.”

That stopped him from walking away. Did I say something wrong? May arte ba yung pronunciation ng Philip niya at mali ako? “Just call me Pipo. Parang pinapagalitan ako sa Philip eh. Looking forward to work with you. See you tomorrow, Zade.”

“Uhh.. okay. See you rin!”

Pasimple kong pinanood ang paglabas niya sa café. Wow, siya na cool maglakad! And in fairness, ang ganda ng red car niya ha! Yamings si Ku—

“Holy shit ka! Holy shit!!!” I heard someone screaming towards my direction. Bago pa ako makapagreact, isang malakas na hampas sa likod ang natanggap ko. Si Kesh pala ‘yon, namumula sa ‘di ko malamang dahilan. “Holy shit ka!!!”

“Keisha! Wag mo nga akong saktan!” buti na lang nasalo ko yung kamay niya kung hindi may latay ako sa braso. “Shift mo ngayon ah! What’s wrong with you!?”

Kesh stilled for a moment, ginagawa niya yung breathing exercises niya na pampakalma. After a minute, akala ko okay na siya kaso shit, pinalo na naman niya ako sa braso. “Holy shit ka! Bakit lahat na lang ng crush ko sa’yo lumalapit?”

“Sino? Si Pipo ba? Crush mo ‘yon?”

She glared at me. “Hoy, don’t judge me! Siya si Kuya Bright Smile.”

“Kuya Brig— holy shit, seriously?”

Oh gosh. Now I know why he’s so familiar! Siya nga si Kuya Bright Smile, ang kauna-unahang campus crush ni Kesh (hindi counted si Andreau, though) nung freshmen kami. Nabigyan kasi siya ni Pipo ng rose nung anniv week ng frat nila at halos himatayin ang loka sa sobrang kilig. Until now nakaipit sa Intro to Psych book niya yung rose! Ibang klase ang pagiging sentimental ng roommate ko, ano?

“Oo nga!” irit ni Kesh na kaunti na lang iiyak na. “My god, nilapitan ka niya! He shook you hand!! Anong ganap? Bakit ikaw!?”

“Partner namin yung frat nila sa project ng org this sem. Yung sa Feb? He wants me in the project committee. Apparently si Ate Anya ang nagrecommend sa—“

“She’s here?” she blurted out, as surprised as I was earlier.

“Mukhang. I can’t believe na nandito na siya tapos wala man lang tawag o text? Wala rin sinabi si Andreau sa’kin. Hay, busy kasi ‘yon sa—“ Kesh’s laugh interrupted my almost ramble. “O, natuluyan ka na ata dyan?”

Napaupo pa si Kesh sa chair ni Andreau (that’s not his chair, Zades!) dahil sa kakatawa. Ang sama tuloy ng tingin sa’min nung nasa kabilang table. “Ca-can’t you see the pattern here?” she asked in an amused tone. Napailing na lang ako. “Si Ate Anya rin ang nagrecommend kay Andreau sa’yo, ‘di ba?”

“So?”

She plastered that infamous I know something that you don’t smirk on her face. “Maybe.. she’s trying to set you up.”

Say what? Si Ate Anya, of all people? Okay fine, sinet up niya yung pagiging tutor ko ni Tristan before pero itong kay Pipo? Bakit naman? “Baliw ka!” I retorted back defensively. “Mga iniisip mo! Bumalik ka na nga lang don, hanapin ka pa ni TJ eh!”

“Aba malay mo lang! Pero nakakainis ka ha! May Andreau ka na, tapos may Pipo pang aaligid ngayon! Ganda mo talaga teh!”

“Alam ko naman ‘yon, thanks ha. And FYI, Andreau is not mine, nor I am his. I don’t own people.”

Hindi na nawala sa labi ni Kesh yung annoying smirk na ‘yon. “Whatever you say, Zades. Whatever you say.”

**

So in the end, napunta nga ako sa project committee.

At kaya pala todo pilit sa’kin si Pipo na maging part ng committee na ‘yon dahil siya ang project committee head, at may power siya na pumili ng members niya. Hindi naman ako makatanggi kasi sinabi ni Pipo na recommended daw ako ni Ate Anya kaya todo agree ang orgmates ko. Ugh, pinagkanulo nila akong lahat!

Nainis ba ako kay Pipo? Oo naman! Hello, sana sinabi niya sa’kin kahapon na siya pala yung head! Wala naman pla along masyadong choice sa project na ‘to. I feel like I was played. Ilang beses kong pinaulit-ulit sa utak ko yung usapan namin kahapon, baka namiss ko lang na Sayang, mukha pa naman siyang mabait! Pasalamat siya binigay ko sa kanya ang number ko at hindi ko siya sinungitan. (Well at least siya, kinuha agad ang number ko. Di gaya ni Francisco na si Roldan pa ang human cellphone niya dati. Kung kelan tutor na ako ni Tristan tsaka lang niya kinuha number ko! Ugh.)

Kasama ko si Pipo sa project committee. That only meant one thing: lagi kaming magkasama sa mga susunod na linggo. Mag-iipon na ako ng maraming pasensya nang hindi ko siya masigawan bigla.

Anyway, nawala naman ang pagkabadtrip ko nang itext ako ni Andreau right after ng GA namin. Meron daw silang workshop para sa Tila ngayong gabi sa condo niya at pinapapunta niya ako. Since malapit lang ang meeting place ng GA namin sa Skyline, hindi na ako nagpasundo kay Andreau (pinag-awayan pa namin ‘to kainis).

I’m so excited to meet the cast! Once ko pa lang nameet ang actors and finally, makikita ko na rin kung paano nila ipo-portray ang Tila in flesh. Based sa reports ni Andreau sa’kin, meant to be sina Kami at Eddie para sa roles nina Tila at Benny. Pinapavideohan ko nga sa kanya yung workshop kaso ayaw niya, dapat daw makita ko nang live ang acting ng dalawa. Biniro ko nga siya na baka namimiss lang niya ako kaya gusto niya akong pumunta sa workshop. Aba, tinawanan lang niya ako. Nahiya pa eh!

Nasa kalagitnaan sila ng reading ng second half ng script nang makarating ako sa condo ni Andreau. Syempre, siya pa ang nagbukas ng pintuan for me. Sabi na nga ba, miss na ako nito!

“Zades!” My heart skipped a nanosecond when I saw his eyes lit up. Okay, minsan may Jolly Andreau modes siya pero iba ‘tong ngayon.. Galak na Galak Andreau ata siya! “Finally, you’re here!”

Wait.. almost a week din kaming hindi nagkita. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. “Ang panget mo pa rin kakainis ka!” sabi ko sa kanya sabay higpit ng yakap. God.. I missed that manly smell of his! Nagulat ata siya sa biglang pagyakap ko at hindi siya nakayakap pabalik. Eto talaga, ngayon pa naging mahiyain! I counted up to three then bumitaw na ako. Baka masinghot ko pa yung pabango niya!

“T-thanks ha,” the slight blush on his cheeks overpowered the fake nonchalance in his tone. Damn, hindi na naman siya nagshave. Scruffy Andreau ang peg niya ngayon, huh?

“Shit, is that Zade?” a female voice asked behind Andreau, making me step back a little. Sumilip yung babae sa may gilid ni Andreau and.. “Oh shit! Ikaw nga!!!! I’ve been dying to meet you, girl!”

Bago pa ako makareact (at tuluyang makapasok sa loob ng condo), the woman wrapped me in the tightest bear hug I’ve ever received in my entire life. Take note, mas matangkad at mas payat ako sa kanya pero triple shit, halos pigain niya lahat ng oxygen sa katawan ko. Grabe!

“Uy Kami, kalma lang!” natatawang sabi ni Andreau habang dahan-dahan niyang hinihila si ate palayo sa’kin. Wait.. si Kami ‘yon? Ba’t parang iba ang itsura niya? Nung first and last time na nakita ko siya.. I have to admit, hindi ako nagandahan sa kanya. Dahil siguro sa make up and costume niya nung play. Pero ngayon.. damn. Simpleng pretty siya pero wow, there's something in her na attractive. Must be her long, black hair and full lips.

She must’ve sensed na hindi ko siya namukhaan kaya natawa siya. “Uy girl, okay ka lang? Si Kami ‘to! Ganito talaga itsura ko kapag walang make up at costume! Ganda ko, ‘di ba?”

Oh..okay.. Now gets ko na ang feeling nina Andreau at Kesh kapag sinasabi kong maganda ako. Ang weird pala talaga. “H-hi, Kami! Sorry, medyo windang lang ako sa meeting namin kanina,” I said as I went inside the condo. Doon ko lang napansin ang ibang kasama sa workshop.. kumpleto pala ang cast! Isa-isa ako pinakilala ni Andreau sa kanila (May tanga moment pala ako dito. Si Eddie kasi, nagpakilala as Eddie Guerrero. Hindi ko nagets kung bakit tawang-tawa sina Kami at Andreau nung hindi ako nagreact. Yun pala Eddie Hermoso ang name niya at professional wrestler daw si Eddie Guerrero. Aba malay ko ba!) and they all said the same thing (well.. the gist, though): Aahh.. ikaw pala si Zade! It’s so nice to finally meet you!

So weird.

Si Andreau naman.. todo smile at feel na feel ko ang excitement niya habang kinukwento sa’kin yung mga namiss ko. Apparently karamihan sa actors na kinuha namin ay first time aacting for a movie, at kailangan nilang mag-adjust acting-wise kasi magkaiba raw ang pag-arte for movie and theater. (Sa theater pala kailangang OA ang movements since ang goal ng actors ay makita ng audience sa very last row ang actions nila. Sa movie minimized lang ang galaw compared on stage. In fairness, fountain of knowledge si Andreau ngayon!) For weeks (twice a week lang sila nagmimeet), tinuruan sila ni Andreau ng acting for film dynamics and ngayon ang first full reading ng script. Nandoon na sila sa scene na kung saan pinagtatanong ni Benny si Tila sa mga kapitbahay nito, and that’s the part I wrote. 

Naging isang makeshift stage ang sala ni Andreau, natira na lang ang sofa kung saan kami nakaupo, tapos sa lapag na sila nakaupo (trip daw talaga nila ‘yon, and it’s weird). Goodness, ibang klase pala yung feeling na makita mong unti-unting nagkakatotoo yung pinaghirapan mo ng ilang buwan! In fairness, natural na natural si Eddie ah. Ginawa niyang totoong tao si Benny! Napasandal na lang ako sa balikat ni Andreau para maitago yung kilig ko. Siya naman, ngiting-ngiti sa'kin. Hah, I'm sure kinikilig din 'to.

"My god Andreau, kinikilig ako!" bulong ko sa kanya sabay takip ng papel sa mukha ko. Nakakahiya naman kasi, baka isipin nila na may crush ako kay Eddie!

Andreau chuckled, and the mirth in his eyes made me smile. Damn, he's so proud of this baby of his. "Kalma lang, Zades. Wag kang magfangirl dito, okay?"

Aawayin ko pa sana siya sa pang-iinis niya sa fangirling moments ko nang may biglang tumabi kay Andreau sa kabilang side ng sofa. Si Kami pala, hawak-hawak ang iPad ni Andreau. "Hey Dreau," Kami said, eyes fixed on Andreau's iPad, "Nasaan dito yung file na sinend ko sa'yo the other night? Can't find it eh!"

Kinuha ni Andreau ang iPad niya at nag-appear na naman ang patented OC concentration line sa noo niya. "Oh shit, wait let me check."

Ok..ay. Kami's using his iPad. Wow. That's new.

You see.. ayaw ni Andreau na pinapakialaman ang gadgets niya, especially that beloved iPad of his. Ako nga, mga three months ko pa bago nahawakan 'yon at ilang beses na rin niyang pinalitan ang passcode para hindi ko mapakialaman. That's his freaking girlfriend for Austen's sake!

Tapos.. kay Kami.. pinapahiram niya?

And Dreau? Really, she called him that? Sina Roldan at Ms. Marisse lang ang tumatawag sa kanya nun ah. I can't even call him that kasi.. naiilang ako. Mas okay na ako sa Francisco at Big Boss, thank you.

Nawalan tuloy ako ng ganang panoorin si Eddie. Instead, my attention was drawn to the people beside me. Parang.. ang close na nilang dalawa ni Kami. May nickname pa na Cams ha. He's even laughing at her (lame) jokes! They looked so comfortable with each other. I get it, may one month na rin silang nagmi-meet for workshops pero.. 

WHAT THE HELL'S WRONG WITH YOU, PASCUAL?

"Earth to Zade!? Earth to Zade yoohoo!!" Kami's (annoying) voice cut through my inner monologue. Nakatitig silang dalawa sa'kin, totally confused. "Are you okay, girl? Want some water?"

I shook my head, ignoring the concerned look on Andreau's face. Binalik ko na lang ang atensyon ko kay Eddie na nahihirapan ata sa pagdeliver ng isang line. I called Andreau's attention about it at pinuntahan niya si Eddie, leaving me alone with Kami.

Great. Aside from Jersey, nathreathen ang ganda ko kay Kami. Kaloka.

To my great relief, Kami stood up and went to the kitchen. Pasimple kong pinanood kung anumang gagawin niya don. Okay, so familiar na rin siya sa layout ng condo ni Andreau?! Madalas ba talaga silang magworkshop dito!? Sa ref siya kaagad pumunta (Ugh. The ref.) at naglabas ng 1.5 bottle ng Coke. Then, sa cupboards siya pumunta. Kami opened the rightmost one, and..

"Holy mother shit! Ang cute ng mugs!"

OH GREAT. SHE SAW MY MUGS. Baka gusto na rin niyang angkinin 'yon. Lahatin na niya.

Andreau instantly perked up at pinuntahan niya si Kami sa kitchen. On the other hand, tuwang-tuwa si Kami sa hawak niyang Ghostbusters mug. Kalma lang, Zades. It's just a mu--

"Wow, where'd you buy this?" she asked Andreau na busy sa pagkuha ng chips sa kabilang cupboard. Ano ba, Andreau! Kunin mo na sa kanya yung mug! Baka maba--

"Si Zades. Birthday gift niya sa'kin yan." Kahit hindi siya nakaharap sa'kin, I could tell from his voice na nakangiti siya. Hah, beat that, Kami!

Akala ko matitinag si Kami sa sinabi ni Andreau, kaso shit, mas natuwa pa siya. She turned her attention to me, smiling widely. "Zade! Saan mo 'to binili? I want one, too! I'm a huge fan of Ghostbusters! This is so fanfuckingtastic cool!"

TRIPLE SHIT. Fan din siya ng Ghos--

Damn it. Eh 'di sila na magkakaintindihan ni Andreau.

***

TWO DAYS LATER

Ayoko talagang magcompare. I really do. Alam kong magkaibang tao sina Andreau at Pipo pero.. hindi ko talaga mapigilan.

Anothe confession: mas madaling katrabaho si Pipo kesa kay Andreau.

Look, don't get me wrong. I love working with Andreau. Hindi naman ako tatagal ng isang buong sem at kalahating sembreak na kasama siya kung pinaplastic ko lang siya, 'di ba? Marami akong natutunan sa kanya, to the point na minsan sumasakit na ang ulo ko sa information overload. Kaso.. iba kasi si Andreau kapag Serious Big Boss Andreau mode siya. He's so.. intense at lumalabas ang annoying choleric traits niya. For instance, nung unang beses naming inedit si Tila, lahat na lang ng suggestions ko kinuwestiyon niya. Hindi nabubuo ang meetings namin ng walang debate, at ayaw na ayaw niyang magpatalo. He's so bossy! Tapos defensive pa siya kapag nag-eexplain at super sarcastic. In fairness naman nabawasan din 'yon throughout last sem pero.. kapag naalala ko, sobrang naiinis ako.

(Sabi ni Kesh masyado ko raw sineryoso ang temperament ni Andreau. Hindi naman daw evident ang lahat ng traits sa isang tao. Oh well, I'm still keeping my checklist.)

Pero 'tong si Pipo? Sobrang kabaligtaran.

Nawala yung inis ko sa kanya nung first meeting ng project committee. Akala ko choleric din siya but no, he's the opposite. Open siya sa suggestions, hindi siya sarcastic, nakikinig siya sa sinasabi namin and magaling siyang magfacilitate ng meeting. Kaya siguro siya yung chapter president ng frat nila, he's obviously a great leader. In fairness kay Kuya ha, ang bait niya. Twice ko ngang sinubukan na magbigay ng so-so na idea pero hindi niya nilait; instead, he considered it for a moment then improved it. Ganun ba talaga mag-isip ang Business majors? Galing niya ha!

Ang.. weird. Hindi ko alam kung paano mag-aadjust sa bago kong boss. Masaya namang kasama si Pipo kaso I don't think we could be friends, the Andreau-level like friends ba. Mas sanay lang siguro ako na laging kasama si Andreau kaya ako ganito. Chance ko na nga 'to para lakawan pa ang sobrang liit na circle of friends ko. I could sense that Pipo's a nice guy, at wala naman sigurong masama kung kaibiganin ko siya, 'di ba? Alangan namang umikot lang kay Andreau ang buong buhay ko?

Aackk ano ba yan! Napunta na naman kay Andreau! Ba't sa kanya na lang lagi ang bagsak ko? Nakakairita na ha!

*

Siguro gusto ni Lord at ng tadhana na lumawak ang circle of friends ko. Right after ng meeting namin, niyaya kami ni Pipo na magdinner.. at libre niya. Kahit saan. At duh,  pinasakay pa niya kami sa napakaganda niyang red car. Mamaya nga isesearch ko sa internet kung anong model nitong sasakyan niya. Bet ko 'to!

(See, magaling din talaga akong pumili ng mga kaibigan! Mga yamings talaga! Laging libre yay!)

"O, where to?" tanong niya sa'min habang palabas kami ng campus. Naweirduhan ako na sa backseat ako nakaupo at hindi sa shotgun seat. Lagi kasi akong nakaupo dun kapag kasama ko si An-- okay Zades, new friends, 'di ba? Andreau ka na naman eh!

May ilang minuto ring nagtalo yung mga kasama ko kung saan kami kakain. Pinabayaan lang ni Pipo na magkagulo sila. Aba, ayoko na ngang makisali sa kanila! Basta gusto ko lang kumain ng lib--

"Zade? Ikaw, any suggestions?"

Shit. May pagka-epal din 'tong si Pipo ha. Nakakatakas na nga ako eh! "H-huh? Ako ba? I'm craving for.. burgers. Gusto niyo ba ng burgers? May alam ko na masarap na burger shop sa village. Promise, 'di kayo magsisisi."

Buti na lang mukhang burgers din 'tong mga kasama ko at pumayag sila sa suggestion ko. Medyo naligaw pa nga kami papunta dun sa burger shop (sorry, hindi rin ako matandain sa directions!). Natatandaan pa rin ako nung ilang crew members so nakakuha kami ng magandang seats. Mukhang impressed naman sina Pipo sa place, at kinulit pa nila ako kung paano ko raw nalaman 'to. Of course I told them the truth, na kaming dalawa ni Andreau ang nakadiscover nito. Thank goodness dumating na ang orders namin bago pa nila ako intrigahin about sa'min ni Andreau.

Nagkukwento si Pipo about their project last year nang biglang magring ng phone ko. Iignore ko sana kaso si Andreau pala yung tumatawag. I answered it immediately.

"Hey Andreau!" napatigil si Pipo saglit at napangiti sa'kin. Loko 'to ah! "Is there something wrong?"

"Ah.. wala lang. Saan ka?"

"Uhh.. I'm out. Bakit?"

"Tara, burgers!" excited niyang sabi. "Last week pa ako nagki-crave ng quarter pounder eh. Sunduin kita. Saan ka banda?"

Oh shit. How to tell him this? "Uhh.. pwede bang raincheck muna?"

"Ha? Bakit? Zades, you're breaking the burger rule. Never ever use raincheck for burg--"

"I'm actually here right now, Andreau." Napapikit na lang ako sa sobrang kaba. Ayoko pa namang nadidisappoint si Andreau. Well.. that's too late for now.

He fell silent on the other line. Ano ba yan, ayokong mag-away kami nang dahil lang sa burger! "Uhh.. okay," he replied sadly. Ugh, konsensyahin mo pa ako, Andreau! Dyan ka magaling eh! "So.. raincheck nga talaga?"

I nodded even though he couldn't see me. Gets naman niya 'yon. "Sorry talaga ha? Sa weekend na lang tayo pumunta, okay? Sama natin sina Tristan at Mars. I'm sure they'll love it. Okay ba 'yon?"

That promise seemed to lighten up his mood. Nagsimula na siyang magplano ng lakad namin sa Sabado. Para naman kay Tristan 'yon, Zades. He misses you a lot. Palusot talaga nito!

I couldn't help but smile right after he hung up. Ang sama tuloy ng tingin sa'kin ng mga kasama ko, nagpipigil na asarin ako. Whatever.

**

SUNDAY AFTERNOON

So.. natuloy naman yung Saturday lakad namin nina Tristan.. kaso wala si Andreau.

He had this emergency meeting with his manager sa station kaya hindi siya nakasama sa'min. Kinabahan  ako na baka may gimmick na naman sila for him or something but Mars assured me na tungkol lang 'yon sa isang endorsement niya for the station's mobile sim thingy. Ayun, masaya naman kahit kaming tatlo lang ang kumain ng burger. Iniwan kasi sa'min ni Andreau yung isang credit card niya kaya tuwang-tuwa kami ni Mars.

May meeting kami ng project committee ngayon sa Cafe Feliz, updates lang about sa sponsors na kukunin namin and other details. Actually, natutuwa ako sa dynamics ng grupo namin. I never thought na magkakaroon ako ng actual interaction sa ilang fratmen. I admit, they scare the shit out of me sometimes. I blame those stories na kinukwento sa'kin dati ni Kuya Lee nung freshman ako. As if wala siyang kabarkada na kasali sa frat!

I usually arrive earlier than the meeting time kapag sa Cafe Feliz ang location namin. Before kasi ako yung taga-save ni Andreau ng table, at naiinis siya sa'kin pag may nauna sa favorite spot namin. Later on lagi na nakareserve yung table for us. (Maybe he threatened TJ to do that. Well, kahit ano naman ata gagawin nun para kay Andreau.)

But when I arrived there.. nandoon na si Pipo.

Sa upuan ni Andreau.

A part of me wanted to shout na Hoy, kay Andreau na upuan yan! Dun ka na lang sa kabila please! pero sino ba naman ako? I'm not with Andreau anymore, at hindi naman alam ni Pipo ang history sa upuan na 'yon. Mawiweirduhan lang sa'kin si Pipo at baka pag-isipan pa niya kami ng masama. Duh, umay na ako sa mga taong nag-aakalang may relasyon kami ni Andreau! Can't they see na we're just platonic!?

"Uy Zade!" Pipo waved at me. Nagmadali naman akong maglakad at umupo sa favorite seat ko. "Uhh.. sorry, I ordered already. Ikaw ba, anong gusto mo?" tanong niya sa'kin. Oohh.. he's a sandwich guy pala. Nanibago ako bigla, sanay kasi akong puro cupcakes ang nasa table na 'to.

"Aahh.. mamaya na lang ako. I used to work here so.."

Nagulat siya sa admission ko. "Oh really? I used to come here often, kaso 'di naman ako nagtatagal. Hindi kita napansin before."

"Naku, that was a year ago! I had to stop kasi nagtu--"

"Zades!"

Oh Lord. Agad akong napalingon sa likuran ko.. and hello there, Andreau Cortez! ANONG GINAGAWA NIYA DITO!?

He stopped walking midway nang mapansin niyang may kasama ako. Dahan-dahang nawala ng ngiti sa labi niya. Okay.. what's wrong? Don't tell me may Protective Andreau mode rin siya?

"Hey Francisco!" I exclaimed happily, hoping to stop any tension from starting. Pasimple ko ring tinignan si Pipo.. at mukhang kalmado naman siya. "What are you doing here?"

"Uhhmm.. umorder lang ako ng kape for Kami and others. Final meeting before the shoot on Wednesday."

Alam kong maraming sinabi si Andreau pero yung Kami lang ang nagregister sa utak ko. May coffee maker naman sa condo ah, ba't kailangan pang bumili dito sa cafe? Nagdrive pa tuloy si Andreau! What if naaksidente siya papunta rito? Wh--

"Uy Andreau, nice to see you again," to my surprise, Pipo stood up and extended his hand to Andreau. Eto namang si Francisco, nakipagkamay kaso mabilisan lang.

"MAGKAKILALA KAYONG DALAWA?"

Both of them shot me weird look. Pinandilatan ko si Andreau para mag-explain siya (it works every single time), and he obliged. "We were.. introduced before," he said tentatively, his voice steady than usual. "Brods sila ni--"

"Badz," Pipo finished the sentence in a hushed tone. "You know Badz, right?"

"Nakwento lang nina Ate Anya though I never met him." Nag-iisip pa ako ng pwedeng sabihin nang marinig ko na tinatawag ni Kesh si Andreau para sa order nito. Andreau left us for a moment to grab his orders tapos bumalik din siya sa table.

Sa likuran ko siya pumwesto, at nagulat na lang ako nang bigla niyang nilagay ang kamay niya sa balikat ko. I looked up, giving him a warning look but as always, he didn't budge. "Hey," bulong niya sa'kin, "if you need someone to pick you up.. text me, okay?"

"Ha? Eh 'di ba all-nighter kayo la--"

His grip on my shoulder tightened a little. "Don't worry about it, okay? I'll take you home. No buts," pinandilatan niya ako, na unfortunately hindi effective sa'kin. He then turned to  Pipo with a curt smile. "Philip, nice to see you again."

Pipo nodded, a tight smile plastered on his lips. "You too."

Is it just me or may weird tension sa kanilang dalawa? Dahil sa'kin kaya 'yon?

Okay feel na feel ko na naman!

Saktong dumating ang iba naming kameeting pagkalabas ni Andreau kaya hindi ko na nakulit si Pipo sa ganap nila ni Andreau. What's with them, really? Ang taas ng testosterone level kanina eh. At first time ko lang makitang tensed si Andreau sa harap ng ibang lalaki. Hindi 'to katulad nung kay Kuya Hybrid sa charity ball ah. Mas.. deep pa yung sa kanila ni Pipo, and definitely mutual ang pagkainis niya.

Damn, I really couldn't understand men.

*

Around 10 PM na kami natapos sa meeting namin. Sa wakas tapos na rin ang project plan at ipapasa na namin sa ibang committee ang mga gawain. Nagkukwentuhan na lang kami dito sa cafe, mostly about our courses. Ako lang kasi ang taga-Arts and Letters, tapos sila either Business or Science. Nung una ako pa ang may upperhand sa usapan, inaasar ko sila about sa stereotypes ng courses nila. Kaso epal 'tong si Pipo, siya pa ang nagsimula ng jokes sa literature. I found it amusing rather than annoying, though. Barado kasi siya sa'kin.

Nagliligpit si Pipo ng mga gamit niya nang.. "Oh shit, Zade."

I turned to him. "Ha? Bakit?" He started to rummage around his things. Inangat ang folders at papers, sinilip ang laptop bag at tumingin sa ilalim ng table. "Hoy, Pipo. Ano nga?"

"Uhhh.. I'm sorry, I think I lost your pen," he said sheepishly.

My wh-- oh shit. Nagpanic ako bigla. He lost the ballpen Andreau gave me. Yung mamahaling brown pen! Hinanap ko rin sa mga gamit ko at pati sa gamit ng iba yung ballpen kaso.. wala talaga. Pati sa ibang table, wala rin. Baka raw nahulog niya nung bumili siya ng junk food sa 711.. an hour ago. Masyado kasi kaming focused sa paggawa ng plan kaya..

Oh no. Patay ako kay Andreau.

Oo na, isang set yung binigay sa'kin ni Andreau. Isa pa lang ang nagamit ko dun at.. nawala pa. Gusto ko talagang ipreserve yung ballpen kaso nagtatampo si Andreau kapag hindi ko ginagamit. Ang ganda pa naman ng sulat ko don!

"Zade, sorry talaga," sabi ni Pipo sa'kin pagkabalik ko sa table namin. "Anong brand ba nun? Papalitan ko na lang."

I shook my head. "Uy ano ka ba. Okay lang! May isang set pa ako nung ba--"

"You looked so worried about the pen, hindi lang basta okay 'yon. I'm gonna replace it, okay?" he used his business tone.. and I have to say effective siya. Tatanggi pa ba ako? At least hindi malalaman ni Andreau na nawala ko yung pen!

As if on cue, my phone rang, Andreau's name flashed on the screen. "Hey Zades! Tapos na ba meeting niyo?" May naririnig akong ibang boses sa background.. at isang malakas na busina. Shit, I forgot to text him!

"Ha? Uhh y--"

"Zaaaadeeeesss!!!!" a familiar female voice screamed on the other line. "Yooohooo!!! Sayang you missed us! Ang saya namin kanina!"

Just.. great. Si Kami.

And wait a minute.. nakalagay sa dash ni Andreau ang phone niya kapag nagdidrive siya.. and sobrang lapit ng boses ni Ka--

Nakaupo siya sa upuan ko.

Wow.

"Zades? Hoy, still there?" inquired Andreau. "Text mo ako pag natapos na meeting niyo ha? Ihahatid ko lang sina Kami. Nauna na kasi si Eddie kanina, may meeting daw kasi siya ng 7AM bu.."

I tuned out his explanation and focused on one thing instead. Bakit nakaupo si Kami sa upuan ko? Anong karapatan niya ha? Porke close lang sila ni Andreau pwede na siyang umupo dun? I saw Pipo and the gang standing up, at mukhang aalis na sila. Oh damn it. Bahala na nga!

"Uhh.. actually, kanina pa tapos meeting namin. Sorry hindi kita natext ah?" napalingon si Pipo sa'kin and mouthed Zade? Seriously? Pinandilatan ko na lang siya. "Nasa dorm na ako ngayon. Wala pa nga lang si Kesh kasi may pinuntahan pa ata siya."

He drew a deep breath before responding. "Ah ganun ba? Sinong nagha--"

"Nakisabay ako kina Pipo. On the way naman kasi sil--"

"Okay okay. Glad you came home safe. Wait, can we meet tomorrow? May suggestions kasi ang cast sa script.. gusto ko lang i-discuss sa'yo. Kung libre ka lang naman bukas ha. Baka kasi may meeting ulit kayo."

Is it just me o parang inis pa siya? Aba excuse me, ako ang dapat mainis dito! "Ah. Tomorrow sounds good. Wala naman kaming meeting bukas. Same time, dito sa Feliz?"

Andreau hummed in approval. "I'll see you tomorrow, Zades. Goodnight."

Nasa labas na sina Pipo nang matapos ang usapan namin ni Andreau. He greeted me with a confused look. "So.. mukhang sasabay ka sa'min ngayon?" he asked slowly. "May away ba ka--"

"Not a single word, Philip," I warned him as I opened his car door. Thank god walang nagtanong sa'kin kung bakit ako nagsinungaling kay Andreau. Ayoko lang aminin sa kanila (at sa sarili ko) na si Kami talaga ang dahilan.

Super ugh.

(And that's my seat.)

**

MONDAY AFTERNOON

One word to sum up our meeting?

Superawkward.

(Ah basta, one word yan para sa'kin.)

Ewan ko ba kung ako ang weird o siya.. pero mostly siguro siya since sa kanya talaga yung unang naging weird sa'ming dalawa (Read: Kami.) at ako 'tong.. chill lang.

Fine, may contribution din ako sa awkwardness namin. Okay naman ako kanina bago niya ako sunduin sa dorm eh. Kaso nung nakita kong binuksan niya ang pinto sa shotgun seat, uminit bigla ang ulo ko. And the result?

Sa backseat ako umupo. For the very first time.

He was surprised, alright. Kinulit pa niya ako kung ba't doon ako umupo. Eto namang si tanga na nagngangalang Scheherazade Pascual, sinabing Ay sorry ang sakit kasi ng legs ko, iuunat ko lang sana. Duh, Zades. Ang bobo mo rin magsinungaling eh! As if kasya ako sa backseat ano! Sa tangkad kong 'to!

Andreau must've sensed na ayaw kong kulitin niya ako kaya nagkwento na lang siya about sa gagawin sa shooting sa Wednesday. I tried, oh boy I tried to be super attentive, to be super Zade, to the point na naging fake na ang lahat ng reactions ko. I knew it alarmed him a bit, pero hindi na niya ako kinulit kasi learn na niya kung paano ako mainis kapag pinush ako.

Okay na yung awkward eh. Siguro kaya kami ganito kasi first time lang ulit kaming nagsolo since.. kelan nga ba yung huli? Ah, nung binisita namin ang parents niya. Two whole weeks of not talking or seeing each other personally at eto ang nangyari sa'ming dalawa. It wasn't the first time na matagal kaming hindi nagkita kaso.. Awkward.

Pero.. fine, aaminin ko na. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit naging superawkward kaming dalawa.

"Zades.. bakit ibang ballpen yung gamit mo?"

Nabutas tuloy yung script na hawak ko dahil sa tanong na 'yon. Kanina ko pa pinagdadasal na sana hindi mapansin ni Andreau na gamit ko ulit yung cheap kong brown pen. But hello, he's Andreau, the guy who notices almost everything, at walang makakaligtas sa kanya. Ballpen na nga lang hindi pa pinalagpas!

Nginitian ko siya. "H-ha? Naiwan ko kasi yung isang ballpen ko sa dorm. Ito lang yung nasa bag ko," I replied coolly. Sana effective! 

"Zades.."

"Fine! I'm sorry. I.. lost the pen," I finally admitted with a shrug.

For a moment, he appraised me, but quickly shook his head. "Oh. Okay lang na--"

"Actually.. si Pipo yung nakawala nung ballpen pero ako yung nagpahiram so technically it's my--"

Andreau stopped moving for a second, glaring at me. Hindi ko mabasa ang facial expression niya. Parang surprised na.. offended? "Philip.. lost your pen?" he mumbled, voice low that I had to lean towards him.

Hala, patay. First name basis na, at 'di pa nickname. Lagot ako dito. "Uy Andreau, kalma lang okay? I said I was sorry! Kagabi kasi nawalan ng tinta yung ballpen niya! Pero sabi niya papalitan daw niya yun so don--"

"Pakisabi sa kanya na wag na siyang bumili ng ballpen. A--" There was a familiar edge to his voice, cold and clipped. That only meant one thing: he's angry.

"Nakabili na ra--"

"Then don't accept it!"

Nilapag ko sa table ang script na hawak ko at tinitigan si Andreau. His stare remained focused on me, eyes tensed. "Ba't ba ang init ng ulo mo ha?" I argued, lowering my voice so people around us won't hear anything. "Papalitan naman niya a--"

"Ako nagbigay sa'yo kaya ako ang magpapalit!"

His sudden admission surprised the both of us. Andreau seemed a bit ashamed, but also determined not to take it back. Ako naman? I wasn't expecting that. Maiintindihan ko pa kung magagalit siya na nawala ni Pipo yung ballpen eh. Pero ang magalit siya dahil papalitan ni Pipo? So weird.

I don't have anything to say to that.

The long silence between us was a deeply uncomfortable one as Andreau struggled to maintain his cool composure. Me? I was reduced to this confused, blushing mess at ang kaya ko lang gawin ay titigan yung script sa table. This wasn't supposed to be this.. awkward between us.

Nangyayari na nga ba ang greatest fear ko para sa'min ni Andreau?

Triple shit.. sana hindi. Marami-rami na rin kaming misunderstandings na nalagpasan, tapos dito pa kami magpapatalo? I hope not.

Our meeting ended after a quick rundown of Wednesday's plan and some reminders. Never na naming napag-usapan ni Andreau yung mini outburst niya kanina. We're not ready to talk about it now. Baka may sampalan na namang mangyari. No one dared to speak on our way home. He let me to choose the driving playlist for tonight, though. During our early days ayaw niyang pinapakialaman ang jazz driving playlist niya but eventually he adapted to my likes kaya may acoustic playlist na rin siya.

Pati yung goodnight sobrang strained at pilit. Okay na 'yon kesa sigawan, 'di ba?

We will fix this. I swear. 

**

WEDNESDAY AFTERNOON

I let Andreau have his space to think and prepare for Tila's first shooting day. I'm sure he's in his Serious Director Andreau at (pasamantala) niyang kakalimutan ang ballpen fight naming dalawa. Gusto ko sanang itanong kay Kesh kung ano ang reading niya sa drama ni Andreau pero nakikita ko na ang sasabihin niya. So married, Zades. So married.

Lagot talaga sina Mars at Roldan sa'kin the next time na magkita kami. Sila 'tong nagsimula ng so married na pang-asar sa'ming dalawa. Grrr.

Awkward nga kaming dalawa, but that doesn't mean na magpapakaunprofessional na ako. I co-wrote the script so may right din akong bumisita sa shooting at makialam. That is, kung papansinin ako ni Andreau. Ah bahala na!

Sa isang apartment malapit sa Skyline ang unang location ng shoot. Ayon sa kanyang color coded schedule at Gantt chart, uunahin munang ishoot ang lahat ng interior scenes, namely Eddie's and Tila's apartment, police station etc. For today, sa apartment ni Eddie ang unang take. Buti na lang sumakto ako sa scene na 'to, mas hindi ko ata kakayanin kapag sa apartment na ni Tila ang location. Puro si Kami na lang makikita ko. Umay umay din naman!

Una kong napansin yung trailer ni Andreau na nakapark sa labas ng apatment complex. Buti naman sinunod niya yung suggestion ko na gawing editing/viewing/anything room 'yon for the shoots. He was adamant at first pero nagising siguro siya sa katotohanan na tama ako. May ilang bagong mukha rin akong nakita na pakalat-kalat sa area, must be the crew (Film friends and other friends) he hired for the film. Kung alam niyo lang ang gastos ni Andreau para mashoot 'tong 45 minute thesis film niya.. malulula kayo.

Without any heads up, dumiretso na ako sa trailer niya. I stood by the door and watched him silently as he mumbled profanities with that (cute) concentration line on his forehead. Ewan ko ba pero mas gumagwapo si Andreau kapag seryoso siya.. basta wag lang niya akong susungitan.

"Hey," I said softly, fighting the urge to go beside me. Ang hina na nga ng boses ko pero nagitla pa siya. "Relax lang, it's just me."

"Sorry. I wa--"

"Busy, I know. Can I--"

He gestured me to go inside. In fairness, nakaset up na nga dito yung ilang screens at nagkalat din ang scripts, costumes at camera lenses. Ang cute na magulo ang mga gamit ni Andreau!

Umupo ako sa safe spot sa sofa niya. Akala ko pa naman mag-uusap na kami pero aba, tinalikuran ulit ako ng loko! "Andreau," I started tentatively, "Ayoko sana--" humarap siya sa'kin at inabot ang isang rectangular box.. na katulad nung regalo niya sa'kin nung July. "What's this?"

"Uhh.. here's your pen," sagot niya. Nahihiya pa niyang nilapit yung box sa'kin. "Ipapa-engrave ko pa sana yung pangalan at number mo just in case mawala ulit ne--"

"Seryoso ka ba? Engrave sa plastic?" Is he for real? Alam kong may pagkaweirdo 'tong si Andreau minsan pero... dear Lord sobrang stressed na ba siya kaya kung anu-ano na naiisip?!

A wide smile formed on his lips nang kunin ko yung box. Shit, nakakamiss makitang nakangiti 'to ah. "Don't underestimate my charm, Patty B. It's possible. Tinanong ko sa saleslady kanina."

"Ugh.. no need to remind me. But.. that doesn't mean you can charm me. You know you don't."

"Yet I'll keep trying."

Ugh. Medyo nagpalpitate ako dun ah. "Panget mo rin ano?"

Napalitan na nga niya yung ballpen.. pero nandun pa rin ang tension sa'ming dalawa. Ako na ba ang mauunang mag-open up o siya? Aba, siya dapat ha. Exercise 'to sa pag-oopen up niya ng feel--

"Zades.. are we okay? Don't tell me yes.. because we both know we're not okay okay."

Oh. That small voice of his gets me every single time.

Wanting to make the tension a bit lighter, I joked. "Similar words with different stresses. I do--"

"Zades."

Papatagalin ko pa ba? Wag na, sayang sa oras. "I think.. we're not okay. And I think.. I'm the problem."

Andreau shook his head in disbelief. "No, I'm the problem."

"W-what? Bakit ikaw? Eh ako 'tong weird since last week!"

"I'm weird too! You didn't notice at all?"

Napatayo tuloy ako. Anong pinagsasabi nito? "Hello! Kahapon ko lang napansin na weird ka. Sinigawan mo ako dahil sa ballpen. Sinong mas we--"

"And for that.. I'm sorry," he lowered his head. "I overreact--"

"Oo, overacting ka kahapon! Ballpen lang naman 'yon, Andreau! Of all things, sa ball--"

"It's not about the ballpen, Zades."

"Sorry, what?" I whipped around, blinking in surprise. I had heard him perfectly, but I didn't understand that sentence. "Kung hindi sa ballpen.. eh ano?"

Andreau looked in every directon and at everything but.. me. A crimson red flush grew over his cheeks.

"Andreau.. what do you mean?"

The first time he spoke it was so quiet, only ants could have heard it. Pumunta na ako sa harapan niya, kaso todo iwas pa rin siya sa'kin.

"Andreau.." I said softly as I touched his shoulder. He relaxed a bit upon contact, a good sign. "I can't hear you."

He huffed and finally looked at me. "I'm.. a creature of habit, Zades. You know that pretty well. Kapag may nakasanayan ako.. gagawin ko lahat para masustain 'yon. Just like going to the gym and drinking coffee every morning. For the past few months--"

"Six months," I supplied, at natawa siya.

"--okay, six months.. nasanay ako na kasama kita araw-araw. Not that I'm comparing you to the gym or cof--"

"I get it. Go on."

"And I thought.. this could go on for a long time. Tambay lang sa cafe after class, movie marathons, kina Tristan.. ganun. Nasanay ako na tayong dalawa lang magkasama. It's like we've enclosed ourselves in this tight impenetrable bubble.. and we shut other people out. Nakuntento tayo na lagi tayong magkasama tapos ngayon.." he let out a frustrated sigh. "Fuck, ang drama pala ni--"

"Andrea--"

"Alam ko naman na mag-iiba na ulit yung dynamics natin ngayong sem. Tapos na tayo sa script, busy ka na sa org.. ako naman busy na sa shooting and likes. I was hoping that nothing would change but.. it doesn't work that way, right? Lately I realized na.. hindi lang pala tayo yung tao dito sa mundo. Na kailangan ko ring magfunction na wala ka sa tabi ko. Kaya nga lagi akong nagrereport sa'yo, 'di ba? Iniistorbo kita kahit hindi naman dapat kasi.. I want you to be there. With me. This.. Tila is our thing. We did this together. Six months, right?

"Lagi kong kasama sina Kami.. masaya naman silang kasama pero let's face it. They're not you, Zades. Sinubukan ko namang hindi isipin 'yon kaso.. damn it. Maybe I just miss you that much."

Okay gusto bang malaman ni Andreau kung capable akong umiyak in front of the camera kaya ganyan ang pinagsasabi niya? I thought.. ako lang ang nakakaramdam ng ganun. Siya rin pala. Umiwas na lang ako ng tingin, baka maiyak pa ako nito lalo.

"Yung sa ballpen. Nairita ako kasi papalitan ni Philip 'yung regalo ko sa'yo. Honestly, I didn't know what hit me last time. Ang babaw na magalit ako dahil lang sa ballpen. Tatawanan ako ni Mars kapag nalaman niya 'yon.. and please don't tell her.

"Kanina ko lang talaga narealize kung bakit ako ganito. I'm just used to being your go to guy. Your sidekick.. your partner in crime. Your food buddy. Your.. driver. Seeing you with Philip made me realize that I can't be that guy forever. Ang selfish naman nun ku--"

"Ssshh," I reached towards his face, cupping at his cheek, drawing him closer to me. "Hey, don't be silly. You'll always be my guy, Andreau."

His eyes widened a little. "So.. I'm still your guy?"

"Yeah. You're still my guy. Whatever happens." Andreau flashed his patented I know grin, na ginagamit lang niya kapag may sinabi akong weird. Agad kong nireview ang sinabi ko seconds ago and.. "Oh god.. I mean.. not my guy guy. I'm not saying I own you or what.. what I meant was.. you're still that guy.. pero hindi ka sa--"

At ang bwiset, tuwang-tuwa sa pagkagulo ko! Tinawanan lang niya ako! "What do we have here? Zade Pascual, Literature major and logophile, na nalilito pa sa paggamit ng possessive pronouns?" he teased.

Kinurot ko siya sa braso para makaganti. "Ang kapal ng mukha mo! Excuse me, I know my pronouns very well, thank you. And besides, ikaw ang unang nagsabi ng maling pronoun dyan!"

"Ha? What'd I say?"

"Sabi mo you're my driver. Wala akong sinabing ganun ha! I don't own you, you don't own me."

Andreau just shook his head as he stepped away from me and proceeded towards the door. Sinundan ko siya, takot ko na lang na ilock niya ako dito sa loob! Saktong pagbaba ko ng trailer, lumingon sa'kin si Andreau. "O ano, mang-aasar ka na naman ba, Francisco?" inis kong sabi sa kanya. "Yaan mo, pag-uwi ko mamaya aayusin ko na yung paggamit ko sa possessive pronouns."

And for the first time in weeks, he graced me with that mysterious smile of his. Ilang beses ko nang nakikita 'yon pero ganun pa rin ang effect sa'kin. "I never said that you're mine, Zades. I only said that I'm yours. You just confirmed that earlier, in case you forgot."

We stood outside the trailer, my eyes locked once more on to hers, and my mouth grew into the most genuine smile I could muster. "Ano, tara na? We'll starting shooting in 15 minutes," Andreau said, breaking our smile-off. Tumango na lang sa kanya at pinauna siya sa loob ng apartment. Balik Serious Director Andreau na naman siya.

Kinakabahan ba ako sa pwedeng mangyari sa'min in the future? Triple shit yes! Pero magpapadaig ba ako sa kaba ko? Of course no. Siguro maiinis pa ako lalo kay Kami o magtatampo pa si Andreau in the future but at least ngayon we know better. Kailangan  lang namin ng affirmation na nandito pa rin kami sa tabi sa isa't isa.

We're Andreau and Zade, for Austen's sake! Whatever happens, we have each other's backs. Possessive pronouns be damned.

**

Another (important) note: The you'll always be my guy scene is inspired by that Olicity scene in Arrow Season 2 Episode 14 hahaha.

Character performers!
Pipo Artadi - Daniel Velasco
Kami Hizon - Mara Lopez Yokohama
Eddie Hermoso - Edgar Allan Guzman

Continue Reading

You'll Also Like

37.6K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
6.4K 128 4
(Moving Into My Brother's House Spin-Off) Paano kung hindi ka crush ng crush mo? Ano ang gagawin mo? Nicole tried her best to suppress her feelings f...
108K 5.5K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
916 113 41
Quincy Liliana Ramirez, i quiet, study first and an NBSB girl. her Cousin has a Crush named Tristan Dave Sandoval She met Dave in a Convenience Store...