I Think I'm Falling (ongoing)

Por decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... Más

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 18

121 2 0
Por decemberbabyy

QUEENIE'S POV

"Waaah! Pigang-piga na ang utak ko! Kinain na lahat ng Accounting na 'yan ang aking brain cells!"pagrereklamo ni Jimmy tungkol sa exam namin habang binubuksan ang burger niya.

 

"Sinabi mo pa!" pag-a-agree ko.

 

"Haay, nakakaloka!"

 

Mabuti nalang talaga at bihira nang mag beki language 'tong si Jimmy kasi 'di talaga namin siya maintindihan. Magmumukha lang siyang alien sa 'min.

"Grabe naman din makapagbigay ng problem yung teacher natin. Ang terror talaga kahit kailan." comment ni Kean habang nagpailing-iling pa.

"Oo nga. Di ba, Kara?"

 

 

 

Tumango lang siya at tumawa, "Kailan pa ba naman kasi naging madali ang Accounting? Mabuti nalang talaga at tinuruan ako ni Jeffrey kundi baka wala akong nasagot kanina. Muntik na nga akong magka---"

Naputol ni Kara ang sasabihin niya nung napansin niyang nakatitig lang kami ng may panunuksong ngiti, well of course, maliban kay Kean.

 

"Oh, ano na naman 'yang ngiting 'yan?" mataray niyang tanong sabay subo sa cupcake niya.

 

"Ayeee! Talagang tinutor ka pa ni Papa J, ha?"

May something na talaga sa dalawang 'to ha! Ibang level na eh!

Nakakapanibago din ah. Madalis kasi, si Kara ang unang nagrereklamo sa 'min pagdating sa Accounting.

 

"Eh ano namang meron dun?" pa inosenteng tanong niya.

Bigla ko siyang tinusok sa tagiliran niya.

"Aray!"

 

 

 

"AYEEEE!" panunukso namin ni Jimmy.

Tawa lang kami ng tawa ni Jimmy kasi napipikon na si Kara. Si Kean naman, nakitawa na rin pero 'di niya tinutukso si Kara. Ba't naman niya gagawin 'yon eh may gusto siya kay Kara?

Hay.

Bigla akong may naalala. Birthday ko ngayon at matatapos na ang araw pero wala ni isa sa mga kaibigan kong 'to ang nakaalala ng birthday ko. Katampo naman -_-

Iimbitahan ko pa din naman sila para sa debut ko mamaya sa bahay. Actually, last week ko pa sila na invite tungkol sa debut ko so ipapaalala ko nalang sa kanila ngayon.

Siguro naman, maaalala na rin nila ang birthday ko, diba?

 

"Uhm, guys." napalingon naman sila sa 'kin. "Punta kayo sa bahay mamaya, ha?"

 

 

"Anong meron?" tanong ni Kean.

Ouch. Ba't parang pangatlong beses na mas masakit na siya ang 'di makaalala ng importang araw sa buhay ko? Ansakit ha.

"Birthday ko na kaya!" sabay hampas ko sa balikat niya.

 

"Ahhh. Ganon ba? Ngayon pala 'yung debut mo?" -Jimmy

Lumingon siya kay Kara, "Sama mo na rin si Papa J!"

 

"Yoko nga! Ba't pa isasama 'yon?"

 

"Isama mo sabi eh!"

 

 

 

"Yoko sabi eh!"

 

 

 

"No choice ka dahil kabilang si Papa J sa 18 roses ni Queenie. Di ba, Queen?" sabay lingon sa 'kin. Tumango lang ako.

"See?" "Ano??" sabay nilang sabi.

Ayan, nagtatalo pa ang dalawa.

So wala talaga silang balak mag- "HAPPY BIRTHDAY, QUEENIE!" Kakatampo! Naiiyak na ako!

Sa ilang taon na magkaibigan kami, ngayon lang nila nakalimutan ang birthday ko!

Tapos, tapos. Pinaalala ko naman sa kanila ang debut ko, di ba?

Ba't 'di man lang sila nag greet? 'Di na ba uso ang batian ngayon?

"Guys, tara na. Magbe-bell na." pagyayaya ni Kean kaya tumayo na kami lahat.

Habang nagkaklase, wala akong maintindihan sa sinasabi ng prof kasi lumilipad ang utak ko.

Last subject na namin oh! 'Di pa rin nila ako binabati. Ni isa din sa mga kaklase ko, 'di ako binati. Ang sama lang :'(

*riiiiiiing*

Ayan, nag bell na :(

"Guys, una na 'ko." pagpapaalam ni Kean at bigla nalang siyang tumakbo paalis ng classroom.

Kean, ikaw kaya ang escort ko mamaya sa debut ko. 'Di mo man lang ba muna ako babatiin? Huhu.

"Kara, let's go?" pagyayaya ni Jimmy kay Kara. Lumingon siya sa 'kin, "Ikaw, Queen?"

 

Ngumiti lang ako ng pilit, "Sige. Mauna na kayo. May kukunin pa 'ko sa music room eh." pagdadahilan ko kahit wala naman talaga akong kukunin dun.

Tumango lang sila at umalis na.

Ni hindi man lang sila nagtaka kung anong gagawin ko sa music room? Eh ano naman daw ang kukunin ko dun? Gitara? Eh alam naman nilang 'di ako marunong magtugtog nun eh!

Ang sama na talaga ng loob ko. 'Di ko na tuloy napigilan ang luha ko. Umiiyak na ako. Huhu :'(

Eto na ata ang pinakamalungkot kong birthday.

Lumabas na ako ng classroom habang iyak pa rin ng iyak. Huhu.

"Miss, para sa'yo." biglang may nanira ng moment ko at may inabot na rose kaya napapunas ako ng luha ko.

Huh? Ano 'to? Biglang tumakbo yung lalaking nagbigay ng rose.

"Hoy teka!"

 

Hindi na ako nilingon nung guy at tuluyan ng tumakbo kaya inignore ko nalang at nagpatuloy sa pag-iyak. Huhu.

Rose? Kung si Kean lang ang nagbigay nito sa 'kin, malamang kanina pa 'ko nagtatalon dito sa kilig.

Kaso hindi eh. Ni hindi nga ako binati. Huhu.

"Miss, rose po."

Huh? Ano na naman 'to? Tapos sunud-sunod na ang pagbibigay ng roses.

Bigla akong kinutuban na...

Nah, imposible. Kinalimutan nga nila ang birthday ko di ba?

 

"Para sa inyo po." 15th rose.

"Hi, miss. Para sa'yo." 16th rose.

 

"Hello po." sabay abot ng 17th rose.

 

"Para sa'yo, Queenie." 18th rose.

Pamilyar ang boses kaya napalingon ako.

 

 

*dug dug dug dug*

 

"K-Kean? Ano 'to?"

 

 

"SURPRISE!!!"

Nagulat nalang ako nang biglang may pumutok na party popper at nakita ko sina Kara at Jimmy na may bitbit na tarpaulin na may picture ko at may nakasulat na "Happy birthday".

Yung ibang mga kaklase ko, andito din. Kinantahan nila ako ng birthday song at may pina blow na cake sa 'kin si Kara na hawak ng isang classmate ko kanina.

Lalo tuloy akong naiyak. Tears of joy na 'to.

Ngayon lang nila ako sinurprise ng ganito sa birthday ko.

 

"Kainis naman kayo eh!" sabay hampas ko sa balikat ni Jimmy.

 

"Ouch ha! Oh, girl. Don't cry na!" -Jimmy

 

"Akala ko naman, nakalimutan niyo na talaga ang birthday ko!" sabay punas ko ng luha ko.

"Mangyayari ba 'yon?" -Kara

"GROUP HUG!!!"

 

Ayun. Nag group hug nga kami. Naiiyak na naman ako. Ang thoughtful naman ng mga kaibigan ko. I'm so touched :')

 

"Teka," sabay kalas ko sa yakap. "Sinong may pakana nito, ha?"

 

 

Ngumuso sina Kara at Jimmy kay...

Kean?

"Ha?" sabay kamot niya sa batok niya. Ang kyuuut :) "Pero si Kara ang nagplano ng kung anong gagawin."

 

"Pero ikaw pa din ang nag suggest na isu-surprise natin si Queenie." -Jimmy

 

 

"Oo nga!" Lumingon si Kara sa 'kin, "Oh diba, ang thoughtful!" sabay tusok sa tagiliran ko.

Waaah! Kinikilig akoooo :">

Talagang si Kean ang nakaisip nun?

Pero siyempre, walang malisya yun sa kanya -_- Pero kinikilig pa din ako! Birthday ko naman ngayon eh, pagbigyan niyo na 'ko!

Nag thank you muna ako sa kanilang lahat.

After nun, naghiwa-hiwalay na kami at kailangan ko na ring umuwi dahil magpe-prepare pa ako.

Happy birthday to me! Ang saya saya ko ngayon!

KARA'S POV

 

 

Ang saya ko ngayon kasi napasaya namin si Queenie sa birthday niya.

Eto talaga si Kean, andaming alam na pakulo. Sabi, kunyari daw nakalimutan namin ang birthday niya para mas grabe ang impact ng surprise namin.

Sabagay, successful!

Minemake-upan na ako ngayon para sa debut ni Queenie.

Teka, ang sabi ni Jimmy kanina, kabilang daw si Jeffrey sa 18 roses. Ba't 'di ko alam 'yon?

'Di ko din naman kasi binasa ang laman ng invitation. Basta ko nalang tinanggap.

After 138482 hours, natapos na din ako.

Simple lang naman ang suot ko. Tube na cocktail dress na kulay peach, silver pouch and silver high heels. Isang necklace with heart pendant lang din ang jewelry ko.

Cheneng!

I'm ready! Excited na din akong makita ang debutante eh!

Lumabas na ako ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan, nahihirapan akong maglakad sa heels. Antaas naman nito! Ba't eto pa ang pinili kong suotin? 'Di pa naman ako sanay magsuot ng heels.

O__________O

 

 

 

 

 

 

 

"KARA!!!"

 

Muntik na akong matapilok. Mabuti nalang eh may nakaalalay agad sa 'kin.

 

"Ang taas naman kasi ng heels na sinuot mo."

Bigla kong na recognize ang boses niya kaya napaangat ang ulo ko.

 

"J-Jeffrey?"

 

 

 

"Makakalakad ka ba ng maayos niyan?"

 

"A-anong ginagawa mo dito?"

 

 

 

"Sinusundo ka. Obvious ba?"

Ang sungiiiit! Pero namiss ko siya! At ang gwapo niya. Oo, alam kong dati pa siyang gwapo pero mas lalo siyang gumagwapo ngayon.

"Kara..."

Bigla naman akong natauhan, "Hmm?"

"Baka matunaw ako eh."

 

 

 

"Huh?"

"Kakatitig mo sa 'kin." sabay smirk niya.

 

"Kahit kailan ka talaga!" hinampas ko siya sa balikat niya.

Tumawa lang siya saglit at biglang...

Napatitig sa 'kin?

Bigla ko namang kinapa ang mukha ko.

 

"Bakit, Jeff? May dumi ba?"

Umiling lang siya habang nakatitig pa rin sa 'kin.

 

"Y-you look beautiful."

 

 

'Wag mo 'kong titigan ng ganyan, Jeffrey. Matutunaw na ako dito.

Tinusok ko siya sa tagiliran niya, "Oy! Naiinlove na sa 'kin 'yan!"

 

 

"If you only knew."

 

 

"Anong sabi mo?"

Pabulong niya kasing sabi kaya 'di ko narinig ng maayos.

 

"Nasabi ko na. Ba't ko pa uulitin?"

 

 

"Eh ang hina ng boses mo eh! Paano ko maririnig?"

 

 

 

"That's not my problem anymore." sabay smirk niya.

"Ewan ko sa'yo! Lika na nga!"

At nauna na akong maglakad kahit medyo nahihirapan talaga ako sa heels. 'Di bale, masasanay din ako nito mamaya.

Bigla kong may naramdaman na may humawak sa kamay ko.

*dug dug dug dug*

Lumingon ako pero 'di siya nakatingin sa 'kin.

Teka, is he smiling?

Gusto kong kumalas at sinubukan ko pero hinahawakan niya lang ng mahigpit ang kamay ko.

'Di ba niya alam na natutunaw na ako sa pinag-gagagawa niya?

 

*dug dug dug dug*

Habang palabas kami ng bahay, hawak hawak niya lang ang kamay ko.

 

*dug dug dug dug*

Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako.

"Bakit?" tanong ko.

Napatingin siya sa heels ko.

"Magpalit ka kaya ng mas mababa, mahihirapan ka niyan."

 

 

 

"Di bale na, keri ko naman eh."

Tsaka nakakapagod ng bumalik sa taas!

 

"Eh muntik ka na ngang mahulog kanina, di ba?"

 

 

 

"Eh 'di naman ako nahulog eh."

 

 

 

"Kasi nasalo kita. Eh paano nalang kung 'di kita nasalo?"

 

Oo nga. Paano kung 'di niya 'ko nasalo?

Sa susunod kaya na mahulog ako, sasaluin niya pa kaya ako?

Eh paano kung hindi? Ano kayang pakiramdam nang konting-konti nalang eh mahuhulog ka natapos wala ka man lang makapitan? At alam mong 'pag nahulog ka, masasaktan ka rin kasi wala namang sasalo sa'yo?

Teka, double meaning na 'yon ah? Ang layo naman ng sapatos sa iniisip ko.

Pero 'di ko mapagkakailang may naramdaman akong may tumusok sa dibdib ko habang iniisip ko na 'di nga niya ako sasaluin.

Kasi alam ko sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

 

"Kaya ko naman eh."

Umiling lang siya na parang sinasabi na "Hindi rin."

 

"Kaya ko sabi eh."

Nauna na 'kong maglakad sa kanya, "Kakayanin ko."

_________________________

*to be continued

Seguir leyendo

También te gustarán

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
82.6K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
6.1K 396 19
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
1M 83.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...