Eight Words Love Story

By ov3rtin_ker

2.2M 78.9K 34.3K

One of the boys, Alfredalae Moren Zamora, stands as an image of a beautiful lady with a heart of a man: tough... More

Disclaimer
Note
EIGHT
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Moren's Secret Note
Ross' Diary # 1
Ross' Diary # 2
Ross Diary # 3
Ross Diary # 4
Ross Diary # 5
Ross Diary # 6
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
EIGHT
The Letter
Special Chapter
Note
ACCOUNTS

Chapter 3

47.9K 1.7K 1K
By ov3rtin_ker


"Mission failed successfully."

Tinapik ni Adrien ang likod ni Ross matapos nitong makuha ang matamis na oo ni Celine.

He's dumb, mali pa ang nasabi niya. Napakaikli na lang ng line na 'yon, palpak pa. Sino kayang anghel ang nagbulong kay Celine um-oo? Papakiusapan ko lang bulungan ang mga teacher kong ipasa ako, kahit pasang-awa na basta hindi bagsak.

"Atleast she said yes." Isa-isa kaming tinignan ni Ross, nagyayabang. Malapad ang ngiti niyang mukhang ikapupunit ng labi niya ngayon.

He can't contain his excitement. Namumula pa ang lalaki at parang maiiyak sa galak.

I will never understand how love can make people this corny. Hindi bagay kay Ross ang kiligin. Puwede na siyang ilagay sa bunganga ng lechon bilang kapalit ng mansanas.

"You're happy getting a yes for a party?" Franz muttered. "You're fine with that?"

"You're good at ruining someone's mood. Talent mo na 'yan," pikon na sabi ni Ross. Ngumisi lang si Franz at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Ang bitter mo naman kasi Suarez. Wala ka rin namang jowa," ani Ace.

"Bakit ikaw, meron?" Sumabat ako sa usapan nila.

"Oo. Pero hindi niya pa alam. Nagpapatangkad pa ako bago ko siya i-inform."

"Ako, nahanap ko na. Timing na lang kulang," si Abcd.

Sinundan namin ang direksiyon ng tingin niya at nakita ang babaeng naka-apron. Kalalabas lang niya sa canteen. Pabalik na ang canteen girl sa room niya dahil tapos na ang trabaho niya ngayong umaga.

Inasar namin si Abcd na matamis na nakangiti habang ihinahatid ng tingin ang babae hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.

Franz smirked at him. "Lucky of you. You have the privilege to fall in love. You should be grateful and take risks. Not all people have the freedom to do so."

Nanahimik kaming lahat sa biglaang pagseryoso ni Franz. Ang lalim kasi ng binitawan niyang mga salita. In which we can understand because we know his situation.

Franco came from a wealthy family. At kapag sinabi kong mayaman, as in mayaman na mayaman. Ang mga magulang niya ay nakatakdang ikasal noon, without even knowing each other for the sake of money. Obviously, he is a product of an arranged marriage.

Normal na lang ata iyon sa mga katulad nila. History repeats itself nga raw. Ganoon rin ang hinaharap na naghihintay kay Franz. Kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nasa tamang edad na, he will marry a woman he don't even know. Or worst, he don't even love.

"Gusto mo sabihin ko sa Daddy mo nagmamahalan tayo? Magiging babae ako, oh." Inakbayan ko ang lalaki. Natatawa siyang umiling at inalis ang braso ko sa balikat niya.

"You can't even sit without spreading your legs," aniya at iniwan kami. Nauna na siyang maglakad pabalik sa building kung nasaan ang room ng ABM.

"Tinatanggihan mo ba ang offer ko? Ikaw rin! Baka magsisi ka!" Nag-echo sa buomg quadrangle ang boses ko. Itinaas lang ni Franz ang kamay niya at ikinaway nang hindi lumilingon pabalik.

"Are you serious about that?" si Ross.

"Siyempre hindi. Timang ka ba? Anong ibibigay kong yaman sa parents niya? Sama ng loob?" sabi ko. "Kung sama ng loob lang rin naman ang pagbabasehan ng yaman, bilyonaryo na 'ko sayo pa lang."

"Whatever, Moren."

Bumalik kami ng classroom ilang minuto lang bago dumating ang next subject teacher namin. Wala akong ginawa kung hindi tumunganga at umastang nakikinig habang nag-i-scribble sa likod ng notebook.

Iniiisip ko iyong sinabi ni Franz kanina. Hindi raw lahat ng tao may kalayaan magmahal. I wonder if he ever liked someone but forced himself to get rid of his feelings because he is bound to marry.

Nalulungkot ako para sa kaniya. Sana pwede kong ibigay ang kalayaang meron ako sa iba. Tutal, hindi ko rin naman naiintindihan kung paano umiiral ang pagmamahal.

Minsan iniisip ko, kung darating ba ang araw na maiintindihan ko pa 'yon. O baka mamatay na lang akong single at hindi sumusubok dahil takot ako.

Love is just scary. Kapag nagmahal ka, lahat ng bagay kalaban mo. May mga nananalo, may natatlo. One's victory is someone's lost.

"Ms. Zamora!"

Naihawak ko sa noo ang kamay nang may tumamang chalk sa akin. Lukot pa ang mukha ko nang mag-angat ng tingin pero mas gusot ang mukha ni Sir Delfin.

Bakit lahat ng teacher namin galit sa 'kin?

"Nakikinig ka ba? Ang layo ng tanaw mo sa labas. Kung gusto mong makipag-usap sa mga puno, lumabas ka at sa kanila ka magpaturo."

I rubbed my forehead while faking a smile. Lumilipad na naman ang isip ko, pati tuloy chalk ay lumipad sa mukha ko.

"Sorry po, Sir." Nginitian ko siya.

Awtomatiko na ang pang-aasar sa akin ng tatlo. Sinampal ko ang sarili para magising ang diwa ko at pilit itinuon ang atensiyon sa gurong nagpapaliwanag sa harapan.

Mukhang mas una ko pang mauunawaan ang kahulugan ng pagmamahal kaysa mahanap ang value ng x.

That day ended like how other days did. Dumaan kaming karaoke bar bago umuwi. Nang sumapit ang biyernes ay wala kaming pasok maghapon para maghanda sa gaganaping party.

We have plans to do it. First of all . . .

"Pagmukhaing tao si Ross," I yelled, pointing at his face.

Ibinaba niya ang daliri kong nakaturo sa kaniya.

Ito ang unang beses na magkakaroon siya ng moment with Celine kaya dapat lang na maayos siya mamaya. We decided to make him the star of the night.

"Mapapagod lang sa kakatingin kung marami namang nakaharang. Aawit na lang at magpaparinig ng lahat ng aking nadarama . . ."

We're jamming inside Franz's car. Paparoon na kami ngayon sa mall kung saan kami bibili ng isusuot namin mamaya.

"Pagbibigyan na lang silang magkandarapa na manligaw sayo . . . Idadaan na lang kita sa awitin kong ito."

"Sabay ang tugtog ng . . ." That line is always for me.

"Gitara." Lahat kami ay kumakanta maliban kay Franz na nagmamaneho pero paminsan-minsan ay tumatango ang ulo, sumasabay sa beat ng kanta.

"Idadaan na lang sa gitara," I sang.

Biyernes kaya expected na naming sasagupain namin ang pambansang almusal ng sambayanan. Mabigat ang trapiko dahil may pasok pa ang mga empleyado at school lang naman namin ang walang ganap ngayong araw. May pasok pa rin ang ibang estudiyante.

"Finally after ten years." Itinaas ni Adrien ang kamay na akala mo ay taong nakawala sa koral.

"Saan ang first stop natin?" Ross asked.

"Suits?" suhestiyon ni Franz.

Nawala si Ace sa tabi ko. Makita-kita namin ay naroon na siya sa tabi ng isang malaking poster ng Papa niya. Ginaya niya ang pose ni Tito Idris.

"Bagay ba, babes?" he asked, not moving an inch like a statue.

"Diyan ka na lang habang buhay, Ace."

"Let's go, para maaga rin tayong makauwi." Tinawag kaming lahat ni Franz.

Sa botique kami unang nagtungo para tumingin ng maisusuot. Si Franz ang may sagot ng lahat ng kailangan ko. Sugar Buddy ko kasi siya.

Nag-ikot kami sa buong botique para ihanap si Ross ng damit. Siya ang priority namin. Kaya bago kami, siya muna.

Kaniya-kaniya kaming kuha ng matipuhan naming damit at sa tingin namin ay babagay sa lalaki.

"Try this."

"Isukat mo 'to, Jeremiah."

"Bagay sa 'yo 'to."

"Maganda ba 'to?"

Nag-una-unahan kaming pumunta kay Ross para ipasukat ang napili naming suit. Halos pare pareho lang naman. May small details lang na siyang pinagkaiba-iba no'n sa isa't isa katulad ng kulay.

"Kalma, isa lang ang kalaban," aniya sa amin.

Hinitak ko siya papunta sa malaking salamin kung saan nagtipon kami sa likuran niya habang isa-isang itinatapat sa harapan niya ang mga suit.

"Maganda ang maroon sa gabi, bagay 'to sa turtle neck." Nauna nang itapat ni Ace ang napili niyang damit sa lalaki. Bagay naman kay Ross pero mas lalo siyang magmumukhang espasol dahil pinapaputi siya no'n nang husto.

"How about green?" Si Abcd naman ang sumunod kay Ace. Moss green ang kulay ng suit na iyon.

"I don't like the color, Adrien." Wala na siyang nasabi nang si Ross na ang tumanggi doon.

"Ito, bagay 'to sa 'yo." Gray iyon na bagay sa ibabaw ng bukas na long sleeve polo. Nakikita ko na sa isip ko ang final look niya kung iyon ang isusuot ni Ross.

Wala siyang komento kaya nagsalita ako. "Ano sa tingin mo? Maganda, 'di ba?"

"Ang pormal masiyado tignan ng kulay," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng suntok. Arte! "I won't attend a business meeting."

"You might like blue."

Nang makita ni Ross ang napili ni Franz ay kulang na lang maghugis puso ang mga mata niya. He likes it, halata naman. Dark blue iyon na medyo velvety ang tela. May maliit na chain sa bandang bulsa nito sa kaliwang dibdib. Siguro, iyon ang hinahanap niya sa damit para hindi gaanong pormal tignan.

"This one is good." Inagaw ni Ross kay Franz ang damit at pumunta ng fitting room para isuot.

"Ayaw niya 'to? Sakin na lang," nakangusong saad ni Ace. Tinitignan niya rin sa salamin ang fit ng damit na napili kanina.

"Ang gwapo mo riyan, Ace. Diyan ka na lang," biro ko.

"Crush mo ba 'ko, babes? Lagi mo 'kong iniinis."

Ang hangin na naman!

"Huwag ka sa 'kin. Loyal ako sa hindi sa 'kin."

"Basted-in ka sana ng sampung beses!"

Hinihintay namin si Ross makapagbihis nang maisip kong babagay din ito kay Franz. Hinanap ko pa siya sa pasikot-sikot na rack ng mga damit.

"Franz, ito na lang sa 'yo." Itinapat ko iyon agad sa katawan niya. "Oh, diba! Saktong-sakto."

"How about you? Nakapili ka na ng iyo?"

"Hindi pa, hahanap pa lang ako ng medyo maliit na size." Lumingon ako sa paligid.

"Here, I feel like it will fit you." Initsa niya sa akin ang naka-hanger at may cover pang damit. Pumunta siya sa fitting room para ata isukat ang binigay kong damit.

Tinignan ko ang napili niya para sa akin. Hindi na rin masama. Pero bakit puti? Ang plain naman nito. Magaslaw pa man din ako kumilos. Siguradong wala pang limang minuto, naipinta ko na ang mapa ng Pilipinas dito, pero puwede na.

Sabay-sabay na kaming nagsukat para makita ang hitsura ng isa't-isa.

Bagay naman kay Ross ang napili ni Franz. Pero mas bagay kay Franz ang napili ko. Huh!

"Ang pangit mo, Jeremiah!" parang bata kong sabi sa lalaki. Hindi niya pinili ang suit na sinuggest ko!

"Why not wear a dress, Moren? Iyan ang isusuot mo mamaya?" aniya.

"Yes," taas-noo kong sagot. "Baka kasi kapag nagdress ako, makalimutan mong si Celine pala ang nililigawan mo."

"Lakas!" Ace playfully said.

"Pahinging tapang ng hiya, Moren. Baka magawa ko nang umamin mamaya."

"As you wish." Kinotongan ko si Adrien.

Binili na namin ang napiling mga damit bago pumunta sa next stop namin.

"Nail Salon?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Ross nang bitbitin ko silang lahat doon.

"Oo. Babae lang ba ang nagpapa-manecure? Lalaki rin kaya. Lalo na sa kuko mong mukhang kuko ng bayawak."

"What?!" Muntik na niya akong sakalin.

Humilera kami ng upo sa magkakasunod na sofa. Kinikilig ang mga babaeng manikurista sa mga kasama ko. Samantalang ako, kinililig sa kanila. Chicks everywhere!

"Gusto ko may design 'yung sa 'kin, tiger. Para rawr."

Ako na lang ang nahihiya para kay Ace. Baka seryosohin ng babae at pintahan nga ng kahel at itim ang kuko niya.

Nilinisan lang kami ng kuko at pinatungan iyon ng makintab na clear polish. Hindi ko alam ang tawag do'n. Pero basta 'yon.

Next stop: Barbershop.

Dahil hindi ako magpapagupit ay ako ang nagdikta sa manggugupit kung ano ang gagawin niya sa mga buhok ng kaibigan ko. It's not totally a haircut, more on styling lang at trimming.

They trust me enough to choose what hairstyle fits them the most.

"Sir, kailangan ito ang pinakagwapo mamaya sa party namin. Kapag 'yan hindi maayos, babalikan kita," ani ko sa barbero.

"Masusunod, Ma'am."

Ngumisi si Ross nang marinig ang sinabi ng barbero. Nakangiwi na ako ngayon sa lalaki na hindi malaman kung may nasabi ba siyang mali.

"Isa pang Ma'am, Kuya, magdadabog ako."

"Sir po pala? Sige, Sir. Masusunod po." Ngumiti siya sa akin.

"Move away, Ma'am. Doon ka na." Nagkaroon na naman ng bagong pang-asar si Ross sa akin.

"Kalbuhin kaya kita?" Marahan ko siyang sinabunutan bago mag-umpisang maggupit ang lalaki.

Naghintay at nanood lang ako sa gilid habang ginugupitan ang apat. Nagmukha naman silang ten percent na tao nang magupitan. Bumili rin kami ng pabango para sa kanila.

Hindi naman sana kailangan pero may pera sila kaya bakit hindi? Sumunod kaming nagpunta sa mga sapatos. At dahil gastador silang lahat, gusto nila bago at akma sa biniling suit ang sapin nila sa paa mamaya.

Hinuli namin ang pagbili ng bulaklak para kay Celine dahil ang sabi namin ay mabilis na lang 'yon pero nagtagal kami dahil hindi namin alam kung ano ang bibilhin.

"Shunga mo naman kasi, isang taon mo na siyang crush hanggang ngayon kahit favorite color, hindi mo alam?" tanong ko.

"Ano bang bulaklak ang kadalasang gusto ng mga babae?"

I looked at him with disbelief etched on my face. "Nakakailan ka na, Ross. Isa pa talaga."

"I mean maybe you know."

"Ewan ko sa Celine mo. Basta ako, I like white roses."

Tinitigan ko ang isang bungkos ng puting rosas sa dulong bahagi ng shop. Napagtanto kong wala na pala sila sa harapan ko at wala rin akong kausap nang itulak ako ni Franz palapit sa tatlo. Mukhang may napili na si Ross. Nagpatulong siyang pumili sa dalawa.

He smelled it and smiled. "She will like this."

"Tingin mo, gusto niya 'yan? Ako kasi, puting rosas ang gusto ko."

Tinignan niya ako. "Hindi naman ikaw ang bibigyan."

I sneered at him, and almost punched his face. "Sinasabi ko lang! Malay mo kasi gusto niya rin 'yon."

Alas-kuwatro ng hapon na nang sa wakas ay matapos kaming mamili ng mga kailangan namin. Kumain muna kami bago umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Umuwi muna ako sa amin para gumayak sandali at ipagluto si Papa ng dinner.

"Anong oras ka makakauwi?" tanong ni Papa.

Ace: Nakauwi ka na?"

Me: Oo. Kanina pa.

Nilingon ko si Papa matapos kong mag-reply kay Ace.

"Siguro hatinggabi na, Papa. Nagpaalam ako sa teacher ko kaya pwedeng mauna akong umuwi sa iba."

Pinatay ko ang stove at inilipat ang nalutong ulam mula sa kawali papunta sa malaking mangkok.

"Sino ang kasabay mong uuwi kung mauuna ka pala? Mahirap ang magmaneho nang madilin at mag-isa ka pa."

"May ilaw naman ang motor. May streetlights din."

"Kung sumabay ka na lang kaya kay Flynn?"

"Kay Ross, Pa. Si Ross ang tinutukoy mo," paalala ko sa kaniya.

"Kay Ross nga. Ayos lang sa akin kahit anong oras ka umuwi." He trusts Ross that much. Kahit ako na anak niya, ipinagakakatiwala niya sa mokong na 'yon.

"Opo." Um-oo na lang ako sa kaniya para matapos ang usapan namin.

Pinalamig ko ang ulam at ang kanin niya bago siya pinakain. Inilipat ko si Papa sa kama bago ako nag-umpisang maghanda ng sarili.

Wala na gaanong oras kaya minabilis kong mag-ayos. Pupunta pa ako kila Ross.

I wore the suit. Ang galing ng mata hahanap ng size ni Franz, saktong-sakto ang damit at pantalon sa akin. Ipinusod kong muli ang mahabang buhok at siniguradong mahigpit iyon bago isinuot ang itim na magician's hat. Isinuot ko rin ang itim na bow na kasama ng suit. Black ang leather shoes ko.

Inakay ko na ang motor ko papunta kila Ross para hindi ako marinig ni Papa mamaya kapag umalis na ako.

Si Flynn ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay nila. Hindi na rin ako tinuturing na iba ng mga katulong nila Ross, ganoon din ng pamilya niya kahit pa ang bagong kinakasama ni Tita.

Paano? Matapang nga ang hiya ko.

Si Flynn ang unang nakakita sa akin. Nagbabasa siya ng libro sa sala nang dumating ako. "Looking for Ross?"

"Nakagayak na ba?" tanong ko. Lumapit ako para makisubo sa kinakain niyang cake.

"I guess he's not done yet. Want a piece?" Itinuro niya iyong cake.

"Pieces," I said.

He chuckled and went to the kitchen to get me a plate. Inikot ko ang sala nila. Nakapadekwatro akong umupo sa sofa. Inabot ko ang libro ni Flynn at binasa.

"Magpipiloto rin siya?" Mukhang tungkol kasi iyon sa mga eroplano.

Pareho pala sila ni Ross ng gustong kuhaning career?

Bumalik si Flynn at tumabi sa akin. Ibinigay niya ang pagkain sa akin kaya isinara at ibinaba ko ang libro niya.

"Salamat." May laman na ang bibig ko nang magsalita.

"Juice?" He offered.

"Yes, please." Sinong tatanggi doon?

Wala pa siyang isang minuto na nakaupo ay tumayo siyang muli para ikuha ako ng maiinom. Ubos ko na ang cake nang makabalik siya.

"Gusto mo pa?" Natatawa niyang tanong.

"Solved na," I said. Nagamit ko na ang lahat ng tapang ng hiya ko. Bukas naman.

Ininom ko ang juice. Pinunasan ko ang labi at kinuha ang pinagkainan para dalhin sa lababo at hugasan nang pigilan ako ni Flynn.

"Ako na, Moren. Baka madumihan ka pa. Your suit is white."

"Okay lang, kaya ko."

"I insist." Hindi niya binitawan ang palapulsuhan ko hanggang hindi ko ibinababa ang platito at baso.

"Salamat, Flynn." Buti pa 'to, mabait. Si Ross kaya kailan mahahawa? "Akyat ako sa taas, tutulungan ko na 'yung isa do'n," ani ko.

"Sure, you should."

Pumanhik ako sa taas. Wala sila Tita ngayon dahil parehong may trabaho. Sarado ang dalawang kuwarto sa itaas. Ang kaisa-isahang bukas ay ang kuwarto ni Ross sa may dulo.

"Papasok ako," ani ko pagkatapos ng dalawang katok. Ten seconds rule, kapag hindi siya nagreklamo, papasok na ako.

Binuksan ko ang pintuan at nakita siyang nakatayo sa harapan ng isang full-size mirror. Pinagmamasdan niya ang kabuuan niya roon.

Sumandal ang kanang balikat ko sa gilid ng pintuan at sinuri siya.

"Baka matunaw ako," aniya at lumingon sa akin.

"Yan na 'yon? Tingin mo sasagutin ka na ni Celine diyan? Ni hindi nga maayos ang necktie mo!"

Bumaba ang tingin niya roon. Lumapit ako para ayusin iyon gayundin ang buhok niya.

"Ano? Mas maayos, 'di ba?" Ihinarap ko siya ulit sa salamin para ipagmayabang ang gawa ko.

"Good dog." He patted the top of my head.

Hindi na rin kami nagtagal. Alas-siyete raw ay naroon na dapat sa school. Five minutes na lang ang mayroon kami ay nasa bahay pa kami nila Ross. Nauna na ang tatlo sa school.

"Sasabay ka ba sa 'kin?" tanong niya.

"Dala ko 'yung motor ko."

"Alam ni Tito?"

"Hindi." I smiled.

His finger poked my temple. "Pasaway."

Sabay kaming umalis ni Ross pero hindi kami sabay na dumating sa school. Naipit ako sa mga malalaking sasakyan kaya pinauna ko na siya. Mahirap makipaggitgitan sa mga kotse at truck lalo pa at gabi.

I made a grand entrance. Nasa bukana pa ng gate ang mga estudiyanteng naghihintay ng jowa nila. Kaniya-kaniya silang lihis nang dumating ako. Gumawa ng ingay ang motor ko.

Hinubad ko ang helmet at ipinalit ang hat ko. Si Ross ang agad kong hinanap dahil narito na ang kotse niya pero wala siya sa paligid.

Nagliwanag ang mukha ko nang sa wakas ay makita ko ang nakatalikod na lalaki.

"Ross!" Hindi niya ako narinig.

Tatawagin ko pa sana siya ulit nang mapagtantong kaharap na niya si Celine. Iniabot ni Ross ang bulaklak sa babaeng nakabestidang asul. Abot-tenga ang ngiti ni Celine nang kuhanin iyon mula sa lalaki.

Kaya naman pala asul ang pinili niyang suit.

I wouldn't realize I spaced out kung hindi ko pa maramdaman si Franz sa likuran ko. Inalis niya ang hat ko na agad rin naman niya ibinalik.

"Where did you get that?" he asked.

"Sa baul. Bagay ba sa suot ko?"

He shrugged his shoulders. May kinuha siya sa bulsa, isang puting rosas. Pinutol niya ang putol nang tangkay no'n at isinuot sa bulsa ng suit ko. Tanging ang pinakabulaklak lang ang kita sa damit ko.

"Sila Ace, nakita mo?" tanong niya.

"The star is here!" Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong niya. Sumulpot ang dalawa sa harapan namin.

"May rabbit ba sa loob ng hat mo, Moren?" Abcd took my hat and wear it.

"Ahas meron," ani ko.

Nahiwalay sa amin si Ross. Since he's with Celine, kaming apat lang ang sama-sama sa iisang table. May kalayuan ang table nila sa amin pero tanaw pa rin.

Nakamanman kami sa mga galaw niya. Kami ang nagdidikta sa kaniya ng mga dapat gawin. Nineteen years old ba 'to o nine?

This party isn't for us obviously. Para ito sa mga grade eleven—kaya nga welcome party. Pero mas nag-eenjoy pa rin ang mga grade twelve.

Tuwing party, hindi mawawala ang sayawan. Kaya tuwang-tuwa ang mga lovebirds nang magbukas ang dancefloor at tumugtog ang romantic song.

"Babes, tara!" Hinawakan ni Ace ang kamay ko.

"Anong tara?"

"Sasayaw tayo!" Hinila niya ako papunta sa dancefloor. Tinulungan siya ni Adrien kaya wala na akong nagawa. Naiwan si Franz sa table, binubuo iyong rubiks cube niya.

"Kuya DJ, budots!" sigaw niya sa DJ.

"Tarantado ka talaga, Ace." Binatukan ko na ang lalaki. He didn't give up until the DJ really played budots.

Tatlo kaming parang tanga na nagsasasyaw sa gitna, walang pakialam sa mga nanonood. Nag-e-enjoy naman ang mga estudiyante sa pagtawa.

When the song stopped, balik na ulit sa sweet songs ang tugtugan. But really, Ace and Adrien danced with me. Bago sila nagsayaw ng ibang babae ay isinayaw nila ako nang matino.

Nang mapagod ako ay binalikan ko si Franz. "Hindi ka sasayaw?" I asked.

He shook his head, not even glanced at me. Makulit ako kaya inagaw ko ang pinagkakaabalahan niyang rubik's cube at dinala siya sa dance floor.

"Kailangan mong sumayaw sa ayaw at sa gusto mo. Galaw-galaw din minsan."

Baliktad kami ni Franz. Ako ang nakahawak sa bewang niya at siya ang nakahawak sa balikat ko.

He smirked. "This must be your dream."

"Alin? Ang isayaw ka?"

"To hold someone's waist during a dance," aniya.

"Napunto mo."

Nagsasayaw kami ni Franz nang maagaw ng spotlight ang mata ko. The spotlight is on Celine and Ross. They're dancing, just a few matar away from us.

Nahihiya pa si Ross nang bahagya kunwari, gustong-gusto naman. Mahina akong natawa. "Torpe."

"Torpe nga."

Natingin ako kay Franz nang marinig siyang magsalita. Si Ross ang tinutukoy niya pero sa akin siya nakatingin.

"Ang ganda niya, 'noh?" Si Celine ang tinutukoy ko.

"Maganda ka rin naman."

Sinamaan ko ng tingin si Franz dahil sa sinabi niya. Mahina ko siyang hinampas sa dibdib.

"Pero maganda rin ang hanap ko," I said.

The side of his lips rose. "Do you think there's a chance in your heart you'll fall in love with a guy?" seryosong tanong niya.

Natigilan tuloy ang katawan ko sa paggalaw.

"Wala," I said. "At ayoko."

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 158K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
401K 22.2K 44
After knowing that someone aside from her is capable of securing the top spot, Aphra felt nothing but hatred and utmost dislike towards that person...
148K 16.8K 47
Unicode အကယ်၍ သင်သာနတ်ဆိုးတစ်ကောင်ရဲ႕ နက္ခတ်နှင့်အတူယှဉ်ပြီး မွေးဖွားခဲ့မည်ဆိုလျှင်... Zawgyi အကယ္၍ သင္သာနတ္ဆုိးတစ္ေကာင္ရဲ႕ နကၡတ္ႏွင့္အတူယွဥ္ၿပီး ေမြ...