Falling for the Billionairess...

By elisestrella

3.1M 82.2K 16.1K

C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice pre... More

Prologue
Day 1
Day 2
Day 3
Day 4
Day 5
Day 5 - Night
Day 6
Day 6 - Noon
Day 6 - Afternoon Date
Day 7
Day 7 - Later that Night
Day 7 - Later that Night con't.
Day 8
Day 9
Day 12
Day 13
Day 13 - Afternoon/Night
Day 14
Day 15
Day 19
Day 20
Day 20 - Night
Day 21
Day 22
Day 25
Day 25 - Night
Day 26
Day 26 - Night
Day 26 - Later that Night
Day 27
Day 28
Day 28 - Later that Night
Day 29
Day 29 - Later that Day
Day 29 - Later that Night
Day 1 of 4
Day 1 of 4 - Later
Day 2 of 4
Day 3 of 4
Day 3 of 4 - Later
Day 4 of 4
Day 4 of 4 - Night
Day 34
Day 35
Day 35 - Later that Night
Day 36
Day 37
Day 38
Day 38 - Later that Night
Day 39
Day 39 - Later that Morning
Day 39 - Later that Day
Day 39 - At Twilight
Night 1
Author's Note
FFTB Book 2

Day 24

54.2K 1.4K 213
By elisestrella

NAGPAKA-BUSY ako nang buong araw ng Wednesday. May secret project kasi ako para kay Meredith. Well, sabi ko para kay Meredith pero may ulterior motive ako, opkors. Ako pa!

So maaga akong pumasok, buong araw nag-hocus pocus sa schedule, nang-harass sa email at telepono, at nagtapos ng ilang araw na trabaho sa loob lang ng siyam na oras. Ako na! Ako na ang employee of the year.

Sa patry na kami nag-lunch ni Meredith. Nagpa-deliver na lang kaming dalawa para makatipid ako sa oras. Curious na curious siya kung bakit aligaga ako buong araw pero di ko sinabi sa kanya kung bakit. Quits lang kami dahil di pa rin naman niya sinasabi sa 'kin 'yung laman ng magic paper bag na dala niya n'ung isang araw.

Nang dumating ang 5PM, kulang na lang sumigaw ako ng "SUCCESS!" at makipag-fist bump sa monitor ko. Mission accomplished ako.

"Ash," tawag ni Meredith mula sa likuran ko at pinaikot ko ang upuan para humarap sa kanya.

"Yes, ma'am?"

Nasa pintuan siya ng opisina niya, nakasilip sa 'kin. "Anong oras tayo aalis?"

Pupunta kasi kami sa bahay ng kabarkada niya di ba? Doon kami mag-di-dinner at ipapakilala niya ako sa kanila.

Tiningnan ko ang relo ko. "Pwede namang ngayon na. Okay ka na ba?"

Tumango si Meredith. "Mukha kasing busy ka buong araw eh. Baka hindi ka pa tapos."

"Di, tapos na," sabi ko na masayang nakangiti. "Alis na tayo?"

"Okay," she said cheerfully at muling pumasok sa opisina niya.

Nag-shutdown ako ng computer at inayos ang mga nakakalat na papel sa ibabaw ng mesa ko. Nang tumayo ako, ready na si Meredith.

Gaya ng ginagawa ko araw-araw bago kami umuwi, inabot ko ang shoulder bag niya para ako na ang magdala. At gaya ng araw-araw niyang ginagawa, hinigpitan niya ang kapit sa bag para di ko 'yun makuha.

Ayaw kasi niyang ipagbuhat ko siya ng bag. Kaya naman daw niya kasi. Kung mabigat daw iyon, saka na niya ibibigay sa 'kin. Okay lang. Hindi rin naman kasi bagay sa 'kin ang kulay lavender na leather shoulder bag. Kung pink pa siguro... joke lang.

Kinuha ko na lang ang kamay niya at bumaba kami ng building papunta sa parking lot.

Malapit lang pala ang condo ng dalawa sa apat na best girl friends ni Meredith. Magkasama ang dalawa sa mga ito sa isang unit sa Serendra sa BGC. Lima kasi silang magbabarkada mula pa noong elementary sila sa Poveda. Nasa New York daw 'yung isa at kasalukuyang nagtatrabaho para sa World Bank. 'Yung dalawang nag-she-share ng apartment ay pareho namang nagtatrabaho sa Deutsche Bank sa Taguig, at 'yung isa ay kasalukuyang paralegal habang nasa UP Law.

Astig di ba? Pati mga kaibigan niya mga bigatin. Kung di ako confident, ma-i-intimidate ako eh.

Pumarada ako sa parking lot sa High Street at bumili muna kami ng pwedeng pang-dessert bago kami tumuloy sa Serendra.

Okay, to be honest, kinakabahan ako. Gets ko na kung ano'ng ibig sabihin ni Meredith na kinakabahan siyang makilala ang mga kabarkada kong nagmukhang pipitsugin kung ikukumpara sa mga kabarkada niya.

Gan'un na ba ngayon? Mas bigatin na ang mga babae? I mean, akalain ko bang magkaka-girlfriend ako ng vice president na bilyonarya?

Kumatok siya sa isang pinto at huminga ako nang malalim. Nagbukas ang pinto at masaya kaming binati ng isang magandang babaeng may aurang katulad ni Meredith, 'yung classy na babaeng halatang may pinag-aralan at may breeding.

Niyakap nito si Meredith bago tuluyang binuksan ang pinto para papasukin kami. "You must be Ash," bati nito na may kiss kaagad sa pisngi ko. "I'm Alessa. Charlie! Pia! Nandito na sila Meredith at Ash!"

May dalawan pang babaeng nagtititili ang sumalubong ng yakap at halik kay Meredith. Niyakap niya ang mga kaibigan. At nang pakawalan siya ng mga ito, tumatawa niyang kinuha ang braso ko.

"This is my boyfriend, Ash," pagpapakilala niya sa 'kin.

Siguro mukha akong nagulat na penguin habang nakatayo sa gitna ng living room nila habang hawak ang isang kahon na naglalaman ng cheesecake. Lalo na nang makitang nakatingin sa 'kin ang mga kaibigan ni Meredith na isa-isa naman niyang ipinakilala sa 'kin.

"Mas gwapo ka sa personal," biglang sabi n'ung ipinakilala niyang si Charlie.

"Ah, thank you?" sabi ko, hindi sigurado kung ano ang isasagot.

Tumawa naman 'yung si Pia at kinuha ang hawak kong kahon. "Pasensiya na. We Googled you when Meredith first told us about you."

Napatingin ako kay Mere na ngumisi sa 'kin. "Sorry," sabi niya. "Reklamo kasi ako nang reklamo sa kanila noon tungkol sa 'yo." She blushed. "Alam mo na, n'ung di ka pa marunong gumamit ng Avaya."

Natawa ako.

"G-in-oogle ka lang naman namin n'ung sinabi niyang gwapo ka eh," sabi ulit ni Charlie na sinundan ng nahihiyang saway ni Meredith at tawa ng iba nilang mga kaibigan. Sa barkada ni Meredith, mukhang ito ang katulad ni Marlon na walang preno ang bibig.

"D'un na nga kayo sa kusina!" aya ni Alessa. "Baka ma-trauma si Ash sa 'tin, di na bumalik. Ash, why don't you sit down first. Doon sa terrace if you want. Finishing touches na lang ang dinner then pwede na tayong kumain. Do you want anything to drink?"

"Ah, hindi. Okay lang ako. Mamaya na lang sa dinner."

"Sure!" sabi ni Alessa. "Pahiram muna kay Meredith ha. Ipaparetoke lang namin 'yung luto ko para masarap ang pagkain natin."

Don't leave me!

"Of course," sabi ko nang malakas.

Alam ko namang gusto nilang i-interrogate si Mere. Basta isama nila si Charlie ha. Medyo kinakabahan ako sa kanya eh. Hindi ako natanong ni Tito Eman kung paano ko bubuhayin si Mere pero feeling ko, itong si Charlie, manghihingi ng NBI at police clearance saka kopya ng ITR ko bago niya ko mabigyan ng blessing na maging boyfriend ni Meredith.

"Upo ka muna," sabi ni Mere na may pisil pa sa braso ko. "I'll be back in a bit."

Dahil inoffer naman na ni Alessa na magpunta ako sa terrace kung gusto ko, doon ako nagpunta. May wooden bench doon at doon ako naupo.

Palubog na ang araw at medyo madilim na. Mula sa terrace, kita ko ang mga ilaw ng mga buildings ng Bonifacio Global City. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng activity pero tahimik pa rin kaya hindi nakaka-stress. Maganda 'yung lugar, sa totoo lang. Less busy kesa sa area ng building ni Kuya. Parang masarap tumira dito.

Hindi ko namalayan kung gaano ako katagal na nakatambay d'un pero lumabas si Meredith ng terrace at naupo sa tabi ko sa bangko. I smiled at her.

"Hi," she said.

"Hi."

"Parang malalim ang iniisip mo ah," puna niya and I took her hand.

Di ba ang iniisip ko eh kung paano parang masarap tumira sa Serendra kung saan malapit sa sibilisasyon pero tahimik at maganda ang paligid at maganda ang mga units at hindi nakaka-stress sa area? So hindi ko alam kung bakit ang sinabi ko kay Meredith ay...

"Do you want to move in with me?"

Di ko alam kung sino'ng mas nagulat sa 'ming dalawa eh.

"What?!" bulalas niya, namimilog ang mga mata sa 'kin.

Eh since nan'dun na 'ko, ituloy ko na ang laban. Isa pa, once inulit ko siya sa isip ko, I realized that the idea made sense, at na isa 'yun sa mga pinakagusto kong mangyari sa buhay ko.

"Wala pa naman akong sariling bahay," sabi ko. "Pero kung sakaling magkaroon ako ng sarili ko, would you move in with me?"

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Malamang inaatake na rin siya sa puso.

"Do you want me to?" she finally asked.

"Kaya ko nga gusto ng sarili kong bahay eh," nakangiti kong sabi sa kanya.

She giggled, then she started to laugh. And then she was hugging me around my neck. Tumawa na rin ako at niyakap siya.

"Okay, I know ang weird lang," sabi ko habang hinahaplos ang likod niya. "Alam kong ang bilis kasi three days pa lang tayo, inaaya na kitang mag-live in. But I really, really want to be with you." I moved away so I can look at her face. Hinawi ko ang buhok niyang nalaglag sa mukha niya at ngumiti. "It doesn't even matter that we're not sleeping with each other yet. I just want you with me. So, would you?"

She bit her lower lip, smiled then nodded. "Yeah, I would."

Masaya akong tumawa at pinagdikit ang mga noo namin. "I'll see what I can do," pangako ko habang nagkukumahog ang brilliant kong brain kung paano ko magagawan ng paraan 'yun. Basta ang alam ko lang, magkakaroon ako ng sarili kong bahay sa lalong madaling panahon. I can feel it.

"Alam mo," she started while looking up at me through her lashes. "Kung talagang gusto mo, alam mo namang kaya kong kumuha ng unit ngayon kahit saan mo gusto eh," sabi niya na walang halong yabang. Totoo naman. Balajadia siya eh. "That is, if you really want to."

I kissed her nose. "I do, at alam ko 'yun pero hayaan mo na lang muna 'yung pride ko. Hindi pa 'ko nagkaroon ng achievement na ako lang ang gumawa o ng pangarap na ako lang ang tumupad. Ito, pangarap ko 'to para sa 'ting dalawa. Importante 'to sa 'kin. Gusto ko naman sana na ako ang magtrabaho para matupad 'to." Huminto ako tapos ngumisi. "Pero kapag di ko kaya at naiinip na ako, manghihingi na talaga ako ng saklolo sa 'yo."

She burst out laughing. "Sige."

Inakbayan ko siya at sumandal siya sa tagiliran ko. "Ganito na lang. Kung makakuha ako ng bahay or condo o whatever, feel free to furnish it. 'Yun na lang ang deal natin. I get the place, you get to fill it up with anything you want."

Tumango siya at isinandal ang ulo sa balikat ko. I kissed her forehead and leaned my head against hers.

Shit. Matanda na nga 'ko. Bahay na gusto ko eh. Bahay at future at isang babaeng kasama kong tumanda.

But know what? I kinda don't mind. Nope, I really don't mind at all.

PARANG mas good boy pa ako rito kaysa n'ung nasa bahay nila kami at ang kausap ko eh ang parents niya. Dahil ba nakausap ko na si Tito Eman? O dahil sigurado kong civilized siya kung sakaling may mali akong gawin. Itong mga kaibigan kasi ni Meredith, parang pwede akong ipa-salvage kapag may masabi akong mali.

Mabalitaan mo na lang na napulot ang lasog-lasog kong katawan sa talahiban, naka-duct tape ang mga kamay at paa at may karatulang nakasabit sa leeg ko na nagsasabing ng kung anumang pagkakasala ko kay Meredith.

"So, Ash," sabi ni Charlie habang naglalagay ako ng kanin sa pinggan ni Mere. "Aside from being Meredith's assistant, what else do you do?"

Wow. Expected ba nilang dalawa ang trabaho ko para mapakain ko ang kaibigan nila?

"Charlie," saway ni Meredith.

Nagtaas ng mga kamay si Charlie. "What? I just meant kung ano'ng mga hobbies niya."

Bumuga ako ng hangin. "Sorry. Akala ko kasi tinatanong mo kung paano ko bubuhayin si Meredith eh."

Nagtawanan ang magkakaibigan.

Ano nga bang mga hobbies ko? Drinking? Di na ngayon. Matagal na kong di umiinom. Malinis na nga ulit ang atay ko eh. Partying? Di na rin. Shit. Wala ba 'kong hobby?

"He sings!" pag-vo-volunteer ni Meredith ng impormasyon at nagulat akong napabaling sa kanya.

"Oh, my God! You do?" sabay-sabay na tanong ng mga kabarkada ng girlfriend ko.

"I do?" tanong ko rin.

Tumawa si Meredith. "I heard you sing. Someone with a voice like that can't not like to sing."

Napangiti ako. "Well," simula ko habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya. Hinawakan ni Meredith ang pupulsuhan ko para sabihin sa 'kin tama na 'yung kanin niya. "I can sing, sure, pero hindi ako masyadong mahilig. Hindi ako nakikipag-unahan sa mic kapag may videoke or something."

"Teka!" sabi ni Alessa mula sa tapat namin sa mesa. "Are you girls thinking what I'm thinking?"

"Oh, no," sabi ni Meredith. "No! NO!"

"KARAOKE NIGHT!" sabay-sabay na saad ng mga kaibigan niya.

Tinakpan ni Meredith ng mga kamay ang mukha niya.

"Maaga pa! Pwede pa tayong tumuloy after dinner!" masayang sabi ni Alessa.

"Maaga pa kami bukas ni Ash!" singit ni Mere.

"Sandali lang tayo. We can be home by 10," ani Pia.

"Hindi ka mahilig mag-karaoke?" tanong ko kay Meredith habang nakalabi siya sa pinggan niyang nilalagyan ko na ng ulam.

"Hindi ako marunong kumanta," she whined at natawa kaming lahat.

"O, eh hindi naman lahat ng kumakanta sa karaoke, kaboses ni Adelle," paalala ko. "Hindi masamang maging sintunado."

Hinampas niya ako. "Ang yabang mo ha!"

I laughed and chucked her under the chin bago ko binalingan ang sarili kong pinggan.

"So, go na tayo?" tanong ni Alessa. "I'm in."

"Ako rin," seconded ni Pia.

"Ako rin," habol ni Charlie. "Ikaw, Ash?"

Sinulyapan ko si Meredith. Hindi naman talaga ako mahilig sa videoke/karaoke. I'm not the best singer sa mga kabarkada ko, and even if I were, hindi pa rin ako ang magiging lead singer ng banda nila. I could pass right now pero gusto kong biruin si Meredith at gusto kong magpa-good shot sa mga kaibigan niya. So what else is a guy to do? "I'm in."

"Yay!" they cheered aside from my girl na mas lumabi.

"Fine," nagtatampo niyang sabi pero tumawa ako, hinila siya at hinalikan sa sentido.

"Kung di lang kita mahal," sabi niya sa 'kin.

"Nilalanggam yata ako," sabi ni Charlie at tumawa na naman kaming lahat.

AFTER dinner, nagmaneho ako papuntang Greenbelt 3. Sa Red Box daw kasi sila komportableng mag-karaoke so d'un kami nagpunta.

"Kakanta tayong lahat ha!" sabi ni Alessa nang makapasok kami sa isa sa mga kuwarto. Agad na namili ng mga kanta ang mga babae.

"God, kapag marinig mo 'kong kumanta, makikipag-break ka talaga sa 'kin," sabi naman ni Meredith sa 'kin habang nakasiksik sa tabi ko sa sofa.

Tumawa ako. "I doubt it," sabi ko sabay kiss sa tuktok ng ulo niya.

"Meredith, dali!" tawag ni Alessa bago lumapit, hinila patayo si Meredith at inabutan ng mic. "Sandali lang, Ash ha! Group song namin 'to eh."

Nag-aalala akong tiningnan ni Meredith at pinisil ko ang kamay niya. "Just remember that I love you," seryoso kong sabi at tumawa siya bago ako binitawan para tumayo kasama ng mga kaibigan niya sa tapat ng TV.

Nakilala ko 'yung kanta, Cry ni Mandy Moore. Si Pia ang unang kumanta. She had a nice voice actually. Tinapos niya ang unang stanza bago sila sabay-sabay na kumanta ng chorus. Then si Alessa ang kumanta, then si Charlie. Mukhang group song nga nila 'yun dahil kabisado na nila kung sino ang susunod na kakanta.

And then, Meredith's part came.

I wanted to hold you

I wanted to make it go away

I wanted to know you

I wanted to make your everything all right....

Maryosep, I will never think of Mandy Moore's Cry the same way again. Naiyak ako eh. Kumbaga eh hindi si Mandy Moore ang katunong ng singing voice niya kundi si Mandy Pacquiao. Pero kapag sinabi mo sa kanyang sinabi ko 'yun, i-de-deny ko 'yung hanggang sa huling sandali ng buhay ko.

Nag-cheer ang mga friends niya at hiyang-hiyang tinalikuran ni Meredith ang screen at takip ang bibig at pulang-pula ang mukha habang nakaharap sa 'kin. Tumatawa akong tumayo para lapitan siya at mahigpit siyang yumakap sa leeg ko. I wrapped my arms around her waist and lifted her up.

Kumakanta pa rin sila Alessa at tinapik nito ang balikat ni Meredith. Ibinaba ko siya ulit, at niluwagan niya ang pagkakayakap sa 'kin pero pinanatiling nakadikit sa balikat ko ang namumulang pisngi habang sinasabayan ang mga kaibigan sa pagkanta. I cradled her against me, swaying gently while my perfect girlfriend sang with the rest of her friends.

At nang matapos 'yun, malakas kaming nag-cheer at niyakap ko siya ulit. "That was horrible!" masaya kong sabi at malakas siyang tumawa habang nakasubsob pa rin sa balikat ko.

"Pero mahal mo pa rin ako di ba?" tanong niya.

"Parang gusto nang magbago ng isip ko ah."

Kinurot niya ako at niyakap ko siya ulit bago kami bumalik sa sofa para makinig at makikanta (nang walang mic) sa mga kaibigan niya.

And then they handed me the mic.

"Alam mo 'yung Dare You to Move, Ash?" tanong ni Pia.

"Ah, oo, Switchfoot. Sige," sabi ko habang tinatanggap ang mic. I figured isang kanta lang then I can give the mic back and cuddle with Meredith on the sofa hanggang sa magka-ayaang umuwi. So I sang while Meredith's legs were draped over my lap and my arm draped over her legs.

At nang matapos ko ang kanta, inabot ko kay Alessa 'yung mic. Nakatitig lang sila sa 'kin. Napatingin ako kay Meredith na may mayabang na ngiti sa mga labi.

"See?" sabi niya sa mga kaibigan niya. "I told you he could sing."

"Oh, my God!" sabi na naman nila bago nagunahan sa listahan ng mga kanta. Sinabi ko bang magka-cuddle lang ako kay Meredith hanggang magka-ayaang umuwi? Di 'yun nangyari. Dahil nag-request silang lahat ng song after song after song hanggang sa naisip kong manghingi na ng talent fee dahil pinag-concert nila ako hanggang sa magka-ayaang umuwi.

MUKHANG mataas naman ang approval rating ko sa kanila. Pagkatapos kong mag-one man show, kundi ba naman? Hinatid ko sila ulit sa Serendra at may kiss at hug pa ako mula sa kanilang lahat, kahit si Charlie.

As soon as the car door closed behind her friends, binalingan ako ni Meredith at niyakap. "I love you so very, very much," sabi niya sa 'kin.

I sighed happily. "I love you, too."

"Kahit super sintunado ako?"

"Ha? Sintunado ka ba?" biro ko, nakangiti. Kinurot niya ako sa ilong and I caught her hand and kissed her fingers. "Because I think you're perfect."

Napangiti siya. She stroked my lips then moved closer to give me a kiss. Yeah, perfect talaga siya, perfect para sa 'kin.

Hinatid ko sa bahay nila si Meredith pero inabot ko ang braso niya bago niya mabuksan ang pinto ng kotse ko para bumaba.

"Mag-empake ka na ng mga gamit mamaya para sa weekend," sabi ko nang bumaling siya ulit sa 'kin.

Her eyes widened. "Tuloy tayo bukas?" tanong niya na excited ang boses.

Tumango ako, nakangisi na, proud na proud sa sarili. "Kaya ako busy kanina. Sinubukan kong i-re-sched 'yung mga afternoon appointments mo nang umaga saka tinapos ko 'yung mga paperwork na kailangan. Medyo sunud-sunod nga lang bukas ang meeting mo ha, 9 to 2. After two, pwede na tayong bumiyahe pa-Laguna. Sunday na ang balik natin dito."

She squealed excitedly and threw her arms around me.

Tumawa ako. "Surprise!"

Bahagya siyang lumayo bago pinaulanan ng halik ang mukha ko. "I love you, I love you, I love you, I love you! Thank you! You're the best!"

Tumawa ako. "I know," sabi ko bago hinuli ang mga labi niya para sa isang mas malalim na kiss. "I love you, too."

Pagkatapos, hinatid ko siya sa gate nila, kiniss siya ulit at sumaludo sa sekyu sa gate na nakangisi rin sa 'kin bago ako umalis.

INABUTAN ko sa sala si Kuya Lex na kumakain ng ice cream at nanonood ng TV.

"Hey," bati niya at lumapit ako para maupo sa tabi niya.

"Hey. Penge." Kinuha ko ang ice cream. Omaygulay, caramel ice cream na may Twix!

Ilang minuto kaming nagpasahan ng ice cream container habang nanonood ng kung anong programa sa HBO nang tumikhim ako. "Kuya, may pera ka ba?"

Ni hindi siya nag-alis ng paningin sa TV nang kumuha siya ng isang kutsarang ice cream. "Oo. Magkano kailangan mo?"

"Mga three million pesos."

I winced, waiting for his reaction. Nalimutan ni Kuya 'yung ice cream eh.

"Para sa'n?"

Kinuha ko 'yung kutsarang nalimutan na niyang hawak niya bago pa matunaw 'yung ice cream at sinubo iyon bago ako nagsimulang magpaliwanag.

"Gusto ko sana ng sarili kong bahay. Pwede namang hindi three million. Pwede namang pang-down payment lang. Nagkukwenta ako habang pauwi ako eh. Hindi ko lang kaya 'yung down payment nang isang bagsak pero sa sweldo ko, kaya ko namang magbayad ng monthly para sa condo."

Hiyang-hiya ako. At ngayon lang ako nahiya ha pero bahala na. Kapalan na ng mukha ito. Wala naman kasi akong ibang malalapitan eh.

"Okay 'yung stocks," patuloy ko, nararamdamang namumula na ang mukha ko. Alam mo 'yung sunud-sunod ang sinasabi mo kasi gusto mong makumbinsi 'yung kausap mo? Yup, gan'un ako ngayon.

"Hindi pa naman ako nalulugi. Kumita na ako ng almost thirty thousand pesos kaya pwede ko nang pandagdag 'yun. After six months, may access na ko ulit sa trust fund ko. Kung pautangin mo 'ko ng pang-down, ibabayad ko sa 'yo 'yung monthly allowance ko 'tapos sa sweldo ko kukunin 'yung rent sa condo na makukuha ko. May matitira pa naman kaya may pang-gastos pa ako hanggang sa mabayaran ko 'yung utang ko sa 'yo. Ikaw nang bahala kung paano mo gusto 'yung bayad o ilang hulog o kung ano."

Nang hindi kaagad sumagot si Kuya, nag-angat ako ng paningin. Nakatitig lang siya sa 'kin. Kinabahan ako. "Is that a no?" tanong ko, nanunukat.

Parang nagising si Kuya at mabilis na umiling. "Ha? Hindi. Sorry, naguluhan lang ako. Gusto mong mangutang ng pambili ng bahay?"

"Or pang-down payment sa condo. Basta bahay."

"Hihiwalay ka na kila Daddy?"

Bumuga ako ng hangin. "Hindi ko na maisip na babalik ako d'un eh. And I can't stay here."

"You're always welcome here," paalala ni Kuya Lex.

And I smiled. "Alam ko, Kuya. Kaya lang malaking hadlang naman ako sa buhay mo. Paano ka mag-uuwi ng babae kung lagi akong nandito."

"Hindi naman ako nag-uuwi rito ng babae eh."

Nanlaki ang mga mata ko. "Lalaki ang inuuwi mo?"

Pinaningkitan niya ako. "Gusto mo bang pautangin kita o hindi?"

"Eh, siyempre, gusto." Please?

"Will Meredith be living with you?"

Ayun. Sapul! Sinabi ko na rin kasi sa kanya na kami na nga. Ngumisi lang si Kuya at sinabi sa 'king "anyone with eyes would have know that, Ash. Nakita namin kayo n'ung ground breaking ceremony".

"I want her to," sabi ko na lang. Ayaw ko namang isipin niyang inaaya ko si Meredith na tumira sa 'kin nang wala pa 'kong sariling bahay. Baka sabihin niyang ang tigas naman talaga ng mukha ko.

Finally, tumango si Kuya. "Maghanap ka ng gusto mo and let me know how much you need. Pero dahil inutang mo 'to, babayaran mo 'to ha, Ash. This isn't a handout."

Tumango ako. "Oddly, I don't want a handout pagdating sa bahay so opo, Kuya. Utang ito. Pero kung kotse, okay lang sa 'kin kung gusto mong ipamana sa 'kin ang Ferrari mo." Tumawa si Kuya at inabot sa 'kin ang lalagyan ng ice cream. Nakangiti ko 'yung tinanggap. "Salamat ha, Kuya Lex. Siguro mag-se-set na lang ako ng automatic transfer sa 'yo buwan-buwan para hindi ako maka-miss ng bayad."

"Saka na natin pag-usapan," sabi niya. "Maghanap ka muna ng bahay." Pinag-aralan niya ako ulit bago siya napapangiting umiling. "Meredith really is a good influence on you, you know. 'Wag mo na siyang pakawalan."

Nahihiya akong ngumiti. "Hindi na, Kuya. I'm keeping her for as long as she wants me."

At sana 'yun ay for as long as we both shall live na.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 89.3K 52
Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard niya na si Hunter. Sa kadahilanan mahan...
120K 2K 23
[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal n...
4.5M 38.3K 70
Sa Fairytale si Cinderella ay may Prince Charming na nag ligtas sa kanya sa pangaalipin ng dalawang Step Sister nya at ng kanyang Step Mother dito sa...