BHO CAMP #3: Clash Of The Pri...

By MsButterfly

4.6M 95.3K 6K

I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Tr... More

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1
CHAPTER 1 ~ Folder ~
CHAPTER 2 ~ Monster and Master ~
CHAPTER 3 ~ Fun ~
CHAPTER 4 ~ The Island of Oooh and Aaah ~
CHAPTER 5 ~ A Leader ~
CHAPTER 6 ~ Dinner ~
CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~
CHAPTER 8 ~ Real ~
CHAPTER 9 ~ Forgotten Past ~
CHAPTER 10 ~ Try ~
CHAPTER 11 ~ Finaliento ~
CHAPTER 12 ~ Trust ~
CHAPTER 13 ~ Love ~
CHAPTER 14 ~ This Time ~
CHAPTER 15 ~ His ~
CHAPTER 16 ~ Roar ~
CHAPTER 17 ~ TLT ~
CHAPTER 18 ~ Ready ~
CHAPTER 19 ~ Air Hockey ~
CHAPTER 20 ~ Dawn ~
CHAPTER 21 ~ Home ~
CHAPTER 22 ~ Crazy ~
CHAPTER 23 ~ Perfect ~
CHAPTER 24 ~ Attack ~
CHAPTER 25 ~ Uncomfortable ~
CHAPTER 26 ~ Mine ~
CHAPTER 27 ~ I-Madonna ~
CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~
CHAPTER 29 ~ Work Hard ~
Up Next
Special Chapter

EPILOGUE

164K 3.5K 574
By MsButterfly

EPILOGUE

DAWN'S POV

Pigil ang ngiti na nilingon ko ang kabilang office. Nandito ako ngayon sa office ko at kasalukuyang nagtatrabaho pero naagaw ang atensyon ko sa ginagawa ni Triton sa office niya. Kasalukuyan kasi siyang nakasimangot habang nililinis iyon ng mag-isa.

Hindi iilang beses na tinapunan niya ako ng tingin sa glass wall na para bang humihingi ng saklolo. Pero wala akong balak na tulungan siya.

Una, marami din akong trabaho. Pangalawa, siya ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa kundi ipunin ang kalat sa office niya. Though malaki ang pinagbago niya dahil maayos na siyang nagtatrabaho ngayon ay hindi pa rin nawala sa kaniya ang pagiging makalat sa office. Pangatlo, hindi niya makukuha ang surprise ko sa kaniya kapag hindi niya tinapos ang paglilinis ng mag-isa.

Kailangan niyang matuto na ayusin ang office niya dahil hinding hindi ako makakapayag na maging makalat siya lalo na sa flat namin. Lumaki ako na gusto kong laging maayos ang nasa paligid ako at wala akong balak na ako lang ang kumilos sa aming dalawa. Kasal kami kaya mula ng magpalitan kami ng mga vow ay naging tanda na iyon na magkatulong kami sa lahat ng bagay.

I looked at the pile at my desk. Mas marami pa iyon kanina. Kailangan ko lang naman na basahin ang mga iyon at aprubahan ang mga dapat aprubahan, i-una ang mga kailangan na kaagad tapusin na mission at ihuli ang hindi pa naman nasa red alert.

"Sweetheart."

Tumingin ako sa glass wall ng magsalita si Triton mula sa intercom. "What?" I asked with no emotions. Kahit na ang gusto ko ay humagalpak ng tawa. Meron pa kasi siyang suot na gwantes, apron at bandana.

"Hindi ba talaga pwedeng advance ang surprise?"

"Hindi. Go back to work. Chop chop!"

Biglang may nag-iba sa mga mata niya. Namula ang mukha ko dahil pamilyar sa akin ang tingin na iyon. I always used the words 'chop chop' when...you know. Kaya paniguradong iba ang naiisip niya.

Alam ko na kulay kamatis na ang mukha ko ngayon lalo na at tila nang-aasar na bumabalik sa utak ko ang mga kababalaghan na pinagagawa naming dalawa. What can I say? Mukhang pinakasalan ko ata ang isang lalaki na gustong daigin si Superman.

"Work." utos ko ulit.

"Ma'am, Yes, Ma'am!"

Nangingiting ibinalik ko na sa trabaho sa harapan ko ang atensyon ko. Pilit na pinigilan ko ang sarili ko na mapatingin sa gawi ng office ni Triton dahil natutuwa talaga ako sa itsura niya. Nitong mga nakaraan ay sala sa init at sala sa lamig ang stado ng emosyon ko pagdating sa asawa ko. May mga pagkakataon na aliw na aliw ako sa kaniya at mayroon naman na parang gusto na siyang itapon sa bulkang taal.

Not that it's far from the usual Dawn and Triton before we got married. Mas malala lang ngayon dahil magkasama na kami sa iisang bahay at talaga namang kahit siya ay nalilito sa bilis ng mood swing ko. Pasalamat na lang din talaga ako na mahal ako ng mokong dahil imbis na layasan ako ay nilalambing na lang ako.

Kung meron man sa amin na mainit ang ulo ay sinisigurado namin na hindi kami magkakasabay. Kung nagkataon naman na magpang-abot ang init ng ulo namin ay isa sa amin ang umaatras na lang. Usually him when I get emotional. Hindi niya kasi kayang nakikita na malapit na akong umiyak.

It's been two months since our wedding, pero pakiramdam ko sa araw-araw ay para bang panibago lagi ang sinisimulan namin. Marami kaming natututunan at natutuklasan sa isa't-isa na kahit noong mga panahon na nagtanan kami ay hindi ko pa nalaman.

Katulad kapag madaling araw ay bigla na lang gumigising si Triton at parang daga na naghahalughog sa kusina, o kapag umaga ay bigla na lang siyang nakakatulog sa walang tubig na bathtub, na super kalat niya sa bahay.

Dahil doon ay nagkaroon kami ng arrangement na alternate kami na maglilinis sa kwarto namin.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang security alarm ng office ko. Lumabas sa built in screen sa desk ko ang identity profile ni Hermes. Ilang sandali lang ay pinunch in na niya ang code. After he did, I pressed my own security code to let him in.

Sa pagkakatanda ko ay wala naman naka-assign na mission sa kaniya ngayon. But if he wants one then I think I can arrange something for him.

"Dawn." sabi ni Hermes bilang bati ng makapasok siya sa loob.

Tinanguhan ko siya. "Gusto mo ng mission?"

Umiling siya. "No. I just want to ask you something." sabi niya at umupo sa upuan sa harapan ko. Seryoso ang ekspresyon sa mukha niya at imbis sa usual ng blanko niyang mga mata ay may kung anong nakabalatay doon.

Pain.

"If it's about Ale, I'm working on it."

Wala pang ibang nakakaalam pero humingi ng tulong sa akin si Hermes para tignan ang DNA ni Ale. Noong una nagulat talaga ako. Alam naman kasi ng lahat na para silang aso't pusa ni Storm noon. Though nararamdaman naming ng mga agent na may iba siyang nararamdaman para sa babae ay hindi ko inakalang aabot sa pagkakataon kung saan may mamamagitan sa kanila.

He explained everything to me and I decided to help him. Hindi niya pa lang pinapaalam sa iba kaya confidential pa ang tungkol dito. Naiintindihan ko naman siya. Kung kakayanin kasi ay pinipigilan namin na maungkat pa ang kahit na anong tungkol kay Storm maliban na lang kung ang tungkol sa Claw ang pag-uusapan namin.

Masyado ng maraming nasasaktan. Lalo na sa aming mga kamag-anak ng babae. Bringing her up is life digging for her grave again. Over and over.

"Hindi rin tungkol kay Ale ang ipinunta ko."

Kumunot ang noo ko. "Then about what?"

Kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng emosyon. I can't help but think about the Hermes before we lost Storm. Hindi kami ganoong ka-close pero kakilala ko na siya mula nang mga bata pa lang kami. Nakakapanibago na makita siya na ganito. Walang buhay at kung mayroon man ay puno na lang ng pait.

Dumadating man ang pagkakataon na humaharap siya sa tao at ngumingiti para bang kami ang nasasaktan kapag nakikita siyang nagpapanggap. Dahil ramdam at kita namin sa kaniya kung paano siya nahihirapan.

"Nasa iyo pa ba ang regalo sa iyo ni Storm? I was thinking about it last night and I thought to ask you if I can see it. Kung pwede."

Lalong lumalim ang gitla sa noo ko. "Regalo?"

"She put it here before she died. Mga panahon kung saan inatake ng mga tauhan ng Claw sila King."

Naaalala ko ang sinasabi niya. Sino ba ang hindi? Iyon ang mga panahon na hindi pa nareresolba ang issue kay King at sa gustong pumatay sa kaniya. Mga panahon na buhay pa si Storm at hindi namin siya nagawang tulungan.

Naguguluhang umiling ako. "Wala akong nakita na kahit na ano dito. Matagal na akong naglinis dito pero wala naman akong nakita."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. I don't know why he's searching for it. Maybe he missed Storm that much. Na gusto niyang makita kahit isang patunay na nag e-exist ang babae.

Bukod kay Ale ay wala ng naiwan na may kaugnayan kay Storm. She cleared her room before she left. Like Sky said...it was as if she never existed. Tanging sa larawan na lang at kay Ale namin naaalala si Storm. But any trace of her was just gone.

"Can I search for it?"

I just nodded at him when I can't suddenly find my voice. Lumapit siya sa mga cabinet sa likuran ko at nagsimula ng maghanap.

Kung sa iba malamang ay hindi ko ipapahawak ang kahit na ano rito sa office ko. Ayoko ng nagugulo ang mga gamit ko sa pagkakaayos nila. Pero hindi ko magawang mahanap sa puso ko ang lakas para tumanggi sa kahit na anong hilingin ni Hermes. Not that he ever ask for too much.

Lahat kami ng mga agent ay alam ko na gano'n din pagdating sa kaniya. Dahil hindi namin gustong madagdagan pa ang hirap na dala niya.

I know that we all lost her. Alam ko na mahirap para sa aming lahat. But Storm's family had more time with her more than he did with her. They're barely starting. Pero alam ko...nararamdaman ko na higit pa sa nakikita namin sa ibabaw ang lalim ng pagmamahal niya sa babae.

We all saw it. How a man with so much life before died in front of us. Like he died with her.

"Sweetie!"

Napatalon ako mula sa kinauupuan ko. Masama ang tingin na binalingan ko ang office ni Triton at pinindot ko rin ang intercom. "Ano?!"

"Tapos na ako!" Triton said, happily clapping his hands together.

Pinaikot ko ang mga mata ko ng inilapat niya ang mga kamay niya sa glass wall at nagpapaawa na tinignan ako. Some things never change. "Fine. Pumunta ka na rito bago pa magbago ang isip ko."

Mabilis pa sa alas kwatro na pinunch in niya ang security code para makapasok sa office ko. Hindi na rin niya ako inintay na kumilos dahil may pinindot na naman siya. Looks like nahack na naman ni Triton ang personal password ko. But this time I don't think I can go to Freezale and tell her to change it. Dahil una panigurado akong sawang-sawa na si Freezale sa aming dalawa. Pangalawa ay wala naman ng rason pa. He's my husband after all. Besides I know his password a long time ago. And I don't have plans on telling him.

"What's the surprise? What's the surprise?!"

"Sit." I said pointing at the chair.

Ngiting ngiti na sumunod siya at kinawayan lang si Hermes na nasa may likuran ko. "Hi! Tuloy mo lang iyang ginagawa mo. Busy kami."

I pressed my lips together to stop myself from laughing. Trust Triton to always change a tense situation into a light and happy one. Pilit na pinapaseryoso ang ekspresyon na may kinuha ako sa gilid ng desk ko na nakabalot sa tissue. Inabot ko iyon kay Triton na napalitan ang excitement sa mukha ng pagkalito.

"Pinaglinis mo ako ng office ko mag-isa...para sa isang tissue?" tanong niya na may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "Mayaman naman ako, sweetie. Saka kaka-grocery lang natin kahapon. Marami tayong tissue."

"Look at it, silly."

Nagtataka pa rin na kinuha niya iyon sa akin bago niya hinawi ang sheet no'n para makita ang nasa loob no'n. Nanlalaki ang mga mata na napatitig siya ro'n. Ilang sandali ang lumipas ay nasa ganoon pa rin siyang tagpo na para bang na-freeze na siya roon.

"Amm...I think I should go. This can turn badly. Especially for me if the rumors are true-"

Hindi na natapos ni Hermes ang sasabihin niya ng sa isang kisap mata ay nasa tapat niya na si Triton at magkalapat ang kanilang mga labi.

Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit walang palyang nangyayari ito sa mga agent na lalaki kapag nalalaman nilang buntis ang mga asawa nila sa unang pagkakataon. Kahit ang mga tita at tito ko na doktor ay hindi masagot ang kakaibang 'virus' na ito sa kanila.

Sa tingin ko sa sobra nilang pag-iisip sa mga ganitong pangyayari ay tumatatak na sa kanila ang mga tagpong ganito. Kaya pag sa kanila nangyari at nawala sila sa sarili nila ay para bang hinahawak nila ang unang magpapaalala sa kanila ng realidad.

Thankfully saglit lang ang itinagal ng halik dahil bigla na lang nawalan ng malay si Triton. Mabuti na lang at nasalo siya kaagad ni Hermes. Mukha tuloy si Hermes na isang prinsipe na sinalo ang damsel in distress na prinsesa.

"Well, congrats." Hermes murmured.

Naiiling na lumapit ako sa kanila at kinuha ko ang pregnancy test na naihulog ni Triton. Inilagay ko iyon sa desk bago ko hinarap uli ang binata na mukhang tinatangka nang bitawan ang asawa ko. "Pakilagay na lang sa sofa."

Bumuntong-hininga siya at sumunod. Kinaladkad niya ang wala pa ring malay na si Triton patungo sa sofa at ibinagsak ang lalaki roon ng walang pag iingat. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako naman ang nasa kalagayan niya baka hindi lang iyan ang gawin ko.

I cleared my throat when his eyes came back to me. "Nakita mo na ba ang hinahanap mo?"

"Yeah. It was hidden at the back of your books in that shelf." he answered and pointed at my now disorganized bookshelves.

Tinginan ko ang malaking envelope na nabitawan niya marahil ng halikan siya ni Triton. Binuksan ko iyon at kinuha ang nasa loob na folder. I opened it and my eyes widened when I saw the title.

Storm Reynolds' Novelette.

"Oh my god." I whispered.

I scanned some of the pages. Napaupo ako ng makita ang ilan sa mga entry doon. It was her story. Everything that happened to her. It was full of pain and hatred. Pakiramdam ko ay nanindig ang mga balahibo ko sa bawat salitang binibitawan niya. "God." sinarado ko ang folder at umiiling na ibinigay ko iyon kay Hermes. "I-I can't..."

"Ibabalik ko sa iyo ito."

"No-"

"You need to read it."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil alam kong tama siya. Alam ko na kailangan kong malaman ang nangyari kay Storm. May rason kung bakit sa akin niya iniwan ito. I need to read it. So I can braced her family from the truth. The truth that they all deserve to know. Pinagkatiwalaan niya ako na gumawa ng paraan kung paano ipapaalam sa pamilya niya ang katotohanan.

Kumilos ako para sumubsob sa desk ko at itago sa kaniya ang mga luha ko dahilan para matabig ko ang talaksan ng mga papel at folder sa harapan ko. Yumuko ako para pulutin iyon ng may makita akong puting sobre.

"Nakalimutan ko na ito." bulong ko sa kawalan. Ito ang ibinigay sa akin ng driver noong kasal namin.

Binuksan ko ang sobre at kinuha ko ang papel sa loob no'n. My eyes immediately stopped at the top of the page. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nanlamig sa rumehistro sa akin mula sa nabasa. Bakit ngayon ko lang nakita 'to ulit?

"Dawn?"

Nag-angat ako ng tingin. Nasa akin ang atensyon ni Hermes pati na ni Triton na nahimasmasan na at ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. "What is it?" Triton asked worriedly.

"Waine Claw."

Ilang sandaling katahimikan ang pumalibot sa amin bago sila nagkaniya-kaniya ng mura ni Hermes. Lumapit sa akin si Triton para kunin ang sulat pero inilayo ko iyon sa kaniya. "Give that to me, Dawn."

"Nandoon siya sa kasal natin." bulong ko habang yakap ko ang sarili ko. "He was there."

"Dawn, give the letter to me."

"He's an another Claw. Akala ko si Wyatt at Warner lang. Now we know the third brother. Why he wrote a letter to us I don't know but-"

"Dawn!"

Umiling ako at binuklat ko iyon. Muling napamura si Triton. I know he's scared that someone might be threatening me. O kung baka ako ang susunod na target ng Claw. But whatever it is I need to find it out. Because I can feel it. I can feel that there's something more that we need to know.

I read the letter word by word...my eyes widening as I processed its content. Naramdaman ko ang paninigas ni Triton sa tabi ko na nakikibasa rin. Nanginginig ang mga kamay na nagtaas ako ng tingin kay Hermes na naghihintay na nakatingin sa amin. "Triton and I need to talk privately."

Sandaling nakatingin lang siya sa amin. But every since we lost Storm, it's like there's no fight left from him anymore. Tahimik na tumango siya at lumabas na ng office dala-dala ang iniwan ni Storm na folder ng hindi na lumilingon pa.

Nang makasigurado ako na wala na siya ay hinarap ko si Triton. "Tri...I can't believe this. This must be some kind of a sick joke. Imposible. Bakit ngayon lang? ="

"Aalamin natin lahat ng katotohanan, Dawn."

"W-What if it's just a prank. I-I...I..."

Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinalikan iyon. "I'll be here. I promise. Whatever it is, nandito lang ako."

I looked back at the letter. Sulat na naglalaman na magpapabago sa lahat ng pinaniniwalaan namin...sa lahat ng akala namin ay alam namin. Naglalaman iyon ng pag-asa mula sa maaaring posibilidad ng kasalukuyan.

If this is true...I am hell sure that all our lives will catapult to changes that we all didn't expect. If this is true...then we need to decide and act fast.

You don't know me but my name is Waine Claw. And with just that surname alam kong alam niyo na kung sino ako. Maaari niyong paniwalaan at maaari ring hindi ang mga nilalaman nito. Ginagawa ko ito para sa ikatatahimik ng ina ko. She told me to give you this when she's gone.

Claw's hunting us down. They will kill us. The reason? Tumakas kami sa poder ng Claw at isinama namin si Storm Reynolds. Nang bumalik siya sa inyo ay nagtago kami ng Mama ko. Pero alam namin...dadating ang panahon na mahahanap nila kaming lahat.

We went out of our hiding nang malaman namin ang tungkol sa kundisyon ni Storm. She was pregnant. We tried to tracked her at the place she was staying at...but of course, my brothers found her first.

You need to know something. Wyatt is very like my father. Wala siyang balak pakawalan si Storm katulad na hindi pinakawalan ng ama ko ang aking ina. Wyatt was ready before he attacked Storm. We should have realized it...kung bakit hindi kami kaagad hinanap ni Wyatt. He readied a fake corpse that looks like her and with a fake DNA. You and I both know that that is not impossible. Before that explosion, nagawa niyang maialis si Storm at ipalit ang hawak na bangkay.

We managed to saved her. We hid her somewhere safe.

Storm Reynolds is not dead.

The explosion and the trauma of the occurrence did a number on her. Naaalala niya ang ibang mga bagay na nangyari...pero hindi lahat. Now she have a fake identity, a fake family...a fake life.

If you want to communicate with me then do it before it's too late. I can't risk to put it all in here. Find me fast. Nagawa nilang patayin si mama...magagawa din nila iyon sa akin at kay Storm. Burn this after you read it. Do not copy it in any form. Sa mga oras na ito hindi mo na alam kung sino ang kakampi at ang hindi.

And by the way. Storm Reynolds' new name is Serenity Hunt.


FIN

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
3.6M 89.7K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
853K 17.7K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...