Waves of Life

By ren_esteron

43.7K 1.7K 929

Life is a series of things we can and can't control. We can't just control everything like the waves on the o... More

Waves of Life
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 25

827 39 16
By ren_esteron

Venus

Naging abala ako sa bagong trabaho at field study ko. Malapit na rin ang deadline ng dalawang field study books namin kaya halos hindi na ako matulog kakasagot. To think na sobrang dami pa ng mga questions, hindi talaga madadala sa stock knowledge lang.

Ilang beses ko pang inuulit ang mga tanong para lang maintindihan. Nabobo na yata ako.

"Sa tuwing lunes at miyerkules, may live band. Kaya makikita mo na medyo mas madami ang tao ngayon." ani Everly habang papalabas kami ng staff room.

Si Everly ang sumalubong sa akin noong nag aapply pa lang ako. Para rin siyang si Gracia, kwela at mabait. Pero itong si Everly ay nag-aaral katulad ko, nasa third year college at sabi niya'y single siya pero ready to mingle daw.

I was assigned to take orders. May karanasan na naman ako sa dating pinagtatrabahuan kaya hindi na ako nahirapan pa. Maliban na lang sa mukhang mayayaman ang halos lahat ng mga customer, baka isang maling galaw ko lang ay magbayad ako ng mahal dito.

"Miss, table for six please."

Kasalukuyan akong nasa bukana ng pintuan nang may kumalabit sa akin. "Hello sir. Welcome to--" nabitin sa ere ang anumang sasabihin ko nang makita kung sino ang mga nasa harapan.

Humalakhak si Gov. nang mapagtantong kaya ako napatigil dahil sa nakilala sila. Sa likuran ay naroon si Borgy na may kasamang matangkad at magandang babae, si Michael na nakangiti sa akin at si Sandro na biglaang sumulpot sa aking harapan.

Napaatras pa ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"Continue with the greetings.." aniya sa malalim na boses pero hindi naitago ang mga ngisi.

Umirap ako. "Pumupunta rin pala kayo rito?"

"Yes.."

"No."

Halos sabay pang sumagot si Gov at Sandro. Nagkatinginan silang dalawa. Kumunot naman ang noo ko. Ano ba talaga?

"Hindi kami kumakain dito." agap ni Gov. "Ngayon lang dahil nalaman ng aso mo na dito ka nagtatrabaho."

Humalakhak si Michael at Borgy sa likuran. Marahas namang binalingan ni Sandro ang pinsan. Halos gusto kong matawa nang mapagtanto kung sino ang asong tinutukoy ni Gov.

"Hihintayin kita mamaya." Muling bumaling si Sandro sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigang dalawa.
He was wearing a light blue polo tucked into his black pants. Tila sumisigaw nang karangyaan ang buong katauhan niya.

I can see he's tired. His eyes couldn't lie. Ano kaya ang trabahong ginagawa niya at mukhang palaging pagod? Sinasamahan pa rin siguro niya si tito Dom sa pangangampanya.

Napailing ako nang mapagtantong kung sakaling positive ang resulta ng DNA test ay malaking kasiraan sa senatorial ambition ni tito Dom.

Napaatras ako nang mas lalo pang lumapit si Sandro sa akin at inilagay sa likod ng aking tainga ang mga takas na buhok. His lips then twisted in a sexy smile and pulled me by my waist.

"I miss you, Ven."

I gasped silently. Sa takot na baka may makakita sa ginawa niya ay naitulak ko siya palayo. I miss you! Kahapon lang kami huling nagkita! Parang tanga naman 'to.

"Sus!" si Gov na pabirong siniko sa likuran si Sandro. "Respeto naman sa mga single dito."

Michael chuckled. "Hanggang ngayon ba ay binabasted ka pa rin ni Jamie? Ika sampung subok na panliligaw mo na 'yan ah? Maghanap ka ng bago, Matt at baka tatanda kang tigang."

Nagtawanan sila dahil doon. Nakita kong medyo naiinip na ang kasamang babae ni Borgy kaya iginiya ko na sila kaagad sa table na six seater. Nagtaka kaagad ako. Lima lang naman sila ah? May hinihintay kaya silang kasama?

I shrugged the thought away and focused on their orders.

"Black coffee.." Sandro drawled lazily.

Kumunot ang noo ko. Siya ang pinakahuling nagbigay ng order. At ito lang ioorder niya?

"Gabi na." I gave him a quizzical look. "Magkakape ka pa?"

His eyes immediately darted into me. "What do you want then?"

"Ano? Ikaw ang mag decide kasi ikaw ang kakain."

"Ako na lang ang mag-oorder para sa kanya, Ven." si Gov. Matthew na kinuhang muli ang menu. "Parang tanga iyan kapag nasa malapit ka."

"No." agap ni Sandro at mabilis na inagaw kay Gov. ang menu, inilahad niya ito sa harapan ko. "Let my baby decide for it."

"Parang tanga.." bulong ni Gov. na rinig naman naming lahat. Ni hindi siya pinansin ni Sandro.

Napakamot na lang ako sa batok habang papalayo sa table nila. Tama nga naman si Gov, parang tanga 'tong si Sandro.

Kagaya ng sinabi niya ay ako nga ang pumili ng order para kay Sandro. Pagkatapos kong ibigay iyon sa counter ay nag assist pa ako ng ilang customer bago namataang papasok si Alexa sa loob ng resto.

Hindi ko na kailangan pang sundan siya ng tingin para alamin kung bakit siya mag-isa at kung sinong kasama niya. Eh obvious namang kasama niya sina Sandro! Yung bakanteng upuan sa tabi ni Sandro ay para sa kanya.

I was a little bit bothered by it. Pero sa tuwing napupunta ang tingin ko sa kanila ay nakikita kong sa akin nakapokus ang tingin ni Sandro. Alexa is talking to him but it seems that he's not paying attention.

Napanguso ako nang makitang pinaglalaruan niya ang labi habang sinusundan ako ng tingin sa pag-assist sa mga customer. Narito ba siya para lusawin ako sa mga titig niya?

10:30 pm ang out ko. Umuwi ang mga kasamahan ni Sandro bandang mga alas nuwebe. Naiwan siyang mag-isa sa lamesa at nang pumatak ang alas diyes y medya ay kaagad niyang dinungaw ang relo bago lumabas ng resto. Alam ko na kaagad kung bakit siya umalis.

Dumiretso ako ng staff's room para magbihis. Ako at ang isang babaeng kasama lang ang mag-a out ngayon kaya mabilis akong nakapagbihis. Palabas na ako ng room nang tawagin ng isa sa mga kasamahan ko.

"Pinapatawag ka ni sir rig."

Nagtaka kaagad ako. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na naman kami kinakailangan pang tawagin ni sir Rig kapag end shift na.

Kumatok ako sa pintuan ng office ni sir Rig bago pinihit ang door knob. Nakatalikod siya sa kanyang lamesa at may kausap sa cellphone.

"I'm working on it, pa. Good thing she's here in my place."

Humakbang ako palapit sa lamesa niya. Hindi malaman kung magsasalita ba ako o hindi. Kapag nagsalita ako ay baka maistorbo ko siya pero kapag hindi naman ay maririnig ko ang usapan nila.

"No one will know about this, yes."

Bumaling si sir Rig sa akin nang siguro'y naramdaman ang presensiya ko. Umawang ang labi niya nang makita ako, kaagad na bumakas ang pag-aalala sa mga mata.

Eh?

"Pa, I'll call you later." aniya sa kausap at agad na ibinaba ang tawag.

Ipinatong niya sa lamesa ang kanyang cellphone at napakamot sa sentido habang hinihintay ang paglapit ko. I bit my lips. Sobrang gwapo talaga ni sir Rig. Marami sigurong staff din niya ang may gusto sa kanya.

"Sir, pinapatawag niyo daw po ako." wika ko na inokyupa ang upuang nasa harapan ng lamesa niya.

"Yes. I need you to accompany me tomorrow evening. Is it fine with you?"

Napaisip kaagad ako. Pwedi ba akong humindi? Boss ko siya kaya hindi, diba?

"Anong oras po?"

"The party will start at 7 pm. Pwedi kitang ihatid by 8 or 9."

"Pero paano po ang trabaho ko?"

Sir Rigo look at me like I am some kind of a joke. Lumabas ang dimple niya nang kinagat niya ang ibabang labi.

"I'm your boss. Sino ang magagalit kapag hindi ka papasok bukas dahil inaya kitang samahan ako?"

Naitikom ko ang bibig. Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip agad iyon.

Humakbang si sir Rig patungo sa mahabang settee na nasa dulo ng office niya at doon ko lang napansin na may kulay brown na box na nakapatong dito. Kinuha niya ito at inilapag sa lamesa, sa harapan ko. Sumunod ang titig ko doon.

"Wear this tomorrow.."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko talaga maintindihan. Kasama ba sa trabaho ko ang samahan siya saan man magpunta?

Marami siyang staff na mas matagal na dito! Bakit hindi sila ang ayain niya? To think na baguhan palang naman ako dito.

"Sir Rig--"

"Venus, sige na." putol niya sa sinasabi ko. "Wala lang akong kasama bukas. That's it."

Matagal kaming nagkatitigan bago ako unti- unting tumango. I don't know why but I really feel comfortable towards sir Rigo. Hindi ako naa-awkward kahit na kakikilala pa lang namin sa isa't isa.

"So? Sunduin kita bukas sa inyo?" aniya.

Namilog ang mga mata ko. Masyado namang nakakahiya yun!

"Sir, 'wag na! Pupunta na lang ako dito sa resto. Pwedi ring dito na ako magbibihis."

"Alright, then."

Lumabas ako ng resto na dala dala ang box na ibinigay ni sir Rig. Ni hindi ko pa alam kung anong klaseng damit ang ibinigay niya. Huwag naman sana iyong kagaya ng ibinigay ni Samantha.

Sandro is currently leaning on the door of his black bmw outside. Suot ang isang long- sleeved polo ay kapansin- pansin agad ang malapad na mga balikat at matipunong dibdib. The wind is softly blowing his black hair in every direction. And those dark eyes were looking at me intently.

Sandaling bumaba ang tingin niya sa box na dala ko bago ulit napunta sa aking mukha. Nakangiting tumigil ako sa harapan niya nang makitang hindi pa rin siya natitinag kahit nakitang narito na ako, patuloy lang siyang nakatitig.

"Kinausap pa ako ng boss ko." wika ko.

He nodded. Umahon mula sa pagkakasandal sa pintuan ng kotse at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"It's fine.." he said huskily and cupped the back of my head.

Iniyuko niya ang ulo at halos tumingkayad naman ako upang maabot lang ang labi niya. It was just a smack kiss. Binitawan kaagad ako ni Sandro at pinagbuksan ng pintuan.

"Hindi ka ba pweding lumiban bukas?" aniya nang makapasok na rin sa drivers seat

Napatanga ako. Inilapag sa mga hita ang box na ibinigay ni sir Rig. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa anyaya ni sir Rig. And I don't need to, right? Trabaho lang naman iyon. Wala naman akong gagawing masama.

"May importanteng lakad kami ng boss ko bukas, sands."

He gently nodded. Ang isang kamay ay dumapo sa kamay kong nasa ibabaw ng box. He seems curious about the box but remained silent! Nakita kong kanina pa siya nagtataka kakatitig dito pero ni minsan ay hindi nagtanong.

"And baka hindi na ako magpasundo bukas. Tatawagan nalang kita kapag nasa bahay na ako."

His brows knitted in a frown. Sandaling nilingon niya ako bago muling itinutok ang tingin sa daan.

"Who will drive you home then?"

"Y-yung boss ko."

Nagtaas siya ng kilay. "I just hope he's not a guy."

"Well." nagkibit balikat ako. "He is."

He muttered a curse. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga nang itinagilid niya ang ulo.

Humalakhak ako. "He's my boss, Sands. Stop acting like a jealous baby."

"I'm not." giit niya.

Dumaan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ang isang kamay niya ay nasa manibela habang ang isa ay nasa mga hita ko. Malapit na kami sa bahay nang maalala kong tatanungin ko nga pala siya tungkol kay Alexa!

Hindi ako palaging nabibigyan ng pagkakataon na magtanong tungkol dito.

"Sands.." panimula ko.

"Hmm?" sinulyapan niya ako.

"I'm just curious. Anong ginagawa ni Alexa rito? Sa Tabacalera?"

"She's on a vacation."

"Oh." napatango ako. "May pamilya ba siyang tinutuluyan dito?"

"Sa bahay siya natutulog."

"Okay-- What?" marahas akong napabaling sa kanya nang mapagtanto kung ano ang sinabi niya.

Sa bahay nila nanunuluyan si Alexa? Ano ba sila? Mag-asawa?

"Sa bahay niyo o sa kwarto mo?" iritado kong wika.

"She stays in the guest room, baby." he chuckled. "Don't worry. Ikaw lang ang gusto kong papasukin sa kwarto ko."

He sensually grazed his eyes at me. Nang tumigil ito sa bandang dibdib ko ay bahagyang tumaas ang labi niya. I sneered at him. Imbis na mailang ay mas nangibabaw ang pagkainis sa akin.

Humalukipkip ako. "Naiinis ako sa'yo."

"Who's the jealous baby now?" panunuya niya. "Alexa and I are family related. Malayo ko na siyang kamag-anak."

Nang makarating sa bahay ay nagbihis kaagad ako. Pagkatapos ay binuksan ang ibinigay ni sir Rigo.

I almost gasped when I realized it was a gown. A V neck mermaid Burgundy Satin Long dress with a thigh high slit on the side. It was in a dark red color.

Hindi pa man ako nakakahuma sa pagkabigla sa gown ay napansin ko na kaagad ang isa pang maliit na box na nasa loob. It was a color black box with the name Buccellati engraved in it. I think it was the name of the brand.

Inside is a Y shape necklace that features a cascading array of diamonds offset with beautiful pear cut rubies. Mas lalo lang akong nalula. I am pretty sure that the diamonds and rubies are real!

Isinarado ko ang box pagkatapos ibalik ang mga laman nito. Sumasakit ang ulo ko sa tuwing nakikita kung gaano kamahal ang mga ibinigay ni sir Rigo.

Napatigil ako. He didn't mentioned na ibibigay niya sa akin 'to diba? Baka kailangan kong ibalik ito pagkatapos kong gamitin bukas? Napanatag kaagad ang loob ko nang mapagtanto na baka ganoon nga.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 204 33
In the ocean of need, Jean was helpless. She was drowning, already losing her hope to survive. Little did she know, a beacon of light named Wayne eme...
2.2M 116K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
290 100 22
Ito ay para lamang sa mga interesadong mag basa ng sariling gawa ko ng Tula, libre lamang ang pag babasa kaya basahin mo na malay mo wala talagang pa...
65.4K 3.3K 67
Junmyeon thought he knew exactly how his life would play out. At sixteen he was being groomed to take the throne from his father in the future. He wa...