You're Mine, Princess

By Ajai_Kim

961K 24.4K 5K

Duke Melendrez didn't mind if he's 12 years older than his princess, Clarisse Ann Victorino. He will do every... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
YMP Note
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Final Chapter
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

23.9K 692 208
By Ajai_Kim

VENDREX'S POV

Kakatapos lang namin ng mga kateammates ko na magpractice ng soccer. Umupo muna ako sa bench para uminom ng tubig. Ang init masyado ng panahon ngayon and I've always getting dehydrated. Malapit na ulit ang competition namin para sa Regional competition finals at kailangan na makapaghanda kami ng mga kateammates ko doon kaya wala nang palya ang practice namin araw-araw.

Habang umiinom ako ng tubig ay nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Morris. I smiled at him nang makalapit na siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Tapos na kayong magpractice?" he asked.

Tumango ako. "Yup. Next month na ang competition so we need to practice more and be ready for that." sagot ko naman.

"Eh 'yung panliligaw mo kay Maricel, kumusta na?" nakangiti niyang sabi.

I still don't know if itutuloy ko pa ba ang panliligaw ko kay Maricel. Maricel is a BSIT student like Clarisse and she's pretty and kind girl too. I admire her but it's not enough para gawin ko siyang girlfriend ko.

Morris pushed me to court that girl dahil ang sabi niya ay may gusto rin sa akin si Maricel. Pinilit niya akong gawin iyon kaya wala na akong choice kundi subukan na ligawan si Maricel. 2 days ko nang nililigawan si Maricel pero hanggang ngayon ay nag-aalangan pa rin ako kung kaya ko ba talaga siyang maging girlfriend ko.

I sighed. "It's fine okay.. but I think that I don't like her enough to be my girlfriend." Pag-amin ko.

Natigilan naman doon si Morris. "Pero bakit? Dude, kapag naging girlfriend mo si Maricel ay para ka na ring nanalo sa lotto. Maganda at sexy siya tapos mabait pa kaya bakit ayaw mo siyang jowain?" tanong niya.

Tinignan ko naman si Morris ng seryoso. "You're right but I can't." I said.

"Bakit? Dahil si Clarisse ang mas gusto mo?"

I stopped for a moment when Morris said that. He is right. I like Clarisse but I know I can't.

Nang hindi ako makasagot ay umiling si Morris. "Vendrex, alam mo namang may boyfriend siya kaya wala ka nang pag-asa sa kanya. Hindi papayag 'yung Ravi na 'yon na maagaw pa sa kanya si Clarisse kaya 'wag ka nang umasa sa bestfriend ko dahil masasaktan ka lang sa huli." he said with a concerned tone.

Morris is right but I'm hoping that Clarisse will find a better man for her at hindi iyong lalakeng pinipilit siya sa mga bagay na hindi niya gusto. She is in a forced relationship with that Ravi at alam ko na dahil iyon sa utang na loob niya sa lalakeng iyon.

"Morris, papayag ka bang matali lang si Clarisse sa lalakeng hindi naman niya mahal? We can do something about it at kapag may chance na maghiwalay sila then I will enter to a scene. Gagawin ko ang lahat para kay Clarisse. I like her since then at tutulungan ko siya sa problema niya sa abot ng makakaya ko. My family is rich and I will help her to her financial needs." seryoso kong sabi.

I like Clarisse simula nang ipakilala siya sa akin ni Morris. Hindi pa niya boyfriend ang Ravi na iyon ay may gusto na ako sa kanya. I don't know kung magustuhan niya rin ako but I will do my best for her.

Natahimik ulit si Morris at para bang may malalim itong iniisip tungkol sa sinabi ko. After a minute of his silence ay ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Be with Maricel. Hinding-hindi mo makukuha kahit na kailan si Clarisse." Sabi niya at saka ito tumayo at tuluyan na akong iniwan.

Naiwan naman akong nagtataka sa sinabi niya. Sa tingin ba talaga niya ay hinding-hindi na makakawala pa si Clarisse sa Ravi na iyon kaya nasabi niyang hindi ko makukuha si Clarisse kahit na kailan?

I'm hoping na balang araw ay makawala na si Clarisse sa relasyong hindi naman niya gusto.

Kahit hindi ako ang makatuluyan niya basta't maging masaya lang siya sa lalakeng mamahalin niya ay okay lang iyon sa akin.

CLARISSE'S POV

Kakatapos ko lang humango ng mga bag at sapatos sa supplier na kakilala ni Mama na si Tita Joy para sa ibebenta ko thru online. Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako doon.

Pagkauwi ko naman sa bahay ay kumain na kami ng nilutong tinolang manok ni Mama. Kakasweldo lang rin ni Kuya Arman kaya may dala itong chocolate roll cake na alam niyang paborito ni Janjan.

"Tinext ako ni Ravi, pupunta siya ngayon dito sa bahay." sabi ni kuya Arman habang kumakain kami.

Tumango nalang ako dahil alam ko rin naman iyon. Kanina ay tinawagan ako ni Ravi at sinabi niyang baka gabi na siya makapunta dito sa bahay dahil may inasikaso pa sila ng Dad niya kaninang hapon tungkol sa business nito bago siya makauwi sa Maynila.

Wala namang imik si Mama sa sinabi ni Kuya Arman habang sinusubuan niya ng pagkain si Janjan.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Inasikaso na ni Mama si Janjan para sa pagsagot nito ng module habang si kuya Arman naman ay nasa maliit naming sala at abala ito sa paggamit ng cellphone niya.

Nang matapos na akong maghugas at magwalis sa sala namin ay sakto namang narinig ko ang pagbusina ng kotse ni Ravi sa tapat ng bahay namin.

"Si Ravi na yata 'yan. Diyan ka lang. Ako na ang sasalubong sa kanya." sabi ni Kuya Arman nang binulsa na nito ang cellphone niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

Tumango nalang ako at naupo sa sofa. Ilang minuto pa ay pumasok na sa loob ng bahay si kuya Arman kasama si Ravi na maraming dalang paperbags at plastic bags na may tatak ng isang mamahaling restaurant.

Inilapag niya ang mga dala niya sa lamesa namin at pagkatapos nun ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at hinapit ang baywang ko.

"I missed you," mahina niyang sabi sa akin.

"I-I missed you, too." sabi ko naman at nginitian siya ng pilit.

Hindi ko na ine-expect na ngingiti sa akin si Ravi dahil hindi naman niya iyon ginagawa. Tumingin naman siya kay Kuya Arman na nakangiti lang habang nakatingin sa amin.

"How's the base? Wala bang nanggulo?" tanong niya kay kuya Arman.

"Wala naman pero kailangan mong i-check bukas 'yon dahil baka may pasaway na namang gusto kang suwayin." sagot ni kuya Arman.

Halatang tungkol sa fraternity nila sa gang ang pinag-uusapan nila. Kinakabahan ako para kay Kuya Arman at Ravi dahil kasali sila sa ganoong klaseng samahan na sa pagkakaalam ko ay nai-involve sa mga away at iba pang gulo sa lugar namin. Hindi ko alam ang takbo ng gang nila pero alam ko na masama pa rin iyon at baka mapahamak pa sila.

"Okay. I got it." sabi ni Ravi saka ito muling bumaling sa akin.

"Erika never said something bad about you these past week kaya panatag akong hindi ka lumapit at nakipag-usap sa Morris na 'yon." sabi niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nagsumbong si Erika sa kuya niya na nagkikita at nag-uusap pa rin kami ni Morris.

Minsan na kaming nakita ni Erika na magkasama ni Morris pero mabuti nalang at hindi niya iyon binanggit pa sa kapatid niya. Talaga ngang wala na siyang pakialam sa akin dahil sa bago niyang boyfriend na isang transferee student.

"Oo. Hindi na kami nagkikita at nag-uusap pa ni Morris." Pagsisinungaling ko.

"Then good. By the way, I bought presents for you. May pagkain rin dyan for you and for your family." sabi ni Ravi at itinuro niya ang mga paperbags at plastic bags na nakapatong sa lamesa.

"Salamat dito, bro. Maiwan ko na kayo." sabi naman ni Kuya Arman nang kinuha niya ang plastic bags na may lamang mga pagkain at kaagad itong nagtungo sa kusina namin.

"Salamat, Ravi." Pasasalamat ko naman kay Ravi.

Hindi siya sumagot doon hanggang sa naramdaman ko nalang na ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko at hinawakan ang isang kamay ko. Nang tinignan ko siya ay nakapikit na siya at nahahalata ko sa kanya ang pagod niya.

"Kaagad akong dumiretso dito sa inyo para makita ka. I was tired for helping my Dad in his business. Mabuti at nandoon rin 'yung pinsan ko para matulungan niya kami sa business ni Dad." sabi ni Ravi.

Medyo naninibago naman ako ngayon kay Ravi. Hindi naman kasi siya palasalitang tao pero ngayon ay medyo nabigla lang ako dahil nagshe-share na siya sa akin ng mga bagay na patungkol sa ginagawa niya.

"G-gusto mo bang magpahinga muna? Pwede ka namang matulog muna sa loob ng kwarto ko." sabi ko naman.

Kaagad siyang nagmulat ng mata dahil doon. "Is it okay with you?" tanong niya.

Tumango naman ako. Sa dalawang buwan naming relasyon ni Ravi ay halik at yakap lang ang nagagawa niya sa akin kaya kampante akong hindi niya ako gagawan nang mas higit pa doon. Pinaalalahanan rin kasi siya ni Kuya Arman. Kahit ganito siya ay malaki pa rin ang respeto niya sa akin.

Kinuha ko na ang mga paperbags na nakapatong sa lamesa at hinila ko na si Ravi paakyat sa loob ng kwarto ko. Pagkapasok namin sa loob ay inilagay ko ang mga paperbags sa gilid ng kwarto ko habang pinahiga ko na si Ravi sa maliit kong kama. Mabuti nalang at nagkasya siya sa kama ko kahit malaki at matangkad siyang tao.

"Come here, Clarisse." sabi ni Ravi nang nakahiga na siya sa kama ko.

Lumapit naman ako sa kanya at nagulat nalang ako nang hilahin niya ang kamay ko kaya napahiga na rin ako sa kama. Isiniksik niya ako sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niya sa suot niyang puting longsleeves shirt.

Hinaplos naman niya ang buhok ko. "I'm sorry for what I've done to you."

Napapikit nalang ako habang patuloy pa rin si Ravi sa paghaplos sa buhok ko.

"I love you so much, Clarisse. Ayoko lang na makuha ka pa sa akin ng ibang lalake kaya pinilit ko na ang sarili ko sa'yo sa pamamagitan nang pagsuhol ko sa inyo ng pamilya mo. You really caught my attention at first at sobra akong nagandahan sa'yo. I admitted na ginirlfriend lang kita nung una dahil maganda ka at pwedeng maging trophy girlfriend ko but I realized na mahal rin pala kita. I'm sorry for that." Seryoso niyang sabi.

Alam ko naman iyon sa una palang pero ano bang magagawa ko kung malaki ang pagkakautang namin ng pamilya ko sa kanya.

"But I'm glad that I can help your family with my money at naging daan 'yon para makuha kita. I know you don't love me, Clarisse pero hindi kita kayang ibigay sa ibang lalake. Sana matutunan mo rin akong mahalin."

Hindi ako nakakasigurado doon. Sinubukan ko namang mahalin si Ravi pero wala talaga. Kung mahal niya ako sana ay binibigyan niya ako ng kalayaan para gawin ko ang gusto ko at kung sino ang lalakeng mamahalin ko.

May halong possessiveness ang pagmamahal ni Ravi at ni hindi niya naiisip ang nararamdaman ko. Hindi ganitong pagmamahal ang gusto kong maranasan dahil alam kong hindi ako magiging masaya sa kanya.

Hindi na ako umimik at may luha nalang na biglang kumawala sa mga mata ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko matutunang mahalin ang isang Raviel Romualdez na gwapo, tinitingalaan ng mga babae, edukado at higit sa lahat ay mahal ako.

Hindi talaga napipilit ang isang pagmamahal.

Nang lingunin ako ni Ravi ay nakita niyang umiiyak na ako. Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha ko.

"I-I will get some sleep. Uuwi rin ako mamaya." hindi na niya makatinging sabi sa akin saka ito tumalikod mula sa pagkakahiga niya kaya napabitaw na ako sa kanya.

Umupo nalang ako sa kama at tinignan ang likod niya. Narinig ko pa ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga at mahinang pagmumura.

"Gusto mo bang magpalit muna ng damit bago ka matulog-"

"I said uuwi ako mamaya. Can you please stop talking and I need some sleep." Pagputol niya sa sasabihin ko at tinakpan nito ang mga mata niya gamit ang unan ko.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin.

Hindi na sumagot si Ravi doon.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hanggang kailan ba magiging ganito ang sitwasyon ko?

---
thank you

Continue Reading

You'll Also Like

757K 19.8K 49
Scandalous Affair #1 "Isn't the forbidden fruit the sweetest?" Liberty Kings is an alluring woman with her hourglass body, ombre blonde hair, and oc...
583K 16.2K 35
Isang tahimik na lalaki si Aqua Ching. Sa trabaho, alak, at babae lamang umiikot ang buhay niya. Sa kabila ng payapa niyang buhay, ay may mabigat siy...
115K 878 23
Synopsis: Kambal, dalawang taong pinagbuklod ng tadhana mula palang sa sinapupunan ng kanilang ina. Tim and Tom Pucker, kagaya ng tipikal na kambal s...
771K 14.1K 25
COMPLETE GideonxMandy