The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

245K 10.4K 1.5K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 27 - The Time Has Come
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment

Chapter 4 - Securing Permit

6.1K 341 151
By AnjSmykynyze


Nagmadaling pumasok si Chad sa opisina ni Evo dahil sa message nito na "Emergency."

"Bakit? Anong nangyari?" agad na tanong ni Chad nang makapasok siya sa loob ng opisina.

"I need you to draft a contract based on this," inabot ni Evo ang kanyang cellphone kung saan makikita ang listahan ng kasunduan nila ni Tamara.

"You made an agreement with an on-the-job trainee of your company?" kunot noong tinanggap ni Chad ang cellphone, "hindi ka kaya makasuhan ng abuse of power niyan?"

"I told her about her father's problem in the company. She decided to dive in to our agreement rather than letting her father dive to his doom," sagot ni Evo.

"Hanggang kalian ang kasunduang ito?" tanong ni Chad.

"Until I find Shawn," malungkot pero determinado niyang sagot.

"Give me an hour to work on this," saad ni Chad saka tumalikod.

"Ahm Chad?" tawag ni Evo bago makalabas ng opisina si Chad.

"Yes?" hinarap siya ni Chad.

"How do you do courtship in the Philippines?' tanong ni Evo.

Napangiti si Chad saka nagsalita, "sinabi ba niyang magpaalam ka sa magulang niya?"

"I think so," nagkibit balikat si Evo.

"Well," bumalik si Chad sa harap ni Evo saka umupo at nagpaliwanag, "normally, bumibisita ang lalaki sa bahay ng nililigawan niya. Magdadala siya ng bulaklak para sa nililigawan niya at saka regalo para sa mga magulang niya. Plus points din kung may dala kang pagkain na pwede niyong pagsaluhan habang nagpapahiwatig ka ng intensyon mo sa anak nila."

"That's all?" tanong ni Evo.

"That's just the icing on the cake. The hard part is when you talk to the parents," sagot ni Chad.

"I think I can handle Mr. Jacinto," confident na saad ni Evo.

"Gusto mong tumawag ako ng florist para sa bulaklak?" tanong ni Chad.

"No, I'll take care of all of those. Ihanda mo ang kontrata and have it signed by Tamara," utos ni Evo.

"Noted," tumango si Chad saka tumayo.

"And one more thing," muling nagsalita si Evo, "gusto kong kilalanin mo kung sino itong Zack na crush ni Tamara."

"Hmm, you sound jealous," biro ni Chad pero seryoso siyang tinapunan ng tingin ni Evo kaya agad nawala ang pilyong ngiti nito.

"Gusto ni Tamara na ipagpaliban ang pag-anunsyo ng aming engagement dahil gusto niyang matuloy ang date niya sa lalaking ito sa tinatawag nilang University Ball," paliwanag ni Evo, "gusto ko lang siyang kilalanin. I want to know why Tamara would beg for me to delay the announcement just to have a date with him."

"Gagawin ko 'yan," tumango si Chad saka nagpaalam.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit pagkatapos nilang mag-usap ni Tamara ay tila lahat na lang na naiisip niya ay kasama si Tamara. Tulad na lang ng imbitasyong dumalo sa isang party, he imagined attending it with Tamara. Naisip niya kung paano niya hahawakan si Tamara papasok sa party, kung paano niya ito isasayaw, kung paano niya ikukulong ang balingkinitan nitong katawan sa pagitan ng kanyang mga bisig. It is like the thoughts of her is all over him.

____________________________

Magkasabay na umuwi sina Tamara at ang kanyang ama mula sa opisina.

"Kumusta ang pagpunta mo sa opisina ni Mr. McTavish?" tanong ni Mr. Jacinto.

"Okay lang," nagkibit balikat si Tamara.

"Ano ang pinag-usapan niyo?" muling nagtanong ang kanyang ama.

"Gusto lang niya akong magpaliwanag kaya pinatawag niya ako," nagsinungaling si Tamara.

"Did he say something about the pregnancy that he mentioned sa conference room?" patuloy na pagtatanong ng ama ni Tamara.

Umiling si Tamara saka muling nagsinungaling, "he mistook me for someone else."

"'Yun din ang iniisip namin ni Miss Edmilao," saad ni Mr. Jacinto.

Malapit si Tamara sa kanyang ama. They sometimes call themselves 'Partners in crime' dahil madalas silang sumusuway sa mga sinasabi ni Mrs. Jacinto. Isang mere housewife naman si Mrs. Jacinto pero nagbe-bake siya ng mga cakes. Marami ding umu-order sa kanya ng homemade cakes.

Mabilis nilang narating ang kanilang bahay pero nagtaka sila dahil sinalubong sila ni Tina, ang ina ni Tamara.

"Darius," kinakabahang sinalubong ni Tina ang asawa.

"Bakit? Anong problema?" nag-alala namang tanong ni Darius.

"'Y-yung boss mo, nasa loob," saad ni Tina.

"Sinong boss?" kunot noong tanong ni Darius.

"'Yung may-ari ng kompanya," sagot ni Tina.

Agad na nagkatinginan sina Tamara, Tina at Darius saka sabay-sabay na naglakad papasok ng bahay.

Napahinto sila sa pinto nang tumambad sa kanila ang salas na puno ng mga bulaklak.

"M-mister McTavish," pagbigay galang ni Darius sa kanyang boss, "p-para saan 'to?"

"Tumayo ka para magbigay galang sa kanila" bulong ni Chad kay Evo.

"Bakit ko gagawin 'yun? Ako ang boss niya," bulong ni Evo sa kanya.

"Nanliligaw ka. Sa bahay na 'to, hindi ikaw ang boss," bulong ni Chad.

Sabay na tumayo si Evo at Chad.

"I am here to visit your daughter," saad ni Evo.

"Oh, o-kay," mahina pero halatang nagulat na saad ni Darius saka tumingin kay Tamara bago ibinalik ang tingin kay Evo.

"M-maupo muna kayo," saad ni Darius.

"Ahm, gusto niyo ba ng maiinum?" sabat ni Tina.

"A scotch would do," saad ni Evo pero siniko siya ni Chad.

Tumingin siya kay Chad at nakita niyang umiling ito kaya napailing din siya saka ibinalik kay Tina ang kanyang tingin, "ah, tubig na lang."

"S-sige, kukuha lang ako ng tubig at maghahanda ako ng snack," paalam ni Tina pero bago siya makaalis ay may mga taong pumasok sa bahay.

Gulat na pinanood nina Tina, Darius at Tamara ang mga taong kakapasok na may mga dalang food warmers.

"Nag-order nga pala ako ng pagkain para may mapagsaluhan tayo," magalang na saad ni Evo.

"Ang sabi ko, magdala ka ng pagkain. Ba't ka nagpa-catering?" bulong ni Chad.

"Sabi mo pagsasaluhan namin ang pagkain habang kausap ko sila," bulong ni Evo, "so I brought us food."

Mariing ipinikit ni Chad ang kanyang mga mata saka napakamot.

"Ma'am? Saan po namin pwede i-set-up ang dinner niyo?" tanong ng isang tauhan ng caterer kay Tina.

"H-huh?" tumingin si Tina kay Darius saka dinilatan ito na para bang sinasabing mag-usap muna sila.

"A-ahm, excuse me muna Mr. McTavish," nagpaalam si Darius saka sumunod kay Tina sa kusina.

"Anong ginagawa mo?" pabulong na tanong ni Tamara.

"Sabi mo manligaw ako. Now I am doing it," sagot ni Evo.

"Manliligaw ka lang, hindi ko sinabing magpapaparty ka," saad ni Tamara.

Tumingin si Tamara sa mga regalong nakalatag sa center table saka nagtanong, "ano ang mga 'yan?"

"Mga regalo ko sa mga magulang mo," sagot ni Evo.

"Ano ang mga laman niyan?" tanong ni Tamara.

"Laptops, cellphones, gold necklace for your mom and a watch for your dad," sagot ni Evo.

"You sound like you are buying your approval from my parents," napasuklay si Tamara sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Isn't that what this is all about? Gusto mong hingin ko ang approval ng parents mo, 'di ba?" saad ni Evo.

"Yes, pero not this way," bagsak balikat na saad ni Tamara.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ni Evo.

Binuka ni Tamara ang kanyang baba upang magsalita pero wala siyang maisip na sasabihin kaya bumuntong hininga na lamang siya.

Ang totoo, seeing Evo's effort is flattering. Pero sa tingin niya, sumubra ang effort nito kaya hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang mga magulang ang nangyari.

"M-mister McTavish," bumalik sa salas si Darius.

"Evo. Just call me Evo," saad ni Evo.

"O-okay, ahm, Evo? Nakaset-up na ang dinner na pinahanda mo. Gusto mong sa dining area na lang tayo mag-usap?" tanong ni Darius.

Tumingin si Evo kay Tamara na tila tinatanong kung ano ang dapat niyang isagot.

"S-sige, dad. Susunod kami," si Tamara na ang sumagot para kay Evo.

"Enjoy your dinner, sir," saad ni Chad.

"No," lumapit si Tamara, "sasamahan mo kaming maghapunan."

"Naku hindi pwede," agad na saad ni Chad.

"Bakit hindi pwede?" tanong ni Tamara.

"Hindi ako pwedeng sumabay kay Mr. McTavish," saad ni Chad.

Tumingin si Tamara kay Evo kaya agad na nagpaliwanag si Evo kay Tamara, "I did not make that rule."

Bumuntong hininga si Tamara saka sinabing, "I appreciate that you did as you promised. Kaso masyadong overwhelming ang ginawa mong effort. Pwede bang magpaka-ordinaryong tao ka dito sa bahay namin?"

Nagugulohan si Evo sa kung ano ang ibig sabihin ni Tamara. Hindi naman alam ni Tamara kung paano ipaliwanag kay Evo ang gusto niyang ipahayag.

"Mauna na ako sa dining area," saad ni Tamara, "sumunod kayo at tandaan niyo, walang boss o empleyado sa hapagkainan."

_____________________________

Iginiya ni Tamara sina Chad at Evo sa kung saan sila pupuwesto sa hapagkainan. Tulad ng nakasanayan ng magka-pamilya, nagdasal muna sila bago nagsimulang kumain.

Tahimik silang lahat na tanging tinig lang mula sa kutsara't tinidor ang naririnig.

"S-so, Evo. Bakit ka nga ba bumibisita kay Tamara?" pagbasag ni Tina sa katahimikan.

"I want her to be my bride," walang pakundangang sagot ni Evo na siya namang dahilan ng pagkabulunan ni Darius.

Mabilis na inabutan ni Tamara si Darius ng tubig saka dinilatan si Evo.

Napatingin naman si Evo kay Chad na parang nagtatanong ng, "ano na naman ba ang mali ko?"

"A-ang ibig sabihin ni Mr. McTavish, nais niya sanang umakyat ng ligaw kay Tamara," si Chad na lang ang nagpaliwanag.

'Oh, okay," tumango-tango si Darius na kakabawi lang ng kanyang hininga saka sinabing, "wala namang problema sa amin 'yan. Basta't okay din kay Tamara."

"She told me to do this so I think it is okay for her," agad na sagot ni Evo kaya bumilog ang mga mata ni Tamara.

"A-ang ibig sabihin niya, daddy. Nagpapaalam siya dahil 'yan ang dapat," paliwanag ni Tamara.

"Malaki ka na, anak," ngumiti si Darius kay Tamara saka ipinatong ang kanyang kamay sa kamay ni Tamara, "I trust your decision. Saka mabuting tao si Mr. McTavish. Alam kong nasa mabuting kamay ka."

Bahagyang ngumiti si Tamara saka tumingin kay Evo na ngayon ay parang galit na tinignan siya.

"S-so, pagkatapos nating kumain. Hahayaan namin kayong makapag-usap sa salas," saad ni Darius.

"At huwag kang mailang sa amin, Evo," sabat naman ni Tina, "kung gusto mong umakyat ng ligaw kay Tamara, hindi mo na kailangan punuin ng bulaklak ang salas o kaya magpa-cater."

Ngiti lang ang sinagot ni Evo kay Tina pero nang hindi na ito nakatingin sa kanya, tinapunan niya ng galit na tingin si Tamara.

______________________________

"Anong ibig sabihin ng mommy mo? Babalik ulit ako dito at manliligaw?" inis na tanong ni Evo kay Tamara nang mapag-isa na sila sa salas.

"Nanliligaw ka, 'di ba? Ibig sabihin, babalik ka hanggang makuha mo ang 'oo' ko," paliwanag ni Tamara.

"What?" bahagyang tumaas ang boses ni Evo kaya agad na tinakpan ni Tamara ang bibig ni Evo.

"Why does it have to take that long?" pabulong na tanong ni Evo, "may kasunduan na tayo."

"Oo na! Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang ko," saad ni Tamara.

"And about what your father told you. Sabi niya malaki ka na at may tiwala siya sa'yo. Did you just ask me to do this because you want to humiliate me?" galit na tanong ni Evo.

"No, hindi sa ganun. Siyempre sasabihin 'yun ni daddy bilang tanda na pumapayag siyang ligawan mo ako," paliwanag ni Tamara saka dinagdag na, "at boto siya sa'yo."

"He better be," napahalukipkip na sumalampa si Evo sa hiligan ng sofa saka sinabing, "or else, tanggal siya sa trabaho niya."

Tamara rolled her eyes pero nakita ito ni Evo kaya agad nagtanong si Evo, "what?"

"Wala," sagot ni Tamara.

"You rolled your eyes on me, that mean something," saad ni Evo.

"Naisip ko lang, paano ka nagkaka-nobya?" tanong ni Tamara, "I mean, kung hindi ka sanay sa panliligaw, how do you get a girlfriend?"

"Mutual understanding," Evo shrugged.

"Like how?" tanong ni Tamara, "let's say si Shawn, paano mo naging girlfriend si Shawn?"

"She's a fashion designer. I attended one of her shows tapos nagkausap kami sa after-show banquet. We said hi, had a few drinks, had sex, and then the next day, we thought we wanted more."

"So you meet again to have more sex saka kayo nagdesisyon na maging official ang relasyon niyo?" tanong ni Tamara.

"Exactly," pagsang-ayun ni Evo.

Napabuntong hininga si Tamara habang nakatingin kay Evo. Iba ang kulturang kinagisnan ni Evo kaya hindi niya ito masisisi kung wala itong alam sa panliligaw.

"Lumalalim na ang gabi," saad ni Tamara, "I think you should go."

"Wait," sabat ni Evo, "I wanna know what happens if the parents do not approve."

Humilig si Tamara sa hiligan ng sofa saka nagsalita, "depende 'yan sa nililigawan. Kung hindi niya gusto ang nanliligaw, may dahilan siya na i-busted ang lalaki. Pero kung gusto niya ang nanligaw, isesekreto nila ang kanilang relasyon."

"So technically, walang point ang panghihingi ng permisyon sa magulang upang maligawan ang anak nila," konklusyon ni Evo.

Hindi nakasagot si Tamara kaya muling nagsalita si Evo, "Tomorrow, we will start eating lunch together."

"Lunch? Sabay tayong mag-lunch?" tanong ni Tamara.

"Ikaw na rin ang nagsabi, 'di ba? Kailangang madalas tayong nakikitang magkasama bago natin i-aanunsyo ang engagement natin. Nakapagpaalam na ako sa mga magulang mo, so we can start tomorrow," sagot ni Evo.

________________________

AN: Nagustohan niyo ba ang kwento? Kung gusto niyong ipost ko ang next 2 chapters, mag-marathon comment kayo sa first 3 chapters - kapag magkaroon ng tig-100 comments bawat chapter, ipopost ko kaagad ang Chapters 5 and 6 

Continue Reading

You'll Also Like

144K 983 5
SAMPLE ONLY Si Kristoff Santiago ay hindi basta-bastang lalaki. Sobrang guwapo niya at nag-uumapaw ang kanyang karisma at talas ng pag-iisip. Bawat b...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
8.2K 1K 27
A single kiss breaches the distance between love and friendship.. *** At 20, Maria Elya dela Riva or MAIA is perfectly satisfied with every single th...
4.5K 564 72
I'm from Philippines and He's from Belgium and we are 10,718 miles of love.