Chapter 3: She's Crushed

6.2K 276 12
                                    

Nanginginig ang buong katawan ni Tamara nang maalala ang ginawang comment sa post ni Evo. It was a mere dare at tulad nung sinabi ni Charina, marami ang nagcomment sa post na 'yun kaya hindi niya inaasahang mapapansin ang kanyang prank-comment.

"M-magpapaliwanag ako," natatarantang saad ni Tamara.

"Explain."

Isang salita lang ang sinabi ni Evo pero ramdam hanggang buto ang galit sa tinig niya. Napalunok si Tamara dahil wala siyang maisip na magandang dahilan sa ginawa niya. It was merely for fun na hindi niya inakalang pag-aaksayahan ng panahon ni Evo.

"Naghihintay ako," Evo said in a low but controlled voice.

"K-kasi," kinakabahan si Tamara.

Ano ba ang sasabihin niya? Na pinaglalaruan lang nila ang post ni Evo? Ni hindi nga niya maalala kung tungkol saan ang post na ito.

Naghalukipkip si Evo at halatang galit na galit na hinihintay ang paliwanag niya.

"N-napagkatuwaan lang kasi ng grupo na gumawa ng dares," nakayukong paliwanag ni Tamara.

Tiim-bagang huminga ng malalim si Evo. This young woman in front of him just thought to have fun in the expense of his wedding and the future of his family's business!

Watching her in her sexy corporate dress makes him want to punish her. Puno ng masamang enerhiya ang kanyang dibdib kaya patuloy siyang nakahalukipkip upang pigilan ang sariling hilahin ang babaeng nasa harap niya at parusahan sa ginawang kapilyuhan nito.

"Alam mo ba kung ano ang meron sa post kong 'yun?" tanong ni Evo.

"M-medyo nakainum ako 'nun. Hindi ko maalala ang post mo," sagot ni Tamara.

"No longer available," saad ni Evo.

"H-huh?" napatingala si Tamara upang tumingin kay Evo.

"My post is, 'No longer available,'" inulit ni Evo saka nagpatuloy, "do you know what that means?"

Bumilog ang mga mata ni Tamara nang marealize kung ano ang possibleng naging resulta ng kanyang ginawang comment.

"Shoot! S-sorry, nag-away ba kayo ng girlfriend mo?" natatarantang tanong niya saka nag-alok, "g-gusto mo, kausapin ko ang girlfriend mo para maging okay kayo?"

"You think it is that simple?" taas ang isang kilay na saad ni Evo.

"M-magaling akong magpaliwanag,"agad na saad ni Tamara.

"I was about to get married that day when you commented on my post," pinilit na Evo na maging kalmado, "but my bride left without a word."

"Fvck!" mahinang sambit ni Tamara pero narinig ito ni Evo.

'Yes, I would like to fvck you for being so bad!' naisip ni Evo pero agad niyang iniwaksi ito sa kanyang isip.

'D*mn! I can't let this woman cloud my thoughts. She did wrong, she has to be punished,' saad ni Evo sa sarili.

"A-ano ang pwede kong gawin?" tanong ni Tamara.

'Be my s*x slave and satisfy me until I get enough of you,' sa isip ni Evo pero iba ang kanyang sinabi.

"You will need to help me bring my bride back," saad ni Evo.

"O-okay," tumango si Tamara, "kalian ko siya kakausapin?"

"'Yan ang problema," muling umupo sa swivel chair si Evo saka nagpatuloy, "hindi ko alam kung saan siya nagpunta."

"G-gusto mo hanapin ko siya?" tanong ni Tamara.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now