Chapter 12 - Officially His

5K 232 15
                                    



Tahimik na binasa ni Evo ang report ng imbestigador tungkol sa pagkatao ni Zack. Gusto niyang makasigurong hindi hadlang ang lalaki sa mga binabalak niya kay Tamara.

Basketball Varsity Team Captain. Active Student Leader. Famous among women. Son and only heir of one the country's top agri-business company.

Ilan sa mga katangiang nakalagay tungkol kay Zack. Is he threatened?

'Hell no! Hindi isang college undergrad ang makakapagpatalo sa akin,' sa isip ni Evo.

'He may be a team captain in basketball, I am an MVP of our university's hockey team back in London' paghahalintunod niya sa sarili kay Zack.

'I may not be a student leader, but I lead various companies under our holdings,' muling nasaisip niya.

'Women worship me, and I don't only have an agri-business, my company has various kinds of businesses which includes agri-business, telecommunications, real estate, and engineering,' nakangiting saad ni Evo sa sarili.

Magpapatuloy pa sana siya sa pagbabasa ngunit biglang may kumatok sa pinto at nang magbukas ito ay bumungad si Chad.

"Handa na ang pina-order mong bulaklak," pagsisiwalat ni Chad kay Evo.

Tumingin si Evo sa kanyang relos saka sinabing, "right on time."

Tumayo siya at tinignan ang sarili sa repleksyon niya sa glass window. He had read enough about Zack and he believed that Zack cannot stop his plans.

"Today, my game begins," nakangiting saad ni Evo na narinig naman ni Chad.

Ngayon nila napag-usapang gagawin ang kunwaring pagsagot ni Tamara sa kanya. They've discussed every detail of the event, pero ang totoo, halos ideya ni Tamara ang lahat. Napangiti siya nang maalala niya kung paano sinabi ni Tamara sa kanya ang mga nais nitong mangyari. Her plans were cheesy and unrealistic, halatang galing sa mga napanood niyang Korean drama ang mga ideyang naisip niyang gagawin nila. But he allowed her to take the lead – for this one last time.

Hindi natuloy ang balak niyang mangyari sa Batangas but it did not bother him. Hindi siya nagmamadali dahil naniniwala siyang 'patience and victory come together.' The more Tamara will think that she is in control, the more she will trust him. The more she will trust him, the more she will be open to him. The more she is open to him, the more she is vulnerable – an easy target.

"Remind me about the plans when we arrive the elevator," utos ni Evo habang naglakad sila patungong elevator.

Tumango si Chad kaya nang makapasok sila sa elevator, agad na nagsalita si Chad.

"Magkukunwari si Miss Tamara na nagagalit siya dahil hindi mo siya dinaanan sa kanyang opisina. She will ran as she walks towards you but then when she is near you, you will surprise him with a giant bouquet of flowers that formed the words – be my girl," saad ni Chad.

Mahina siyang napatawa dahil tanging sa mga cheesy rom-com lang nangyayari ang gusto ni Tamara.

"Gusto mong basahin ko ang mga dapat mong sabihin?" tanong ni Chad.

"Hindi na," saad ni Evo.

He memorized everything. Sino ba ang hindi makakasaulo kung pabalik-balik nilang inansayo ang magiging eksena sa cafeteria? To make the matter funnier, she even choreographed every move that he will make during the proposal.

"Kailangan alam ko ang gagawin mo para mapaghandaan ko," were the words Tamara told him.

Minsan naiisip niya, 'Paano kaya kung iibahin ko ng konti ang mga binalak niyang mangyari?' But he would not dare. He want this over and done, para sa oras na alam na ng lahat na opisyal na silang magnobyo; he'll be the boyfriend he planned to be.

The CEO's Temporary BrideWhere stories live. Discover now