Brat Boys Beyond (JaiLene Fan...

Per imnotkorina

438K 8.4K 2.1K

Més

Brat Boys Beyond
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
AUTHOR's note
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53 (pt. 2)
AUTHOR's Note
CHAPTER 54 (pt. 2)
CHAPTER 55 (pt. 2)
CHAPTER 56 (pt. 2)
CHAPTER 57 (pt. 2)
CHAPTER 58 (pt. 2)
CHAPTER 59 (pt. 2)
CHAPTER 60 (pt. 2)
CHAPTER 61 (pt. 2)
CHAPTER 62 (pt. 2)
CHAPTER 63 (pt. 2)
CHAPTER 64 (pt. 2)
CHAPTER 65 (pt. 2)
CHAPTER 66 (pt. 2)
CHAPTER 67 (pt. 2)
CHAPTER 68 (pt. 2)
CHAPTER 69 (pt. 2)
CHAPTER 70 (pt. 2)
CHAPTER 71 (pt. 2)
CHAPTER 72 (pt. 2)
CHAPTER 73 (pt.2)
CHAPTER 75 (pt. 2)
CHAPTER 76 (pt.2)
CHAPTER 77 (pt.2)
CHAPTER 78 (pt.2)
CHAPTER 79 (pt.2)
CHAPTER 80 (pt.2)
CHAPTER 81 (pt.2)
CHAPTER 82 (pt.2)
CHAPTER 83 (pt.2)
CHAPTER 84 (pt.2)
CHAPTER 85 (pt.2)
CHAPTER 86 (pt.2)
CHAPTER 87 (pt.2)
CHAPTER 88 (pt.2)
CHAPTER 89 (pt.2)
CHAPTER 90 (pt.2)
CHAPTER 91 (pt.2)
CHAPTER 92 (pt.2)
CHAPTER 93 (pt.2)
CHAPTER 94 (pt.2)
CHAPTER 95 (pt.2)
EPILOGUE

CHAPTER 74 (pt. 2)

1.4K 48 29
Per imnotkorina

Kakatapos lang ng klase ni Sharlene at pauwi na siya. Maya’t-maya niyang tinitignan ang cellphone niya para tignan kung may text o kahit missed call man lang siya mula kay Jairus. Ngunit nadi-dismaya lamang siya tuwing nakikita niyang wala ni isang text o tawag na naka-rehistro doon. Ano ba’ng problema? Hindi tumatagal nang ganoon ang buong araw nang hindi siya kino-contact ni Jairus. Tuwing may pupuntahan naman itong mahalaga ay nagpapasabi naman ito kaagad.

Is it somehow connected to the phone call he received yesterday? Kung ganoon, ano nga kaya ang natanggap nitong balita na nagpabago sa ekspresyon ng mukha nito kahapon. She looked at her wristwatch and it’s almost two in the afternoon.

Tumingin siya sa kanyang harapan at napukaw ng atensiyon niya ang munting kumpulan ng mga tao, karamihan mga babae, sa parking lot ng unibersidad nila. Napa-buntong hininga siya. Hindi na niya kailangan pang silipin kung ano’ng nangyayari doon. Alam na niya ang ganoong reaksiyon ng mga kapwa niya estudyante, iisa lang naman ang dahilan noon sa halos apat na taon niyang pananatili sa unibersidad.

“F4’s here!” sigaw ng isang estudyante di kalauyan sa kanila. “Wait, tatlo lang pala sila, where’s Jairus?” tanong nito sa kasama.

Oo nga, nasaan si Jairus?  Tanong din niya sa sarili. Karaniwan na ang pagtambay nila Nash, Paul…teka? Ano’ng tatlo? Napalingon siya sa direksiyon ng mga ito at nakita niya si Francis na seryosong nakatingin sa kanya. Balak niya sanang lagpasan ang mga ito pero may kung ano’ng pwersa ang nagtutulak sa kanya na lapitan ang mga ito.

Hindi babalik si Francis sa Pilipinas at lilipad mula sa kabilang sulok ng mundo para lang sa wala. He stood from the hood of his car, where he was sitting, and walked straight to her direction.

“Francis.” Tawag niya dito sa masiglang boses. She’s really happy to see him. Halos walang nag-iba sa muka nito. “Kailan ka pa---“

“Come with us, we need to talk.” Putol nito sa sinasabi niya. Biglang sinipa ng kaba ang dibdib niya.

Bakit ba hindi niya nahalata? Dalawang dahilan lang naman kung bakit pumupunta ang mga ito sa campus nila. Una, kapag gusto ng mga ito na mangulit. At pangalawa, kapag may nangyaring hindi maganda.

Walang bakas ng tuwa ang mga mukha ng mga ito kundi pag-aalala. She even caught Paul looking at her with pity on his eyes. Si Nash lang ang nananatiling walang reaksiyon ang mukha at direkta lamang nakatingin sa kanya.

She looked at him asking what the heck was happening but he stayed still, his face still not giving away any clue.

“Ang dami masyadong tao dito, can we move to somewhere more private?” utos ni Francis sa gilid niya.

“Wait, bago niyo ako dalhin sa kung saan niyo man ako balak na dalhin, pwede bang sabihin niyo sa’kin kung ano’ng nangyayari?” She can’t stand the look on their faces and the silent treatment that Nash is giving her.

“Tara sa JSA.” sa wakas ay nagsalita na rin si Nash.

Inakbayan siya ni Francis at marahang itinulak papasok sa kotse nito. Nauna nang umalis sila Nash at Paul habang sinisimulan nang paandarin ni Francis ang sasakyan. “I wish I never gave up on you. Sorry if I didn’t see this coming. I’m sorry for letting you go through this again. Sana hindi na lang kita pinakawalan kung alam ko lang na mas masasaktan ka kapag ginawa ko iyon.”

“Ano ba’ng sinasabi mo Francis?” None of his words made sense, at least, for her. Para itong nagbibitiw ng mga salitang hindi niya kayang intindihin.

“You’ll understand as soon as we reach John Savier Academy.” He said with a reassuring smile that never touched his eyes. She knows that smile, he’s holding back something from her.

Dahil sa tensiyong nararamdaman niya, hindi niya namalayang nakarating na pala sila JSA kung hindi pa sila binati ni Mang Bucho, ang butihing guard ng JSA.

Huminto ang kotse ni Francis sa parking lot malapit sa man-made lake ng JSA. That lake. Halos yata lahat ng pinaka-masaya at masakit niyang ala-ala kasama ang lawang iyon. Maipa-pinta nga itong lake na ‘to.

“Sharlene.” Tawag ni Francis sa kanya, nauna nap ala itong maglakad sa kanya. Tahimik siyang sumunod dito at nakita niya na nandoon sila Paul at Nash. Nakatayo ang mga ito, malapit sa malaking punong mangga na nagdala din sa kanya ng maraming ala-ala.

Nagka-tinginan ang tatlo nang makalapit sila ni Francis doon. Naiinis na siya sa ikinikilos ng mga ito kaya siya na ang pumutol sa katahimikan. “Magsalita na kayo, bakit niyo ako dinala dito at bakit mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mga mukha ninyo. May nangyari ba?”

“It’s Jairus.” Nash said in a tone that made her more worried than she already is.

“Bakit? Anon’ng nangyari sa kanya?”

“Walang nangyari sa kanya Sharlene.” Sabi ni Paul na halatang sinusubukang pakalmahin siya. “Kakarating lang niya sa Manila kaninang umaga galing Baguio.”

“Galing Baguio, sa rest house nila? Bakit nagpunta siya doon?”

“Tita Jean’s here.” Si Francis naman ngayon ang kumakausap sa kanya. “Actually, noong makalawa pa kami nandito sa Pilipinas. Napauwi kami dito bigla nang may balitang nakarating kay Ella at sa mga Aquino noong nakaraang linggo.”

“Balita? Ano’ng balita?”

“You wouldn’t understand. You don’t know her kaya ipapa---“

“Alam ni Sharlene ang tungkol sa kanya.” wika ni Paul habang inililipat ang tingin mula kay Sharlene papunta kay Nash.

And somehow, that gave her clue to what is really happening.

You don’t know HER. Pagkatapos ay ang biglang paglipat ng tingin ni Paul kay Nash. Iisa lang naman ang babaeng maaaring may kaugnayan kay Jairus, at alam ni Paul na si Nash mismo ang nagsabi noon sa’kin limang taon na ang nakakaraan.

“Do you mean---“

Nash nods knowingly at her. “Yes. This is about Selene, Sharlene. And she’s alive.”

Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Tumingin siya kay Nash para magtanong, pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. Naka-tingin lang din ito sa kanya na para bang naghahanap din ito ng kasagutan sa balitang iyon na nalaman nila. Paanong ang babaeng ilang taon nang patay, sa pagkaka-alam nila, ay bigla na lamang na lalabas na buhay? Hindi niya maintindihan, at hindi gumagana ang utak niya sa mga oras na iyon.

“Wait, paano mo nalaman ang tungkol sa kanya Sharlene?” Nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanya, kay Paul at kay Nash. “You mean, all this time you know why Jairus…” nakita niya ang panginginig ng balikat at pagkuyom ng kamay nito. “Who told you about her?” tanong nito sa kanya.

“Francis, please calm down.” Nagpapasalamat siya at kahit papaano ay may lakas pa siya para sabihin iyon upang kumalma ito.

“How can I calm down, Sharlene?! All this time alam mo ang tungkol sa kanya, ang tungkol sa kanila ni Jairus, pero nanatili ka pa rin sa tabi niya! Kahit na alam mong kaya ka lang niya pinansin at niligawan ay dahil kamukha mo ang babaeng una niyang minahal!” inilipat nito ang tingin kanila Paul at napasinghap siya nang kuwelyuhan nito ito. “Now, can you tell me who among you two told her about Selene?!” 

Nanginginig si Francis sag alit, at kahit siya ay natatakot na pumagitna dito at kay Paul.

“I did.” Pag-amin ni Nash.

“Nash!” sigaw niya dito. Sinubukan niyang hawakan si Francis sa braso pero mas malakas ito kaysa sa kanya. Wala na siyang nagawa nang lumapat na ang kamao nito sa mukha ni Nash. Nakita niya ang pagguhit ng dugo sa gilid ng labi nito, pero kahit na nasaktan, hindi nito binalak na gumanti kay Francis.

“Francis tama na!” sigaw niya dito habang pinipigilan ito dahil akmang babalikan pa nito si Nash. Mas malakas si Francis sa kanya pero hindi na ito kumilos pa ng pigilan niya na ito sa braso. “Pinili kong manatili sa tabi ni Jairus kahit na alam ko na ang tungkol kay Selene. Sinabi ni nash sa’kin ang tungkol sa kanya para balaan ako, pero hindi ako nakinig.”

“No.” Nash stood up and wiped the blood on the side of his mouth. “Well, partly, that’s the plan. Ang balaan ka. Pero hindi talaga iyon ang intensiyon ko ng sabihin ko ang tungkol kay Selene sa’yo noon.”

Naalala niya ang deal na inaalok nito sa kanya noon. The deal she’s almost accepted. Napalingon siya kay Paul nang wala sa oras para humingi nang tulong. Nagpapasalamat naman siya at nakuha siya nito kaagad. But Paul will always be Paul.

“Okay brothers, stop the fight now. Alam kong cute talaga si Sharlene noon pa, kaya crush na crush niyo, pero may mas mahalagang issue tayong dapat harapin ngayon. Hindi ito oras para mag-reminisce.” Paul said, obviously trying to lighten up the atmosphere. Pero nagpapasalamat siya at na-drain ang lakas niya sa pag-pigil kay Francis kanina kaya hindi niya magawang itulak ito ngayon sa lawa. “Puwede bang ibalik na natin ngayon ang issue kay Jairus at Sharlene?”

Kumalma si Francis sa tabi niya pero hindi nito inaalis ang tingin kay Nash. Hindi niya naman maiwasang mag-iwas ng tingin dahil sa nakaka-ilang na pagtitig sa kanya ni Nash habang pinupunasan ng sariling panyo ang nasaktang labi.

“Ano’ng nangyari? Paano nangyaring buhay si Selene? Hindi ba sinabi niyong matagal na siyang patay?” tanong niya kay Francis.

Lumambot ang ekspresyon ng mga mata ni Francis nang ilipat nito ang tingin sa kanya. “It was all Esmeralda Cruz’ fault, Ella’s mother. I don’t know how she did it, at wala na akong balak na alamin pa, pero alam ko kung ano’ng dahilan para magawa niya iyon. She wants the power and the wealth of the Aquino family.” Tumingin ito direkta sa mga mata niya. “At kahit na ano gagawin niya, kahit na ang kapakanan pa ng mga anak niya ang maging kapalit.”

Nabuhay muli ang galit sa mga mata nito. Galit na para sa ginawa ng sariling ina ni Ella sa dalawa nitong anak para lamang sa kasakiman nito sa kapangyarihan at kayamanan. Hindi niya lubos maisip na may ganoong klase ng tao. Na handang ibenta maging ang kaluluwa ng mga anak nito sa sariling kapakanan.

“Si J-Jairus? Alam ba ni Jairus ang lahat ng ito?”

Tumango si Paul.Nakita niya ang saglit na pagdaan ng awa sa mga mata nito bago iniwas ang tingin sa kanya. She’s not dumb though. She knows what’s happening. She knows what will happen. The only question is, is she ready for all of those?

Is she ready for the possibility of losing him again?

“They kept her for almost 8 years. Kinuntsaba ng mama ni Ella ang mga doktor para palabasing patay na ito, ang hindi lang namin alam ay kung ano’ng ibig sabihin ng biglaang pagkaka-sakit nito noon, we don’t know if it’s real or made up. Nakita ng mga mata ko ang paghihirap ni Selene noon, hindi naman siguro siya magpapanggap na may sakit para lang sa plano ng stepmother niya.” Sabi ni Paul na malalim na nag-iisip. “At ang hindi ko din maintindihan ay kung bakit pumayag ang papa ni Ella. We know how fond he is of Selene. How come he allowed this to happen?”

“I don’t know.” Francis said with irritation and frustration audible in his voice. “Ang daming butas sa istorya nila. Naiinis ako dahil alam kong madami silang hindi sinasabi.”

“They’re obviously hiding something.” Paul said seriously. “Or rather, protecting someone.” Nanahimik silang lahat sa konklusiyon ni Paul. Kinompirma lamang nito ang hinala nilang lahat.

Inilipat niya ang tingin sa man-made lake sa tabi nila. Lalong gumanda iyon sa paningin niya ngayong papalubog na ang araw. She unconsciously raised her arms across her chest to hug herself. Sa dami ng nalaman niya ngayon at sa batuhan ng impormasyon ng tatlo sa harapan niya, isa lang naman ang naintindihan niya.

Selene is back and Jairus is nowhere to be found.

Nasaan kaya ito ngayon?

Ano kayang iniisip nito?             

Selfish na kung selfish, pero sa lahat ng sinabi ng mga ito, iisang bagay lang naman ang gumugulo talaga sa kanya.

Saan na kaya siya nakalugar sa buhay ni Jairus ngayong buhay pa pala ang babaeng pinakamamahal nito at dahilan kung bakit siya nito minahal?

“Nasaan si Selene ngayon?” Tanong ni Nash kay Francis.

“She lives in New York City. Namuhay siya ng tahimik doon sa loob ng walong taon na walang nakaka-alam na buhay siya.”

“Hindi man lang siya bumalik para kay Jairus? Ni hindi man lang niya naisip ang maaaring maramdaman ni Jairus dahil sa pagkawala niya?” Hindi niya napigilang itanong sa mga ito.

“Maybe she also thought that it’s for the best. You haven’t met her yet Sharlene, kung gaano siya kamahal ni Jairus, ganoon din siya para dito. Gaya ng sinabi ko kanina, maraming mali sa istorya, at lubusan lang nating maiintindihan ang lahat kapag nagsabi na sila ng totoo.” Napabuntong-hininga si Paul doon. “As if she had a choice.”

She was taken aback by the sudden hostility in Paul’s voice. He must’ve been friends with Selene. “Sorry.” Sabi niya dito saka nag-iwas ng tingin. Nagkamali siya sa pagsasalita ng ganoon tungkol sa taong ni hindi niya nakilala. Tama lang naminis si Paul sa kanya.

“Sorry din, Sharlene. Medyo malapit din kasi kami Selene sa isa’t-isa gaya mo.” Lumapit ito sa kanya para yakapin siya. Binitiwan lang siya nito nang may mahinang tumikhim sa likod nila.

“Sa tingin ko hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kanya.” Jairus said with his lovely baritone voice. “As usual, ginawa niyo na iyon para sa’kin.” He’s half-smiling. Halata sa mukha nito na may dinadala itong mabigat sa dibdib.

“Jai…” tawag niya sa pangalan nito. He looked at her and she knew that something have changed.

“Sharlene.” Banggit din nito sa kanya.

And what made it worst for her, is the sudden formality in his voice and that look as if he’s million miles away from her.

“Let’s talk.”

Continua llegint

You'll Also Like

200K 6.1K 44
(COMPLETED) Thanks for the wonderful cover #1st cover @Ladylightbearer :). #2nd cover @cls_wb :). Mapipilitang lumipat ng bagong school si railey. Sh...
327K 8.5K 42
(Book 1) Trending in the year of 2017 - #3 in Short Story -Darren Min and Sophia Zamora are live-in partners while Zyren and Ehdrey Mae are married...
104K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
156K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...