The Casanova Sisters

By anhaeSJ

160K 2.2K 276

Sa magkapatid kailangan ng pagmamahal at pagtitiwala. Pero paano kung isang araw ay nagpustahan kayo dahil sa... More

The Casanova Sisters
Chapter 1: Meet the Sisters -- Brianna Maddison Hermosa
Chapter 1.2: Meet the Sisters -- Ondrea Bliss Hermosa
Chapter 2: Last Day of the Holidays <Brianna>
Chapter 2.2: Last Day of the Holidays
Chapter 3: Clash of the Two Casanova
Chapter 4: When the Other One Meets the Guy
Chapter 5: First Day of School
Chapter 5.2: Their Recess Date
Chapter 5.3: Her Sweetest Nightmare
Chapter 6 : Disaster Meeting
Chapter 7: Fire-Spitting Dragon & Loony Brained Mushroom
Chapter 8: Sunday Craziness
Chapter 8.2: Sunday Craziness
Chaptre 9: Truth or Dare = Bet
Chapter 10: Rumours + Bet
Chapter 11: A Date With My Second Crush
Chapter 12: What To Do?
Chapter 13: The Other Side (Annie)
Chapter 14: Dragona and Mushroom's Date
Chapter 15: The Magic Words: "I Like You"
Chapter 16: Birthday Surprise for Ondrea
Chapter 17: Gift Gift Gift?
Chapter 18: Kidnapped Date Operation
Chapter 19.1: Birthday Party
Chapter 19.2: Birthday Party
Chapter 20: The Culprit(s)
Chapter 21: Akiko Xyla Lee & Elloise Millan
Chapter 22: Date, Cat Fight, Plan
Chapter 23: The Other Side 2 (Annie)
Chapter 24.1: Foundation Day
Chapter 24.2: Foundation Day: Wedding Day
Chapter 24.3: I'm Giving Up
Chapter 24.4: Jayvee's Clone
Chapter 24.5-25: The Real Game Begins
Chapter 26: The Twins' Desparation (TRGB part 2)
Chapter 27: His True Intention
Chapter 28: Falling Again
Chapter 29: The Wrath of Jealousy
Chapter 30
Chapter 31: No One Touches Her Or Else...
Chapter 32: Madwoman!
Chapter 33
Chapter 35
Special Chapter: What's going on in LA
Chapter 36.1: Unfair
Chapter 36.2
Chapter 37: Relleo College
Chapter 38: Danger Zone
Chapter 39: Brand New Brianna
Chapter 40: Second Monthsary
Chapter 41: What Happen to Them...
Chapter 42 : Papa Jayvee?
Chapter 43: For the nth time
Chapter 44: Her Return
Chapter 45: Second Meeting
Chapter 46: Sisters' Reconciliation
Chapter 47: Those Eyes
Chapter 48: Rivalry
Chapter 49: Meeting the In-Laws
Chapter 50: Spotlight
Chapter 51: Good Girl Gone Bad
Chapter 52.1: Tears Behind the Façade
Chapter 52.2
Chapter 53: Unfinished Deal
Chapter 54: That One Night
Chapter 55: JayBri Moment
Chapter 56: Declaration

Chapter 34: When The Ice Melts

1.9K 28 6
By anhaeSJ

Chapter 34: When The Ice Melts 

BRIANNA'S POV

DAY 6

Lagi ko pa din napapansin ung mga tingin nung professor namin sa Psychology. May gusto kaya sya sakin? Well hindi naman malayo yun kasi kahit ibang teacher nga pinagnanasaan talaga ako. Pero sorry nalang sya, may boyfriend ako ngayon.. kapag natapos na ang 3 months, yun siguro may pag-asa na sya >:)

“Waah sana hindi na dumating ang prelim!” Sabi ni Mikee.

Nandito kami sa cafeteria coz it was already lunch. They ordered pasta but I decided to not eat. No appetite eh.

“Mahaba-habang review-han na naman ito!” Said Joan. “Ikaw Bri, hindi ka pa nagsisimula?”

“Nah. Tinatamad ako.” I simply replied habang nakatingin lang labas ng bintana ng cafeteria. Ang boring.. magskip nalang kaya ako mamaya at matulog? Tama, un ang gagawin ko.

I was surprised when darkness suddenly engulfed my sight. Someone covered my eyes.. at alam na kung sino.. urgh!

“Mushroom stop fooling around!” Pinilit kong alisin ang mga kamay nya sa mga mata ko pero mas malakas sya. Tsk. I heard him chuckle.. pati na din si Mikee at Joan. Humanda sila sa akin mamaya!

“Magic words muna.” Mapang-asar na sabi ni Jayvee.

“NO WAY!”  There’s no way I would say that! Nakakapanindig balahibo kaya!

“Hmm? Sige hindi ko nalang tatanggalin ito.”

“As if you can. Mangangawit ka kakatayo dyan.”

“Oo nga noh. Haha! Oy psst! Oo ikaw..” Narinig kong parang may tinawag sya. “Bigyan mo nga ako ng upuan dito bilis.”

What??

“Yan. Salamat!” Naramdaman kong parang nagbago ang posisyon nya but he still didn’t move his hands away from me. “Okay na haha hindi na ako mangangawit.”

=__=

“Fine! I’ll say it!”

“I’m waiting.”

TT^TT

“L-Labi…” Hindi ko matuloy-tuloy!

“Labi? As in lips?!” I heard Mikee.

“Shush!” – Joan

“Ha? Ano ulit yun?” Sabi naman ng lalaking nasa likod ko. Ampupu mo promise!!

“L-Labidabs…”

“Ang hina naman! Wala akong marinig!”

“Labidabsiloveyou..”

“May sinasabi ka ba? Di ko marinig eh.. pakilakas.”

Ang sarap bugbugin ng lalaking to! Halata naman na iniinis nya lang ako!

“LABIDABS I LOVE YOU!” I shouted.

Narinig ko na lang na parang may sound effect na parang may nabuga.

“Eew Mikee! Kadiri ka!” Narinig ko si Joan.

“Sorry! Nabigla lang kasi naman si Bri..” – Mikee

Tapos tahimik ulit. My god.. this is so embarrassing! Tinanggal na ni Jayvee ang kamay nya sa mata ko. “Good girl. I love you too Labidabs.” Sabi nya sabay kiss sa may pisngi ko.

“AYYIIIEEEEEEE! JAYBRIIIII!” Dagundong sa buong cafeteria.

Ohmygod. Pahamak! Pauso nya yun eh!

“Wahaha! Bri, you’re blushing!” Tawang tawa na sabi ni Mikee.

“Di ko akalain na kaya mo palang mag-blush bes!” isa pa tong si Joan.

“Shut up both of you.” I glared at them.

Jayvee suddenly leaned forward and whispered to my ears, “Falling now Maddison?”

Shit.. sobrang lapit nya! Parang kinakabahan ako na ewan.. damn it! What’s happening?! Bakit ganito bigla?? I smirked nalang para hindi nya yun mahalata. “Sorry to disappoint you.”

He chuckled. “Ano gusto mong kainin?” He suddenly asked.

“I’m not eating.”

“Yes you are. O gusto mo subuan pa kita?” Sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.

“Tsk! Kakain na nga eh!”

“^__^ Okay.. bibili lang ako, hintayin mo ko ah?” At ayun, umalis na sya papuntang bilihan.

***

PLACE: Brianna’s Condominium

Bukas na ang exam pero anong ginagawa ko? Wala, tunganga sa condo.  Ni minsan hindi ko hinawakan ang mga books ko.. seriously, I couldn’t be fucked studying. Bahala na bukas.. Gusto kong pumuntang bar pero pinagbawalan ako. I know, I’m not the type of person na mauutus-utusan lang, pero.. pero basta! Bukas na bukas gagawa na ako ng moves. Hindi pwedeng sya nalang lagi ang bida.

Tagal ko ng hindi nakakausap si Jairus. Yung kapatid ni Jayvee? Sabi nya bumalik daw ng States.. hindi man lang nagpaalam =__=

Si Zed kaya tawagan ko at papuntahin dito?

Nah.. I’ll sleep nalang.

DAY 7

Kinabukasan, pumunta ako ng bakery na malapit sa school to buy a raspberry pie. I noticed kasi na  eto lagi ang inoorder ni Jayvee kapag nasa café kami eh. So I’m taking a guess na favourite nya toh.

“A slice of raspberry pie please.” Order ko.

“Sorry Ma’am?” Tanong ulit nung babaeng nagte-take ng order at halatang kakatanggal nya lang ng earphone sa tenga nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. Inatake na naman ako ng kamalditahan ko. “Seriously? What kind of business is this hiring such workers?”

Nangunot naman ang noo nya at halatang nagpipigil nalang. I just rolled my eyes and sighed. “I said, give me a slice of raspberry pie PLEASE? Okay na? Can you do your work properly?”

“Anong nangyayari dito?” May lalaking lumabas mula sa staff room.

“Do you own this bakery?”

He just blinked his eyes in confusion. “Miss- “

“Nevermind. Where’s my order? Nagmamadali ako.” I cut him off.

“Narinig ko maldita – este yes Ma’am.” Sabi nung babae. Psh.

PLACE: South Apex High University

Nalalakad ako ngayon sa hallway para pumunta sa room ni Jayvee. Maaga nagsimula ang exam nila sa isang subject and I think ginagawa na nila ito ngayon.

“Hi Brianna.”

“Good morning Brianna.”

Lahat yan inignore ko. Take note, of course lahat sila boys pero since nalaman nila na kami na ni Jayvee, hanggang bati nalang sila. Meron pa nga nung una ay may umangal.. at yun si Cedrick.  Remember him? Sya yung favourite toy ko dito sa school na kasali sa basketball team? He was really mad and hindi nya matanggap.. Ilang beses nya akong kinukulit pero ewan ko lang nung isang araw bigla syang tumigil. Bumabati nalang sya sa akin pero hindi sya makatingin sa mga mata ko. He’s weird.

Dala-dala ang pie na binili ko na ngayon ay well-wrapped, papunta ako ngayon sa room ni Jayvee.. Pagdating ko sa tapat ng room, nakita ko na si Jayvee na nandun lang sa desk nya at nakatungo ang ulo habang ang lahat ay busy sumasagot sa mga papel nila. Eh? Is he sleeping?

I didn’t bother to knock and just cleared my throat. Fortunately, it was enough to get everyone’s attention.. well of course, except sa natutulog na kabute.

“Brianna? Anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ng prof na hindi ko kakilala pero obviously alam na alam kung sino ako. Halata naman na gulat din ang iba.

“I want that jerk over there.” I simply said, pointing at the sleeping guy.

Lahat sila napatingin kay Jayvee.

“A-Ah eh.. pero Brianna, nagte-take kasi sila ng exam ngayon eh.” Sabi na naman ng prof.

“I don’t care. Hey you..” Turo ko dun sa babaeng nasa harap ng upuan ni Jayvee. “Gisingin mo sya ngayon na.”

Nagulat naman sya dahil kinausap ko sya. Aangal pa sana pero sinamaan ko sya ng tingin kaya humarap sya kay Jayvee at kinalabit ito. “A-Ano… J-Jayvee nandito si Brianna hinahanap ka.”  

Ang hina ng boses nya -__-

“Tss.” Dahil wala naman akong maaasahan sa babaing toh, ako na mismo ang lumapit sa upuan ni Jayvee. Nung nasa harapan na nya ako…

*PAK!* Sinapak ko ang ulo nya -__-

“ARAY! SINONG GUMA—“ Bigla syang nahinto sa pagsigaw nung makita ako.

Gusto ko syang isnabin pero syempre a sweet smile ang pinakita ko sa kanya. “Bad ka talaga Labidabs. Bakit ka natutulog sa exam nyo ha?” I asked with a sweet voice.

“H-Ha? Ano.. tapos na ako eh.” Parang naguluhan naman sya sa inasal ko. I can’t blame him. Mula kasi nung naging kami, hindi naman ako nagpaka-sweet sa kanya.

“Oh ganun ba? That’s good! Ang smart talaga ng Labidabs ko ^__^” Sabi ko sabay kurot sa malambot nyang pisngi. Shet ang lambot talaga parang skin ng babae -_-

Lahat ng klase eh pinapanuod kami maglandian dito.. kasama na dun syempre ang teacher.

“Bakit ka nandito?” Tanong nya.

I gave him the small box na naglalaman ng binili ko kaninang pie. “Here, I bought your favourite pie kanina for you! ^__^”

Bigla naman kuminang ang mga mata nya. Patay gutom -__-

“Talaga?! Thank you Labidabs! ^___^” Masyadong natuwa na parang bata at sobrang ngiti. Ganun ba sya kagutom? Aish! Lalo tuloy syang gumagwapo.  (;¬_¬)

 I smiled back and suddenly leaned forward to kiss his lips. Mabilis lang yun.. parang bigla akong kinabahan nae wan eh. “You’re welcome. I’ll see you later then.”

Aalis na sana ako pero biglang nagsalita yung babae kanina na inutusan kong gisingin si Jayvee.

“B-Brianna! Ahh… sorry!” Sabi nya sabay tungo.

“Tss. Walang kwenta.” Yun nalang ang sinabi ko at lumabas na sa room nila. Sakto naman na paglabas ko, biglang nag-beep ang phone ko.

From: Joan

Girl!! Where r u na ba?! Kanina pa kami nagsisimula mag-exam d2!

Tss. Bahala na -__-

.

.

.

After ng first day ng exam, hinintay ako ni Jayvee sa loob ng classroom namin. Nakasandal lang sya sa may pader na pa-cool. Well, cool naman talaga sya.

“Hey, kamusta ang exam?” Tanong nya nung makita ako.

“Ewan.” Sagot ko.

“Ha? Anong ewan?”

“Hanggang first page lang kasi ang sinagutan ko.. and the rest? I don’t know. Tinamad na ako eh.” Walang kwentang sagot ko. True naman kasi lahat yan.. tamad ako magbasa, tamad ako magsulat.. kaya natulog nalang ako imbis na magsasagot dun. Pero I’m sure naman na tama lahat ng sinagot ko sa first page. Perfect yun makita nyo.

Kapag ikaw na-fail..”

“Tsk.”

“Haha.. tara na nga, libre kita ng ice cream since binigyan mo ako ng pie kanina.” Nilahad nya ang kamay sa harapan ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay at natawa sya. “Oh? Kanina ang sweet mo tapos ngayon nagsusungit ka na naman. Tara na nga.” Hinigit nalang nya ako palabas ng school.

Pumunta kami dun sa bakery na pinuntahan ko kaninang umaga.. nagbebenta din kasi sila ng mga ice cream.

Nakita ko na naman yung babae kanina at nagulat din sya ng bahagya ng makita nya ako. I rolled my eyes at her at sinundan si Jayvee para umupo.

“Anong ice cream gusto mo?” Tanong nya.

Tumayo ulit ako sa upuan. “I’ll look kung anong flavours ang meron sila.”

He just smiled at sinundan akong pumunta sa may ice cream section. Kita ko na ang sama ng tingin sa akin nung babae. Kanina pa ako nagpipigil pero since wala ako sa mood ngayon dahil na rin siguro sa meron ako … ehem, lam nyo na -___- Sinamaan ko din sya ng tingin.

“Don’t look at me like that missy, kung ayaw mong dukutin ko yang mga mata mo.”

Nagulat naman sya sa banta ko sa kanya. Tss, weak.

“Maddison..” Jayvee called me and I know na may warning sa tone nya. At ang issue about sa pagtawag nya sa akin ng Maddison? Ewan, sanay na ako.. at pagod na din akong umangal dahil hindi din sya nakikinig kaya pinabayaan ko nalang.

“I’ll take vanilla. Mauna na akong umupo.” At pumunta na ako sa may desk naming habang sya ang nag-order.

Pagkabalik nya, binigay nya sa akin ang isang small cup of vanilla ice cream.

“As much as possible, ayokong makita  na nakikipag-away ka.” He suddenly said.

Napatingin ako sa kanya. “Hoy ikaw lalaki, kung makaasta ka parang tayo talaga ah! Sumusobra ka na. Don’t you order me around!” Hindi naman ako sumigaw pero pabalang ko yun na sinabi.

Kahit na ganun na ako magsalita, parang wala lang sa kanya. “Actually, let me remind you Maddison.. we ARE in a committed relationship.. with feelings or not, hindi natin made-deny na we still are. Unless gusto mo ng sumuko sa deal?” He smirked after that. He knows na I hate that word giving up.

I gritted my teeth and looked away. I started this and I shouldn’t be the first one to give up. This is my game after all.

“Okay na? So yun ah.. kung nagagalit ka man, pigilan mo nalang ^_^” Sabi bya.

Argh!!

Within those days, natuto akong magpigil. Kahit na gusto ko ng malditahan ang mga bubuyog sa paligid, ako nalang ang umiiwas. Syempre nabigla ang iba at nagtataka kung ano daw ang nangyayari sa akin. Tsk.. kung alam lang nila.

Lumipas ang mga araw na ganun pa din naman. DAY 18 na since naging kami ni Jayvee. As usual, nagco-compete pa din kami naipa-fall ang isa sa amin para manalo. Galing noh? Commitment was just a game for us. I didn’t know nga lang kung pano nag-end up si Jayvee as a Casanova. I’m sure meron syang reason.. I mean halos lahat naman merong past na nakapagpa-bago sa kanila diba? Oo, aminado ako na meron akong masaklap na past kaya ako naging ganito. Pero tamad ako magkwento kaya bahala na kayo mag-isip kung ano yun..

I was walking down the school campus  nang mapadaan ako sa bulletin board. Halos pinagtitinginan yun ng mga students sa paligid. May new post malamang. It wasn’t that I really wanted to know.. slight lang, kaya lumapit ako ng konti. May isang article dun kaya lang di ko masyadong mabasa dahil ang daming tao.

Nung mapansin nila ako, they stared at me.. and I didn’t like it.

“Oh, nandito na pala ang kakambal.” Dumating si Akiko. This time, hindi na kasama ang pinsan nya.

“anong masasabi mo sa balita this time Ms Brianna? Isn’t it sad?” Her voice was full of sarcasm.

Tinaasan ko sya ng kilay.

“Oh, don’t tell me hindi mo pa nababasa?” Tumingin sya sa ibang mga studyante. “Umalis nga kayo dyan nang makita ng prinsesa ang kumikinang na article sa board.”

Nagbigay naman agad ng way yung mga students. Now I could clearly see the article. Lumapit ako at binasa.

While reading, nanlalaki ang mga mata ko. Nakalagay dun ang totoong nangyari sa amin ni Ondrea. Na nag-away kami dahil sa iisang lalaki kaya naglayas sya. At meron pang mga nakalagay dun na mga samu’t saring kasinungalingan na nagsisira sa image namin. Lalo na kay Ondrea.

I heard Akiko laugh. “So anong masasabi mo dyan? Beautiful article huh? Take note, ako pa ang nagsulat. Pero don’t worry.. nothing but the truth naman ang laman nyan eh hahaha!”

I glared daggers at her. I glared at her so bad as if my eyes were already bulging out. “How dare you to fucking do this!” I was so mad.. beyond imaginable! She hit the string this time and I wasn’t gonna let it pass!.

I walked towards her and puller her hair as much as I could. “ANYTHING BUT THIS BITCH!”

“AAHHH FUCK !! BITAWAN MO KO!”

Pinagsasabunot ko talaga sya. Tinatry nyang makaganti pero hindi ko sya binibigyan ng access. Even if she tried to kick me and hit me everywhere.. kahit na ang sakit sakit na ng mga pinagagawa nya, hindi ko nalang yun pinapansin. Basta ang alam ko galit ako and I want this bitch to rot in hell!

Yung mga tao sa paligid hindi alam kung gagawin pero hindi sila nangahas na awatin ako.

“PINUNO MO AKO AKIKO!” Habang sinasabunutan ko sya gamit ang kaliwang kamay ko, pinagsasampal ko naman  ang mukha nya gamit ang kanan. Kinalmot nya ang mukha ko pero hindi ko yun ininda. Kahit na sinipa nya ako at natamaan ang paa ko sa sobrang tulis ng heels nya – and fuck it hurts! Hindi ko pinakita sa kanya na nasaktan ako.

“BITAWAN MO AKO!! B-BITCH NASASAKTAN AKO! ARAY!!” Nagpupumilit syang makawala, pero sa tuwing sinusubukan nyang lumayo, lalo kong hinihigpitan ang hawak ko sa buhok nya. Naramdaman kong nanginginig na ang katawan nya. She was in pain. I could tell.. and that thought made me smile. Sadistic?  Very.

“MASAKIT BA HA AKIKO?! WALA PA ITO SA GALIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON SAYO! I WANNA SEE YOU SUFFER. I WANNA HEAR YOU SCREAM IN PAIN.. YOU KNOW WHY?! BECAUSE IT’S A HELLA MUSIC IN MY EARS!” Sinampal ko sya ng sinampal at nakita kong umiiyak na sya. “KUNG DATI PINAPALAMPAS KO YANG MGA KALOKOHAN NYO, THIS TIME YOU CROSSED THE FUCKING LINE! ANO?! UMIIYAK KA NA HA?! PA-KONTRA KONTRABIDA KA PA SA STORY NAMIN EH ISA KA LANG PALANG WANNABE! NANGAHAS KANG BANGGAIN AKO PERO WALA KANG MAGAWA PARA LUMABAN?! HA! YOU KNOW WHAT? YOU’RE SO FUCKING PATHETIC! ALL YOU CAN DO IS SHOOT YOUR ENEMY BEHIND THEIR BACKS. FUCKING COWARDS!”

Binitawan ko na ang hawak ko sa buhok nya at binigyan ko sya ng isang malakas na sampal. Sakto naman na may paparating na teachers at sinubukang hawakan ako. I glared at the teacher. “DON’T YOU DARE TOUCH ME!”

Nagulat ito sa pagsigaw ko pero wala akong pakialam!

Tinignan ko ulit si Akiko na namumula na ang buong mukha. Her head was down and she kept on trying to hide her face. Pahiyang-pahiya na yan I’m sure. She deserved it. Ganyan lang talaga ang mapapala nya.

“Remember this EYESORE, and also tell this to you fucking cousin. Hindi lang yan ang kaya kong gawin. Kaya kung ako sa inyo, manahimik na kayo!” Tumingin naman din ako ng masama sa mga tao sa paligid. Napaatras sila sa tingin ko at halatang mga takot. “Did you have fun watching us sweeties? Now learn your lesson at mas matindi pa dyan ang kaya kong gawin kapag sinubukan nyo akong banggain!”

“M-Ms. Hermosa your face is bleed—“

“SHUT UP!” I yelled at the fugly teacher.

I approached Akiko once again and gave her another slap.. even stronger than before. Napangiwi naman sya sa sakit. “Stop being a bitch try-hard, dahil ang isang Brianna Maddison ay MAS bitch pa sa inaakala nyo. That’s for what you’ve done to my face.”

Naglakad na ako paalis at binigyan naman agad ako ng way ng mga tao dahil sa takot.

Shit. Siguradong kalat ito sa school.. buti nalang nasa bakasyon for a week si Auntie ngayon. But still.. alam kong makakarating to sa parents ko. At malalaman nila ang nangyari sa amin ni Ondrea. Urgh!! I wanna kill that freaking girl!!

Dumeretso ako ng parking lot at pumasok sa kotse ko. I slammed my clenched fist on the steering wheel. “Fucking shit!” I shouted out of frustration. Nanggagalaiti na ako sa galit!! Wala na akong pakialam kung lumabag ako sa usapan naming ni Jayvee pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. I just gave that girl what she deserved!

Nagulat ako nung biglang may kumatok sa window ng car. I saw Jayvee standing outside at nag-motion na lumabas. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. should I go to him? Aminado ako na ang gulo-gulo na talaga ng ayos ko ngayon. Nagawa din naman akong sabunutan ng bruhang yun.. aish!

I opened my car at lumabas. He didn’t talk.. I didn’t either. We just stared at each other.. until at last he spoke.

“Ayos ka lang ba? I’m sorry I wasn’t there to protect you.” By those sincere words, hindi ko alam pero bumigay na ako.  Lahat ng sakit bigla ko nalang naramdaman in a snap.. lahat ng mga pinaggagawa ni Akiko.. biglang sumakit ang ulo ko, biglang humapdi ang mga sugat ko. Bigla kong naalala ang kapatid ko na halos ginawa ko ang lahat para kalimutan..

Ang isang Brianna Maddison Hermosa ay umiiyak ngayon and worst, sa harapan pa ng mortal enemy ko na naituring.. sya pa ang nasa tabi ko ngayon na kailangan ko ng kasama.

“I’m sorry for breaking my promise.. I just couldn’t take it anymore.” I sobbed.

“Shh that’s not important. I’m just here. I'm sorry dahil wala ako dun nung kailangan mo ako.” Bigla ko nalang naramdaman ang mga braso nya na yumakap sa akin. A sincere and comfortable embrace had enveloped me.

Hindi ko alam kung totoo ba talaga o he's just acting pero meron talagang part ko na gustong maniwala na he really wants to protect me. At hindi ko din alam kung anong sumapi sa akin at niyakap ko din sya at lalong humagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. I didn't know... I didn't know that I am bearing such pain until I heard his soothing voice.

Continue Reading

You'll Also Like

82.9K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...