Farrah
'Sa wakas! Nakatulog din nang mahimbing at walang panaginip.'
Bumangon ako at tumitig sa bintana. May sinag na ng araw... parang alas nuwebe ng umaga.
Masyado bang napatagal ang tulog ko?
Yung ginawang hapunan ni Theo ay naubos ko rin kagabi, fish fingers yung ginawa n'ya sa isda kaya naubos ko lahat kahit marami iyon.
Kay Liam naman... well may sama pa ako ng loob sa kanya pero hindi na katulad kahapon. Bibisitahin ko na lamang si Kian upang kumustahin s'ya sa hilaga...
Wala akong magagawa, si Liam ang may gawa... si Liam, as in Prince Liam. Hindi ko pa alam ang background ng taong 'to pero kahit gaano pa s'ya ka-gwapo at kalmado sa paligid n'ya... tiyak na may sikreto rin s'ya.
At tsaka, hindi s'ya umalis sa kwarto hangga't hindi ako natutulog kagabi.
'Akala n'ya siguro easy-to-get ako hmp.'
Tinampal ko ang nagkabila kong pisnge, "no, hindi ako pwede mag-focus sa isang tao lang..." Usal ko. Kapag ako nag-focus sa kaso ng isang tao tiyak na hindi ko mapapansin ang ibang kalaban.
'Focus sa background ni Farrah... tama.'
Halos manginig ako sa gulat nang may kumalampag sa pintuan ng balcony. Salamin ang pinto ng balcony at nakaharang lamang ang malaki at makapal na kurtina.
Agad akong lumapit doon at hinawi ang kurtina.
Nadatnan ko si Liam.
'Anong ginagawa n'yan dito? At bakit s'ya nandito?! E, pwede namang sa pinto dumaan?!'
"Anong ginagawa mo rito? Tinakot mo ako alam mo ba 'yon?" Pilit akong tumawa. Binuksan ko naman agad ang pinto.
Agad n'ya ako sinalubong ng yakap, muntik pa ako mawalan ng balanse. Nakapatong ang mukha n'ya sa aking balikat... ramdam na ramdam ko ang pag-hinga n'ya sa leeg ko. Sa leeg ko!
"A-anong kailangan mo? Ang aga-aga pa Liam namb-bwisit ka nanaman." Iritang sabi ko.
Hindi s'ya nag-salita at nanatili lamang sa pag-yakap.
'Anong nangyari sa lalaking 'to?'
Agad din naman s'yang kumawala sa pagkakayakap at lumabas ng balcony at tumalon na ikinagulat ko.
"Liam—"
"Shh." Sabi n'ya at nginisian ako nang pumasok s'ya sa bintana n'ya. Sa kabilang kwarto lamang.
'Anong trip ng bwesit na 'to? G*go.'
"Teka... anong oras ba ang alis ko?" Pag-isip ko.
May kumatok sa pinto kaya agad kong isinara ang balkunahe at dumeretso sa pinto.
"Magandang umaga." Bati ko kay Dom na ikinagulat n'ya.
"Tiyak na maganda nga ang umaga mo, prinsesa." Pag-ngiti n'ya, "maaari kayong sumunod sa'kin upang makapag-almusal ka na, kamahalan."
Sumunod naman ako sa kanya. Partida, naka-pantulog pa ako. Bestida na pantulog, ganern.
Nakangiti akong nakasunod kay Dom dahil masaya ako sa pagbabalik ko ngayon sa palasyo. Halos tumalon-talon ako sa saya.
Napatigil lamang ako nang marinig ko ang boses ng Haring Grover.
"Ano meron?" Bulong ko kay Dom.
Bumuga s'ya ng hangin, "tiyak na may alitan nanaman ang mag-ama, kamahalan..." anito at itinulak ang malaking pinto.
Pumasok ako at yumuko bago dumeretso sa upuan na katabi si ama. Narito na ang iba at tiyak na ako na lamang ang inaantay....
...at si Liam.
Saan na yun?
"Mahimbing ba ang tulog mo? Pagkatapos ng agahan ay pwede ka na makapag-bihis upang hindi na tayo gabihin sa byahe." Bulong ni ama.
Nilingon ko s'ya, "sasabay ka, kamahalan?" Tanong ko.
Umiling s'ya, "mananatili pa ako rito upang makapag-pahangin."
'May problema ba sila ng reyna? Wala na ba sila? Ang alam ko parang tutol lang ang magulang ng reyna.'
Tumango-tango ako at sumabay na sa pag-kain.
Nang dumating na si Liam at dumeretso s'ya sa tabi ng kanyang ama.
"Anong ginawa mo nitong gabi lamang, Liam? Diba may pinapatapos ako sa'yo?!" Agahan na ibinigay ng kanyang ama sa kanya.
'Kagabi? Si Liam? Tumambay sa kwarto ko at panay hawak sa kamay ko kahit patulog na ako.'
Hindi ko lamang pinansin ang alitan nila dahil normal lang ang pag-aaway ng mag-ama.
Ang ikinagulat ko lamang ay...
Tumilapon ang pagkain ng hari kay Liam. Ang pantulog ni Liam ay narumihan ng alak, sabaw, at ang matamis na inumin.
Tatayo sana ako nang pigilan ako ni ama, "wag ka na mangialam, prinsesa ko."
Pinunasan ni Liam ang sarili gamit ang serbilyeta.
"Lumabas ka nanaman at ano?! Nagpakasaya sa labas ng palasyo at kinalimutan ang responsibilidad mo rito!" Nagpatuloy ang hari.
'My God! Hindi deserve ni Liam ang bagay na 'to at kasalanan ko naman talaga! Kung hindi lang ako nag-inarte.'
Tumayo ako kahit pumipigil si ama. I just can't stand this kind of situation... kasi naranasan ko na rin mapahiya...
Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Liam, "tumayo ka nga riyan at 'wag kang yumuko." I scolded him. Hindi s'ya kumibo.
"Prinsesa—"
Bago pa man makapagsalita ang ama n'ya ay tiningnan ko s'ya ng masama.
"Patawad, kamahalan." Paghingi ko na lamang ng pasensya.
"Liam, tumayo ka na." Pagdiin ko sa salita at pilit ko pang hinila ang braso n'ya.
Bumuntong hininga na lamang ako at ibinaba ang kamay ko sa palad n'ya. Ngayo'y natauhan s'ya at iniangat ang paningin n'ya sa'kin.
Inirapan ko s'ya, "wag ka na ngang pabebe riyan at napapahiya na rin ako rito." Bulong ko.
Hindi na s'ya nagmatigas nang hilain ko s'ya habang magkahawak ang kamay namin palabas ng silid.
"Jusko! Mabuti na lamang ay sumunod ka na dahil hindi ko kakayanin ang pressure doon sa silid."
Mabilis na humapit ang kamay ng prinsipe sa bewang ko at hinalikan ako. Agad ko s'yang tinulak, "bakit mo ginawa 'yon?!" Inis na sabi ko at tinakpan ang labi ko.
"Tsk, ilang beses na dumampi 'yang labi mo sa'kin at umaakto ka na parang unang halik mo pa rin?" Pag-krus ng kanyang bisig.
Kahit ang dungis-dungis na ng prinsipe na 'to, hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan n'ya.
Umiwas ako ng tingin, "magbihis ka na nga roon!"
"Oo na sige." Buntong hininga n'ya at naglakad na palayo.
"Sandali!" Pigil ko. Humabol ako sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi sa ama mo ang totoo? Na naroon ka sa kwarto ko... at isa pa, dapat hindi mo na lamang ginawa ang lahat ng iyon edi sana hindi ka napagalitan." Sabi ko.
"Una, ginusto ko ang ginawa ko at kung hindi mo ako papatawarin kagabi... kailan pa kaya? pangalawa, hindi tayo nagsasayang ng oras mahal kong prinsesa, at pangatlo ay ayaw ko nang magsayang ng oportunidad kakasabi ng mamaya na o saka na." Paliwanag n'ya.
"Oo nga naman pero pinagpalit mo ang oportunidad sa responsibilidad? Hindi ka ba talaga tanga, kamahalan?" Tanong ko.
"Siguro nga natatanga ako, kamahalan." Paghawak n'ya sa baba ko.
"Ew Liam! Lumayo ka nga! Ang lagkit-lagkit mo!" Reklamo ko nang yapusin n'ya ako bigla ng yakap. Ipinatong nanaman n'ya ang kanyang mukha sa aking balikat.
Narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya kaya sumuko na ako sa pag-pupumiglas at niyakap na lamang s'ya pabalik.
I tapped his back, "mag-iingat ka sa paglalakbay n'yo sa timog..." bulong ko.
Nang kumalma na s'ya at kumuwala na rin s'ya at naunang naglakad.
Tiningnan ko ang kasuotan ko, "oh, great." Buntong hininga ko kasabay ng pag-irap.
❛ ━━・❪ ❁ ❫ ・━━ ❜