Pagkatanggal ko ng nerve gear nakita ko nang nakadukdok si Zilch sa lamesa, sina In-Kyu kung saan saan nakatingin habang ang tatlong teletubbies nakikipagratratan na ng bunganga kay Kenji at Lenox na mukhang inangasan sila.
Tumayo ako at isa isang nilapitan ang mga kasama ko. I tapped their backs.
"Good game, boys." I smiled. It's a good game even though halatang nagpaparamihan sila ng kills.
Hindi nga naman makukuha ang pagiging competitive nila lalo na't galing sa iba't ibang grupo.
Honestly, ganyan rin kaming katorse but of course we're improving. We're not minding how many kills ang nakukuha nh isa't isa, what matter the most is how we can win, it doesn't matter if may napatay ang isa o wala.
"Really? Saan ang good game don?" Helix spoke. He's too sarcastic.
"Yeah, where's the good game on that." In-Kyu added. Isa ring sarkastiko.
Napatango naman si Rocco.
Ang miyembro ng kabilang team pinapanuod lang ang mga reaksyon ng mga manlalaro na nasa grupo ko.
"It's a good game after all kasi you tried your best na makipaglaban kahit alam niyong tagilid, I already know from the start that all of you can't adjust that fast. Halata sa mga galaw niyo, hindi niyo pa kabisado. But at least you tried harder than you can, and that's enough for me to know that little by little you're accepting Luctor et Emergo as yours." I explained.
"Ito kasi hinawakan ako sa ulo eh." Inirapan ni Zilch si Iñigo.
"Natisod ka, hinawakan lang kita. Tanga mo kasi." Ganti naman nitong isa. Nakangisi pa si Iñigo kaya inirapan siya ulit ni Zilch.
Napailing na lamang si Lucius sa pamangkin niya habang patawa tawa si Kenji.
"Tara, practice tayo. Walang magpapahinga." Sabi ni Dylan. Agad na nagsitayo ang mga kasama ko.
Pinagkukuha nila ang mga nerve gear at iba pang ginagamit nila sabay labas.
"Sa kwarto mo, Ate!" Sigaw ni Langston at dinarag si Zilch.
Pagsarado ng pintuan napatingin ako sakanila.
"Tangina, alam mo bang kinakabahan ako ng hinabol kami nina Rocco." Pag-amin ni Danica, napatawa na lang kami.
"Mataas ang pride ng mga 'yon lalo na't former Captain at galing sa mga winning teams. Hindi papayag na masundan pa ang mga talo nila." Kuya Link stated.
"I'll be with them."
"Tomorrow will be a rest day." He informed.
Agad kaming napapalakpak ni Kenji.
"Except for you two." Tinuro kami ni Kenji ni Kuya Link kaya agad kaming napasimangot.
"Work hard, Caps." Pangaasar pa nila at tinawanan kami.
Pagpasok ko sa kwarto may kinakabit na sila sa TV.
"What to do?" In-Kyu asked me.
"Up for a monster raid?" Naupo ako at hinawakan ang nerve hear ko.
"I'm up!" Si Zilch. Nasa carpet kaming lahat, prente lang na nakaupo.
Nakasandal ako sa kama habang si Zilch nasa tabi ko. Ang tatlong teletubbies naman nasa kama ko nakadapa. Si In-Kyu nakahiga sa may paanan namin ni Zilch habang si Helix nandun naka-pwesto sa egg chair samantalagang si Rocco nasa may cuddler.
"This raid will be good for us para makilala naman natin ang tactics at kaya ng isa't isa." I said.
"But, where?"
"Golden Cave?" Patanong na sagot ko sakanila.
"Hidden pa kaya 'yon." Umirap si Langston.
Sarkastiko naming itinuro ni Rocco ang mga sarili namin. "Duh, District 1."
Napangiwi si Langston at napakamot sa ulo. He giggled. "Sabi ko nga po, Madam Captain."
"Madam Captain, tara na."
"Saan niyo nanaman nakuha 'yang Madam Captain?" Napailing ako.
"Jan jan lang." Tumawa ang teletubbies and friend.
Napailing na lang ang mga nakakatanda.
We all gear up. Nagsuot sila ng headset.
Magsusuot na rin sana ako ng magsalita si In-Kyu.
"Cap?"
"Yup?"
"I'll tell you something." Aniya at sumulyap sakanila. Hindi na nakakarinig ang mga 'yan, sa taas ba naman kung maglagay ng volume.
"Yeah go on, sure."
Bahagyang lumapit si In-Kyu at bumulong. Pagkatapos niya sabihin lahat ng gusto niya umawang na lamang ang labi ko.
"Really?!"
"Yeah, that's why I'm so protective about it." He smiled before putting his headset.
Phew.
Pagod akong tumatakbo sa tabi ni Iñigo na halatang walang kapaguran nanaman.
It's been 6 days of practice at araw araw na naming ginagawa 'to pero wala parin akong dala, hindi parin sanay.
Same lang ang panalo at talo ng bawat grupo. 3-3 all in all. Once a day lang kami nagka-clash, minsan nagwa-on one na kami.
And now, nagja-jogging kami sa labas ng subdivision. Punta kami raw sa may gotohan.
"Hoy, Luctor et Emergo daw siya 'di naman nagja-jogging." Reklamo ni Kenji kay Zilch nakasakay sa tricycle na sumusunod sa amin.
Sa loob nun, nandun si Shanea, Zilch at ang pusa ni Iñigo.
"Aih, pass. Hinika nga ako kagabi." Umirap si Zilch. Hinika nga naman talaga siya kakatalon talon sa kama.
"Pero yung pwet ng pusa nasa mukha mo." Si Lucius.
"It's fine, fur don't trigger me nga kasi, kulit naman Tito."
"Kulit daw Tito oh." Tumawa si Kenji ng hinampas siya ni Lucius pagkatapos niyang sabihin 'yon.
--
BRAYDEN LINK
"Bro," lumapit sa akin si Lucian at nagtanong. "alam mo na ba?"
"Yung?"
Nasa gotohan kami kumakain ng goto malamang. Nasa likod lang ako ng mga sisiw ko (si Euphrasia at Langston) habang pinapanuod silang mag-order, ang mga tamad naman nakaupo na.
"About Euphrasia." Bulong niya. "It's slowly rising kaya hindi malabong makikita niya rin. We need to prevent her from seeing that."
Agad na nagsalubong ang kilay ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng twitter. Dito lang naman may nagbabagang mga chismis.
Nasa trending list ang pangalang Euphrasia, its a hashtag. #Euphrasia.
I'm curious about what Lucian is talking about. Pagpindot ko napaawang ang labi ko sa nakita.
How come it blows up again?
It's the fucking video that the guy who scouted us from startrek posted before. The scandal who destroyed her.
Itinago ko ang cellphone ko at napatitig kay Euphrasia.
After they ordered tumingin siya sa gawi ko at ngumiti. Ngumiti na lamang ako at tumango kaya naglakad na sila sa lamesa na pinagdugtong dugtong nila para lang magkakatabi kami kumain.
Masaya na siya, bakit naging ganito pa. I sighed.
"Let's fix this sa bahay. Sabihan natin sina Maddy at Brazil."
Tumango ako at naglakad kami kung nasaan sila. We joined them as if nothing's worrying us.
"So, anong nangyari sa Golden Cave raid niyo?" I asked them.
I could eat well. Hangga't tumatagal kami sa labas, paniguradong pataas ng pataas ang bilang ng tweets sa hashtag na 'yon.
Maaapektuhan siya at maaapektuhan ang buong grupo. She'll recieve criticism and hate. Damay na rin ang buong Luctor et Emergo don, but that's not the thing I'm worried about.
Nagaalala ako sa magiging laro niya. I know how that thing messed with her life. Ayokong ibalik siya muli ron.
"Well, ayon na nga. Hindi madali..." Euphrasia talked about it amd everyone is listening to her.
"Are you okay?" Maddy asked me.
Tumango ako. "Yeah, why?"
"Mukha kang problemadong inahing manok." Aniya at tumawa. Napasimangot na lang ako at tinusok siya sa tagiliran kaya napatawa siya at hinampas ako.
Itong babaeng 'to hindi na nga sweet sadista pa.
"Alam mo simula nung Season 1 sadista ka pa rin." Sabi ko sakanya. Nakakain na rin si Euphrasia ng tuloy tuloy pagkatapos niyang sabihin ang lahat nangyari sakanila.
"May reklamo ka ba?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.
Pasimple akong nagnakaw ng halik sa pisnge niya. "Walang reklamo, Boss."
Inirapan ako ni Maddison kaya napatawa na lamang ako.
"Anong meron?" Tanong ni Brazil.
Nasa kusina kami, kakauwi lang namin. Tapos na akong maligo at ganon rin si Maddison. Nauna na kami sa baba dahil baka marinig pa nila kami.
"Euphrasia trended again." Lucian spoke.
"Oh really? Edi goods!"
"But it is not how the way you think it is, baby." I told Maddy.
Nawala ang ngiti nila ng makitas ang pagseseryoso sa mukha namin ni Lucian.
"Get straight to the point."
"The video that trended when we're still on Startrek trended again. Kaninang umaga ko nakita." I stated.
Mabilis na tumayo si Brazil habang nasa tenga niya na ang cellphone niya.
"Hello dad? Can I bother you? We just have a problem."
"Sundan ko lang, makakatulong si Tito."
"Susunod kami."
Tumango si Lucian at sumunod kay Brazil.
"Alam niya na?"
Umiling ako at uminom ng tubig. "Nope, walang nakakaalam, tayo lang. I'm afraid for her. Baka bumalik siya sa dati na hindi makausap at nakatulala lang, it's freaking me out."
Napabuntong hininga si Maddison. "This shit will be hard again. Tara na nga, sumunod na tayo."
Kinaumagahan sabay kaming bumaba ni Maddy. The four of us talked about that issue yesterday. Nagpatulong na nga kami sa Papa ni Brazil to take down those videos but hindi kaya, bawat delete maraming nagsisilabasan.
It's hard to controll lalo na't padagdag ng padagdag. Paniguradong aabot nanaman 'to kung saan saan.
"Bro." tawag ni Rocco na kakababa lang kasama sina Helix.
"Yeah?"
"Trending si Euphrasia." he said. Napabuntong hininga ako at tumago.
"Keep it still."
Mukhang naintindihan niya kaya napatango siya. Some of them are clueless, mabuti na 'yon.
They prepared breakfast for us, ang pinagtataka ko lang hindi pa nakababa si Euphrasia.
"Hernan." tawag ni Lenox.
"Bakit?"
"Ang Ate mo?"
"Nasa banyo pa siya. Tinignan ko bago ako bumaba."
Maya maya pa bumaba na si Euphrasia.
I arched a brow seeing her looking so lost and daze, nabangga pa siya sa may lamesa.
"Tingin sa dinaraanan, Euphrasia." It was Loki.
Napanguso si Euphrasia at napakamot sa ulo.
"Sana kumain na kayo, uy. H'wag niyo na 'kong hintayin." Ngumiti siya.
The four of us keep observing her actions.
"Asus! Ngayon lang ako na-amaze dahil magkakasama tayong kumain palagi kaya hihintayin talaga kita." Haruto spoke.
"Bakit? Hindi ba kayo sabay sabay kumain sa inyo?" Tanong ni Langston.
Umiling sila.
"Hindi sabay, kaniya kaniya kami. Minsan nga nagmumukhang buffet restaurant ang boothcamp namin dahil iba't ibang putahe ang mga pinaluluto. Mga ma-arte eh." Tumawa si Haruto habang nagk-kwento.
"Kanina pa kayo tingin ng tingin sa akin, gandang ganda na ba?" tumawa si Euphrasia.
"Hindi, tinitignan lang naman kita kasi mukha kang sisiw."
Dumila lang si Euphrasia at nakipagdaldalan.
After eating at paghinga sa konting oras na meron kami, agad kaming nagsiakyatan sa game room.
"Everyone, let's have a raid." Euphrasia announced.
"What kind?"
"A monster raid, it can help you na pataasin ang VIT, STR at AGI niyo."
"Saan tayo magre-raid?" Si Zilch na halatang exited nanaman.
"Just follow me." ngumiti siya at pumwesto bago isuot ang nerve gear niya.
"Gear up! Let's follow the Captain!"
"Yes Coach!"
It's somehow fluttering me everytime they're calling me Coach.
Haist, this members of mine.