Condo Boys (A Journey to Reme...

By xxxRavenJadexxx

1.3M 30.2K 3.5K

Condo Boys (A Journey to Remember) is inspired by a true story of Mr. Arman James (arjaykentot) A story of f... More

Prologue (Letter)
Chapter 1: Hany
Chapter 2: Da Moves
Chapter 3: Mall
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: The Three Idiots
Not an Update
Chapter 6: Condo Boys
Chapter 7: Cook
Chapter 8: Secret
Chapter 9: Fight
Chapter 10: Chiqui
Chapter 11: The Food
Author's Note
Chapter 12.1: The Gathering
Chapter 12.2: The Gathering
Chapter 12.3
Chapter 12.4
Chapter 13.1: Show
Chapter 13.2
Chapter 14: Broken
Chapter 15: Home
Chapter 16: It's not a Kiss!
Author's Note
Chapter 17: The Revenge
Chapter 18: The Confession
Announcement!!!
Chapter 20: Wrist Watch
Chapter 21.1: BDay
Commercial Break!
Chapter 21.2: Bday
Chapter 22: Jelly
Chapter 23: CIA
Chapter 24: Shade of a Doubt
Chapter 25: The Contract
Chapter 26: It starts..
Chapter 27: I'm at you're back!
Chapter 28: Love is Blind
Not an Update
Chapter 29: It Means Nothing
Chapter 30: Get Away
Chapter 31: Gone
Chapter 32: Dead Man Walking
Chapter 33: Let Him Go
Chapter 34: Walk Away
Chapter 35: Arken
Chapter 36: Clarity
Author's Note
Chapter 37: White Box
Another Author's Note
Chapter 39: The End Part 2 (Before It's too late)
Chapter 40: The End Part 3 (I Can't See You Anymore)
Author's Note: Thank You!
Chapter 41: The End Finale (Leave the Memories Alone)
Author's Note: Final Message
Final Author's Note: Trivia (Love knows no Time)
TRIVIA plus KEN'S POV (Special)

Chapter 38: The End Part 1 (Learning to Breathe)

19.5K 455 72
By xxxRavenJadexxx

Ken's birthday was beyond expectation. How ironic that he all wanted us to be happy but it turned out to be a tear-jerking experience. It's like a eulogy, a form of saying goodbye prematurely. The only good that I remembered is when I got the chance to say what's inside me. It's not my birthday but I was given a chance to say my unspoken words. It came out spontaneously. 

After that simple celebration, Ken promised me na he'll avoid being emotional again and winarningan pa kami na 'wag siyang pakikitaan ng anumang kalungkutan as if malapit na siyang mamatay.  Gusto niyang tratuhin namin siya na para lang normal na tao na walang iniindang sakit.

"Hoy Kambal! Gumising ka na diyan, nandito si Kentot pati with her Mom!" bigla akong naalarma nang tapik-tapikin ako ni Ate upang magising.

"Ha?!" agad akong napabangon sabay tingin kaagad sa relong ni-regalo sa 'kin ng Kentot ko kagabi. Mag aala-una na pala ng hapon. "Anong ginagawa nila?"

"Ewan ko, pero nasa labas pa sila at hindi pa pumapasok. Bilisan mong mag-ayos diyan and I'll inform Mommy na may bisita tayo okay?"

Hindi ko na sinagot si Ate at mabilis na lamang akong nag-ayos ng sarili. It only took me five minutes to finish my morning rituals.

I don't have any clue kung bakit naririto si Kentot kasama pa ang Mama niya. I have a gut feel but I don't trust it. Basta, I'm a bit confused and surprised  kung bakit sila naririto, sa Birthday pa mismo ng Kentot ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakita ko kaagad sa aming Main Door ang aming panauhin na ini-entertain naman ng Mommy ko pati ni Ate.

"Oh Ken, I missed you so much my little boy," bati ni Mommy sa Kentot ko sabay yakap nang mahigpit. Gustong gusto ni Mommy talaga itong si Kentot lalo na nung magkaroon kami ng relasyon. It really broke her heart nang malaman rin niya ang kalagayan ng mahal ko. "My Good Lord please help our Ken na gumaling na. In the name of Jesus Christ. Ayos ka lang ba anak?" Mommy touched his cheeks after giving him a tight hug.

"Okay lang po ako Tita, salamat po. Namiss ko po kayo," pangiting sabi ni Ken. "Siya nga po pala, Mama ko po..."

I saw Tita Lian introduced herself to my Mom. "I'm Lian, nice meeting you."

"Oh, Ken didn't tell that he has a beautiful Mom. Nahiya tuloy ako." 

"Not that young. I'm in mid- 50's na," Tita Lian said.

"Same here pero losyang na," sambit ng Mommy ko na parang binababa pa ang sarili niya. Well, Mom, sa kanyang age is medyo may laman but not obese compared to Tita Lian na parang si Dina Bonevie lang ang hitsura at pigura ng pangangatawan.

"Not really, you still looked young...." Tita Liane told my Mom.

"Oh? Thank you for the compliment! I need that!" patawa muling sambit ng Mom ko.

Ate got into the way at niyakap sina Ken at Tita Lian bilang pagbati. Ako nama'y nandito pa rin sa second floor na parang nahihiyang bumaba at pasilip-silip na lang dito sa taas habang pinagmamasdan ang ginagawa nila.

"Where's Arjay?" asked Kentot.

"He's upstairs, waiting for you. Pababa na rin 'yun," Ate told him.

"Akyatin ko na lang siya ha?"- Ken.

"Sure!"- Ate.

"Sige Anak, bulabugin mo na 'run si Arman James. Matutuwa 'yun 'pag makita ka!" My Mom smiled. When I heard he'll go up, I immediately went back into my room to act like I didn't have a clue na nandito na sila. I closed the door at nagtago sa likod nito. Plano ko sanang gulatin si Kentot kaso mahirap na, baka kung anu pang mangyari kaya alalay lang ako, medyo i-susurprise ko lang siya.

I heard the door screeching as it opened and almost covered my entire body. "Arjay? Arjay ko?" he's tring to find me. "Arjay??"

"Hoy! Bawal trespasser dito!" I began to show up while seeing him looking at my comfort room. Abot tenga ang ngiti ko nang masilayang muli ang napakagwapo niyang mukha. Napakagwapo. He's one of a kind with that angelic face.

"Arjay? Anong ginagawa mo diyan sa likod ng pintuan?"

"Nagtatago. Ikaw? Anong ginagawa niyo ng Mama mo rito?" balik kong tanong sa kanya. Bigla siyang nangiti sa tanong ko kahit wala namang nakakatawa.

"Ano... Basta.... Halika rito sabihin ko sayo..." Bigla siyang humiga sa kama ko at ginawang unan ang dalawa niyang matitipunong braso. Mabilis naman akong tumungo sa tabi niya at nagdive sa kama sa may side niya upang humiga nang sideview facing him.

"What brings you here Kentot ha?"

Iginawi niya ang tingin sa 'kin at ako'y nginitian. Halata ang pagbawas muli ng kanyang timbang pero gwapong gwapo pa rin siyang tingnan at hindi nawawala 'yung appeal niya tuwing siya'y ngumingiti. Para akong ice cream na kulang na lang ay matunaw sa harap niya dahil kahit simpleng ngiti lang niya sa 'kin eh napapakilig niya ako.

"Matutuwa ka sa sasabihin ko," he said then smiled mysteriously. I can't deny the fact na biglang na uplift ang spirit ko dahil basing on the tone of his voice, seems like good news ang sasabihin niya.

"I like how you smile Ken. Gustong gusto ko 'yan...." I smiled back at him.

"He-he-he.."

"Tawa ka diyan? Ano 'yun, sabihin mo na....."

"Agad-agad? Pilitin mo muna ako."

"Sira!"  "Sige na magsalita ka na!"

"He-he-he, Kiss mo muna 'ko?"

"Ha?" sabay tawa ko na lang bigla sa napaka naughty niyang pinapagawa. "Sira ka talaga. May sakit ka na nga kung anu-ano pang pumapasok sa isip mo. Kilala kita Kentot. Malibog ka!"

"May sakit ako sa utak pero wala akong Virus. Yummy pa rin naman ako kaya 'wag kang mag-inarte diyan. Kiss mo na 'ko sige na," lambing niya sa 'kin sabay lagay ng kamay niya sa may butt ko.

Pinagbigyan ko ang hiling niya kaya't ibinigay ko na rin ang nais niyang halik. Simpleng smack lang ang ginawa ko nung unang magdampi ang mga labi namin, hanggang sa marahan kong paulit-ulit na inilapat ang labi ko sa labi niya na parang yoyo lang sa pagbalik-balik hanggang sa makuha namin 'yung rhythm ng passionate kissing. Kentot is still yummy at very tasty ang lips niya kaya parang nanabik ako na tipong nasilabang muli ang aking katawan nang malasahang muli ang matamis niyang halik.

I got carried away honestly kaya talaga namang gantihan kami sa paghalik. Namiss ko 'to nang sobra na madalas naming ginagawa when we're alone sa Condo pero lately, hind na namin ito napapractice dahil sa obvious na kadahilanan. Ken tried to grab the thing on my behind na nuo'y medyo tumitigas na but I refused.

"No Ken. Not now. Siraulo ka talaga, ang libog mo. Halikan lang..."

"Ha-ha-ha. Sorry naman."

We kissed in a very passionate way na tumagal ng halos sampung minuto. Kahit gusto kong makipagtalik sa kanya, I chose na hindi pakinggan ang urge ng katawan ko dahil hindi angkop ang oras para gawin ang mga bagay na ganun.

Nang matapos maghalikan, we ended up lying on my bed and sharing something at napagdiskusyunan namin ito.

"Siguro sasabihin mo na sa 'kin kung bakit nandito kayo ng Mama mo?"

Kentot is catching his breath at nanotice ko 'yung mabilis niyang paghinga na parang napagod sa katatapos na pag-ehersisyo.

"Okay ka lang Kentot?" alalang tanong ko sa kanya.

"Okay lang. Napagod lang ako. Pero namiss ko 'yun!" he smiled.

"Mukhang pinagod ata kita ah?"  "O siya sagutin mo na 'yung tanong ko."

Napabuntong hininga siya at biglang napangiti. "Approve na si Mama sa relasyon natin."

What he mentioned was actually a good news but I'm anticipating a different good news, patukoy sa sakit niya. "Really? Seryoso?"

"Oo Arjay ko. Hindi ko nga expected eh. Bigla niya akong kinausap kanina and she apologized dahil masyado daw siyang judgemental to me."

Halos umabot sa tenga ang ngiti ko sa narinig. "Wow. It's really a good news Kentot. So, wala na munang hadlang sa 'tin for the meantime? Siya nga pala, how about your father? Anong reaction niya?"

Biglang tumamlay ang mukha niya but not enough to make him sad. "Kailangan pa ba niyang malaman? He doesn't have any single idea Arjay. We don't have plans of telling it to him."

"Talaga? So panu 'yun? Kahit Mama mo hindi sinabi sa Dad mo?"

"Hindi Arjay ko. No need na though alam na niya 'yung condition ko. Kung sakaling malaman naman daw niya ang about sa 'tin, si Mama na lang ang kakausap at bahalang kumumbinse. Diba ang saya?"

He looked at me intensely flashing his gorgeous smile. That was a very authentic joy na palagi kong nakikita tuwing kasama siya. He sincerely loved me and there's no way for me to ever doubt it again.

"That's wonderful Kentot! I'm happy for you."

"It's also my wish for my Birthday mahal ko. It's a wish granted!" he smiled. "At dahil diyan, since hindi pa tapos ang Birthday ko, we'll go somewhere to celebrate my Birthday."

Napabangon ako nang bahagya. It came out as a surprise to me. "Somewhere? Saan tayo pupunta?"

Kahit saan. Basta tayong dalawa lang magkasama. 'Wag kang tatanggi dahil magtatampo ako sayo."

"Of course, bakit naman hindi? I liked that."

Bigla siyang napabangon at binigyan niya akong muli ng napakatamis na halik. "Mwaaah! 'Yan ang gusto ko sayo mahal ko, laging game! Tara na magbihis ka na at lalarga na tayo!"

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad akong nagmadali upang ayusin ang aking sarili. Kakaiba itong nararamdaman ko ngayon kumpara sa mga nagdaang araw na sobrangbigat ng pakiramdam ko na tipong sa dami ng nangyari eh hindi ako makasabay sa agos ng buhay, na para bang napag-iwanan ng tren sa napakaimportanteng biyahe. Gusto ko 'yung energy sa mga mata at ngiti ng Kentot ko na sobrang authentic kaya parang nahawa ako nang biglaan sa pinapamalas niyang attitude.

After wearing my casual attire, we went down upang makapagpaalam sa mga nanay namin. It was nice to see my Mom and Ken's Mom having a good conversation na tipong magkakilala na ng matagal na panahon. Ang sarap palang makita sila together chatting in one table. It's like a dream come true para sa 'min ni Ken, to see our parents approved our relationship. Nagpaalam din kami kay Ate na gusto sanang sumama pero pinagbawalan ko siya dahil that would be a couple's adventure.

"Wow Kentot! Sports Car!" I exclaimed nang makita ko ang bago niyang kotse. I was amazed dahil mukhang kabibili pa lang.

"That's the fruit of being sick, nabibili kaagad ang ambisyosong gusto."

"Geez. Stop mentioning that. You deserved that toy."

"Sorry.... but yeah that's true. Anyways, sakay na tayo at mamamasyal pa tayo..."

"Teka, saan ba tayo pupunta?"

"Kahit saan basta tayo lang dalawa," he said smiling at me.

"Hmmm... kahit saan pa 'yan basta kasama ka masaya na 'ko."

We rode his very expensive toy car. The ambiance inside of the car was terrific at para akong lumulutang sa ere dahil natutuwa ako knowing na madalas sabihin sa 'kin ng Kentot ko na gustong gusto niya talagang bumili ng ganitong klaseng kotse but his father won't let him have it.

"Kaya pala masaya ka dahil may sports car ka na?" I told him.

"Hindi naman masyado," sagot niya na halatang nagsisinungaling. "Uy suutin mo nga 'yang seat belt mo. Don't feel safe dahil alam mo na....." he advised me, I immediately wore the seat belt

"Sorry naman Kentot. Pero sa totoo lang, I'm happy for you. Natupad na ang matagal mo nang wish."

"Ang totoo niyan, natupad lang dahil hinarass ko ang parents ko kaya nagkaroon ako nito. Ginawa ko silang mga real life Genies kaya my wishes have been granted," he said showing me a very mysterious smile.

I raised a brow. I re-positioned myself sa pagkakaupo and asked a more detailed explanation about what he said.

"Wishes? You made your parents a real life genie? Why?"

We stopped when  traffic lights went red. Ken is pulling off another mysterious smile. "I took advantage of my situation para gawin silang Genie. I told them na ibigay nila sa 'kin ang 3 wishes at walang sabi-sabi, without any dispute coming from them, tutuparin daw nila kung ano pa raw ang hilingin ko."

"Seryoso?" I was in a state of amazement. "Kaya pala nagkaroon ka ng sports car ah? E ano naman 'yung dalawa mo pang wish?"

"That? I told my Mom na magpapaopera ako if payagan niya akong maging tayo ulit. Kaya nga pumunta kami sa bahay niyo diba? Ang slow mo Arjay ko ah?"

"WTF?" I exclaimed. "You're a genius and I'm so slow. But..... did you also tell this to your father?"

"Diba I told you kanina na my father is not aware of our relationship? 'Yung sportscar lang 'yung request ko sa kanya. The other two wishes, I said it to Mama."

"Really? So ano 'yung third wish mo?" I asked. The traffic lights went green and Ken proceeded driving the car.

"I'll take you there..." he smiled.

"Take me there?" I raised a brow again. "Ikaw Kentot ah, you're so enigmatic."

"Surprise!" he said with a loud cheer. "Sana magustuhan mo dahil sa Birthday ko, ako ang sasagot sayo."

I crossed my arms and bit my lip. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya dahil mukhang siya pa ang gumagawa ng way para mapaligaya ang ibang tao. The intention is good pero I'm not feeling excited with this kind of irony. "You don't need to do this Ken."

"I need to," he strongly defended. "I have to do it Arjay ko kaya no turning back for both of us..."

"I mean.... this is so wrong, I should be the one to surprise you but... Oh my God Ken you're making me so anxious," I said na halatang nagshift ng mood based on the tone of my voice.

"React ka naman kaagad, bakit nakita mo na ba ang surprise ko sayo?"

"Do I really need to see that? Wala lang... I'm just feeling uneasy 'yun lang."

"You mad?"

"No... I'm just.... never mind," napabuntong hininga ako. Nagtatampo ako sa kanya sa totoo lang. Hindi talaga tama eh. Sapat na 'yung ginawa niya when we celebrated his birthday. Kung ayaw niya ng surprises, mas lalo naman ako? 'Di ko naman birthday eh?

Hindi na sumagot si Ken at nagconcentrate na lang sa driving. All of a sudden eh bigla siyang nag U-turn going back to the way that we passed. I could easily sense something's not going right with both of our moods.

"Oh? Ba't ka bumabalik?" I confusingly asked him.

"Wala, 'wag na lang. Ayaw kitang pilitin...." sabi niyang halata rin ang pagtatampo sa tono.

"Hindi ko naman sinabing ayaw ko ah?"

"Kilala kita Arjay ko, I know kung ayaw mo ang isang bagay o napipilitan ka lang kaya....."

"Take me there Kentot," I insisted kahit part of me is saying no. "Wag ka ng magtampo diyan Kentot ko."

Mukhang nagbago kami ng situation, siya na ang umaayaw at ako naman ang tipong may gusto. Palagi na lang kaming ganyan. Mga praning. Sala sa init sala sa lamig.

"Okay lang Arjay, iba na lang. Saan mo gustong pumunta?" he shifted his mood and smiled again at me.

"Sa third wish mo, I wanna go there," I said na medyo may authority na sa tono ng boses.

"He-he-he, 'yan tayo e. Sorry Arjay ko, I say no na. Ako ang masusunod pwede?"

"Oh my God. This is unbelievable!"

"He-he-he, asarin lang kita ng slight."

"Pero Kentot I wanna go there kaya please lang.... take me there..." sabi ko na may paglalambing na sa tono. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nuo'y hinawakan ang kambyo ng sasakyan.

"Sorry Arjay ko, I changed my mind. I'll take you to a place na mas convenient sayo."

Ewan ko ba sa Kentot na 'to. Kung wala lang siyang sakit eh kinotongan ko na 'yan e. Ganyan siya kakulit. Bawal talaga akong magtampo sa kanya. Umiiba siya ng mood at hindi na mababali 'yun kaya ganito nanaman ang kadramahan namin.

"Grrrrr.... bahala ka, kotse mo naman 'yan...."

Hindi kami nagkibuang dalawa ng mga ilang minuto dahil sa hindi namin pagkakasundo sa isang maliit na pagtatalo. Sinabi ko lang naman sa kanya ang nararamdaman ko about his surprise. Kung siya kaya ang nasa kalagayan ko, Birthday ko tapos siya ang niregaluhan ko ano kaya ang mafi-feel niya? Diba ang awkward? 'Yun lang naman 'yun e, hindi ko naman sinabing ayaw kong pumunta sa pa-surprise niya sa 'kin kahit siya naman ang may Birthday.

Iniliko ni Ken ang kotse sa bandang kanan and I noticed na ipinark niya ang kotse sa isang Parke. It's like a Mini Luneta Park but I'm not familiar with the place.

"Anong gagawin natin dito Kentot?"

"Bili muna tayo ng Dirty Ice cream. Tara!"

He immediately took off his seatbelt at dali-daling lumabas. Ako nama'y tila walang ganang lumabas ng kotse dahil hindi ko talaga gustong pumunta sa lugar na 'to. Parang nawalan ako ng gana. Kung normal lang si Kentot ko baka nagwalk out na ako pero siyempre, sa aming dalawa, ako ang kailangang magpasensya so I act like a normal being kahit medyo nakaramdam ako ng pagkairita sa kanya sa sobrang tigas ng ulo niya.

Pinuntahan ko siya na nuo'y bumibili ng sorbetes na tig bebente pesos. Iniabot niya sa 'kin ang isang apa.

"Arjay oh.." abot niya sa 'kin sa Ice cream habang parang batang dinidilaan niya ang sorbetes niya.

"Salamat"

"Remember this moment? Diba ito ang gusto mo? Simple lang?" pangiti niyang sabi.

"Gusto ko pa ring pumunta sa surprise mo sa 'kin," I persuasively said.

"He-he-he. 'Wag na, baka hindi ka sumaya. It's my fault."

"Talaga namang kasalanan mo, kung hindi ka nagset ng expectation hindi ako aasa."

"Ay sorry naman?"

We just laughed and giggled sa mini-argument namin. Itinuloy namin ang pagkain namin ng Ice cream sa may puting bench located sa front ng isang narra tree. Pansin kong may kagandahan ang Park na ito na nakatayo sa gitna ng kamaynilaan. Napaka peaceful and very green na napapalibutan din ng matataas na puno. Para nga siyang sementeryo na kulang na lang e makakita ako ng lapida sa damuhan sa sobrang pagka peaceful ng lugar.

"Pwede ka bang maging Genie ko Arjay ko?"

I lost focus sa pagdila ng ice cream ko at nabaling ang tingin sa kanya. "So haharassin mo rin ako gaya ng ginawa mo sa parents mo ganun?"

"Hmmm..... parang ganun na nga. Three wishes, my dying wishes."

"Pucha ka talaga!" sabi ko nang paseryoso na halos ikaubo ko dahil nasamid ako ng sarili kong laway sa pagkabigla. "You don't want me to be sad pero nagmemention ka naman ng mga bad words. Ano ba talaga Kentot?"

"I don't want you to be sad but I don't want you to cover your eyes and ears about the reality. You know...."

"Tsssss... I'm not a Genie Kentot. Pero since hinaharras mo na ako, bahala ka na diyan. But please, stop saying bad words!"

"Good. Good, so payag ka na na maging Genie ko?"

I stopped licking my Ice cream at napaisip ako. Deep inside of me naman e gusto ko naman talagang i-grant ang kahilingan niya. He's eligible to request those to me so sino ba ako para humindi as long as makakaya ko naman diba?

"Ang baduy mo Kentot. Sige anong una mong wish?"

"He-he-he, Nice!" pagngisi niya. "Una. No matter what happens Arjay, from now on, I don't wanna see you cry."

I looked at him closely na salubong ang kilay. "I don't want you to cry, I don't want you to see me in pain. Mangako ka sa 'kin Arjay."

That promise is very impossible to do. It's hard to convince myself not to feel something that I should feel. If I want to cry, I want to cry. If I want to lose my mind, I lose my mind.

"What kind of wish was that Kentot?"

"As simple as that! Ayaw kong makita kang umiiyak o ngumangawa sa harapan ko. Ayaw kong makita mo akong nagsusuffer sa sakit ko. 'Yun."

"You're making me laugh Kentot. You wanted me to don't feel what I should need to feel. I'm a human, I'm not a robot. I have emotions to deal with," dipensa ko.

"But I want you to be a robot then," he insist. "I want you to act like one. Just promise me Arjay, promise me. It would be easy for both of us. I don't wanna see you cry from now on."

My Kentot is forcing me not to cry pero sa tono pa lang ng boses niya e nangingilid na ang luha ko. This is unfair on my end but since mahal ko siya, pipilitin ko ang gusto niyang ipagawa sa 'kin.

"The logic about that is, I'm stronger when you don't cry. I'm tired of crying, at pagod na rin akong kaawaan ng mga mahal ko. Kaya sana mangako ka Arjay, grant my first wish."

I'm quite hesitant to say yes pero may pwersang nagtulak sa mga bibig ko upang kumpirmahing pumapayag ako sa gusto niyang mangyari.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo," malungkot kong tugon. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang Ice cream kaya tinapon ko na lamang ang halos kalahati nito sa malapit na trash can.

"Good," he smiled. "And my second wish..... are you ready?"

"May magagawa pa ba ako Kentot?"

"He-he-he. My second wish has a connection with the first one. Kaya...."

I cut him off. "You are killing me Kentot!"

"I'm not killing you. I'm teaching you to breathe, Learning to breathe, without me."

Napatitig ako sa mga mata niya na nuo'y masaya pang nangungusap sa mga mata ko habang ngumingiti siya sa 'kin.

"Huh?! You're driving me insane Kentot. You really do!"

"Let's die for a moment Arjay," he sarcastically smiled. "Wala nang lunas ang sakit ko. I may be strong today, but I'll be brittle by tomorrow. My cancer is stage 4 already. I lied to all of you guys. I lied to my Mom, to my Dad, to my friends. My Doctor and I planned not to tell that it's already stage 4. I won't make it to my operation. There's no cure. Pero gayunpaman, I accepted it. The operation in US is already a hard option. I think it's hopeless. I'm sorry."

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya para hindi niya ako makitang umiiyak. I don't know why, I don't have a plan to cry but tears voluntarily flowed down my cheeks and that's insane.

"My second wish, Don't tell it to them. I tell it to you because I don't wanna lie anymore. I'm unfair I know, I don't want to see you sad, I don't want to see you cry but here I am.... I'm sorry Arjay ko. I'm so sorry..."

I really can't control the tears flowing into my eyes, and I'm afraid to face him showing the most vulnerable part of me. I stood up, without any excuses and hesitations. Parang hindi ako makahinga, nagdo-double vision ako. At sa hindi maipaliwanag na emosyon ko.... I ran away from him.


"Arjay, where are you going?"


Tumakbo ako palayo kay Kentot as fast I can. I felt my tears being carried away by the wind. My body is heading to somewhere I've never been before. It's an automatic response that somehow leads me to nowhere.

Nasaan ako? Ba't ako tumatakbo? Anong ginagawa ko? Why I'm so numb? Why suddenly tears are flowing out my eyes without my permission? Why I'm being so indenial with the situation? It hurts me. It deeply hurts. And the best thing that I could do is to escape from this nightmare of reality. I wanna die, and wake up after the sunlight comes up. This is insane and unfair! It's really unfair.


End of the Chapter's soundtrack: How to Disappear Completely by Radiohead



"How To Disappear Completely"

That there, that's not me
I go where I please
I walk through walls
I float down the Liffey

I'm not here
This isn't happening
I'm not here, I'm not here

In a little while
I'll be gone
The moment's already passed
Yeah, it's gone

I'm not here
This isn't happening
I'm not here, I'm not here

Strobe lights and blown speakers
Fireworks and hurricanes

I'm not here
This isn't happening
I'm not here, I'm not here....

Continue Reading

You'll Also Like

361K 7.3K 36
Masyadong mahal ni Ross Isaac Villa Roman ang kanyang pagiging Single kung kaya kailangang humanap si Ross ng matinding valid reason upang wag matulo...
61.4K 1.1K 15
I always want to share this story :) gawa po ito ni sir Joemar Ancheta, sana magustuhan nyo po tulad ng pagkagusto namin dito :)
38.9K 2.2K 13
Synopsis: Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumatin...
104K 3.3K 74
"You're a Part of me, and I'm a Part of You. We're Best Friends... like Brothers. But I Love You More than that." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~...