The Knights of St. Harfeld

By fbbryant

55K 4.1K 714

Mula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng co... More

Foreword
1- Fenris
2- Church
3- An Accident
4- Reward
5- An Opportunity
6- Apprentice
7- First Day
8- A True Friend
9- Didn't Belong
10- Who Is Blood?
11- What's Lower Than Lower Class
12- Cave of Horror
13- The Burden of Secrets
14- Lonely Hearts
15- Evacuation
16- Nice to Meet You
17- Nice to Meet You 2
18- Doubts
19- Rich Family Problem
20- The Sister and the Crowd
21- The Gifts and the Homeless
22- Offering Tuesday
23- Blood
24- They're Not Friends
25- A Happy Secret, At Last
26- Bloodworth
27- A Match Out in the Sea
28- The Fishermen
29- Knight In Shining Pajamas
30- Image
31- The Victor Rewrites History
32- Complications
33- The Attack of the gods
34- The Witches
35- The Paynes Family
36- Kept in the Dark
37- The Daughter of Terror
38- The Ancient Powers
39- Pay the Dues
40- Apology
41- Lifeless
42- Red
43- Don't Waste Time
45- A Broken Heart Isn't Fun
46- Witch in the Making (2)
47- Goodbye, Friend
48- Hunted
49- Grieve
50- Sisters
51- Fenris' Death
52- The Retribution
Epilogue
Special Chapter

44- Witch in the Making (1)

641 47 2
By fbbryant

Fenris, Linus and Mr. Meadows started their walk back to the encampment before sunrise. Isang oras na silang naglalakad at lahat sila ay pagod na.

"Aren't you a vampire? Bakit pawis na pawis ka? Napapagod din pala kayo kapag naglalakad?" ani Mr. Meadows at dinig na dinig ni Fenris ang bawat paghingal nito.

"Well..." nakita ng dalaga ang pagsulyap ni Linus sa kanya bago nito muling binalingan si Mr. Meadows, "I haven't fully recovered yet from my exhaustion yesterday."

Natigilan ang dalaga. Oo nga 'no? Bakit hindi n'ya naisip 'yun? Matagal bago gumaling ang sugat ni Linus kahapon. Namumula pa rin ang balat nito nang sa wakas ay gumaling iyun. And he didn't have blood the whole time they were traveling.

Tumigil siya sa paghakbang at agad siyang tiningnan ng binata.

"You can have some..." aniya pero umiling lang ito.

"I'm fine. We have to keep going," sa halip ay sabi nito at muling humakbang.

Napabuntung-hininga si Fenris. Matigas din ang ulo eh.

"Malayo pa ba tayo?" tanong uli ni Mr. Meadows.

"Two more hours," sagot ni Linus.

Mas nanghina si Fenris sa narinig. Mas nakakapagod. Alam naman niya kung gaano kalayo pa ang lalakarin nila pero mas nakakapanghina ng loob kapag paulit-ulit na pinapaalala. Si Mr. Meadows kasi, tanong nang tanong.

"Stop!" biglang sabi ni Linus at agad naman silang tumigil. Hindi ito kumilos nang ilang segundo na para bang nag-freeze ito.

"Ano'ng..."

"Back into the woods," matigas na utos ni Linus at hindi na naghintay si Fenris ng pangalawang salita. She ran into the woods kasabay si Linus.

Mabilis din namang sumunod si Mr. Meadows kahit na nakarehistro sa mukha nito ang pagkalito.

"Magtago kayo."

Sabay-sabay nga silang nagtago sa mga puno roon.

Ano ba talagang meron?

Sinulyapan ni Fenris si Linus na nagtatago rin sa likod ng isang puno. Nakikinig nanaman ito sa paligid.

"What's happening?" malakas na bulong ni Mr. Meadows.

At tila sagot sa tanong nito, narinig ng dalaga ang tunog ng makina ng sasakyan na papalapit. No, tunog ito ng sunud-sunod na mga sasakyan. Maraming-maraming sasakyan.

Napalingon siya kay Linus at nakita niyang nakapikit ito at nang bigla itong nagmulat ay nagulat pa siya nang makita ang mapupula nitong mga mata.

He was straining himself. Normally, kapag nakikinig ito sa paligid, hindi naman nito kinailangang ilabas ang vampire appearance nito.

Walang pagdadalawang-isip na tumakbo si Fenris papunta kay Linus at agad itong niyakap.

"Drink," she whispered.

Hindi na umangal ang binata. Mabilis na nahanap ng bibig nito ang kanyang leeg. Hindi talaga siya masanay-sanay sa sakit na dulot ng mga pangil nito. Para talaga siyang sinusunog nang buhay. Gan'on kasakit pero may kasama namang unexplainable pleasure.

Hindi nagtagal si Linus at agad ding tinapos.

"Okay ka na?" nag-aalala pa rin si Fenris.

Binitawan siya ni Linus at tahimik itong kumuha ng adhesive bandage sa backpack nito. He looked grateful while looking at her.

"Thank you. I feel a lot better," sagot nito saka siya mahigpit na niyakap.

Pareho silang napatingin kay Mr. Meadows nang marinig ang malakas nitong tikhim. This time, hindi siya binitawan ng binata. Hindi na lang sila umimik lalo na nang mas malapit na ang tunog ng mga sasakyan.

"I'll see if I can hijack one," Linus murmured on Fenris' ear and she nodded in response.

Mabilis na nawala sa harapan niya ang binata at nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Mr. Meadows. Nakabukas pa ang bibig nito. Yeah, his jaw dropped literally.

Sumilip na lang si Fenris mula sa likod ng pinagtataguang puno at nakita niyang iilang itim na mga pickup trucks ang lumampas sa kanila. Nanliit ang kanyang mga mata nang ma-realize na witches at Knights ang mga nasa likod ng mga truck.

Lihim na napamura ang dalaga pero malakas ang kay Mr. Meadows.

"Ay anak ng palaka!" gulat na napahawak si Fenris sa kanyang dibdib nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Linus. "What?"

"Once na tumigil ang pinakahuling truck, tumakbo kayo nang mabilis. I'm going to hijack it," seryoso nitong sabi kaya tumango siya at nawala nanaman ito sa harapan niya.

"Ready, Mr. Meadows?" baling niya sa lalaking mukhang ninerbyos nang husto. Tumango naman ito.

Yeah, she could do this. Kaya nilang tumakbo nang mabilis. Kita niya sa may di kalayuan si Linus. Nakatago rin ito sa likod ng isang puno. Nakita niya ang senyas nito kaya agad na tumakbo sila ni Mr. Meadows palapit dito pero nawala bigla si Linus sa paningin nila.

"Nasaan na s'ya?" gulat na tanong ni Mr. Meadows.

"Let's keep running," 'yun lang ang sagot si Fenris. The last truck stopped kaya nakiramdam siya.

"Come on," nakita n'ya na lang si Linus sa driver's seat. Nang narating nila ang gilid ng daan ay nakita nilang bagsak ang limang Knights doon.

Sumampa sa cargo bed ng truck si Mr. Meadows at sa shotgun seat naman si Fenris.

Muling pinaandar ni Linus ang sasakyan. Fifteen seconds lang yatang tumigil iyun- from him beating the Knights to hijacking the truck.

"Hindi ba nila napansin ang nangyari?" she nodded at the truck before them.

"No. I made a spell so they can't see what was going on," Linus answered.

"Saan sila pupunta?" nag-aalala niyang tanong.

"Kruz is probably leading them to the encampment."

"What? We have to warn them!"

"We don't have time for that. Nasa hulihan pa tayo," sagot nito nang nakakunut-noo na para bang malalim na nag-iisip.

"So, ano'ng magagawa natin?" nag-panic na ang dalaga.

Nandoon ang pamilya n'ya at maraming mga inosenteng mamamayan. Hindi pwedeng makarating doon sina Kruz.

"You drive," anito na biglang lumabas sa bintana ng driver's seat kahit mabilis pa rin ang takbo ng truck.

"What the hell!?" gulat na napahawak si Fenris sa manibela at lumipat sa driver's seat. "Langya naman! Hindi nga kasi ako marunong mag-drive!" sigaw niya pero nasa bubong na si Linus.

Common sense na lang ang ginamit ng dalaga. Pa- zigzag pa ang takbo nila. Linus, on the other hand, worked using his witch powers.

Unang lumipad sa kanan ang truck na nasa unahan nila. Naalerto na rin ang iba pang nasa unahan. The witches there started to cast their own spell. Linus didn't allow them to fight back though. Tumalon ito at walang kahirap-hirap na napunta sa kabilang truck using his vampire abilities.

Hindi nagtagal ay naubos nito ang mga Knights and witches kaya muli itong tumalon pabalik sa sasakyang minamaneho ni Fenris. He opened the driver's door and she moved back to the shotgun seat so he could go back go driving.

"Wala si Kruz," pagbabalita nito sa dalaga.

Mabilis nilang narating ang encampment at sinalubong naman sila ng mga magulang ni Fenris. Niyakap siya ng mahigpit ng mga ito. Agad ding nakalapit sina Maryan at Cole.

"Mr. Meadows, sumama kayo sa akin," ani Warin na tumingin nang makahulugan kay Fenris.

"Where's the Master Knight?" tanong ni Juy at malungkot na umiling ang dalaga. "Goodness!"

"Nasaan na ang mga ingredients para sa ceremony?" tanong ni Maryan pagkatapos siya nitong yakapin.

"Here," iniabot ni Linus ang backpack dito. "Do you need help, Yani?"

Yumakap din si Maryan kay Linus. "I will let you know. For now, ako na muna ang bahala. Magpahinga kayo."

Tumango naman ang lalaki.

"Hey," niyakap din ni Cole si Linus. "You alright?"

"Yeah," ani Linus na matagal bago bumitaw kay Cole. Naisip ni Fenris na baka kinailangan nitong mag-recharge sa yakap ng nakakatandang kapatid.

She decided to leave them alone. Kailangan niyang makausap si Gregory Bloodworth.

Nahanap niya ang lalaki sa isang tent kasama sina Ciro at Draven. Seryosong nag-uusap ang tatlo nang madatnan n'ya ang mga ito.

"Fenris Paynes," bati ni Gregory na tumayo mula sa pagkakaupo sa cot, "we have to talk to you about the Grand Knight."

"What about him?"

"We are going to fight him. Kaming tatlo," pagpapatuloy ng lalaki at tumayo sa magkabilang gilid nito sina Ciro at Draven. "Nakausap namin ang pamilya mo. Pati si Cole."

"We are so outnumbered," mahinang sabi ni dalaga.

"We can do it," ani Draven. Medyo sumimangot pa ito dahil sa sinabi n'ya. Akala yata nito ay wala siyang tiwala sa kakayahan ng mga 'to.

"Natalo kami dati dahil sa dami ng nakalaban naming witches. But how many does the Grand Knight have right now? Base sa nababasa ko sa isip mo ngayon, you and Linus killed quite a few," dagdag ni Draven.

"Thank you," 'yun na lang ang naging sagot ni Fenris.

"You don't need to thank us. They are our enemies. Simula pa lang, they are my enemies. Nadamay lang kayo rito," sagot ni Gregory.

"Sa ngayon, kailangang simulan na ang evacuation," dagdag ni Ciro.

"Sentry Bloodworth can stay here for the Channeling and his Sentries can facilitate the evacuation. We'd discussed this with them. Kayo na lang ang hinihintay," ani Draven.

Tumango si Fenris saka lumabas na ng tent. Hinanap n'ya si Maryan at natagpuan n'ya ito sa tent ng kanilang pamilya. Naroon din sina Linus at Cole. Agad siyang sinalubong ni Linus at yumakap siya rito.

Pakiramdam ng dalaga ay hindi pa talaga sila nagsisimula. Parang ang laki pa ng dapat nilang pagdaanan.

"Can we do this? Tatlo na lang tayo now that... the Master Knight is gone," nag-alangan pa si Maryan.

"We have to make do. Wala tayong choice. We're the only witches here who can do the ceremony," sagot naman ni Cole.

"I have a concern though," ani Linus na mahigpit pa ring nakakapit sa beywang ni Fenris kaya tumayo na lang ang dalaga sa harapan nito.

"What is it, Lee?" ani Maryan, handang makinig sa kaibigan.

"Kahit na makapag-Channeling ang mga eighteen year olds, we can't let them fight. They need to train how to use their new powers. It's not gonna help us. We can't risk them."

"They agreed to study the spells in advance. Habang nasa Saas kayo, nag-aaral sila ng spells. There are twenty of them who want to do the Channeling. And they want to fight for their land," though Maryan said that with conviction, she still looked defeated.

"That's so dangerous," naiiling na sagot ni Linus and Fenris agreed.

Hindi trained ang mga kabataan nila sa pakikipaglaban.

Hindi nakasagot sina Maryan at Cole. Tama naman kasi si Linus.

"Then they're going with the evacuation ships," pinal na sabi ni Maryan.

Fenris was aware that their trip to Saas was for nothing. Reid's death was in vain. Hindi n'ya napigilan ang kanyang mga luha nang maisip si Reid.

"I'm going to do the Channeling," bigla niyang sabi at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Linus sa kanya.

"Fen..." aangal pa sana si Maryan pero umiling siya.

She couldn't decide just a few moments ago but she was going to do the Channeling for Reid. Hindi siya papayag na para sa wala ang pagkawala ng buhay nito.

"I can fight. I still have three days to memorize spells. I will do the Channeling."

"Ako rin," napalingon sila sa entrance ng tent nang pumasok doon si Elliot kasama sina Warin at Juy.

Napalunok si Fenris. She realized that life was so fragile to hold grudges. She did it with Reid and she regretted it. If only she wasn't a skeptic. If only she wasn't so judgmental.

"Elliot, pwede ba tayong mag-usap?" bigla na lamang niyang sabi kaya napadungaw si Linus sa kanya. Para bang tinatanong nito kung dapat ba siya nitong samahan. Umiling siya saka siya binitawan ng binata.

***
@immrsbryant

Continue Reading

You'll Also Like

63.7K 1.3K 47
Lahat ng naka sulat dito ay kuha ko lang mula sa INTERNET. Enjoy Reading Humans! XD
3.2M 273K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
104K 4.2K 32
Rin Daniel- anak ng mga bampira ngunit hindi niya alam bakit tila nahuhuli ang pagkatao niya para maging isa. Marfie Fionna- isa sa pinaka makapangy...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...