Your One-Shot

By TropangWattyFacebook

13.1K 273 155

Mini-game (Finished) Result: ENTRY NUMBER- TOTAL 9- 3.499 14- 3.333 17- 3.995 19- 4.499 20- 3.499 21- 3.999 2... More

Your One-Shot
Ang Spelling Bee by mister_author
Forget Me Not by NuhYheen
I Told You I Love You on a Piece of Paper by zheliLURVScookies
Candy Wrapper by TheUnpredictableGirl
Is It Too Late? by TheGirlYouCantDefine
Memories Under the Rain by Popcornchin
Karibal ko, Manliligaw ko by Joomanjee
Mahal mo ako, Manhid ka lang by supermaria09
Here I Stand, Take my Hand by thesoullessvampire
Bigyang Pansin by aira_irish
ABC by iemotaku
Beautiful in my Eyes by enjelshii
Starbucks Love Story by iloveyouLP
A Crush Story in Fun Run by iheartkitty20
The Story of Us by dinklebeyr
The Invitation by Unidentifiedbluestar
Pepsi by sushihead
My Eighteenth Rose by KesoBoy
Onirus by szhan06
It Started with a Status Message by bittersweet24
Once Upon A Time by PurpleWonders
An Hour Too Late by iamjaypee
Birthday Greeting By TwoFaceDiva
Girlfriend for One Day By Ladywithbutterflies
Courting my Crush by twinkletz_eyn
P R O M I S E S ! by BataNaMAYulit
IF I COULD... by Yurimika
SILENT LOVE
Truth Hurts, Sweety.. by strawberrycookies
A Love Story by somberDoll

Have You Seen This Girl? by ash_23

315 5 2
By TropangWattyFacebook

ENTRY NO. 18 (CLICK THE EXTERNAL LINK KUNG GUSTO NIYONG SUPORTAHAN ANG KWENTONG ITO SA FACEBOOK.) 

Have You Seen This Girl?

A Story of ash_23

I saw her once then she vanished.

I want to know her and see her.

So if I may...

I just want to ask you...

"Have you seen this girl?" 

[ Sky's POV ]

*click*

*click*

Taking pictures is my hobby, taking pictures of anything and anyone. Ewan ko ba kung bakit gusto kong magtake ng pictures, siguro pampalipas oras ko lang...

Sige click dito, click doon, click sa kaliwa, sa kanan, sa taas, at sa kung saan-saan pa man, basta click lang ako ng click.

I got so many shots of many places but I went and look for more. Habang naglalakad ako ay may nakita akong girl na may hawak ng maraming balloons of different colors. Syempre ako, as a self-proclaimed photographer, eh kukuhanan ko sana pero...

She saw me took a picture of her, at nung tinignan ko yung shot ay nakatingin siya straight at the camera and she is smiling.

I looked at her direction again but she's already gone. She'd already vanished, yet there's one thing I want to know about her...

.

.

.

...her name.

Habang naglalakad ako, tinitignan ko yung picture nung girl na may hawak na balloons. Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko, naguguluhan na nga rin ako ehh...

"Ano bang pangalan mo?" sabi ko sa sarili ko.

"Gusto kitang makilala." 

Naupo ako sa isang park bench. Still looking at the same picture. Ewan ko ba pero nacucurious ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit o ano pero nacucurious ako sa kanya.Sino ba siya? at bakit ko ba siya gustong makilala.

Naguguluhan na ako... Grabe. Mamamatay na ata ako sa kaiisip kung sino 'tong babaeng 'to. Pero since hindi ko pa alam ang pangalan niya...

Her name right now is 'HaveYouSeenThisGirl'.

(A/N: Yup! Named after my favorite wattpad writer :D)

Mga 5 minutes din akong nakaupo at nag-iisip tungkol kay HaveYouSeenThisGirl. Asan na kaya siya... gusto ko kasi siyang makita ehh...

Ewan ko ba kung bakit pero sa lahat ng kinuhanan ko sa kanya lang talaga ako makaramdam ng kakaiba. I don't know pero I felt a strange feeling whenever I see 'this picture'. Is it just me or...Naku! Hindi! Imposible yung iniisip ko! Hindi mangyayare yun. Hinding hindi...

Nagsimula akong mag-ikot at nagtanong sa mga tao doon asking them if they saw HaveYouSeenThisGirl, pero wala akong luck na mahanap. Lahat ng tinanong ko hindi siya nakita. *sigh*

Teka lang! Bakit ko ba siya hinahanap? Bakit ko ba siya gustong makita? Arrrgh! Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. 

Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap kay HaveYouSeenThisGirl at nagtanong tanong ulit...

"Ate, nakita mo po ba 'tong babaeng 'to?" pagtatanong ko.

"Ahh, oo, parang nakita ko na siya." sabi nung babae.

"T-Talaga po? Saan po siya nagpunta?"

"Ahh, nagpaganoon siya." sabi nung babae habang nakaturo sa kanan.

"Ahh, salamat po..." sabi ko sabay takbo agad sa direksyon na tinuturo nung babae.

Syempre ako tumakbo agad, ewan ko ba pero excited na akong makita si HaveYouSeenThisGirl ehh.

Napunta na lang ako sa isang hill, naglalakad lang ako when I got to the edge, napakaganda ng view... So I got my camera and took a few shots of it...

*click* *click*

Naupo ako after kung kuhanan yung magandang view...

"Ang ganda ng view dito nuh?" may nagsalita

"Ahh, oo nga ehh..." sagot ko

Naupo siya sa tabi ko...

"Are you the one who took a picture of me?" tanong niya

"Ahhh, oo, actually, you look really cute." nakangiti kong sabi, medyo nahihiya pa nga ehh.

"Talaga? Pakita nga..." sabi niya.

I took out my SLR and showed her the picture.

"Nga pala, para saan naman yang mga balloons na yan?" tanong ko.

"Ahhh, wala lang naman, I'm just trying to send a message to God." sabi niya.

"Message to God?" tanong ko?

"Yup, see the paper on the end of these ballons? That is my message to God." nakangiti niyang sabi.

"Message to God, sa tingin mo naman makukuha niya yan?" tanong ko.

"Well, let's just find out for ourselves." nakangiti niyang pinakawalan yung mga baloons sa kamay niya.

"Ano naman yang message mo na 'yan?" tanong ko.

Ngumiti siya...

"Secret..." sabi niya.

"Asus! Sabihin mo na!" pangungulet ko.

"Basta... malalaman mo rin..." sabi niya nakangiti.

I just looked at her...

"B-Bakit? Anong meron?" tanong niya.

"Ahh, wala, natutuwa lang ako sa'yo." sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" tanong niya

"Nakakatuwa ka kasi, may nalalaman ka pang message to God..." sabi ko

"B-Bakit? Don't you believe in God?"

I just looked up.

"I do but God never answered any one of my messages." sabi ko.

"You're wrong..." sabi niya.

"God always answer our messages." 

"Talaga lang?"

"Yup. Don't you know that God answers messages in 3 ways..." sabi niya.

"3 ways? Ano naman yung 3 ways na 'yun?" sabi ko.

"Way #1. He says yes and gives you what you want."

"Way #2. He says wait and gives you something better."

"And Way #3. He says no and gives you the best."

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Bakit ka tumatawa diyan?" tanong niya.

"Wala. Natutuwa lang kasi ako sa'yo." sabi ko

"Haaa?" nagtataka siya.

"Sabi ko natutuwa ako sa'yo... Ang dami mo kasing alam ehh."

Nagpout siya.

"Ano namang ibig sabihin nun ha?" tanong niya.

"Wala yung ibig sabihin. Nga pala, anong pangalan mo?"

"Wala akong pangalan ehh." sabi niya.

Ano daw? Wala daw siyang pangalan?

"Sus! Lokohin mo pa ako. Lahat ng tao may pangalan nuh, sabihin mo nakasi pangalan mo?"

"Wala nga akong pangalan." sabi niya.

"Actually, wala talaga akong naalala tungkol sa sarili ko."

May amnesia siya??

"H-Huh?"

"I don't remember anything. I just remembered that I almost died and got saved, after that, everything is all blank."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Wala, sabi ko sana makuha ni God yung message ko sa kanya." sabi niya.

I just looked at her again. So she has no name huh? 

"Gusto mo ako na lang mahpangalan sa'yo?" tanong ko.

Tumingin siya sa'ken at tumango.

"Ok, from now on... ang pangalan mo kapag kasama mo ako ay Denny." sabi ko nakangiti.

"Denny?!"

"Oo, ayaw mo ba?"

She smiled at me.

"Actually... I really like it." 

I just smiled at her and she smiled back at me after that talk, we became close friends...

She is Denny... AKA HaveYouSeenThisGirl.

*kinagabihan* 

[ Sky's POV ]

*flashback*

"Wala nga akong pangalan." sabi niya.

"Actually, wala talaga akong naalala tungkol sa sarili ko."

*flashback ends*

Ang weird niya... Sino ba naman sa mundong ito ang ipinanganak ng walang pangalan? =___= 

May tao bang walang pangalan? Teka? Baka naman alien siya from outer space... Hmmm, pano siya natutuong magtagalog kung alien siya? Ang alam ko kasi ang sinasabi lang ng aliens ay bleep bleep bloop bloop. 

Oo. Ako na ang nag-iisip na naman kay HaveYouSeenThisGirl, ako naman lagi ang nag-iisip sa kanya ehh, ewan ko ba kung bakit lagi ko na lang siyang iniisip, at ewan ko rin kung bakit naiisip ko rin 'tong mga nonsense na 'to tungkol sa kanya...

Pero... kahit na ba nonsense lang ang mga naiisip ko sa kanya, I can't help but to smile whenever I remember her face.

I took out my camera and connected it to the computer and started to print those photos. Isa-isa ko silang nilagay sa wall ng kawrto ko, pero may isang picture na naiwang unprinted, and that's her photo.

I printed 'that picture' as a wallet sized picture, ewan ko kung bakit pero whenever I see her picture my heart skips a beat. My face would automatically smile... Ewan ko ba basta yun na yun. Ngingitingiti ako kapag nakikita ko yung picture niya.

Feeling ko lahat na ng sintomas ng LOVEnat lumabas na sa mga pinag-aaasta ko. Am I inlove with her? Asus! Hindi nuh! Crush lang siguro 'to. Love at first sight kumbaga... Hindi pa ako handa sa mga ganyang mga bagay, bata at inosente pa ako :P

Haissst, bakit ba kasi siya yung iniisip ko, bakit ba kasi mula nung nakuha ko 'tong litrato na 'to ay inisip ko na agad siya... Hay naku! Bakit ba kasi nangyayari 'to sa'ken

Gulong gulo akong humiga sa kama... Tinakpan ko yung mukha ko na halatang balisang balisa... Ewan ko ba kung bakit 'to nangyayari sa'ken... Ewan ko....

*tok tok tok*

May kumakatok sa pinto, at sino naman kayang kakatok sa pintuan ng kwarto ko ng ganitong oras, grabe ha, hindi ba niya alam na 12:23 na ng hatinggabi...

Bumangon ako at binuksan ko yung pinto...

"Hello!" bati ni HaveYouSeenThisGirl

"H-Huh? Pano ka nakapasok sa bahay namen?" tanong ko O___O

"SEEECRET!" kumindat siya.

"Nga pala, may pupuntahan pala tayo, halika!" nakangiti niyang hinawakan yung kamay ko.

"T-Teka lang..."

"Halika na lang..." nakangiti niya akong hinila palabas ng bintana.

"Ano bang ginagawa mo dito?" nagtataka na talaga ako, pano siya nakapasok sa bahay. 

"Basta. Halika na lang..." hinila niya ako sa bubungan ng bahay namin.

Doon, magkatabi kaming nahiga...

"T-Teka, bakit mo naman ako dinala dito?"

"Bakit ba ang dami dami mong tanong 'ha!" reklamo niya.

"Ehh kasi, para kang kabuteng pasulpot-sulpot diyan."

Tumawa siya. "Hindi ako kabute! Sa ganda 'kong 'to?"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit mo pala ako kinuhanan nung araw na 'yon?" bigla niyang tinanong.

Oo nga, bakit ko nga siya bastabasta na lang kinuhanan nun?

"Ahhh... Ehhh... Hindi ko nga alam ehh, siguro kasi eye-catching ka." sabi ko na lang.

"Eye-catching? May eye-catching na palang dinosaur ngayon!" sabi niya.

"Dinosaur? Ikaw si barney?" tanong ko.

"Langya, hindi nuh! Ako ay isang fluffy dinosaur, yung cute na cute na dinosaur..."

Napangiti lang ako sa sinabi niya.

"E di ba fluffy rin naman si Barney?" pinipigilan ko yung sarili ko.

"Hindi nga ako si Barney ehh, diba ako si Denny, Denny the fluufy dinosaur!" sabi niya.

Natawa na naman ako sa kanya.

"So talagang panghahawakan mong dinosaur ka?" sabi ko

"OO NAMAN!" nakangiti niyang sabi.

"Nakakatuwa ka naman, ang weird mo." sabi ko

"Ako? weird? Hindi ako weird nuh! I'm just a dinosaur!! Rawr!!"

"Yun nga ehh, ikaw na lang ang natitirang dinosaur sa mundo." sabi ko.

"Then that means I'm one in a million!" sabi niya.

"E di ikaw na ang one in a million..." natatawa kong sabi.

"Asus! E di ako nga talaga!!" sabi niya.

She is so weird pero that thing about her... makes my heart skip a louder beat... Hayy ewan ko ba, pero I think I'm inlove with HaveYouSeenThisGirl...

"Pero balik tayo sa tanong ko kanina... Bakit mo ako dinala dito?"

Ngumiti lang siya.

"We'll see if God will answer my message..." nakangiti niyang sabi.

"Ano ba kasi yung message mo?"

"Malalaman mo rin 'yun, that is, if He will answer me today." sabi niya.

"So you have faith that God will answer you huh?"

Tumingin siya sa taas.

"Oo naman... That message is the only thing that I'm holding on you know..."

"The only one your holding on?" nagtataka ako.

"Yup!" she smiled

"Ano namang ibig sabihin nun?" tanong ko.

"Malalaman mo rin 'yun, just be patient." sabi niya.

"Just be patient? T-Teka lang anggulo mo naman..." sabi ko.

"Hindi ako magulo nuh! Ikaw lang ang nanggugulo, dami mo kasing tanong ehh." sabi niya.

"Ikaw kaya yung nagpapagulo, tignan mo naman kasi yung sagot mo, napakalayo sa Earth." sabi ko.

She just smiled at me.

"What do you feel right now?" tanong niya bigla.

What do I feel? Teka ano nga ba magandang isagot ko diyan...

"I feel good..." ewan ko kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko...

Ngumiti siya.

"Are you thinking about someone?" tanong niya.

Am I? Well yes, ever since this afternoon, I'm thinking of her pero...

"Yes. I am." sagot ko.

She smiled again.

"Are you thinking about a girl?"

Teka lang? Nababasa niya ba yung isip  ko? Kasi parang oo ehh...

"Oo. Pano mo nalaman?"

She smiled again.

Anu ba 'yan nakakaintimidate na yung ngiti niya ha... =________=

"Nalaman ko kasi kasasagot lang ni God sa'ken." sabi ko.

"H-Huh? Ano ibig mong sabihin?"

She smiled again.

"God had answered my message." sabi niya.

"Haa! Ano ba kasi yung message mo?"

"You'll know..." sabi niya.

Anggulo rin niyang kausap... =__________= grabe ha, naguguluhan na talaga ako sa kanya, ano bang ibig sabihin niya sa mga sinasabi niya...

I just smiled at her pero blangkong blangko ako sa mga sinasabi niya. Ano ba kasi yung message niya na 'yon?

"God is really funny right..." sabi niya.

"What do you mean?"

"Well, kasi he gives you more than what you wanted..." sabi niya.

"Ano namang ibig sabihin mo doon?" tanong ko.

"Kasi I asked God for some light, and he gave me the sun...

I asked God for some water, and he gave me the ocean...

I asked God for air, yet he gave me oxygen...

Di ba, ang galing ni God..." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya...

"I asked God for a person to talk to... And he gave me a friend... that's you..." sabi niya.

Nagulat ako nung narinig ko 'yon sa kanya...

"God is really amazing..." sabi niya.

"Don't you think so?"

"I guess..." I answered her.

She looked at the sky...

"Ganun na ba ako ka-weird? Be honest ha." sabi niya.

"Ahh, oo, I find you weird but... I like that about you..." sabi ko.

She looked at me after I said that.

"You know what, you're just as weird as me..." sabi niya.

"Then let's both be weirdos together..." sabi ko.

She smiled at me.

"Sa lahat ng nakilala kong tao, you seem to be the only one..." sabi niya.

"Only one?" tanong ko

"Ikaw lang ang nakakatiis sa kaweirduhan ko... Only one." she looked at me again.

"Ahh, ganun ba..." I also looked at her.

She smiled at me again.

"God was right..." she whispered.

"Ano?" 

"Wala, sabi ko thank you..."

"Para saan naman?"

"Sa time mo, late na late na kaya..." sabi niya.

"Onga ehh, tapos, bigla ka na lang sumulpot sa kwarto ko. Dati ka bang akyat-bahay girl?"

"Hahahahaha, hindi nuh, actually, kanina pa ako nasa loob ng bahay niyo, nahiya lang akong umakyat sa kwarto mo..." sabi niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Wala lang, nahihiya lang ako sa'yo, hindi pa naman kasi tayo ganun ka-close sa isa't isa ehh."

I just smiled back.

"Madaldal ba ako?" tanong niya.

"Oo, napansin ko nga na ayaw mo ng katahimikan ehh, lagi kang magsasalita kapag wala na akong masabi..." sabi ko.

"That's me!" sabi niya, nakangiti.

I tried reaching out for her hand but...

"May problema ba?"

"H-Haa?"

"Napansin ko kasing hahawakan mo yung kamay ko kaso hindi mo tinuloy..." sabi niya.

"Ahh, siguro nahiya lang ako..." sabi ko.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Ba't ka naman mahihiya sa'ken? May nahihiya na pala sa isang dinosaur na katulad ko."

Ewan ko pero I became uneasy nung hinawakan niya yung kamay ko. Yun ba yung feeling ng inlove?

"Ewan ko ba... Basta nahiya lang ako bigla..." nakangiti kong sabi.

She looked at me seriously.

"Is there something wrong?" tanong niya.

"Ahh, wala, wala." sabi ko.

"Bakit parang naiilang ka?" tanong niya.

"I haven't held a girl's hand for a long time..." sabi ko.

"So you've held hands before?"

"Yes, my girlfriend's hand, I held it at the last hour of her life..." sabi ko.

"Ohh? So sad to hear that." sabi niya.

"May I ask, what's her name?"

"Her name is-"

"Denny?" pinutol niya yung sasabihin ko.

"H-How did you know?"

She smiled at me...

"Nababasa ko yang mata mo, and I guess you love her right?"

"Yes... I do. Very much..." sabi ko nakangiti.

"You loved her so much that you named me after her." nakangiti niyang sabi.

"Ang OA ko anuh." sabi ko.

"No. I think it's really sweet." sabi niya.

"You think so?"

"Yes. I do." sabi niya.

I smiled at her, wondering when will this conversation end...

"I guess I should go now, huh?"

"Huh?"

"Umaga na kasi ehh, sige alis na ako, thank you nga pala sa oras mo... uhmmm..."

"Sky, and thank you din sa oras mo, HaveYouSeenThisGirl." sabi ko.

Tinignan niya ako at ngumiti siya...

"See you again..." she left after saying those words...

I just smiled and waved at her and she did the same...

Tonight is one extraordinary night... J

*kinabukasan*

*TOK* *TOK* *TOK*

Grabe naman ohh, ang aga aga namang mang-istorbo... =________=

*TOK* *TOK* *TOK*

Anu ba yan?! Ang aga aga pa... =____________=

Tinakpan ko na ng unan yung mukha ko pero naririnig ko pa'rin yung katok ng pinto... 

TANGUNU naman ohh, natutulog yung tao ehh =___________=

Bumangon ako para buksan yung pinto, at pagbukas ko...

"Goooooood morning, sleepyhead!" nakangiting bati ni HaveYouSeenThisGirl sa'ken.

"Grabe ka naman. =_____= Ang aga mo namang mang-istorbo." sabi ko.

"Halika may pupuntahan pala tayo ngayon." hinawakan niya agad yung kamay ko.

"T-Teka lang..." sabi ko.

"B-Bakit? Ayaw mo ba?" 

"Ahh, hindi naman sa ganun, pero please naman ohh, maliligo muna ako..." sabi ko.

"Ahhhhh..." nakangiti niyang sabi. "Sige, hihintayin kita doon sa may pintuan ha ;)" sabi niya.

"O sige." sabi ko.

No choice ehh, kaya ayun gumayak na lang ako... Ayos na rin 'yun atleast makakasama ko ulit si HaveYouSeenThisGirl ;') Masaya na ako doon. :")

Nakangiti akong lumabas ng kwarto ko and oo nga naghihintay nga siya doon sa pintuan.

"Wow! Ang gwapo mo naman..." sabi niya.

"Asus! Mambobola ka rin naman pala!" sabi ko.

Tumawa lang siya.

"O ano? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Basta, tara na!" hinatak niya yung kamay ko.

Hinatak niya ako sa isang bridge(tulay) tapos doon sa bridge na 'yon may hill sa kabilang side, at dun sa hill mapapansin mo ang isang napakalaking puno.

"Ano namang gagawin natin dito?" tanong ko.

"SEEEEEECRET!" sabi lang niya.

"Asus!"

"Nga pala, Sky, may ibibigay pala ako sa'yo." nakangiti niyang sabi.

"Huh? A-Ano naman 'yon?" 

"Eto..." may inabot siya sa kamay ko. 

"Wag mo yang sisilipin hanggang hindi natatapos 'tong araw na to ha!" nakangiti niyang sabi :)

"O...O sige..." sabi ko na lang tsaka binulsa yung inabot niya sa'ken.

"Halika na!" hinila niya ako doon sa may hill.

Maganda yung place na pinuntahan namin, kaya kumuha ako ng few shots of it... :)

*click* *click*

"Wala ka bang naalala kapag nakikita mo 'tong lugar na 'to?" tanong niya.

"Wala. Bakit?" tanong ko.

Ngumiti lang siya... Grabe, ang weird... :O

"Ano bang meron dito?" tanong ko

"Malalaman mo rin, when this day ends." sabi ko.

Ayan na naman siya sa gasgas niyang linyang 'malalaman mo rin'.

"Sky, basta mangako ka sa'ken ng isang promise lang.."

"Ano naman 'yon?"

"Ummm... Sky, please, dont fall inlove with me."

Nagulat ako nung sinabi niya 'yon.

"H-Huh?"

"Sky, don't fall for me... Maasahan ko ba 'yon?"

"Oo naman." sinabi ko na lang although aminado na akong mahal ko siya.

"Good!" sabi niya.

"Bakit mo pala ako dinala dito?"

"H-Huh?"

"Bakit dito?"

"Wala ka bang naalala dito, Sky? Kahit ano?"

Nag-isip ako ng mabuti pero, wala talaga ehh.

"Wala. Bakit mo ba tinatanong?"

"Kasi this place is special to me..." sabi niya.

"Ahhhh." sabi ko na lang.

Ngumiti siya sa'ken.

"Alam mo para kang si Denny, ang gulo mong kausap."

Tumawa siya.

"Ganun?"

"Oo pero... I think iba ka sa kanya."

"Ano naman yung pinagkaiba namin ni Denny?"

"Si Denny kasi mayroong Sky, ikaw wala pa..."

Nagulat siya sa sinabi ko...

"Anong ibig sabihin mo doon?"

"Malalaman mo rin, pagkatapos nitong araw na 'to." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Asus! Gaya gaya ka!" sabi niya sabay dila :P

Ngumiti lang ako.

"Pero sana, hindi na lang matapos 'tong araw na 'to..." sabi niya.

"Bakit naman ayaw mong matapos 'tong araw na 'to?" tanong ko.

"Kasi... this day..." nakangiti niyang sinabi pero hindi na niya tinapos.

"Ano?" tanong ko.

"Wala... 'wag mo na lang isipin na sinabi ko 'yon."

Tinitigan ko lang siya... Ang ganda niya talagang tignan...

"Sky, siguro ang saya ni Denny sa'yo no?"

"Bakit mo naman nasabi 'yon ha?"

"Kasi ang sweet mo, kahit isa lang akong weirdong stranger ay pinansin mo pa'rin ako..." sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Tapos, lagi kang sumasama sa'ken. Kahit sobrang gabi man or sobrang aga. Alam mo, Sky, sigurado ako, hindi nagsisisi si Denny na minahal ka."

"Ikaw ba, wala ka bang lalaking minahal?" tanong ko.

"Meron, isa, kaso nakalimutan na niya ako ehh." sabi niya.

"Sino naman 'yon?"

"Hindi na mahalaga kung sino siya, Sky, basta ang alam ko, hanggang ngayon, mahal ko pa'rin siya." nakangiti niyang sabi.

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Sana ako na lang siya..." sabi ko.

"S-Sky..."

"Pero... alam ko namang hindi mangyayari 'yun ehh.."

"Hindi nga ba?" tanong niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya...

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit pero somehow, something is pulling me near to you."

"H-Huh?"

"Remember kahapon, alam mo ba na after kitang makuhanan ng stolen shot, hinanap agad kita, De- este HaveYouSeenThisGirl..."

"Talaga?"

"Oo. At alam mo bang masayang masaya ako nung nahanap kita."

Ngumiti lang siya sa'ken.

"Napakasaya ko ngayon kasi katabi kita, sobrang saya, kasi katabi ko, taong talagang napakahalaga sa'ken..."

"A-Anong ibig sabihin mo doon, Sky?"

"Wala lang naman, basta napakathankful ko kasi 'nag-no' si God sa message ko"

"Ano ba yung minessage mo?"

"Sana mabuhay pa si Denny. Pero... hindi niya 'yon sinagot, pero may binigay siya sa'king mas mahalaga."

"S-Sino naman 'yon Sky?"

"Ikaw, HaveYouSeenThisGirl, ikaw yung binigay sa'ken ni God. Ngayon, alam ko na na mahal na mahal talaga kita."

"A-Ako?"

"Oo, kahit alam kong nangako ako sa'yo... Gusto ko lang sanang malaman mo na mahal na mahal kita."

"Sky, h-hindi pwede..."

"Alam ko 'yon, gusto ko lang malaman mo na napakahalaga mo sa'ken, at mahal kita, salamat din kasi dumating ka sa buhay ko..."

"Sky..." yun lang nasabi niya.

"Mahal kita, HaveYouSeenThisGirl, mahal na mahal kita."

"I....I'm sorry Sky, hindi talaga kita pwedeng mahalin... Sorry..." bigla siyang tumayo.

"Ayos lang 'yon sa'ken... Basta, 'wag ka ng aalis sa tabi ko, masaya na ako. Basta nandiyan ka lang, masaya na ako. 'Wag ka ng aalis ha..."

"Hindi ko 'yan maipapangako sa'yo, Sky."

Tumayo ako at hinawakan ko yung kamay niya.

"Please... kahit ngayon lang, samahan mo naman ako..."

Nakita kong tumulo yung luha niya...

"Gusto kong gawin 'yon Sky, at gusto rin kitang mahalin pero hindi talaga pwede ehh. I'm sorry Sky... Patawarin mo ako." tumakbo siya palayo...

Sinubukan ko siyang habulin pero hindi ko na siya nahabol, gusto ko sanang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Pero...

"ANG TANGA KO TALAGA!" sigaw ko sa sarili ko...

Sana hindi ko na lang sinabi yung nararamdaman ko...

Umuwi na lang ako sa bahay at nahiga... Tinitignan ko lang yung litrato niya...

"Bakit ba hindi tayo pwede, HaveYouSeenThisGirl?" tanong ko sa sarili ko.

"Bakit?" tanong ko...

Bakit nga ba...

Bakit nga ba hindi kmi pwede...

*pok*

H-Huh?! May bumato ba sa bintana ng kwarto... Tumayo ako para tignan pero wala naman, siguro guni-guni ko lang 'yung bumato sa'ken.

Nahiga na lang ulit ako... Iniisip ko pa'rin si HaveYouSeenThisGirl... tsaka yung dahilan kung bakit hindi kami pwede...

Naisip ko na siguro, nag-no si God sa message kong sana maging kaming dalawa ni HaveYouSeenThisGirl... Siguro rin hindi talaga siya ang babaeng para sa'ken... 

Hindi ko rin namalayan pero nakatulog ako... 

"H-Huh?!" matamlay na nagbukas yung mata ko...

"Anong oras na ba?"

Tinignan ko yung orasan, nakalagay 1:43 AM, natawa naman ako sa oras, parang ipinamumuka niya sa'ken ang pagkabasted ko kay HaveYouSeenThisGirl...

Pero speaking of HaveYouSeenThisGirl, asan na pala yung picture niya... Hinanap ko yung kung nasaan yung picture niya  pero wala, kinapkap ko yung bulsa ko pero iba yung nakuha ko, yung letter niya...

"Oo nga pala, 'tong letter na 'to..."

Binuksan ko yung papel, nakalagay...

"Malalaman mo lahat ng katotohanan ng 1:45 AM ng madaling araw mamaya... Pumunta ka lang sa bubungan ng bahay niyo...

                                                                                                                          -HaveYouSeenThisGirl"

Nagulat ako sa nabasa ko... ano naman kaya ang ibig sabihin neto...

Umakyat ako sa bubong at nagulat ako kasi nandoon si....

"Sky..." nakangiti niyang bati sa'ken...

"Mahal na mahal kita Sky, napakathankful ko kasi binigyan ako ni God ng 24 hours para bumalik ulit sa'yo...."

"D-Denny?"

"Oo, ako 'to, humiling ako kay God, na bigyan ako ng 24 hours para makasama kita ulit, at pumayag siya, ang kaso nga lang, hindi mo ako maaalala habang nandito ako sa lupa, hindi mo alam kung sino ako, at hindi ko rin pwedeng sabihin sa'yo na ako talaga 'to..." sabi niya.

"Masaya na ako Sky, kasi binigyan  ako ng chance ni God para makasama ka, and very thankful din ako kasi sa 24 hours na 'yon, nagawa mong iparamdam sa'ken na mahal mo ako... Mahal na mahal kita Sky, I love you so much..." nakangiti niyang sabi pero tumutulo yung luha niya...

"Denny..."

"Sky, sana hindi mo ako makalimutan, mahal na mahal kita..."

After that, I saw Denny having wings and floating above the sky...

"I'll always watch over you, Sky..."

She's my angel...

*KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"H-Huh?!" nagulat akong nagising...

"Panaginip lang ba lahat 'yon?"

Bumangon ako at ang una kong napansin ay yung picture ni Denny, at sa tabi noon may white na feather... 

Napangiti na lang ako...

"Denny, thank you..." nakangiti kong sabi sa sarili ko.

[ FIN ]

Continue Reading

You'll Also Like

87.1K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
2.7M 79.2K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
176K 3.7K 16
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...