Bigyang Pansin by aira_irish

364 5 3
                                    

ENTRY NO. 10 (Click the external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook)

Synopsis:

Naranasan mo na ba magkagusto sa isang tao? Gusto mong lapitan siya ngunit pinangunahan ka ng kaba? Kapag lumalapit na sayo iyong tao ay hindi ka man lang makapag salita, o natataranta ka na.

Kung saan nagkaroon ka ng lakas ng loob ay saka naman pinagkaitan ng pagkakataon. Nakakaasar ano?

Hindi ka pa rin sumuko dahil naniniwala ka na mapapansin ka din niya. Ang tanong naman ay hanggang kailan ka aasa?

Meron namang pagkakataon naiinis ka sa kanya dahil may kasama siyang iba. Alam niyo ang pakiramdam na bad trip ka ng wala sa oras. Lahat ng papansin mo sa kanya ay wa epek sa kanya iyon ang masakit.

 Nawawala iyong pagkainis mo sa kanya pag nginitian ka lang niya. Minsan naiisip mo din para kang uto-uto? Kahit ang simpleng bagay na nagagawa niya sayo ay napaka espesyal na sayo.

Naranasan niyo na ba ang ganung pakiramdam? Itaas niyo ang kuko sa paa niyo! Biro lang. Alam ko 80% sa atin ang nakaranas na magkaroon ng minamahal, di ba? Kung kayo ang iilan sa mga taong hindi pa nakakaranas nagkagusto o humanga sa isang tao. Naku, iwan ko na lang sa inyo.

May tanong ako sa inyo. Saang planeta kayong nang galing? Biro lang din ulit. Ahahaha

Ito ang kwento ni  Arabella isang pangkaraniwan na estudyante sa kanilang paaralan. Mapapansin din kaya siya ng taong gusto niya? o hanggang nakaw tingin na lang siya sa prince charming niya.

Kasalukuyang nasa locker ako habang nilalagay ko ang mga ibang gamit ko. Sobrang buo na ang araw ko kapag nasisilayan ko ang maamo at gwapong mukha ni Adriel.  Matagal na akong may gusto kay Adriel sophomore pa lang ako noon at siya naman ay junior naman noong panahon na iyon.

Naglalaro sila ng basketball nang hindi niyang sinasadyang tamaan ako ng bola sa mukha. Sa lakas ng impact ay dumugo ang ilong ko. Medyo nahilo nga ako sa lakas ng tama ng bola sa akin hindi ko inaasahan na bigla na lang niya akong kinarga at dinala sa clinic. Humingi siya ng tawad sa akin pagkatapos mangyari iyon.

Sa halip na magalit ako sa kanya sa aksidenteng nangyari ay humanga ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na may makikilala akong lalaki na tulad niya mabait, gentleman,matalino at higit sa lahat ay gwapo. Simula noon ay naging crush ko na si Adriel.

Sa tuwing magkasalubong kami ay binabati at nginingitian niya ako. Napapatulala ako lagi pag nagkasalubong kami hindi ko kasi alam kung paano siya kausapin inuunahan ako ng hiya at kaba. Naiinis nga ako sa sarili ko sa inaasal ko.

“Ara, ang aga-aga  nakatunganga ka naman kay Adriel.” Sabi ng kaibigan kong si Felicity.

Napabuntong hininga ako. Si Felicity ang matalik kong kaibigan simula pagkabata at siya lang nakakaalam ng pagkagusto ko kay Adriel. Kung minsan ay naririndi na ang tainga niya dahil puro na lang si Adriel ang kinukwento ko sa kanya. I can’t help it! Si Adriel lang nakakapagpasaya sa akin pag nasa school ako. Makita ko lang siya ay ayos na sa akin.

“Felicity, hinaan mo naman ang boses mo.” saway ko sa kanya. “Nakakahiya baka marinig ka niya.”

“ Ara, stop acting like a stalker ni Adriel. Nakakatakot ka alam mo ba yun? sabi sa akin ni Felicity.

Obvious talaga si Felicity hindi siya supportive sa akin pagdating kay Adriel. Ayun sa kanya para akong nag-aaksaya ng oras kay Adriel. Nag-iilusyon na lang daw ako na balang araw ay mapapansin ako ni Adriel. Masakit mang aminin mukhang totoo iyong sinasabi ni Felicity.

Kung talagang may gusto din sa akin si Adriel sana gumawa na siya ng hakbang, di ba? Hanggang sa ngiti at bati lang naman siya sa akin. Sino naman ang magkakagusto sa akin? Hindi naman ako pangit kaya lang hindi talaga ako pansinin kumbaga nakapa plain ko at ordinaryo sa tingin ng marami.

Your One-ShotWhere stories live. Discover now