Onirus by szhan06

288 9 1
                                    

ENTRY NO. 20 (Click po ang external link kung gusto niyong suportahan ang kwentong ito sa Facebook.)

ONIRUS (ANG KWENTO NG DALAWANG SALTIK) BY Szhan06

"Arg! Ang potek namang buhay 'to oh. ” Isapa at talagang matatadyakan na n’ya ang makulit na tao na sumisira sa tulog n’ya.

"G-gising na señorito. U-unang klase n'yo po,”  bakas na ang takot sa boses ng babaing naka-unipormi, na tatlumpong minuto nang nakatayo sa gilid ng kama n’ya.

“ARRGG..alis sabi," marahas s'yang umupo at binalibag ang nahawakan n’yang alarm clock sa side table. “Ayoko nang makita 'yang pagmumukhang ‘yan," sigaw n’ya rito.

Nahintatakutan ang kawawang maid at hindi na napigilang humikbi.

"Pu$a ka..lumayas ka nga," naiirita n'yang sabi habang nakahawak sa magkabilang tainga.

Nataranta naman ang maid at halos madapa sa paglabas ng kwarto n'ya. Kabisado na nila ang tonong ‘yon.

" Tss..panira ng tulog," asar n'yang sabi sabay bagsak sa malambot n'yang kama. Alam naman nilang ayaw na ayaw n’yang nagpapaistorbo ng tulog. Paglabas ng maid ay dumapa ulit s’ya sa kama at pinikit ang mata.

"TANSAN!."  Kasabay ng sigaw ay ang pagbukas ulit ng pinto at niluwa ang isang kagalang-galang na ginang.

“Bumangon ka na! Hindi na tama ang ginagawa mo. Panahon na para putulin ang sungay mong bata ka," maawtoridad n'yang sabi.

“Haaaaaaiiiiss....masyadong maingay” naiinis n’yang sabi pagkatapos ay nagtalukbong ulit s'ya.

.............

Lagi na lang ganito. Sawang-sawa na ako. Mabuti pang mawala na sa mundo.

Napatingin ako sa tubig sa ilalim ng tulay. Maliit lang naman ang tulay na 'to,hindi pa siguro aabot ng sampung metro ang haba. Itong tulay na 'to ang nagdudugtong sa kabilang baryo. Siguro naman may makakahanap ng bangkay ko. Bahala na silang maglibing sa akin. Kung trip nilang ibalot ako sa dyaryo o i-doble dead sa apoy, bahala sila. Labas na ako ro’n dahil patay na nga eh, wala ng alam.  Wala naman akong ibang aasahan dahil wala na akong pamilya. Isa akong busabos at salot sa lipunan.

Humawak na ako sa bakal na gabay ng tulay. Dumadampi rin sa balat ko ang malamig na hangin. Lulunurin ko ang sarili ko hanggang sa......

“Prrrt..." hindi ko pinansin ang sumilbato.

“Anak ng teteng naman oh. Hoy baliw wag kang tumambay d'yan. Pwesto ko 'yan," maangas na sabi ng kararating.

Wala akong naririnig. Gusto ko na talagang tumalon.

“Pu$a naman," tumakbo s’ya papalapit sa akin at pinigilan. “Sabi nang lumayas ka rito. Kung gusto mong lunurin ‘yang sarili mo humanap ka ng ibang tulay," naiirita ang boses n’ya.

“Bitiwan mo nga ako. Pakialam mo sa akin? Bakit sayo ba 'tong lugar na 'to?" mas maangas kong sabi at kumawala sa kanya.

“Tang’na, sumasagot ka pa. Bangasan kita eh," nagpipigil n'yang sabi.

Nilislis ko ang manggas ng damit ko. " Takte..papatulan kita kala mo," sabi ko.

“Ang yabang mo ah," lalong nag-init 'yong lalaki." Pasalamat ka……..Aaahhhh.." sumigaw s'ya bigla. Ang baliw lang n’ya.

"Hoy mamang tanod," duro ko. "Teritoryo namin 'to. Do'n ka magbantay sa lugar n'yo” Nakita ko kasi ang logo ng baranggay nila sa suot niyang chaleko. Tsk.

“Ulol. Sinong tanod?" lalo s'yang nagwala.

“Tss.. Naka-unipormi ka na nga tatanggi ka pa. Hoy manong alis dito. Sa kabila ka romonda.”

Your One-ShotWhere stories live. Discover now